Chereads / Bulong ng Puso / Chapter 37 - Chapter Thirty Six

Chapter 37 - Chapter Thirty Six

"Akala ko ba sa Sabado pa ang uwi mo?" bakit hindi ka man lang tumawag na uuwi ka?"  Gulat na tanong ni yaya Adela nang makita siya sa hacienda ng hapong iyon.

Hinalikan niya ang pisngi nito "biglaan lang po, yaya... ang totoo po ay kailangan ko sana kayong makausap".

Bahagyang gumuhit ang pag alala sa mukha ng matanda "may problema ba hija?"

Umiling siya "wala po, yaya. Tara na po muna sa loob. Si papa?"

"Nakaidlip sa kuwarto niya si Enrique. Halika at magpapahanda ako ng meryenda"  tinawag nito ang isa sa mga katulong at nag-utos upang magpagawa ng juice at sandwich

Tumuloy silang dalawa sa terasa. Tumabi siya sa kinauupuan ng kanyang yaya at hindi malaman kung saan sisimulan ang mga tanong. Magbuhat kasi ng makausap niya si Cindy ay hindi siya matahimik sa mga natuklasan.

"Yaya...do you remember G-Gael...Aragon from 6 years ago?" panimula niya, carefully watching her yaya's expression.

"Iyong nobyo mo noon?" it was more of a statement than a question.

Isang banayad na tango ang naging tugon ni Louise "may...may balita ho ba kayo sa kanya?"

"Ang alam ko lang hija ay napadawit siya sa isang eskandalo noon...balita nga ay naibenta ang mga natitirang ari-arian ng mga Aragon dahil doon"

Lalong tumindi ang pagsakmal ng kaba sa dibdib niya. Ganito ba kabigat ang naging epekto ng kasalanan ng kanyang ama sa mga Aragon?

"A-alam niyo ho ba kung bakit?" usisa niya. Bahagyang naputol ang kanilang pag uusap ng dumating ang katulong upang ilapag ang meriyenda sa lamesitang naroroon.

"Hija... bakit ka ba nag uusisa ngayon ng tungkol sa lalaking iyon? Noon ko pa sinabi sa iyo, kalimutan mo na siya, sinaktan ka at -"

"I need to know the truth, yaya" her voice was full of determination  "6 years ago, I left without knowing the truth, but now... now I need to know" she looked at the old woman, ang mata ay puno ng pakikiusap.

Mahinay na umiling si Yaya Adela "hija, bubuksan mo lamang ang mga sugat na naghilom na... nakalipas na iyon, hindi na mahala-"

"Hindi pa tuluyang naghilom ang mga sugat na iyon, Yaya..." nangilid ang kanyang mga luha "please..." pakiusap niya.

Bumuntong hininga ang matanda "ang alam ko lang, nakulong si Gael dahil sa pangmomolestya sa kaibigan mo"

Tuluyang tumulo ang mga luhang tinitimpi niya. Kung ganoon ay totoo nga ang mga sinabi ni Cindy sa kanya.

"Matapos niyon, umalis ang mga Aragon sa Sta. Martha... wala nang may alam pa kung ano ang nangyari sa kanila... hija, ano ba ang nangyayari? bakit ba gusto mong malaman ang isang bagay na tapos na?"

She wiped her tears, and needed to breathe for a little bit bago nagpatuloy sa pakikipag usap "may alam ho ba kayong dahilan kung bakit galit na galit si Papa kay Gael noon?" until now, it doesn't make sense to her because her father has never been the type who will look down at someone dahil sa estado nito sa buhay.

Naging mailap ang mga mata ng matanda "mabuti pang ang papa mo ang kausapin mo" she rose from her seat ngunit mabilis na nahawakan ni Louise ang kamay nito, natigilan ito sa paglakad.

"Yaya... from when I was young, you have always been like a mom to me... I need your help now, more than ever" she pleaded.

Bumuntong hininga ito at muling naupo "tapos na iyon, Louise. Bakit anak tila gusto mo pang muling saktan ang sarili mo?"

"...because Gael Aragon is...." she swallowed, hindi malaman kung paano itutuloy ang sasabihin "Gael Aragon is... AG Group!"

Nanlaki ang mga mata ng matandang babae sa kanyang tinuran "a-ano ang ibig sabihin niyon hija?"

Tumayo siya sa kinauupuan and uncomfortably walked back and forth, hindi alam kung paano sasabihin sa pangalawang ina ang katotohanan. She took a deep breath and closed her eyes. She has to tell Yaya Adela if she wants to find out the whole truth behind everything.

"I don't really work for AG Group, yaya... I...I married the CEO of AG Group, upang mabawi ang lahat ng mga ari-arian, lalo ang hacienda" there! she said the truth and it felt like a ton of weight has been lifted from her shoulder.

"A-anong sinabi mo?" napatayo si yaya Adela sa kinauupuan at nilapitan siya "ang CEO bang sinasabi mo ay si?" hindi nito maituloy ang sasabihin.

She nodded, hinawakan ang babae sa magkabilang balikat "yaya please, do you know anything kung bakit galit na galit si papa sa mga Aragon?" paano niyang nagawa kay Gael ang mga bagay na iyon? Isang kirot ang kumurot sa kanyang puso sa kaisipan sa lahat ng mga pinagdaanan nito - driven away from town, expelled from school, framed and sent to prison.... her heart bleeds from thinking of the things na nangyari sa binata.

Tila nahahapong napakapit sa sandalan ng upuan si Adela at muling naupo "ano bang klaseng gulo ang napasukan mo hija?" puno ng pag alalang tanong nito.

Ipinaliwanag niya kay yaya Adela ang lahat ng natuklasan mula kay Cindy. Pinilit niyang hindi maging emosyonal habang nagkukuwento pero hindi niya mapigilan ang biglaang pag-guhit ng kirot sa dibdib dahilan upang mapaluha siya. Hindi mapaniwalaan ng kanyang yaya ang lahat ng mga narinig, hindi rin ito makapaniwala na magagawa iyon ni Enrique.

"Ang alam ko lang hija... isang pangyayaring matagal na...binata pa ang papa mo. Pero kahit ano man ang galit niya sa mga Aragon, hindi ko alam na magagawa niya ang ipahamak ang isang inosente..."

Muling nabuhay ang kuryosidad sa katauhan niya. This could be the answers she was looking for! "tung...tungkol ho saan yaya?" she didn't even realize she was holding her breath.

"Noong araw, ang papa mo, ang ina at ama ni Gael ay magkakaibigan" panimula nito. Adela took a deep breath and continued "matindi ang pagmamahal na iniukol ng papa mo para kay Kristina" ang tinutukoy nito ay ang ina ni Gael.

"Ano hong nagyari yaya?"

"Masugid na nanuyo si Enrique sa dalaga, kahit pa alam niyang sa kaibigang si Miguel ito may pagtingin. Dala na rin marahil ng hindi pagsuko ng papa mo sa panliligaw ay dumating ang araw na naging nobya din niya si Kristina..."

"Tapos po?"

"May ilang buwan na naging mag nobyo ang dalawa, kahit pa alam ni Enrique na iba ang mahal nito. Isang araw, nawala na lamang sa Sta. Martha ang dalawa...your father had been the talk of the town. Alam ng buong Sta. Martha kung paano siyang iniwan ni Kristina para kay Miguel....makalipas ang isang taon ay nagbalik ang mga ito, upang humingi ng tawad sa iyong papa....pero hindi sila magawang patawarin ni Enrique... he did everything he can to drive them out of town, dahil ang presensya nila ay paulit ulit na nagapapaalala sa kanyang pagkapahiya dahil sa kataksilan ng mga ito..."

"Kaya ho ba ganoon na lamang ang galit ng papa sa mga Aragon?" she somehow felt pity for her dad, alam niya ang pakiramdam ng mapagtaksilan at maging tampulan ng tsismisan somehow, kahit pa ngayon ay malinaw na sa kanya ang katotohanang hindi siya niloko ni Gael.

"Masyadong nasaktan ang papa mo sa mga pangyayari hija.... na isinumpa niyang hinding hindi maaring makihalo ang Aragon sa kanyang pamilya kailan pa man"

"Well it's too late for that yaya" she replied sa matigas na tono "I am already Mrs. Gael Aragon!"

"A-anong sinabi mo?" anang isang tinig sa di kalayuan.

Sabay silang napalingon ni Adela sa pinanggalingan ng tinig. Namutla siya ng makita ang ama sa di kalayuan.

"Anong sinabi mo, Nina Louise?" pag uulit nito na tila pinangangapusan ng hininga, ang isang kamay ay naitutop sa tapat ng dibdib.

Ilang saglit na hindi nakagalaw si Louise kahit pa nang makita ang unti-unting pagbagsak ng matandang Don sa sahig. Si Adela ay mabilis na tumakbo sa tabi ni Enrique, habang siya ay ni hindi makagalaw sa shock. Ilang mga kasambahay nila ang nagdatingan sa terasa ng marinig ang sigaw ni Adela. It took a few moments bago rumehistro sa kanyang utak ang nangyayari.

"Papa... Papa!!!" hindik na sigaw niya.

*******

"To my only child, Nina Louise Saavedra, I leave the sum of 8 million pesos and the house and lot in San Martin..." patuloy sa pagsasalita ang abogado ngunit halos hindi rumehistro sa isip ni Louise ang mga sinasabi nito. Nanatili ang kanyang paningin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang magagandang halaman sa hardin na ngayon ay nagsisimula ng mamulaklak.

"Nakikinig ka ba, Louise?" tanong ni attorney Vargas.

Napatingin siya sa matandang abogado, her expression still blank "sorry, attorney"

Bumuntong hininga ito "I understand, hija, alam kong sariwa pa ang pagkawala ni Enrique. We can do this some other time if you want"

"No attorney, pwede na nating tapusin ngayon kung ano man ang kailangan tapusin" she inhaled. She needs to get through this, kahit pa nagdadalamhati pa rin siya sa biglaang pagkawala ng ama, alam niyang kailangang maiayos ang kung ano mang mga legalidad na kailangan ayon sa last will and testament nito.

Nagpatuloy ang abugado sa pagbasa ng papel  na hawak nito "sa aking matapat na mayordomang si Adela Dominguez, iniiwan ko ang halagang isang milyong piso"

"Hindi ko kailangan ng pera, hija" tanggi ni yaya Adela "idagdag mo na lamang sa iniwan sa iyo ni Enrique"

"No, yaya. You deserve it" she gently smiled at the old woman at hinawakan ang kamay nito.

"Well, it looks like we're done here" anang abogado, sinamsam nito ang mga papel na nakalapag sa mesa. Bumuntong hininga ito "I'm sorry Louise. maliban sa walong milyon at sa bahay sa San Martin ay wala nang naiwan pa sa mga ari-arian ng papa mo..."

"Alam ko ho iyon, and there's nothing to be sorry about" malungkot siyang ngumiti "hindi ho mahalaga sa akin ang mana, attorney. I'd rather have my father back, if only I could..." her eyes began to tear up. Malalim siyang huminga at pinahid ang mga luha.

Matagal nang nakaalis si attorney Vargas ngunit nanatili lamang si Louise sa opisina ng ama. I'm sorry, Papa... I'm sorry...hindi ko sinasadya... idinukdok niya ang ulo sa desk at tahimik na umiyak.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang maihatid nila sa huling hantungan si Enrique. Dalawang linggo na rin siyang sa hacienda tumigil pansamantala. Laking pasasalamat niya kay Gael sa pagiging maunawain nito sa sitwasyon at sa pagpayag na manatili muna siya roon upang maiayos ang mga naiwan ng ama. Noong una ay nagpilit si Gael na samahan siya sa hacienda, ngunit kanya iyong tinanggihan. Being away from Gael for 2 weeks seems like forever, ang totoo ay miss na miss na niya ito, kaya lamang ay alam niyang kailangan niya itong gawin mag isa. Besides, alam niyang marami rin itong kailangang asikasuhin sa sariling kumpanya, at hindi niya gustong makadagdag pa sa alalahanin nito.

"Louise, may bisita ka" ani yaya Adela na nagpaangat sa kanyang ulo.

She frowned "sino ho, yaya?"

"Hindi ko kilala. Babae."

"Sige ho yaya, papasukin niyo ho" umayos siya sa pagkakaupo at inayos ang sarili.

"Hello, Louise" bati sa kanya ng babae. Naupo ito sa isa sa mga upuang nakaharap sa desk niya "nakikiramay ako sa nangyari".

She wanted to roll her eyes sa narining na kasinseruhan sa boses nito, magaling talaga itong artista.

"Ano ang kailangan mo Patty?" she bluntly asked. Kung nagpunta ito upang makipag away ay hindi niya ito balak patulan.

"I really am sorry about your father, Louise" pag uulit nito. Pinagmasdan ni Louise ang mukha nito and saw no trace of the spiteful Patty she knows.

Louise exhaled "look, Patty, I'm exhausted at wala ako sa mood makipag bangayan so please kung nagpunta ka para-"

"Gusto ko lang makipag usap ng maayos" kalmadong sagot nito

"Tungkol saan?"

"Now that your father is...gone, pwede mo na ring palayin si...Gael" Patty said with pleading eyes.

"You can't tell me what to do, Patty" malamig na tugon niya. Tumayo na siya sa kinauupuan, wala siyang balak sayangin ang oras sa walang kabuluhang usapan.

"Gael will lose everything kapag hindi mo ako pinakinggan" matigas na wika nito, her hands slammed against the desk "please, Louise..."

"Hindi kita naiintindihan, Patty!" galit na sagot niya. Bakit ba hindi pa rin tumitigil ang babaeng ito?

Muli itong naupo at bumuntong hininga  "AG Group is not solely owned by Gael. You know that, right?"

"Of course. A company as big as that would be run by shares from investors as well" she might not be the rich heiress she was before pero hindi siya tanga, alam niya kung paano gumagana ang mga kumpanya at negosyo.

"My father is a major stockholder of AG Group...do you know how I persuaded him to invest in the company kahit noong nagsisimula pa lamang ito and there's no guarantee of success?" Patty paused to fill her lungs with air "I assured my dad that Gael and I will be married when I'm ready. I'm already 27 Louise, my father is expecting Gael and I to be married soon"

"What you promised your father is none of my concern" matabang na sagot niya.

"It concerns Gael"

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Louise "stop beating around the bush and tell me what you mean"

Patty inhaled and closed her eyes, na para bang nahihirapan ito sa susunod na sasabihin. "My father will pull out all of his shares from the company if Gael doesn't marry me" nagmulat ito ng mga mata and looked at her straight in the eye "it will be the end of Gael when that happens, Louise. I'm sure hindi mo hahayaang muling malugmok si Gael gaya ng nangyari noon?"

Tila nanlambot siya sa narinig, disimulado siyang humawak sa upuan upang umamot ng lakas. Ganito ba talaga kalupit ang tadhana sa kanila ni Gael? Were they really not meant to be together?

Tumayo si Patty sa kinauupuan "I hope you'll choose to do the right thing this time, Louise. Kung mahal mo pa rin si Gael, don't let him destroy himself..." inilapag nito ang isang calling card "let me know when you've made up your mind"

Naiwan si Louise na nakatingin sa kawalan, she took a step forward ngunit bigla ang pag ikot ng paligid. Naramdaman niya ang panlalamig ng kamay at paa.

"Gael..." she whishpered his name bago nagdilim ang buong paligid.