Chereads / My Pet Wolf / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

"I'm home!" Wika ko ng mabuksan ko na ang pinto ng bahay. It made a creaking sound like the ones in the horror movies. Wala pang isang buwan mula ng lumipat si Mom sa California, pero parang ang tagal nang napabayaan ng bahay. Maayos at malinis naman ang bahay eh. Kaso iba talaga kapag may ina sa tahanan, nakikita nila lahat ng kailangan ng kumpuni at paglilinis.

Agad na bumungad sa akin ang aso kong nakaabang at kumakawag ang buntot. Lumuhod ako at hinaplos ang ulo nito. Kumpara kahapon ay mas masigla na siya ngayon.

"Hi! You know what? May naisip na akong pangalan para sayo." Masayang balita ko rito.

The dog just looked at me as if it's waiting for my words.

"Since mas mukha kang wolf kesa sa aso. I'll call you 'Chogiwa'." Sabi ko sabay tawa sa sarili kong kalokohan.

I'm a die hard Exo fan. At kahit sinong fan ng Exo(Exo-L) ay maiintindihan kung ano ang kinalaman ng 'Chogiwa' sa wolf.

Well for the sake of non exo-L's, iyon ang unang linya sa kantang 'Wolf' ng Exo. Ang legendary line ni Park Chanyeol.

Tumatawa pa rin ako habang nakatingin lang sa akin si Chogiwa or Chogi for short. Not finding the humor in it. Magugulat ako kung tumawa rin siya, di ba? Kaya mas okay na yang "no-reaction" face niya hahaha!

"Come on, linisin ko ulit ang mga sugat mo." Sabi ko saka kinuha ang first aid kit sa banyo. Naupo ako sa carpeted floor at sinimulan nang linisin muli ang mga sugat niya.

"Alam mo ba, matagal ko nang pangarap na magkaroon ng aso. Ngayon lang ako nagkaroon ng freedom na mag-alaga dahil wala sila mom at dad. I'm happy to have you here, hindi na ako mag-isa." Pagkausap ko kay Chogi.

Umalulong ito at sumiksik sa akin. Napangiti ako sa simpleng gesture nito. Mukha siyang nakakatakot at mabangis pero may pagka feeling close agad ito at malambing.

I was busy caressing his fur when my phone rang. Kinuha ko iyon sa bag ko at sinagot ang tawag.

"Hello?" Hindi naka register ang number ng caller.

"Hello? Is this Audrey Lopez?" Tanong ng pamilyar na boses ng isang lalake mula sa kabilang linya.

"Oo ako nga si Audrey, bakit?"

"Audrey, this is Matt." Pakilala ng nasa kabilang linya na ikinatigil ko.

Matt... My ex.

"Oh Matt, anong kailangan mo?" Tanong ko habang nakasimangot. Matt changed, a lot! I hate him now, really.

"Gusto ko lang sabihin sayo na sana tumigil ka na sa paghabol sa akin. Nakita kita kanina sa open field, you're eating with some Kurt. Sorry Audrey pero kung pinapagselos mo ako, nabigo ka."

Napapantastikuhang napamaang na lang ako sa narinig. What the fuck?!

Ano bang tingin niya? Na ako yung desperadang ex-girlfriend na gagawin ang lahat makuha lang ulit siya? Hell no!

"Ano?! Anong pinagsasabi mo?" Gusto kong matawa. Napaka feelingero naman pala ng kupal kong ex. Akala niya siguro sa kaniya umiikot ang mundo.

"Just stop, okay? I'm sorry about what happened to us. Pero kahit anong gawin mo hindi na ako babalik sayo."

"First of all Matthew, wala akong balak na makipagbalikan sayo. Pangalawa, wag ka ngang feeling! Pangatlo, wag mo na kong tatawagan ulit pucha!" Frustrated kong sabi bago pinatay ang tawag.

"Dito ka muna ha, maliligo lang ako." Baling ko kay Chogiwa na nakatingin lang sa akin. That guy just ruined my mood!

Tumayo na ako at padabog na naglakad patungo sa banyo. Ngunit nakasunod sa akin si Chogi.

"Chogi, bakit ka sumusunod sa akin? Maliligo ako." Tanong ko rito.

Nang makapasok ay agad kong isinara ang pinto ng banyo ngunit maya-maya lang ay narinig ko ang pagkalampag noon at pag alulong ni Chogi.

He obviously wants to enter. Naiiling na binuksan ko na lang ang pinto at hinayaan siyang pumasok. He's a dog anyway, wala namang masama na maligo ako habang narito siya sa loob. But he's too clingy for a pet. Palaging nakasunod at pati sa pagligo ko ay gustong sumama.

Nagsimula na lang akong hubarin ang lahat ng saplot ko. Not minding my dog's presence I stepped under the shower. Ang malamig na tubig na nagmumula sa shower ang umapula sa init ng ulo ko mula sa usapan namin kanina ng kupal kong ex. Bakit nga ba ako nagpapaapekto sa sinabi ng walang kwentang tao?

Inabot ko ang shampoo at itinaktak iyon. Napabuntong hininga ako ng wala nang lumabas doon kaya napilitan akong maglakad patungo sa harap ng sink at abutin ang mataas na kabinet. Nakatingkayad kong pilit inaabot ang shampoo na naroon.

Hays. Ang hirap pag kinapos sa height.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Chogi at para bang gusto niyang umapak ako sa likod niya.

"Silly! Baka mabalian ka!" Natatawang sabi ko saka naghanap na lang ng pwedeng tungtungan. Luckily, mayroon nga palang maliit na bangko doon na gawa sa plastic. Kinuha ko iyon at ginawang tungtungan para maabot ko ang shampoo. Kumuha na rin ako ng shower gel dahil mukhang paubos na rin iyon. Sa sobrang laki kasi ni Chogi ay marami akong nagamit na shower gel kagabi ng paliguan ko siya.

Kahit medyo naiilang ako dahil nakatingin sa akin si Chogi at wala akong kahit anong suot ay nagpatuloy na lang ako sa paliligo. Pakanta-kanta pa ako habang nagsasabon at naghihilod.

Hanggang sa matapos ako at nakapagtapis na ng tuwalya ay nakatingin lamang sa akin ang aso ko. Nakasunod pa rin ito ng lumabas na ako ng banyo at pumanhik sa kwarto ko. Hindi ko na rin siya pinagsaraduhan ng pinto ng kwarto ko dahil talagang gusto niyang laging nakasunod sa akin.

I wore a pink loose shirt that has a bunny printed in the middle and a baggy shorts. My usual attire at home. No bra, no hassle.

"Halika na Chogi, magluluto pa ako ng dinner natin." Untag ko sa aso kong ngayon ay nakahiga sa sahig ng kwarto ko.

Agad naman itong bumangon at bumaba na kami sa kusina. Adobong manok ang ulam namin para sa hapunang iyon.

"I wonder what happened to you. Bakit kaya ang dami mong sugat at nanghihina ka nung nakita kita sa park." Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon at nanonood ako ng TV habang si Chogi ay nakaunan nanaman sa hita ko.

Umalulong siya at hindi naman ako nag-alala na may makarinig sa kaniya dahil wala naman kaming kapitbahay. Ilang kilomentro pa ang layo mula dito ng pinaka malapit na bahay.

"Are you a wolf or a big dog?" Nahihikab kong tanong habang unti-unti nang bumibigat ang aking mga talukap.

"Whatever you are, I'm glad that I found you." Iyon ang natatandaan kong sinabi ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.