"Your not bad yourself. Maganda ka, sexy pa, at matalino rin. Boys are after girls like you. pero bakit hindi ka pa ulit nagkaka boyfriend? Don't tell me, hindi ka pa nakaka move on sa ex mo nung highschool ka?" Lilah—my blockmate and friend asked me when we started talking about her boyfriend.
"Matagal na akong naka move on. It's just that, I'm too busy. I can't afford to commit in a relationship right now." Paliwanag ko. It's true, Matthew and I were long done. Matagal na iyon at naka move on na ako.
"Or maybe, hindi mo pa lang nakikita yung lalaking kahit sobrang busy ka ay gagawa ka ng oras para lang sa kaniya. I know you, sa ganda mong yan malamang mataas din ang standards mo sa lalake!" Palatak nito na ikinatawa ko lang.
"Sira! Hindi ah, busy lang talaga ako."
"Bakit hindi na lang maging kayo nung bestfriend mong si Kurt. Tutal mukha naman kayong mag on. Kulang na lang talaga ay totohanin niyo."
Pinilit kong huwag matawa sa sinabi niya. Kung alam lang niya ang sekreto ni Kurt, hindi niya sasabihin yan.
"Kurt and I are just friends. Hanggang doon lang talaga kami." Sabi ko saka inilapag ang mga librong kinuha ko sa shelf. Nasa library kami ngayon. Wala kasi ang professor namin dahil may kailangan itong asikasuhin. Kaya ngayon ay napagpasyahan naming tumambay muna sa library, ako para magbasa, at si Lilah ay para umidlip.
"Okay so ekis na talaga si Kurt. How about Professor Callejo?" Tanong niya habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay. Tila sinasabi niyang may alam siya na hindi alam ng iba.
"Ano namang kinalaman ni Prof. Callejo?" Tanong ko
"Duh! Kung sa ibang lalake ay halos wala kang interes, nahalata kong kay Prof. C ay natutulala ka pa." Pang-aasar nito.
"Professor Callejo is attractive. Sino ba naman sa mga babaeng estudyante niya ang hindi nagu-gwapuhan sa kaniya? Yes, I appreciate his looks but I'll never think of anything romantic about him. I respect him because he's a great lecturer and that's all." Paliwanag ko.
Professor Gabriel Callejo is a genius. Hindi lang pagdating sa talino. Even his looks is genius! Hindi siya gaanong moreno at hindi rin naman maputi. Tamang-tama ang kulay niya para sa isang kagalang-galang na lalake. His aristocratic nose and deep set hazel eyes gives him that strict and elegant look. His jaw was chiseled to perfection. Ang mga labi niya naman ay manipis at mamula-mula.
Yeah, kabisado ko ang itsura ng gwapo naming professor. Aminado naman ako na madalas tuwing nasa harapan siya ng klase ay nagtatagal talaga ang mga mata ko sa kaniya. He's in his early twenties. Isa siya sa mga pinaka kilalang professor, siya rin ang pinaka bata.
"Hay nako, you're a hopeless case." Lilah rolled her eyes at me.
"Ikaw ang hopeless case. Tuksuhin ba naman ako sa professor natin? Sira ka talaga."
"Pero speaking of Professor Callejo, bali-balitang nawawala daw ang kuya niya. Dahil siguro doon kaya napapadalas na ang pag absent ni Sir." Kwento ni Lilah.
Hindi naman ako interisado sa buhay ng professor namin. Pero nakinig pa rin ako sa mga sumunod na sinabi ni Lilah.
"Ang kuya pa naman ni Prof C ang tagapag-mana ng kompanya ng pamilya nila at pati na rin ang napakalaki nilang hacienda. Huling beses na namataan ang kuya niya sa lobby ng hotel kung saan ito nag check in habang narito sa Manila."
"Saan mo naman nasagap ang mga yan?" Kunot-noo kong tanong.
"Naikwento sa akin ng mama ko. Kilalang-kilala ang pamilya nila sa probinsiya kung saan ako lumaki. At saka nasa news kaya ang tungkol sa pagkawala ni Rafael Callejo. He's all over the news and base on his photos circulating online, he's smoking hot!" Aniya at tila sinisilihan sa mga huli niyang sinabi.
Napailing na lang ako, may mas hot pa ba kay Professor Gabriel Callejo?
Nanahimik na si Lilah ng magsimula na akong magbasa. After reading a few pages, I went to read another book. Lahat ng iyon ay tungkol sa accounting.
Pagkatapos magbasa ay ginising ko na si Lilah para makapunta na kami sa cafeteria. Nagugutom na ako dahil pasado alas kwatro na ng hapon. Hindi ako nakakain kaninang lunch dahil tinapos ko pa ang balance sheet na pinapagawa sa amin ng professor namin sa accounting 101.
"Ngayon ko lang napansin yang kwintas mo. Ang ganda naman niyan!" Puna ni Lilah sa kwintas na suot ko.
Wala sa sariling hinawakan ko ang pendant nitong parang maliit na buwan. I smiled as I remember how I got this necklace.
It was a beautiful sunday morning. Habang nagkakape ako sa front porch ng bahay ay tumatakbong lumapit sa akin si Chogi. May kagat-kagat siyang kwintas na ang pendant ay parang buwan na maliit. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Tila excited naman si Chogi na nagkakakawag ang buntot. Ikinabit ko iyon sa leeg ko. I wonder where he found this. Sa ilang linggong pag-aalaga ko kay Chogi ay naging masigla na ito. Naghilom na rin ang mga sugat kaya hinahayaan ko na itong lumabas at tumakbo-takbo sa malawak na bakuran.
"Ahh bigay ito ng kaibigan ko." Sagot ko na lang kay Lilah.
Maraming bakanteng table kaya hindi na kami nahirapan sa paghahanap ng pwesto matapos naming umorder ng makakain. We were so engrossed with our food and our chitchats that we didn't noticed someone walking towards our table. Kung hindi pa tumikhim ang lalake ay hindi namin ito mapapansin.
Surprised to see Professor Gabriel Callejo standing in front of us, napatayo kami ni Lilah.
"P-Professor Callejo." Bati ko sa kaniya.
"Can I join you guys?" Tanong nito at alanganin naman kaming napatango.
Inilapag ni Professor ang tray niya at naupo na sa harap namin. Umupo na rin kami at nagpatuloy sa pagkain.
Awkward silence filled our table. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang mga pagsulyap ni Prof. Callejo sa gawi ko.
Hanggang sa natapos na kami sa pagkain ay walang umiimik. Mabagal ang pagkain ni Sir kaya hinintay muna namin siyang matapos bago sana kami magpaalam dito na aalis na.
"Are you guys heading home after this?" Tanong niya sa amin.
"Opo Sir, tapos na po ang lahat ng klase namin." Si Lilah na ang sumagot.
Tumango naman si Prof. at muling sumulyap sa akin. Nang matapos siya ay nagpaalam na siyang mauuna na. Doon pa lang kami nakahinga ng maluwag.
"Grabeee! Nakasabay natin sa pagkain ang hot professor ng university." Mahinang tili ng kasama ko.
"Pakiramdam ko hindi ako matutunawan." Komento ko na lang saka naglakad na palabas ng cafeteria at ng university.
Araw-araw akong excited umuwi dahil alam kong naghihintay ang paborito kong alaga, well, nag-iisa lang naman ang alaga ko kaya ganun.
Dahil sa traffic ay madilim na ng makarating ako sa bahay. Inaasahan kong nakaabang na si Chogi pagbukas ko ng pinto ngunit wala ito doon. Agad kong inilapag ang bag ko sa couch at hinanap si Chogi sa kusina maging sa mga kwarto sa second floor. Nang hindi ko siya makita sa taas ay kinakabahan na akong bumaba ng hagdan. Isa na lang ang di ko pa natitignan, sa common bathroom!
Lagaslas ng tubig ang naririnig ko mula sa labas ng banyo. Naliligo si Chogi? Imposible!
Sinubukan kong pihitin ang seradura at bumukas naman iyon. Ng tuluyan ko nang mabuksan ang pinto ay literal na napanganga ako sa nakita...
A naked man standing under the shower...