"Louise!" hiyaw sa kanya ni Kurt "come and join us! It's fun!" malapad ang ngiti nito habang kinakawayan siya upang makilaro ng volleyball sa mga ito.
The four of them – she, Gael, Patty and Kurt have been at the beach now for a couple of hours. Kanina kasing umaga ay nagpilit si Patty na magkaroon daw ng mini beach party sa private beach na pag-aari ni Gael, and yes, it was literally at the backyard of their house. Gustong umikot ng mga mata niya ng makitang kuntodo postura ang babae, na para bang kung saang beach ang pupuntahan nila.
"Kayo na lang. ok lang ako dito" she replied and took a sip of her mango shake. Kanina pa siya naroon lamang na nakaupo sa cabana, pinanonood ang tatlong naglalaro ng volleyball. Kanina pa niya hindi maialis ang tingin sa asawa, paano ba naman ay naka shorts lang ito at walang damit pang itaas! Maski yata si machete ay mahihiya sa abs at biceps nito! Kanina pa rin siya naiinis kay Patty dahil halatang halata naman ang palagiang pagdikit nito sa lalaki on purpose, kulang na lang ay sadyain nitong idikit ang dibdib kay Gael. Hmp! Palibhasa ang laki ng hinaharap!
"Hello manang" tukso ni Patty sa kanya ng bumalik ito sa cabana, she grabbed a glass of water at naupo.
"Manang?" pag uulit niya sa sinabi nito, one of her eyebrows raised
Patty laughed tauntingly "tignan mo, nasa beach tayo pero you don't even want to be in your bathing suit. Marami ka bang peklat?" pang iinis pa nito.
C'mon Louise, don't let her get into your nerves! She reminded herself
"I don't care what you think, Patty. Call me old fashioned pero unlike other women, I don't get flattered when men stare at me like they want to eat me alive. At hindi ko rin gustong nakaluwa ang dibdib ko" marahan niya itong sinipat ng tingin, purposely lingering on her chest.
Patuya siyang nginitian nito "don't worry dear, mukhang wala namang luluwa sa'yo eh"
Naningkit ang mga mata ni Louise. Maldita talagang babae ito!
Bago siya nakasagot ay dumating ang dalawang lalaki sa cabana. Mabilis na naupo sa kanyang tabi si Kurt, si Gael ay walang ibang choice kundi maupo sa tabi ni Patty.
"aren't you going to swim?" tanong ni Kurt sa kanya
"oh, let's just leave Louise alone guys. May phobia ata sa bathing suit eh" malditang sabat pa rin ni Patty
"Actually..." she rose and started unbuttoning her blouse " I can go for a swim" she charmingly smiled at tinapunan ng matalas na tingin ang babae. Hinubad niya ang pang ibabaw na blusa at ang suot na shorts. She was wearing a 2-piece bathing suit underneath. It may sound so silly because she lived in the States for 6 years pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na magsuot ng bathing suit. Call her conservative pero hindi lang talaga siya kumportable. Today will be an exception dahil talagang nabu-buwisit na siya sa kamalditahan ng babaeng ito!
Nakita niya ang paghagod ng tingin ng asawa sa kanya, who was seating across from her in the cabana. Dinampot niya ang sheer cover up na dala niya at isinuot iyon. She's feeling so conscious dahil alam niyang hindi humihiwalay ang mga mata ni Gael sa kanya, gayun pa man, she pretended not to notice.
"what are we waiting for then?" si Kurt ulit "let's go for a swim!" mabilis nitong inabot ang kamay niya at hinila siya patungong dagat.
*******
Gael clenched his fist. Sinundan ng tingin ang asawa kasama si Kurt. Lalaki din siya, at hindi kaila sa kanya ang tingin at atensyon ni Kurt kay Louise. Akma siyang tatayo upang sumunod sa mga ito sa tubig ngunit mabilis na pinigilan ni Patty ang braso niya.
"Let them be" anito,
He glared at her "let them be?" hindi makapaniwalang sagot niya "that's my wife there!" kung minsan ay naiinis din siya sa kaibigan. Yes, he asked for her help upang pagselosin si Louise, but she is overdoing it sometimes na maski siya ay naiirita na.
Pinakawalan nito ang braso niya, alam nitong napipikon na siya.
"Tell me Gael, this is all just a marriage of convenience di ba? To fulfill your revenge against the Saavedra's?" nagsindi ito nag sigarilyo at humithit "o baka naman nagbago na ang isip mo?"
Hindi umimik si Gael. Yes, gusto niyang makaganti sa mga Saavedra and that motive has been the driving factor for all his success all these years, pero hindi niya inaasahan ang damdaming muling binuhay ni Louise nang muli niya itong makita.
"listen, Gael" si Patty ulit, halatang balisa ito, muli itong nagbuga ng usok "I agreed to help you and make Louise jealous and fall for you, dahil alam kong you will dump her like a hot potato at the end of your agreement, right? This is all a part of your intricate plot, tama ba?"
Tumayo siya at tiim-bagang itong tinignan "Louise is my wife. Marriage of convenience or not, asawa ko siya, sa mata ng batas at sa mata ng tao" tinalikuran niya ito at nagtungo sa kinaroroonan nina Kurt.
Patty chuckled " you're a fool, Gael. You're a fool"
Napatili si Louise nang sabuyan ni Kurt ng tubig dagat ang kanyang mukha. She wiped the water off her face, nahilam ang kanyang mga mata sa tubig.
"Hey! I will get you for that!" natatawang sigaw niya rito. She tried to go after him pero mabilis itong lumangoy patungo sa mas malalim na parte ng dagat.
Malakas na tumawa si Kurt "try and catch me first!"
She went after him, swimming as fast as she could, nang biglang manigas ang kanang binti niya. She tried kicking under the water, but it was so painful that she grimaced. Oh god! Pinupulikat siya!
She tried waving both her hands habang lulubog-lilitaw siya sa tubig. Nakainom na siya ng konting tubig. She saw Kurt hurriedly swimming back towards her. Sa unti-unti niyang paglubog ay naramdaman niya ang isang pares ng mga braso na sinikmat siya sa baywang. Ang sumunod niyang namalayan ay mahigpit siyang yakap ni Gael at iniahon sa tubig. Kinarga siya nito sa mga bisig nito at maingat na inilapag sa aplaya.
"Are you ok?" Gael frantically asked, naka-dukwang ito sa kanyang harapan, on top of her. Ang mga buhok nito ay tumutulo pa, habol pa rin nito ang hininga.
Inihit ng ubo si Louise at naisuka niya ang tubig na nainom. Si Gael ay hindi malaman ang gagawin at marahang hinilot ang kanyang likuran.
"shit!" pagmumura nito " may masakit ba sayo?" puno nang pag aalalang tanong nito
"...just my legs" inuubo pa ring sagot niya, pointing at her right leg. Marahan itong minasahe ni Gael, trying to get rid of the stiffness. Napaungol si Louise sa sakit.
"ayos ka lang ba Louise?" humahangos na tanong ni Kurt
Isang tango ang kanyang naging tugon.
"I- I'm sorry" usual niya.
"Jesus, sweetheart! Mapapatay mo ako sa takot! Ano ba ang naisipan mo at para kang batang nakikipaglaro? Hindi ka na bata o teenager, Nina Louise" galit na wika nito, at matalim na tinignan si Kurt. Ang lalaki ay nagtaas ng dalawang kamay sa ere bilang pag surrender sa nakikitang galit sa mga mata ni Gael.
Medyo napahiya siya. May katwiran naman ang asawa, ano ba ang kanyang ginagawa? I did it to spite you, you bastard! Paano ay laging parang linta kung makakapit sayo ang babaeng yan at mukhang gusto mo naman!
Sa inis at pagkapahiya ay pinilit niyang bawiin ang binti mula rito "I'm fine! You don't need to do that!" inirapan niya ito. Puntahan mo na ang Patty mo at mukhang kanina ka pa inaantay! Inis na dugtong ng isip niya, sinulyapan si Patty na nasa cabana pa rin.
Pinilit niyang tumayo ngunit napangiwi pa rin siya sa sakit ng binti, muntik na siyang mapaluhod. Mabilis na nakaalalay si Gael sa kanya, ang braso nito ay pumulupot sa kanyang baywang. Napasinghap si Louise, nakadikit ang kanyang balat sa balat ng binata, ramdam niya ang matitipunong dibdib nito.
"kaya ko na!" sinubukan niya itong tabigin ngunit muli siyang napa-ika nang humakbang.
"tsk! Napaka tigas naman kase ng ulo mo!" iritadong bulalas ni Gael. Tinibabalan siya nito ng tuwalya at walang warning na binuhat "we're going home!" maawtoridad na sabi nito.
"Gael ano ba! Kaya ko ng lumakad! Malapit lang naman! Put me down!"
"Shh!" angil nito sa kanya "Pwede bang huwag ka nang makipagtalo kahit ngayon lang?! Kung hindi, I will shut that mouth up the way I know how to!" babala nito. Louise's cheeks turned red, alam niya kung anong pagpapatahimik ang alam nito, agad na sumuot sa isip ang mapupusok na mga halik na iginawad nito sa kanya noon.
"Ano'ng nangyari?" alalang tanong ni Tiyang Amelia ng matanaw sila ni Gael paakyat ng kanilang silid
"Pinulikat ho tiyang" sagot ni Gael at nagpatuloy iakyat siya ng silid.
Pabagsak siyang inilapag nito sa kama, she bounced a bit sa malambot na kutson. He really looked pissed off, bahagyang kinabahan si Louise, lalo na nang marinig niyang ini-lock nito ang pintuan. She tried to get up from the bed as fast as she could pero mas mabilis itong pumaibabaw sa kanya, he was inches away from her, basa pa rin ang buhok nitong nakalaylay sa mukha nito. Damn it! Why do you have to be so damn sexy?! She silently cursed dahil halos pigil ang paghinga niya ngayong muli ay kaylapit nito sa kanya.
"Are you trying to flirt with Kurt?" he asked in a dangerous tone, ang mga titig nito sa kanya ay tila tumatagos sa kanyang kaluluwa.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito "Bakit? Ano'ng pakialam mo?" hamon niya rito.
Gael grabbed her hair from the back and gently pulled it, napatingala siya, mas lalong inilapit nito ang sarili sa kanya. His face was on her neck, not quite touching pero ramdam niya ang hininga nito sa kanyang leeg, he was tracing her neck with his breath, pataas hanggang sa punong tenga niya. His breath sent down a delectable shiver down her spine.
"I thought I told you, sweetheart, that you are mine. At habang kasal ka sa akin, walang ibang lalaki ang pwedeng lumapit sayo? Hmm?" he said seductively, his lips were just an inch away from her neck.
At ikaw pwede lang makipag landian sa Patty na iyon anytime?! Gusto niyang ihiyaw rito ngunit pinigil ang sariling bibig.
Louise closed her eyes. Tumaas bumaba ang dibdib niya sa paghinga. The bastard knows how to tease! Shame on her for actually wanting to feel those lips against her skin! Her heart was beating erratically, tila excited sa kasunod na mangyayari.
He let go of her hair at naramdaman niya ang pag alis nito sa kama. Noon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Nagmulat siya ng mata at nakitang palabas ito ng pinto.
"I will get you some tea para mainitan ang sikmura mo. Magbihis ka na" he commanded and left the room.
Dumapa si Louise sa kama at sinuntok ang unan. Damn you Gael! And damn me because I still want you like crazy!
Matapos ang hapunan ay nagtungo siya sa library upang tignan ang finances ng hacienda. Narinig niyang bumukas ang pintuan at may pumasok.
"Gael please, I already said I'm sorry ok, busy ako at- " nag angat siya ng paningin only to see it wasn't Gael but Patty who came in.
"What do you need?" matabang niyang tanong.
Patty sat on the couch, kumalumbaba ito paharap sa kanyang direksyon "magaling ka rin palang artista, Louise. I underestimated you".
She sighed. Nae-exhaust na siyang kausap ang babaeng ito!
"I don't know what you mean" kalmado pa ring sagot niya.
"oh c'mon! Halata namang gusto mo pa rin si Gael"
"Kung gusto ko man ang ASAWA ko, wala ka na sigurong pakialam doon" she emphasized the word ASAWA.
Patty smirked, isang nakakainsultong tawa ang ginawa nito "asawa huh? huwag mong sabihin sa aking umaasa kang mahal ka pa rin ni Gael?"
Konti na lang... konting konti na lang talaga makakatikim ka na sa akin! gigil na sabi ng tinig sa isip niya
"Wala kang pakialam" mariing sagot niya "sino ka ba sa buhay ni Gael? at saka wala ka na bang balak umalis sa pamamahay na ito? dito ka na ba titira ng pirmi?" mataray na sagot niya.
The bitch rose from her seat at lumapit sa kanya. May inilapag itong isang calling card sa kanyang desk.
"Find out for yourself kung bakit ikaw ang dapat mahiya sa pamamalagi mo dito, Louise"
Louise picked up the business card from the desk nang makaalis si Patty.
The business card read: Cindy Vergara - #8 Liwanag Road, Brgy. Acacia, Sta. Mesa
Napatayo siya sa kinauupuan. Cindy's address. Bigla siyang kinabahan. Ano ba ang malalaman niya mula sa dating kaibigan? What secret is Cindy holding all these years at bakit parang alam ito ni Patty?
Humigpit ang pagkakahawak niya sa card. Whatever that secret is, I guess I will soon find out...