His tall and masculine physique gives off an arrogant aura. His menacing eyes and kissable lips were as if he's having fun seeing my reaction. His broad shoulders would make any girl feel secured and safe but it can also look dangerous. Sa tingin pa lang ay mukhang matigas ang muscles nito sa dibdib at abs nito. Bumaba pa ang aking tingin at napalunok ako sa nakita. What a huge thing?!
'Seriously Audrey?! May oras ka pang purihin ang lalaking iyan sa isip mo?!'
Ilang segundo pa akong natulala sa estranghero na naliligo sa banyo ko. Nang mag sink in sa akin ang nangyayari ay doon lang ako napatili.
"Aaah! Sino ka!? Waaaaaaaaaah!" Sigaw ko habang nakatakip ang mga mata ngunit bahagya pa rin namang nakasilip.
I heard the man chuckled and turned the shower off.
"M-Maghihintay ako sa labas!" Natatarantang lumabas ako ng CR at naghanap ng bagay na pwedeng ipangdepensa ko sa aking sarili. That man might hurt me or even kill me! Kung matino at mabait siya, he wouldn't just barge in someone else's house. At sa kaso niya, nakiligo pa siya sa pamamahay ko!
And where the hell is my dog?!
Hindi kaya, pinatay niya ang aso ko?!
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng banyo at iniluwa noon ang lalaking nakatapis lamang ng tuwalya para matakpan ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Water from his hair were trickling down his chest.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa bahay ko? Paano ka nakapasok? Anong ginawa mo sa aso ko?!" Sunod-sunod kong tanong para pagtakpan ang pagkakatulala ko sa kaniya.
"Easy..." He walked towards me and I automatically took a step backwards.
"H-Huwag kang lalapit!" Singhal ko saka itinutok sa kaniya ang frying pan na nahablot ko lang mula sa lababo.
Nagkibit lamang siya ng balikat at humalukipkip.
"Sino ka?" Ulit ko sa tanong ko kanina
"I'm Rafael Callejo." The mention of his name suddenly rings a bell. Hindi ko lang maalala kung saan ko nga ba narinig iyon.
"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko? Pano ka nakapasok? At anong ginawa mo sa aso ko?!" Sunod-sunod ko nanamang tanong dahil gusto ko na ng agarang mga kasagutan.
"Ikaw ang nagpatuloy sa akin dito sa bahay mo, don't you remember how you became a good samaritan to me?" Aniya habang tila aliw na aliw sa pagmamasid sa akin.
"Ha?! Wala akong maalalang nagpatuloy ako ng gwa- este ng lalake rito!"
"I'm the wounded wolf you brought home. You keep on calling me a dog, I'm a wolf."
Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa joke niya o hahambalusin ko siya ng kawali. Sino bang niloloko niya? Baliw yata ang gwapong lalaki na to eh!
"Wala akong panahon para makipagbiruan sayo. Tell me the truth or I'll call the police right now." Pananakot ko kahit nasa sala naman ang cellphone ko.
"I'm telling the truth. It may be hard to believe but that's the truth. I'm the wolf that you thought was a dog and called me Chogiwa. Which is a weird name by the way." He calmly said
"Ulul sinong niloloko mo?!" Di pa rin makapaniwalang singhal ko.
"Want some proof?" Seryoso na siya ngayon.
Dahan-dahan akong tumango.
Umatras siya at lumayo sa akin.
In a split second, he transformed into a wolf, Chogiwa! Ang tuwalya na kanina ay nakapulupot sa bewang niya ay nasa sahig na. Chogi growled and walked towards me.
"W-wag kang lalapit!" Nahihintakutan kong sigaw.
Oh gosh please tell me this is just a weird dream...
The animal turned into a human again. Tamad na tumayo si Rafael habang nakatingin sa akin na para bang sinasabi niyang "see? I told you."
Napatakip muli ako ng mata ng bumaba ang tingin ko sa ibabang bahagi ng katawan niya.
He chuckled and I heard him move.
"Ngayon naniniwala ka na ba?" He asked.
Unti-unti kong tinanggal ang pagkakatakip sa mata ko at tinignan siya. Nakatapis na ulit siya ng tuwalya.
Nahihilong tumango ako at sa nangangatog na tuhod ay bigla na lamang nagdilim ang paningin ko.
Sana panggising ko, panaginip lang ang lahat...
Nagising ako sa loob ng aking kwarto. Agad akong napabalikwas at inilibot ang paningin ko. Halos manlumo ako ng makita ko ang gwapong lalaki na akala ko ay parte lamang ng panaginip ko. Nakaupo ito sa isang bean bag at nakahalukipkip habang mataman akong pinagmamasdan.
"You're awake. Okay ka na ba? Can we talk now without you passing out?" He raised his eyebrow at me.
Hindi ako makapaniwala na siya at si Chogiwa ko ay iisa. Chogi is such a sweet dog, well wolf nga pala. And this man, is such an arrogant jerk!
Tumango ako at nag indian sit.
"Tell me all about it." Sabi ko.
"I am Rafael Callejo—"
"Kaano-ano mo si Professor Gabriel Callejo?!" Nanlalaki ang mga matang putol ko sa sinasabi niya.
"I'm his older brother. So you're his student huh?" Tanong niya at tumango lang ako. Kung ganoon ay siya nga ang nawawalang kuya ni Prof Callejo...
"Before I tell you all about it promise me you won't tell anyone." Aniya
Tumango naman ako. Hindi naman ako madaldal gaya ni Lilah eh.
"Gaya nga ng nasaksihan mo kanina, I'm a werewolf. Yes, we are real. I was on my way to a business meeting when a group of black werewolves in human form attacked me. I didn't want to draw much attention that's why I ran off instead of fighting them. Naabutan nila ako sa isang hindi mataong lugar, nakatakas ako sa kanila at doon kita naabutan sa park. I'm thankful that you brought me home and tended to my wounds. Pinakain mo rin ako at pinaliguan. Thank you for that." He doesn't seem to be the talkative guy. Halatang man of few words siya at napipilitan lamang na magkwento dahil kailangan.
"Bilang pasasalamat, I'll give you money to compensate for the trouble I caused you when you took good care of me when I was injured and in a weak state." Aniya.
"No need for that, may tanong ako.
He just nodded and waited for my question.
"Ilang linggo ka na sa pangangalaga ko. Bakit ngayon ka lang nag ano, ahmm bakit ngayon ka lang nag transform bilang tao?"
"Dahil ngayon ko lang kinayang gawin iyon. I was so weak when you found me kaya nanatili ako sa pagiging lobo."
"Si Professor Gabriel ba, werewolf din?" Tanong ko pa.
He nodded "Oo, it's in our blood." Napasinghap ako sa narinig.
Hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan kahit pa nakita ko na kung paano siya naging wolf at naging tao ulit.
"Eh paano yung mga gumawa sayo nun?"
"I think they're still in the hunt for me. I'm quite surprised that they can't locate me here. Maybe it's because of your scent." Tumayo siya at naglakad-lakad habang pinagmamasdan ang mga litrato na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.
"What about my scent?" Salubong ang kilay na tanong ko.
Bumaling siya sa akin at yumukod. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin. I felt him sniffing my neck.
"Werewolves can smell their fellow werewolves. But I think your sweet scent is overpowering my scent." He said in a dark tone.
"And your sweet scent is seductive too." He added in a darker expression.