Chereads / My Pet Wolf / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

"Rafaeeeeeeeel!!!" Gigil na sigaw ko sa lalaking tinatawanan lang ako.

Araw ng Sabado ngayon at wala akong pasok. Maliligo na sana ako ngunit biglang sumunod sa akin si Rafael. Sa bilis ng kilos niya ay nakapasok na siya sa banyo bago ko pa siya mapagsarahan ng pinto.

"Labas!" Muli kong sigaw sa kaniya.

"Why? Dati naman ay hinahayaan mo lang ako na nandito?" He said with an innocent face. Kung hindi ko lang alam na puro kalokohan ang nasa isip niya baka naniwala na akong inosente siya!

"Dati yun! Nung akala ko aso ka lang!" Naiinis na singhal ko. Pansin ko talaga madalas akong naka singhal sa kaniya. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na magagalitin at mabilis mainis. Sa katunayan, mahaba ang pasensiya ko sa mga tao. Kaya nga lang ang isang 'to, sobrang nakaka inis! He gets into my nerves all the time!

Ang pinaka matindi niyang pang-inis sa akin ay kapag inaalala niya yung panahon na naligo ako habang walang kaalam-alam na isa palang manyak na lalake si Chogiwa na nanunuod sa akin!

With all my strength, tinulak-tulak ko siya palabas ng pinto habang pang-asar siyang tumatawa. I immediately locked the door.

Bwisit talaga yung wolf na yun, sipain ko siya sa seven inches niya eh!

Napakurap-kurap ako at inis na ginulo ang aking buhok. Makaligo na nga!

I took my time inside the bathroom. Dala ko na rin doon ang damit na isusuot ko para doon na ako magbibihis. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Rafael na nasa kusina, nagluluto.

Isa siguro sa mga katiting na advantage ng pagtira niya dito sa bahay ay palaging siya ang nagluluto at pang five star hotel ang mga putahe na inihahanda niya. Magta-tatlong linggo na siya sa poder ko at so far, mukhang naaaliw siya sa pang-iinis sa akin.

"Going somewhere?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Rafael ng makita niyang hindi ako naka damit pambahay.

"Magkikita kami ni Professor Callejo." Sagot ko habang humihila ng upuan para makakain na kami.

"What for?" Magkasalubong ang mga kilay na muling tanong niya.

"Duh! Edi syempre para pag-usapan ang update sayo." I rolled my eyes

"Kailangan pang magkita?" Hindi pa rin nawawala ang pagsasalubong ng kilay niya.

"May ibabalita rin daw siya eh at hindi niya pwedeng sabihin sa phone call."

"Yeah, yeah. Sa tagal niyong magkausap kagabi hindi niya pa rin pala nasabi yang balita na yan." Kunot-noo siyang umupo sa kaharap kong upuan at nagsimulang magsandok ng kanin. Una niyang nilagyan ang plato ko pagkatapos ay qng kaniya naman. Para bang may ginawa sa kaniyang masama ang mga kawawang pagkain dahil sa paraan ng pagtingin at pagsandok niya doon.

"Problema mo?" Tanong ko

"Wala. Kumain ka na, sasama ako sayo. It's about time that I talk to my brother." Aniya saka nilagyan ng ulam ang plato ko.

"Hindi ba delikado pa para sayo?"

"Ayaw mo ba kong isama para makapagsolo kayo ng kapatid ko?" Naniningkit na ngayon ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Anong pinagsasabi mo? Oh sige na sumama ka na. Pag ikaw namataan ng mga humahabol sayo ah!" Banta ko dito.

Hindi na siya nagsalita at kalmanteng kumain na lamang.

Pagkatapos kumain ay naligo na siya habang ako naman ay naghintay na lang sa sala. Nabilhan ko na siya ng mga damit. Mabuti na nga lang at nung tinanong ko siya ulit kung anong size niya ay hindi na kabulastugan ang sagot niya sa akin. I bought v-neck shirts, faded jeans, jacket, and even his briefs and boxers! Bumili rin ako ng sapatos niya. Of course all we're paid using his money.

Habang naghihintay na matapos siya sa paliligo ay naisipan kong maglagay ng kaunting kolorete sa mukha. I look pale, halatang subsob ako madalas sa pag-aaral.

Just a swipe of my cherry liptint and some light blush on to put color on my face. Maayos naman ang kilay ko kaya hindi ko na iyon ginalaw pa.

Pagdating ni Rafael ay agad na akong tumayo at kinuha ang sling bag ko. I am wearing my white off-shoulder dress that I don't usually wear. Gusto ko lang maging presentable habang kasama si Professor Callejo. Nakakahiya naman kasi sa pormal at seryoso niyang ayos palagi.

Rafael is wearing a white v-neck shirt and one of his faded jeans. May suot siyang cap at may jacket din.

"Tara na." I said and started walking towards the door ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin. He has that strong presence na kahit hindi siya lumikha ng ingay ay mararamdaman mo siya kapag malapit lang siya sayo.

We walked side by side in silence. Ang parteng ito ng subdivision ay ang parteng kaunti pa lang ang nakabili ng lupa. Ang bahay namin ang nag-iisa doon sa dulo. Ang sumunod na mga lote ay may nagmamay-ari na ngunit hindi pa napapatayuan ng bahay.

Tanging mga puno at mga bakanteng lupa ang madadaanan namin palabas ng subdivision.

"May tanong ako." I said out-of-the blue and kicked a stone.

He just looked at me and waited for my question. Ngayon ko lang na realize na may pagkakapareho rin ang mga ekspresyon at ugali niya kapag si Chogi siya at kapag tao na.

"Do you have a wife or a girlfriend?" Tanong ko

Unti-unting sumungaw ang mapaglarong ngisi niya. Hay nako! Iba nanaman ang pagkakaintindi niya.

"Bakit curious ka? Want to know if you have a chance?" He questioned with a grin.

"Bwisit! Gusto ko lang malaman kasi baka may nakakamiss pala sayo tapos nagtatagal ka pa sa pagtatago." Paliwanag ko.

"I don't have a girlfriend." He said

"Ahh so asawa lang?" Tanong ko muli

"Wala rin."

"Bakit? Tumatanda ka na oh. Ilang taon ka na ba? Dapat may girlfriend ka man lang."

"Twenty-eight."

"Pfft, tanda mo na." I tried making fun of him.

"Age doesn't matter. Even a nine-year gap in our age can't stop me. If I want to have you, I'll have you." Confident niyang sabi.

Natahimik naman ako doon. Damn! He really knows how to shut me up!