"So, how's my brother?" Tanong ni Professor Gabriel Callejo. Narito ako sa faculty office dahil pinatawag niya ako. Madalas niya na itong gawin simula ng malaman niyang nasa poder ko ang nawawala niyang kapatid.
Nalaman niya daw na alam ko kung nasaan si Rafael ng makita niya ang kwintas na suot ko. Yes, the moon necklace that Chogi—I mean Rafael, gave to me. Kinabukasan matapos ipagtapat sa akin ni Rafael ang tungkol sa mala fantasy novel niyang pagkatao at mala action movie niyang pinagdaanan kaya siya napadpad sa parke ay muling sumabay si Prof. Callejo sa pagkain ko ng lunch. He started talking to me casually and later on he asked me about his brother. Nagulat pa nga ako dahil alam niya pala na nasa akin si Rafael. Kaya pala noong nakaraan ay sumabay siya sa amin ni Lilah.
I cleared my throat and started feeding him informations about his brother.
"Naghilom na po yung mga mababaw niyang sugat. Ang natira na lang ay yung malalalim. He eats well. Pero hindi ko alam kung natutulog pa ba siya. Nauuna po kasi akong matulog. Tapos pag gising ko ay gising na gising siya." Kwento ko.
"I've had enough informations about him. Now what I want to know is how is he treating you? I know my brother too well that I'm quite worried he'll annoy you to death." Prof Callejo chuckled and his dimples showed. Iyon siguro ang pinaka pinagkaiba nito sa kapatid niyang si Rafael. Everytime Sir Gabriel smiled or laugh, the intimidating aura that sorrounds him vanishes. Pero kapag ang kapatid nito ang ngumiti at tumawa, he's intimidating and arrogant.
"Well, noong aso pa siya I mean noong akala ko ay normal na aso lang siya, he's sweet and adorable. Pero noong nakakasama ko na siya bilang tao, mapang-asar siya Sir at saka nakaka intimidate siya." I honestly said.
Tumango-tango naman si Sir.
"As much as I want to pay him a visit, hindi ko pa pwedeng gawin iyon dahil may mga nagmamatyag din sa akin, baka matunton pa nila ang kuya dahil sa akin. But I think I'll just get your number and I'll call you so I could talk to him." Kung sa klase ay palagi lamang siyang seryoso at hindi palangiti, ngayon ay madalas siyang ngumiti.
Isinulat ko ang cellphone number ko sa papel na ibinigay niya at nagpaalam nang mauuna na.
Dadaan pa kasi ako sa supermarket para mamili ng groceries at mga pagkaing pinapabili sa akin ni Rafael. Hindi naman ako nag reklamo dahil pera niya naman ang ipambibili ko.
Nagkasundo kasi kami na habang nagpapagaling at nagpapalakas pa siya ay doon muna siya tutuloy sa bahay ko dahil natatabunan daw ng amoy ko ang amoy niya kaya hindi siya nata-track ng mga humahabol sa kaniya. Kapalit ng pagtira niya sa bahay ay nagbayad siya ng malaking halaga bilang renta raw at nagbigay rin siya ng pera para makapamili ako ng groceries. Dahil hindi pa siya pwedeng magpagala-gala sa labas ay si Sir Gabriel ang nagbigay ng pera. Hindi nga ako makapaniwalang isang sulat lang galing kay Rafael ay walang alinlangan na nagbigay sa akin si Professor Callejo ng pera.
Kahit pa naiinis ako sa ugali niya at naiilang ako sa kaniya, it's a win-win situation.
"Sirloin, rack of pork, pork spareribs, tenderloin, Angus beef, blah blah blah. Puro karne ito ah!" Basa ko sa mga isinulat ni Rafael sa papel na ibinigay niya sa akin kanina bago ako pumasok sa eskwelahan.
Hindi ba siya kumakain ng gulay? At ang mamahal ng mga pinapabili niya, huh. Kaya pala sobrang laki ng ibinigay ni Professor!
Mabigat sa loob na inilagay ko sa cart ang lahat ng naroon sa listahan niya. Hindi kasi ako magastos na tao. Kahit pa malaki naman ang allowance ko na galing kay Dad ay hindi ako gumagastos para sa mga luho.
Pagkatapos kong makumpleto ang lahat ng inilista niya ay saka naman ako naglagay ng mga gusto ko. Kadalasan ay mga gulay at basic necessities ang kinuha ko.
Nang marinig ko mula sa cashier ang halaga ng lahat ng pinamili ko ay halos malula ako sa laki niyon. Pero agad ko rin namang binayaran. Ang halaga ng mga binili ko ay wala pa sa kalahati ng perang ibinigay sa akin.
Nagpatulong na lang ako sa isa sa mga empleyado doon na dalhin ang mga pinamili ko sa sakayan ng taxi. Ngunit palabas pa lamang kami habang tulak-tulak ng lalaking empleyado ang cart na naglalaman ng mga paper bag ng pinamili ko ay may matangkad na lalaking agad na lumapit sa akin. He looked at me and I realized it was Rafael. Hapos mapabunghalit ako ng tawa ng makita ko kung anong suot niya.
He's wearing my favorite loose shirt. Kulay pink iyon at may disenyong bunny sa gitna. He's also wearing my biggest pants but it looked small on him. Imagine a tall ang bulky man trying to fit in a petite girls oversized clothing.
He looked at me with his eyebrows furrowed. Pinigil ko naman ang tawa ko. Bumaling siya sa nagtutulak ng cart at sinabi ritong siya na ang bahala sa mga pinamili ko. Walang kahirap-hirap na nailagay ni Rafael ang mga iyon sa compartment ng taxi na pinara ko.
"How did you know that I was there?" Tanong ko sa kaniya ng nasa loob na kami ng taxi.
He leaned closer to me and whispered to my ear.
"Your sweet scent." Aniya
Hindi ko alam kung bakit nagsitayuan ang balahibo ko sa ginawa niyang pagbulong. Tila nahalata niya naman ang uneasiness ko kaya napangisi siya.
"B-Bakit mo nga pala suot yang mga damit ko?" Mahina kong tanong dahil ayaw ko naman siyang ipahiya sa taxi driver.
'Tanga lang Audrey? Malamang wala siyang damit sa bahay mo kaya nagsuot na lang siya ng damit mo na kakasya sa kaniya.' pangbabara ng isang bahagi ng utak ko.
"I have no clothes."
Tumango na lang ako.
"Bukas bibili ako ng mga damit mo. Sabihin mo lang sa akin ang size mo." Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko mula sa bag ko.
Ilalagay ko sa notes ang sizes niya para hindi ko makalimutan.
"Anong size mo ba?" Tanong ko.
"Seven inches when not aroused, almost eight when I'm aroused." Malakas na sagot niya.
Ilang sandali pa akong takang nakatingin sa kaniya kung hindi lang tumawa ang taxi driver at nagsalita.
"Aba hashtag blessed pala si Ser, Ma'am. Naka jackpot ka." Tumatawang anang driver na nginisihan din ni Rafael.
What the fuck?!
"Amazed? Check mo pa, pag-uwi natin." Nakangisi pa ring bulong niya sa tenga ko.
Jusko po!