Chereads / My Pet Wolf / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Pauwi na ako Mom. Malapit na ako sa bahay." I rolled my eyes when my mom started with her neverending reminders.

Dad is an engineer abroad. Nang makaipon siya ay nagpasiya siyang kunin kami ni Mom at doon na manirahan sa California kasama niya. But I refused to go there.

I am in my first year in college. I'm already nineteen years old. Tingin ko naman ay dapat ko rin maranasang magpaka independent. Pahirapan pa nga ang pagkumbinsi ko kina Mom at Dad na hayaan akong maiwan dito sa Pilipinas. They want me to go with them but I really want to stay here. Bukod sa nandito ang mga kaibigan ko, nakapasa ako sa dream university ko at ngayon ay doon nga ako nag-aaral. In short, narito ang buhay ko at wala doon sa California.

"Don't worry about me Mom. Kaya ko ang sarili ko. Mag-ingat kayo diyan ni Dad. I love you both." Sabi ko saka nagpaalam nang ibababa na ang tawag.

Sa totoo lang, hindi pa talaga ako pauwi. Narito pa ako sa park kahit gabi na. Ayaw ko pang umuwi. I miss them, my parents.

Siguro sa una lang ito dahil wala pang isang linggo na hindi ko sila kasama sa bahay. The house looks empty without them. Nasanay ako na tuwing umaga ay mukha ni Mom ang bubungad sa akin. Pagkababa ko ay malalanghap ko ang mabangong niluluto niya at pag handa na ang lahat ay kakain kami ng sabay pagkatapos ay tatawag si Dad sa Skype at makikipagkulitan sa amin ni Mom bago ako umalis patungo sa eskwelahan.

Ngayon ay kinailangan ko nang pilitin ang sarili ko na bumangon sa tunog ng alarm clock. Ako rin ang nagluluto ng sarili kong almusal dahil wala naman si Mom para gawin iyon. Habang naghahanda ako sa pagpasok sa eskwelahan ay katawagan ko sila. I miss them. Ang tahimik na sa bahay dahil wala sila.

Dapat na talaga akong bumili ng aso para naman may kasama ako sa bahay.

Speaking of dog. Napalinga-linga ako ng may marinig na daing ng hayop. I think it's a dog. Tumayo ako at nagsimulang maghanap. Hindi nagtagal ay natagpuan ko ang isang malaking aso na nakahiga sa likod ng bench na inuupuan ko.  It's fur was a combination of gray, black, and white. Halos kasing haba niya ang bench na inuupuan ko. It looked like the wolf in Twilight! Napaatras pa ako dahil masyadong malaki ang asong ito. Ngunit kita kong nanghihina ito at may mga sugat. Maingat akong paunti-unting lumapit sa aso.

"Oh poor dog..." Nahahabag na sabi ko. Ang itaas ng mata nito ay may sugat, maging sa ibaba ng bibig nito ay mayroon din. Marami rin siyang sugat sa katawan. I wouldn't be shocked if it has broken bones too.

Mabilis ang paghinga nito at tila ba hinihingal. Agad kong hinablot ang backpack ko at hinalughog iyon. Kinuha ko ang bottled water na naroon. Hindi ko pa iyon masyadong nabawasan dahil hindi talaga ako gaanong umiinom ng tubig, yeah a bad habit. I opened the bottle and cautiously approached the animal. Marahan ko pang hinaplos ang balahibo nito para amuin. Hindi naman ito umangil o ano mang tanda na mananakit ito.

"Eto oh, uminom ka muna." I gently said

Maingat at dahan-dahan kong ibinuhos ang tubig sa nakabukas nitong bibig. The poor dog looked thirsty and hungry. Mabilis niyang naubos ang tubig ko.

"Gutom ka na rin siguro. Dito ka lang ha, kukuha ako ng pagkain mo. Babalikan kita dito."

Wala naman akong dalang pagkain kaya napagpasyahan kong tumayo na at umuwi. May pagkain sa bahay. Babalikan ko na lang ito para pakainin. Isinukbit ko ang bag sa balikat ko at nagsimula nang maglakad palabas ng park.

The park used to be crowded until night. Families used to go on a picnic here.  Couples used to stroll around for some relaxing date. But after a shopping mall has recently opened nearby, wala na masyadong tao rito. Ako na nga lang yata ang madalas na narito. This park is a relaxing nature in the middle of a busy metro. Dito ako tumatambay kapag gusto kong mag-relax at mag-isip, and I do that a lot by the way.

Malapit na ako sa bukana ng park ng mahalata kong may sumusunod sa akin. Mabilis ko itong nilingon at natagpuan ang asong nanghihina na nakatingin sa akin.

"Gusto mong sumama sa bahay ko?" Tanong ko dito kahit alam ko namang hindi iyon makakasagot. Hinayaan ko na lang itong sumama sa akin. Binagalan ko rin ang lakad ko para makasabay ko siya.

Dahil malaki ang aso ay sumasayadang kamay ko dito habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Maliit lang ako at sa tingin ko, kapag pinatayo ko ang asong ito at mas matangkad pa ito sa akin.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Kinuha ko ang susi mula sa bag ko at binuksan ang pinto. Nakapasok na ako sa bahay ay nanatili lamang sa harap ng pintuan ang aso. The dog has some manners, wow...

"Anong ginagawa mo diyan? Come here." Pagkausap ko rito.

Mabagal at iika-ika namang lumapit ang kawawang aso.

Pinahiga ko ito sa ibabaw ng comforter na inilatag ko sa sala na hindi ko na ginagamit. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng pwedeng ipakain sa kaniya.

Nang makahanap ay agad akong bumalik sa kinaroroonan nito. Inilapag ko sa harap nito ang bowl na naglalaman ng pagkain na tira ko pa mula sa almusal ko kaninang umaga. Mabagal itong kumain habang manaka-naka ay tumitingin sa akin. I can't help but notice its eyes. Hindi ko alam pero ang authoritative ng dating ng kaniyang mga mata. Tipong kung isa siyang tao ay magiging sunud-sunuran ka sa kaniya.

Pagkatapos kumain ay pinainom ko na ito. Balak kong paliguan ang aso bago ko gamutin ang kaniyang mga sugat. Wala naman akong ekstrang pera para dalhin ito sa vet at doon ipagamot. Siguro naman ay okay lang na gamitan ko siya ng first aid para sa tao.

The dog was a 'he', that I'm sure of. Habang pinaliliguan ko kasi ito ay nakita kong may male reproductive organ siya. Hindi naman naging problema ang pagpapaligo sa kaniya dahil hindi siya malikot o nagpupumiglas. Nakatingin lang ito sakin habang nanginginig sa lamig.

"Pasensiya ka na ah, sira na kasi yung heater." Sabi ko habang hinahagod ang balahibo niyang basa pa. Pinupunasan ko na siya gamit ang extra towel na nasa banyo.

"Tingin ka ng tingin sa mukha ko, nagagandahan ka yata sakin eh." Baliw na nga yata ako dahil sa pag-iisa ko sa bahay na ito kaya kinakausap ko na ang aso.

Of course the dog wouldn't answer. He just lay his head on my lap. Sa ganoong ayos ay nilapatan ko na ng first aid ang mga sugat niya. Manaka-naka ay napapapitlag ito kapag napapadiin ang bulak sa sugat niya. Agad ko naman iyong iniihipan para maibsan ang hapdi.

Napakalaki ng asong ito. I wonder what his breed is. Siguro bukas ay magsi-search ako ng tungkol sa mga breed ng aso.

The dog fell asleep. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo niya para makaalis ako doon. He's sleeping soundly. Nang makabalik na ako sa kwarto ay saka ko lang naalala ang napakarami kong school work.

Shit!

Nakalimutan ko ng dahil sa asong iyon!

Pero atleast may natulungan akong kawawang hayop.

That night I went cramming to finish all my pending school works. This will be a long night.