Chereads / My Pet Wolf / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Nagising ako ng maramdaman ang paulit-ulit na paglapat ng basa at malambot na bagay sa aking pisngi. Pagmulat ko ay isang napakalaking aso ang bumungad sa akin. Nakalabas ang dila nito na hula ko ay ginamit nito na panggising sa akin.

Agad akong napabalikwas ng bangon.

Great! Nag-uwi nga pala ako ng aso kagabi. And he woke me up! Aww...

Siguro ay nagugutom na ito.

"Good morning! Gutom ka na ba?" Nangingiti kong bati at tanong dito. Marahan kong hinagod ang balahibo nito saka bumaba ng kama. Nakasunod naman ito sa akin kahit pa may kabagalan pa rin dahil nga naman may mga sugat pa ito. Hindi ko rin alam kung may baling buto ba ito. Siguro ay may nag maltrato dito. Napaka walang hiya naman ng gumawa ng ganiyan sa isang napaka gandang aso. Mukha p namang mamahaling breed ito.

Ngayon kasing malinis na ito kumpara sa madumi at madungis na itsura nito kahapon ay maganda na itong tignan lalo. Para itong isang wolf na madalas makikita sa mga pelikula.

Teka...

Hindi kaya, wolf talaga yan?!

Napailing na lang ako, nasosobrahan na yata ako sa kakapanood ng movies. Pano ba naman kasi, ang hot kaya ni Jacob sa Twilight!

Nagtungo ako sa kusina at nagsimula nang maghanap ng pwedeng iluto. Mabuti na lang at mayroon pa namang itlog at ham sa ref.  Nagsangag muna ako ng bahaw na kanin at pagkatapos ay saka ko pinirito ang ham at itlog.

"Wala pa akong pambili ng dog food kaya ito na lang muna nag kainin mo." Baling ko sa aso at inilapag sa sahig ang isang bowl ng sinangag na may pinira-pirasong itlog at ham na nakahalo. Wala pa kasi akong nahahanap na part-time job kaya wala pa akong extra income. Sa ngayon ay umaasa pa rin ako sa allowance na ipinapadala ni Dad.

Tila nakauunawang kumain naman agad iyon. Ako naman ay nagtungo muna sa banyo upang maghilamos ng mukha at magmumog. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kusina para kumain.

Tapos na kaagad siyang kumain kaya binigyan ko na lamang ng tubig. Kumakain na ako ng agahan ko ngunit nakaupo pa rin sa gilid ko ang aso. Nakatingin lamang ito habang ang buntot ay kumakawag.

"Gutom ka pa rin?" Tanong ko at inilabas nito ang kaniyang dila.

"Aba malakas pala kumain ang bago kong housemate. Mabuti na lang at may sobra pa sa niluto ko."

Agad akong nagsandok ng panibagong sinangag at ulam saka iyon pinaghalo at inilapag sa harap nito.

Kung sabagay, sa laki ng asong ito ay malamang na malakas din ito kumain. I guess I should really find a part-time job immediately huh. Kahit naman kasi magpapadala sina Mom para sa mga gastusin ko ay hindi ko pa rin gustong iasa sa kanila ang lahat. I wanted to be independent pero hindi pa rin lubusang mangyayari iyon dahil may sustento pa rin akong matatanggap mula sa mga magulang ko.

I did my usual morning routine and prepared for school. Madalas ay nakasunod sa akin ang aso ngunit minsan ay nakikita ko itong humihiga sa carpet sa sala. Siguro ay bumabawi pa ito ng lakas.

"Bye! Mamaya pagbalik ko, bibigyan kita ng pangalan. Para naman may itatawag ako sayo." Sabi ko sa aso na nakatayo sa pintuan na tila hinahatid ako sa pinto. I patted it's head and closed the door.

Tinakpan ko ang sinag ng araw na dumidirekta sa aking mata. Alas otso y media na. Alas nuebe pa naman ang unang klase ko para sa araw na ito, siguro ay tatambay muna ako sa corridor sa mismong tapat ng classroom.

Naupo ako sa sahig habang kinukuha ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko. Binuksan ko iyon at agad na kumonekta sa free wifi ng university. Pinindot ko ang search engine.

Hahanapin ko sa internet ang mga breed ng aso na malapit at kahawig ng aso na natagpuan ko.

May mga nakita akong kahawig ng aso ko ngunit hindi talaga ganoon kung tititigang mabuti. Out of curiosity, I typed "wolf" and saw different photos of wolves.

Kung ikukumpara, mas malapit sa itsura ng isang wolf ang itsura ng aso ko. Kaya nga lang ay mas malaki pa yata ang aso ko. Kung wolf man ang inaalagaan ko ngayon, he seemed harmless to me.

Hanggang sa oras na ng first subject ay iyon ang iniisip ko. May naisip na nga rin akong pangalan para sa kaniya. I can't wait to go home and tell him the name that I want to call him.

"Why? Ito ang unang gimmick natin as a college student tapos hindi ka pa sasama? Audrey namaaaan." Eksaheradong angal ng kaibigan kong si Kurt. Ang mga kilay niyang ipinaayos niya pa sa salon ay magkasalubong na ngayon. Nung unang beses kong nakita ang pagkakaayos sa kilay niya ay humanga ako sa  gumawa noon, it doesn't look like it was modified. Nagmukha itong natural na maganda ang hugis. He's a closet gay. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng tungkol sa sexual preference niya. You can't blame him if he wants to keep it as a secret. Marami ang manghihinayang sa gandang lalake niya. At isa pa, nagmula siya sa pamilya ng mga sundalo at pulis. So I think that explains why he's keeping it a secret.

"Look, mas marami kasing bagay na dapat unahin kaysa sa pagpunta sa bar gaya ng sinasabi mo. I'd rather stay at home and get some rest during the weekends, yun na nga lang ang araw na makakapag pahinga ako eh." Sabi ko saka walang paalam na uminom sa lemonade niya.

"Hay nako manang! You're missing the fun!" Anito.

"Staying at home and sleeping all day is more fun babe." Nakangising saad ko at itinirik niya naman ang mata at umaktong kinikilabutan.

"Kadiri ka talaga! Babe ka diyan!" Maarteng anito saka nagpalinga-linga dahil baka may makarinig sa amin.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench sa open field dahil dito kami madalas kumain ng lunch. May malaking puno naman na nagbibigay sa amin ng lilim at sariwang hangin kaya paborito naming spot ito.

"Sus! Pero kapag kaharap natin ang pamilya mo, halos ianunsiyo mo pa na girlfriend mo ko para lang mapagtakpan ang pagiging paminta mo!" Natatawang sabi ko sabay kagat sa burger niya. He doesn't mind me eating his food, ganoon din naman kasi siya. We always buy different food and we'll switch if we want to.

Kurt has been my friend since highschool. Magkaklase kami mula grade 7 hanggang grade 10. Magkaiba lang kami ng kinuhang strand sa senior high pero parehong university pa rin naman. Magkaiba rin kami ng kurso ngayon pero madalas ay kami pa rin ang magkasama. Maybe because I know his secret that's why he sticks with me. He's taking up architecture while I'm taking accounting.

Hinatid ako ni Kurt sa last subject ko. As usual, agaw pansin nanaman kami. Kurt is pretty famous. Gwapo kasi talaga ang kaibigan ko at matalino pa. Kahit sa ibang department siya ay sikat pa rin siya sa department namin.

"Hinatid ka nanaman ng jowa mo?" Tanong sa akin ni Van, kaklase ko na bading. Palagi niya akong tinutukso kay Kurt. Akala ko ba nase-sense ng mga bading kung bading rin ang isang tao? Siguro mahina lang ang radar ni Van?

The class went well. Pagkatapos nga ay nagmamadali pa akong magligpit ng gamit ko. Excited na akong umuwi. Gusto ko nang makita ang aso ko at sabihin sa kaniya kung anong napili kong pangalan.

Sana magustuhan niya ang naisip ko hihi!