Chereads / Bulong ng Puso / Chapter 31 - Chapter Thirty

Chapter 31 - Chapter Thirty

"W-what do you mean na na...nakulong si- si Gael?" Pag uulit niya sa tinuran ng babae. Ang kanyang mga paa at kamay ay nanlalamig.

"Hindi ka ba talaga nakabalita kahit kaunti magbuhat ng umalis ka?"

Isang iling ang kanyang naging tugon.

"Gael was sent to prison by Cindy's parents, because of what happened... because of what he did to Cindy. Pero gaano ko man isipin, hindi ko maintindihan kung paanong nagawa ni Gael iyon? Everyone in the campus knew he only had eyes for you, kaya naman ng pagsamantalahan niya si Cin-"

"Pagsamantalahan?!" Gilalas na ulit niya sa sinabi nito, her eyes almost popped out of their sockets.

"Iyon ang sinabi ng mga magulang ni Cindy sa awtoridad"

What? Paano iyong mangyayari? Lalo lamang lumalabo ang pangyayari sa kanyang isip. Gael may be many things pero hindi nito magagawang pagsamantalahan ang isang babae. Gaano man ang pagkasuklam niya rito sa pagta-traidor at pananakit nito sa kanya, this is one thing she won't ever believe!

The memories flashed in her mind. Si Gael at si Cindy, nakatakip ng kumot sa kama ng kaibigan. By the looks of it, walang pamimilit na naganap, malinaw niyang nakita ang mga itong magkayakap, na sa paniniwala niya ay ilang ulit na sigurong ginawa ng mga ito, behind her back while they were both laughing at how blind and stupid she was for not seeing. Isang pamilyar na masigid na sakit ang gumuhit sa kanyang dibdib. Almost instantly ay nag aambang pumatak ang isang luha mula sa kanyang mga mata.

Bumuntong hininga si Marcie. "I'm sorry Louise. All these years, dala ko sa kunsensya ko ang nangyari. Matagal ko nang gustong humingi ng tawad sa'yo. Alam kong mabigat ang nagawa kong pagkakamali, pero umaasa akong mapapatawad mo ako somehow..."

"One thing just doesn't make any sense to me, Marcie..." kunot noong tiningnan niya ito, maagap na pinahid ng daliri ang isang luhang pinipigil  "if... if my dad knew... how come he didn't do anything?" Umiling siya. Something's not adding up, something's not right. "May nabanggit ba siya sa iyo noong sinabi mo sa kanya?"

"Ang natatandaan ko lang he was so grateful to me that he...he gave me a substantial amount for the info" nagyuko ito ng ulo, embarassed "he also told me not to tell anyone that he knew...Louise... I can't say sorry enough. Pwede kong ibalik ang pera - "

"I don't care about the money"

Hindi niya napansin ang paglapit ni Kurt sa kanyang likuran.

"Is everything alright?" Si Kurt.

Nilingon niya ito, she forced a smile "yes"

Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagdating ni Gael kasama si Patty, ang babae ay malambing na naka angkla sa braso nito. Isang ismid ang kanyang ginawa at muling binalingan si Marcie "thank you for telling me the truth, Marcie..."

******

Pagpasok pa lamang ni Gael sa bulwagang iyon ay agad hinanap ng kanyang mga mata si Louise. Damn it! How he wanted to protest nang umalis ito kanina ng bahay kasama si Kurt. He saw how Kurt looked at his wife, but he could not really blame him. Kahit naman sinong lalaki ay hindi maiiwasang tapunan ito ng tingin. She was wearing a dark green cocktail dress, cowl neck iyon and hugged her curves perfectly. Sa tagiliran niyon ay may slit na umabot hanggang sa kalahati ng hita nito, subtly exposing her smooth, perfectly shaped thigh.

Nagtagis ang kanyang mga bagang nang matanawan ang asawa kasama si Kurt, who was standing right behind her, too close for what he would like. Akma niyang lalapitan ito nang pigilan siya ni Patty, isang banayad na iling ang ibinigay nito sa kanya. He gritted his teeth and sighed.

"I swear to God I will kill him if he tries something funny with my wife" he said to her quietly

"Relax, will you?" Sagot ni Patty sa kanya.

Isang buntong hininga ang muli niyang pinakawalan. He must be really crazy para muling tumapak sa SMU. 6 years ago, he was the center of a scandal and this whole damn school feasted on him mercilessly. He was thrown away from this school na hindi man lamang nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag. He was judged by everyone, students and faculty alike, na para bang isa siyang kriminal. Ipinagtaka niya na pinadalhan siya ng mga ito ng imbitasyon para sa homecoming, siguro ay curious ang mga itong makita kung saang basurahan napunta si Gael Aragon.

Ilang mga dati niyang kaklase sa Engineering department ang bumati sa kanya, ganoon din ang ilang mga guro, all of them looked surprised to see him here tonight. Bahagya niyang niluwagan ang suot na tie sa kanyang leeg, he almost feels suffocated in here.

Nakita niya ang muling pagkuha ni Louise ng inumin mula sa isa sa mga waiters, nakaka ilang baso na rin ito and he could see her almost starting to get intoxicated, dahil mas napapa lakas na ang tawa nito. He and Patty sat in front of the makeshift bar, ang mga mata niya ay nanatiling nakatuon kay Louise.

"At this rate, pwede ka ng stalker Gael!" Patty protested, sinundan nito ng tingin ang kinapapakuan ng kanyang mga mata. Hindi niya pinansin ang sinabi nito at sa halip ay tinungga ang natitirang scotch niya sa baso.

"This is so boring!" Patty said, rolling her eyes "let's dance at least? Pleaaasse?" Pagsusumamo nito.

"Go and enjoy Pat, you don't have to sit here with me"

"Look, my dear" bulong ni Patty sa kanyang tenga "she's watching us. Do you want this to work or what?" Malambing na hinimas nito ang braso niya. Gael looked at Louise's direction and caught her looking, agad itong nagbawi ng tingin ng makitang nakatingin siya.

"C'mon Gael" untag ni Patty.

"Okay" pagpapaubaya niya. Pumagitna sila ni Patty sa dance floor, ilang pares din ang naroroon na sumasayaw sa saliw ng malamyos na tugutugin. Patty wrapped her arms around his neck, at nagsimulang umindayog sa saliw ng musika.

"It looks like you haven't lost your charms yet, Mr. Aragon" she teased "judging by the way the women still looks at you" tumawa ito "if they only knew Gael Aragon is such a broken hearted fool all these years"

Hindi na rumehistro sa isip niya ang tinuran ng kasayaw dahil ang buong atensyon niya ay nakatuon sa asawa. She looked tipsy. Nakita niyang hinila nito si Kurt sa dance floor at inihilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Gael wanted to rush to her side at hilahin itong palayo kay Kurt. God damn it! This is torture seeing her with another man! Ikinuyom ni Gael ang kamao.

"I don't think I can do this Pat- " hindi niya natapos ang sinasabi ng biglang sumulpot ang babaeng laman ng isip sa likod ni Patty, pabaltak nitong hinila ang isang braso ng babaeng nakayakap sa kanya.

"Excuse me!" Wika nito, her speech a little slurred.

Shit! She's drunk! Si Kurt ay nasa likod nito, trying to stop her

"Ouch! Ano ba!" Nakasimangot na sagot ni Patty.

"Ano'ng ano ba?!" Pasigaw na sagot ni Louise, bahagyang itinulak si patty "ikaw ang ano ba? Ang landi landi mo ha! Pati asawa ng may asawa, nilalandi mo!"

Namula ang mukha ni Patty, she looked around and saw that there were already quite a few people who noticed what's going on in the middle of the dance floor.

"Louise, you're drunk, c'mon let's go" muling sinubukan ni Kurt na hawakan ito sa balikat at ilayo ngunit iwinaksi nito ang kanyang mga kamay. Muli nitong mabuway na itinulak si Patty palayo kay Gael and pointed at her with her index finger "you... s-stay away from my husband. You understand, you bitch?!" Halos nanlilisik ang mata nito.

Gael reached out for Louise "sweetheart, calm down, you're drunk"

Binalingan siya nito at sa kanyang pagkabigla ay walang ano ano siyang binatak mula sa kuwelyo palapit sa mukha nito "you... you bastard..." mahinang usal nito, unshed tears in her eyes "bastard..."

*******

Nagmulat ng mga mata si Louise. Her head was pounding, nasapo niya ang sentido. Shit! Nalasing siya kagabi. Naparami ang inom niya ng wine in an attempt to make herself not care sa nakikita niya kina Gael at Patty. She couldn't even remember what happened the rest of the night. Ang alam lamang niya ay ang parteng nagkausap sila ni Marcie, ang ilang pagbati at pakikipag kwentuhan sa ilang mga dating kaklase niya. After that, she can barely remember anything.

You... you stay away from my husband! Her pupils dilated nang bahagyang maalaa iyon. Did she say that? Muling pumatok ang kirot sa kanyang ulo, nasapo niyang muli ang sentido.

"Good morning, Mrs. Aragon" si Gael. He came in with a tray of breakfast. Umabot sa ilong ni Louise ang aroma ng kape.

"How did I get here?" She inspected herself at nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong nakasuot siya ng pantulog "si-sino ang nagbihis sa akin?!"

Gael amusely chuckled, inilapag nito ang tray ng pagkain sa tukador "it was me of course"

"What?! Bastos ka talaga!"

Tumawa ito, seeming to enjoy her anger. Sumandal ito malapit sa bintana at ipinag krus ang mga kamay sa dibdib "ano ang nakakagulat doon?" Painosenteng sabi nito "you are my wife after all"

"Kahit na! Wala kang karapatan na... na hubaran ako!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit, her nostrils flared up, tila siya dragon na maaaring magbuga ng apoy! How dare he!

"Louise don't be so childish. Kung hindi kita pinalitan ng damit kagabi ay matutulog kang puno ng suka"

Puno ng suka? What? Hindi naman ito ang kasama niya kagabi pag uwi? As far as she knows, si Kurt ang kasabay niyang umuwi habang si Gael ay kasama si Patty? Muli ang pagkirot ng ulo niya.

Gael walked towards her at may iniabot sa kanyang kamay "have breakfast sweetheart and take this. It should help with your hangover"

Maang niyang tinitigan ang lalaki, her lips parted slightly without her realizing. Narinig niya ang paghugot nito ng hininga. How she wished na maitanong niya rito kung ano ang nangyari, but then again, her ego and pride are keeping her from asking. Bahagya siyang napapitlag ng dampian siya nito ng halik sa noo. He looked at her so tenderly "eat and take your medicine and rest" utos nito "there's somewhere I want to take you to, tonight" anito at lumabas na ng silid.

Gael couldn't help but smile nang maisara na niya ang pintuan sa kanyang likuran. Louise got so drunk last night na hindi nito naaalalang siya ang kasama nito pauwi. After her little moment at the dance floor last night, binuhat niya ito paalis ng bulawagan upang isakay sa kanyang kotse. She kept throwing a fit na parang bata habang daan ngunit imbes na mapahiya siya sa mga nangyayari, tila gustong lumukso ng puso niya sa tuwa, as she kept referring to him as her husband.

"That bastard Gael!" Galit na sabi nito, lasing na lasing ito na hindi matuwid ang mga lumalabas na salita sa labi. They were on their way back to San Nicolas. Nilingon niya ito, her eyes were closed but she was mumbling. Naiiling niyang hinawi ang ilang buhok sa noo nito. She was such a mess! Oh sweetheart!

Maya maya ay narinig niya itong humihikbi, muli niya itong nilingon. Nakapikit pa rin but a tear fell from her eyes "that bastard! I hate him! I despise him! Pero itong lintik na pusong ito..." hinampas nito ng kamay ang tapat ng dibdib "i don't know why this stupid heart keeps fluttering every time I see him! That devil!" Nagmulat ito ng mata at tinignan siya. Ang akala niya ay nakilalala siya nito.

"Siguro ginagayuma ako niyang kaibigan mo, Kurt! Please tell him to stop! Kase..."  suminghot ito at kinagat ang pang ibabang labi "kase... baka itong tangang puso ko, mahalin na naman siya! Ayoko nang masaktan... ayoko na..."

Ihininto ni Gael ang sasakyan sa gilid. Tila pinipiga ang puso niyang makitang umiiyak ito. Her eyes were closed again dahil sa kalasingan, pero nasa pisngi nito ang mga luha. He wiped away those tears with his hand. Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa mga labi "I won't ever hurt you again, sweetheart..." bulong niya "I love you. Mahal na mahal pa rin kita..."