Chereads / Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga / Chapter 7 - Secret Heiress II: Revelations

Chapter 7 - Secret Heiress II: Revelations

Nabuhayan ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Mrs. Clementine. May pag-asa pa na makita ko ang aking ama. Determinado at desidido na ko na magpatuloy sa landas na tatahakin ko.

"Mrs. Clementine, gusto kong matutunan ang kapangyarihan na mayroon ako. Ngunit, siguro po nagtataka kayo kung paano ko nagamit ang kapangyarihan ko, ang totoo po nyan..." Biglang naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita bigla si Mrs. Clementine, "Si Mr. Martin ba?" Nanlaki ang mga mata ko. "Pa-Paano niyo po nalaman na si... Rincewind ang nag-unseal ng spell niyo sa akin?"

"Si Rincewind lang sa Lunaire ang may kakayahan na gumamit ng sealing spells at mag-unseal din nito. Apo ko si Rincewind." Napanganga ako dahil nasorpresa ako sa sinabi ni Mrs. Clementine." Ibig pong sabihin, magpinsan si Loki at Rincewind?"

"Oo, ganoon na nga."

Tinupi ko na lang ang aking bibig sa mga nalaman kong rebelasyon. Kaya pala magkasundo ang dalawa pero, magkaibang-magkaiba ang ugali nila kahit mukhang parehas silang nage-excel pagdating sa academics and magics dito sa Lunaire bilang mga wizards. Pero nakakatuwang isipin, nakilala ko ang magpinsan. Natalimuanan ako ng muling nagsalita si Mrs. Clementine.

"Siya nga pala Mira, malapit ka ng maglabing-walong taon gulang di ba?"

"Opo. Bakit po?"

"Lahat ng wizards and witches pagtunton nila sa edad nilang iyon ay malalaman nila kung sino ang magiging kabiyak nila dahil sanggol pa lamang ay ipinagkakasundo na sila ng kani-kanilang mga magulang sa napupusuan nilang wizard para sa kanilang mga anak, kumbaga, arranged marriage. Maaaring, mayroon ka ng fiance, pero hindi ko alam kung sino dahil hindi ito nabanggit ng iyong ina sa akin."

"Ano po?" Napataas ang boses ko sa pagkagulat. "Te... Teka po, Mrs. Clementine, hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Bata pa ako marami pa akong pangarap. Saka isa pa..." Naputol ang pagpapaliwanag ko at tinawanan lamang ako ni Mrs. Clementine, siguro dahil sa naging reaksiyon ko.

"Hija, hindi naman agad-agad ang kasal, siyempre kailangan niyo munang magkakilala sa isa't-isa. Malalaman mo rin balang araw kung sino siya, dahil siya na rin mismo ang lalapit sa iyo."

Hindi na ako nakatutol sa sinabi ni Mrs. Clementine. Pinagpahinga niya ako dahil alam din niyang napagod ang katawan at ang isip ko. Bago pa man siya lumabas ng kuwarto ay sinabi niya kung anong room number ng girls dormitory ang aking tutuluyan at ang bagay na kailangan kong ilihim.

"Room number 106. Sa dormitory ng mga witches Mira. Si Prof. Beatrix na ang bahalang maghatid sayo mamaya. Huwag mo rin sasabihin sa iba na ikaw ang anak ni Lady Minerva at kung paano ang mga nangyari sayo at kung papaano ka nakarating dito sa academy. Kailangan natin mag-ingat kahit nandito tayo sa loob ng Lunaire." Ngumiti na lamang ako bilang tugon ko sa kaniya.

Iniwan na ako ni Mrs. Clementine sa clinic at marahan niyang sinarhan ang pinto. Pagkalabas niya ay napatingin ako sa kisame ng clinic at napapikit na lamang ako dahil sa mga "unexpected problems and revelations" na na-experience ko today. Napabuga na lamang ako ng hininga.

Hindi pa dumadalaw ang antok sa akin dahil maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Una, nalaman ko na kung ano ang tunay kong pagkatao, pero ang problema, kapag nalaman ito ng buong Lunaire, mag-iiba ang tingin nila sa akin. Malaki ang possibility na puro negative comments ang matatanggap ko, at five percent lang ang mahahakot kong positive comments. Siguro sa porsyento na iyon ay sina Mrs. Clementine. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil isang malaking problema kapag naisiwalat ang sikreto tungkol sa akin. Ayokong malaman ng buong Lunaire lalo na si Loki na anak ako ni Lady Minerva at Willow, na ako ang prinsesa nila. Pangalawa, kung paano ko makokontrol ng tama ang magic ko. Nadama ko ang nag-uumapaw na kapangyarihan sa buong pagkatao ko nang nagpalabas ako ng maliit na magical energy, hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang paglabas nito sa aking mga palad. Pangatlo, ang misteryosong si Rincewind na apo pala ni Mrs. Clementine at pinsan ni Loki. Hindi ko alam kung papaano niya nagawa na i-unseal ang sealing magic ng kaniyang lola na inilagay niya sa akin. Ano ba ang koneksiyon niya sa akin. Pero kahit ang sarili ko, hindi ko maikakaila na parang napapalapit ako kay Rincewind. May kung anong energy force sa katawan ko ang nagsasabing lumapit ako kay Rincewind, na kailangan laging nasa tabi ko ang binata. Hindi kaya, siya ang... Pero hindi, ibang "energy force" ang nararamdaman ng katawan ko kapag malapit siya. Bukod doon, si Loki, noong unang beses kami magkita, may "tingling sensation" akong naramdaman, na parang electric current something. Ayoko ng mag-isip pa.

"Urgh!!!" sabay ginulo-gulo ko ang aking buhok at muling tumingin sa kisame ng silid na tinutuluyan ko. Naguguluhan ako sa sarili ko. Napapalapit ako kay Rincewind pero, iba ang itinitibok ng puso ko. Nag-flash ang mukha ni Loki sa utak ko dahilan para mapangiti ako ng bahagya. Pero ang isa pang problema, paano na kami ni Loki, kapag nalaman niya ang katotohanan. Paano na rin kami kapag nalaman niya na, may gusto ako sa kaniya, una ko pa lamang siya nakita. Baka hindi na kami mag-pansinan dahil ang "awkward" na ng situation kapag nag-usap pa kami. Napabuga na lamang ako ng hininga.

Bukod sa mga problema ko sa sarili ko at sa Lunaire, naiisip ko rin ang aking ama. Kung sumakabilang-buhay na ang aking ina, papaano siya nawala ng parang bula.

"Bakit? Anong dahilan? Paano?" sabi ko sa sarili ko sabay kinuha at yinakap ko ng mahigpit ang malinis at malambot na unan na plain white ang cover pillow. Sa pag-iisip ko ay tumama ang tingin ng mata ko sa aking palad kung saan lumabas ang marka ng isang crescent moon.

"Kailangan kong pag-aralan ng mabuti ang magical powers na mayroon ako, para makasabay ako sa mga Lunaireians, at kay Loki. Pagkatapos ko rito, hahanapin kita, ama."

Unti-unti ay dinalaw na ako ng antok, dahilan upang mapapikit ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog. Mula sa mahimbing na pagtulog ko ay hindi ko inaasahan na may bibisita muli sa akin, sa aking panaginip. That mysterious lady again.