"Gael! Ano na ba ang nangyayari sa'yo?! Look at this mess!" Galit na puna ni Patty sa kanya, nanlalaki ang mga mata nitong tinignan ang paligid.
Yes, his place was a huge mess. Halos isang linggo na siyang walang ibang hinahayaang makapasok sa unit niya upang maglinis man lamang. Nagkalat doon ang mga bote ng alak na walang laman.
Hindi niya pinansin ang babae, sa halip ay muling dinala sa labi ang hawak na bote ng scotch at tumungga roon.
Lumapit ito sa kanya at galit na namaywang "ano?! Magkukulong ka na lang ba talaga rito?! Are you throwing your life away?!"
"Leave me alone Patty, pwede ba?" He said, hindi siya nagtaas ng tinig ngunit naroon ang warning sa kanyang boses.
"Alam mong may meeting tayo kay daddy ngayon!" Muling protesta nito, isa isang pinulot ang mga boteng walang laman.
"Hindi ako sumang ayon sa meeting na yan Patty, ikaw na lang ang makipag meeting. I'm sure you can handle the business well".
Laglag ang balikat na tiningnan siya nito "is it because of that bitch kaya ka nagkakaganyan?! That bitch who only wanted your money and left you as soon as she was able to get what she needed from you?!" Halos lumuwa ang mata nito sa galit "that bit-"
Marahas na ibinato ni Gael sa dingding ang hawak na bote, it smashed against the wall. Lumikha iyon ng malakas na ingay na nagpatili kay Patty.
"Stop calling her that!" bulyaw niya.
He rose from his seat at nilapitan ang babae, napaurong ito hanggang sa mapasandal sa dingding. Marahas niyang itinukod ang kamay sa dingding, nakita niya kung paanong nakiraan ang takot sa mga mata nito.
"Don't.call.her.that." He nastily, gritting his teeth sa tinitimping galit.
It took Patty a few seconds bago nakabawi sa pagkabigla. Laking gulat ni Gael nang bigla siyang yakapin nito.
"Please, Gael... just forget about her...nandito naman ako..."
Inalis ni Gael ang pagkakatukod ng mga kamay sa dingding at hinawakan ang mga bisig ng babae upang alisin sa pagkakayakap sa kanya.
"You're asking for the impossible. I cannot forget her" malamig na tugon niya.
He was about to turn away when Patty suddenly grabbed his face and kissed him.
"Pat ano ba?!" Itinulak niya itong palayo "sinabi ko na sa iyo na..." his voice trailed off nang si Louise ang makita niya sa kanyang harapan. Ipinilig niya ang ulo at marahas na ipinikit ang mga mata. He's imagining things. Wala si Louise dito at hindi ito darating, she left him again for the second time. Kanina lamang ay nalaman niya mula sa kanyang tiyahin ang pag alis nito mula sa bahay sa San Nicolas. Wow! wala itong inaksayang oras matapos makuha ang minimithing titulo ng hacienda! Pera lang ba talaga ang nais nito sa kanya?
You know I married you for money, so why are you surprised?
Marahang hinaplos ng dalaga ang leeg niya "kalimutan mo na siya Gael. Don't throw away everything you've worked hard for to achieve...everything you've built, dahil lang sa isang babae...she's not worthy..."
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari..." wala sa loob na sabi niya "we were doing good, ang akala ko mahal pa niya ako... akala ko naramdaman ko na ulit ang pagmamahal niya" ikinuyom niya ang kamao at malakas na sinuntok ang pader. Hindik na inabot ni Patty ang nagdugo niyang kamay.
"You'll get over her, Gael... I will help you get over her... trust me." determinadong saad nito.
Days went by at nilunod niya ang sarili sa trabaho, to distract himself. He misses her so bad that it hurts like hell. Ilang ulit siyang umuwi ng Sta. Martha at tinanaw lamang mula sa malayo ang malaking gate ng hacienda Saavedra. He had to restrain himself upang hindi ito puntahan ng tuluyan at mag makaawang bumalik ito sa kanya. Ilang ulit din niyang pinag isipan na suyuin ito, himuking bumalik sa kanya, pero hindi ba't malinaw nitong sinabi sa kanyang wala itong pagmamahal para sa kanya? Gusto niyang pagtawanan ang sarili sa twist at irony ng mga naganap, hindi ba siya ang may planong paghigantihan ito at ang ama nito kaya't inofferan niya ito ng kasal? sa bandang huli pala ay siya ang napahamak at naiwang talunan.
He was about to start the engine of his car nang makitang lumabas si Louise ng gate kasama ang isang lalaki. Mataas ang lalaki at mukhang may sinabi sa buhay. Kahit sa malayo ay nakita niyang mukhang dayuhan ito. Agad ang pagsiklab ng panibugho sa kanyang pagkatao, lalo pa ng makitang tila nagkakatuwaan ang dalawa at nagtatawanan. Si Louise ay bahagya pang hinampas sa braso ang kausap habang tila nag eenjoy sa kung ano mang sinasabi ng lalaki.
Bago pa niya naawat ang sarili ay mabilis siyang nakababa ng sasakyan at patakbong tinungo ang kinatatayuan ng mga ito. Inundayan niya ng isang malakas ng suntok sa mukha ang amerikanong patumbang napaupo dahil marahil sa lakas ng suntok na dumapo sa mukha nito. Maging si Louise ay hindi inaasahan ang bigla niyang pagsulpot, gilalas itong napatingin sa kanya at agad na nilapitan ang lalaki upang tulungang makatayo.
"Gael ano ba?!" galit na sigaw nito.
"Are you alright?" narinig niyang tanong ni Louise sa lalaking nakapaupo pa rin.
Pinahid ng lalaki ang bibig na dumugo "who the fuck is this guy, Louise?" tumayo ito at matalim ang tinging ibinigay sa kanya.
"I am her fucking husband" sagot niya na akmang muling susuntukin ito.
"Umalis ka na!" tili ni Louise na umiiyak "alis!!!" pagtataboy nito sa kanya.
"Kaya ka ba nakipag hiwalay sa akin? dahil ba sa kanya?!" he couldn't help the bitterness that laced his words.
"Gael umalis ka na..."
He gave out a humourless laugh "so that's why..." isang nanguuyam na tango ang ibinigay niya kay Louise "mas marami ka bang makukuhang pera sa isang to? sabihin mo lang sa akin, magkano ka ba? magkano pa ang kailangan mo? kayang kaya kong bayaran ka, name your price!" walang pakundangan niyang tanong, his whole being is consumed by anger and jealousy.
"Hey back off pal!" sabat ng lalaki "I think she's asking you to leave"
"You shut your fucking mouth!" dinuro niya ito "she's my wife and I can talk to her when I want to-"
"I'm not your wife!" hinawakan ni Louise ang braso ng lalaki na lalong nagpatagis sa mga ngipin niya "you and I...are no longer husband and wife Gael... kelan mo ba iyon matatanggap?"
He laughed like a madman, isang tawang walang kaligayahan, sa halip ay sakit at pait ang naroroon. "I get it. I finally get it" tinalikuran niya ang mga ito at muling nagtungo sa sasakyan. Ilang segundo pa ay pinaharurot niya ang kotse paalis sa lugar na iyon.
*******
Louise let go of the tears she was so bravely holding back sa harap ni Gael kanina, she covered her mouth with her hands.
Shit! ang sakit! ang sakit sakit! Hindi na ba matatapos ang sakit na ito?
"Are you okay Louise?" tanong ni Lloyd.
Lloyd is the owner of the publishing house in San Francisco na kanyang pinagta-trabahuan. Nagbabakasyon ito sa Pilipinas at naisipang dalawin siya. She had no idea na pupunta si Gael at maabutan nitong kasama niya si Lloyd. For the past weeks ay wala namang paramdam si Gael, so why did he come here all of a sudden? and today of all the days for heaven's sake!
"He loves you alright" Lloyd stated "I don't know why you're not together. You're obviously in love with him too"
She shook her head "it's too complicated, Lloyd. Maybe I will get the chance to tell you some other time" she looked at his face "I'm sorry about what happened" hinging paumanhin niya.
"Oh this is nothing" pinahid nitong muli ang labi na bahagya pa ring may dugo "I'll let this one go if you accompany me to charity ball I told you about " biro nito.
She chuckled "when is that again?" kanina ay sinabi nito sa kanya na kailangan nito ng partner para sa charity ball na dadaluhan nito sa Maynila.
"Tuesday next week.... please?" his eyes were pleading.
"Okay, fine" naiiling na sagot niya
"Great! I suppose you need to be in the city the day before, so you get a little time to relax. The party starts at 8:00 PM on Tuesday" tinapik nito ang balikat niya "I'll book you a room at Shangri-la, that's where I'm staying too"
"Sounds like you have it all planned" birong totoo niya
"Well, you know how organized I am!" malapad itong ngumiti at nagpaalam na sa kanya.
Nakaalis na si Lloyd ay nanatili pa rin siyang nakatayo roon. She stared into space, nagbalik sa ala-ala ang anyo ni Gael kanina, galit at sakit ang halo halong nabakas niya sa mukha ng binata. Malungkot niyang tinanaw ang daang tinahak ng sasakyan ni Gael.
I'm sorry, Gael... but this is the only thing I can do to protect you...
*******
Martes, eksaktong alas syete y media ay naroon na si Lloyd sa hotel suite niya upang sunduin siya. Napasipol ito at hinagod siya ng tingin nang pagbuksan niya ito ng pintuan.
"Wow! you look as lovely as ever!" he complimented at iniabot ang kamay upang alalayan siya.
"Thanks for the flattery!" she jokingly rolled her eyes. Ang totoo ay medyo nahirapan siyang mamili ng isusuot para sa event dahil kahit paano ay medyo mas nagkalaman ang dati'y flat niyang tiyan. In the end, she decided on a midnight blue gown na ang disenyo ay disimuladong maikukubli ang bahagyang umbok sa tiyan.
"No, really. You look as lovely as ever. That man is lucky to have you" muli siyang hinagod ng tingin nito, nasa mga mata ang paghanga.
"I don't want to talk about him, ok?"
"Fair enough" Lloyd said "shall we?" iniabot nito ang braso sa kanya. She smiled at marahang iniangkla ang braso sa lalaki.
The charity ball is being being held at the ballroom of the same hotel they were staying. Dalawang lalaking naka suot ng tuxedo ang nakabantay sa entrance upang mag check ng pangalan sa guest list. Matapos mahanap ang pangalan ni Lloyd sa guest list ay magalang silang pinatuloy ng mga ito sa bulwagan.
The ballroom was elegantly decorated, ang mga panauhin ding naroroon ay pawang mga taga alta sociedad. It has been a long time since she last attended an event like this. Growing up from a well-off family, sanay siyang dumalo at makihalubilo sa mga ito. She looked around and froze nang makita si Patty sa hindi kalayuan. She looks like a supermodel in her tight fitting gold sequin gown, ang v-neck plunging neckline ng suot nito ay abot hanggang ilalim ng dibdib.
"Wine?" untag ni Lloyd sa kanya, umabot ito ng isang kopita mula sa isa sa mga waiters na nag iikot.
"N-no, thanks" tanggi niya. Ibinaling niya ang paningin sa iba nang makitang tila napatingin din si Patty sa gawi niya. Bakit ka ba umiiwas? eh ano kung nandito rin si Patty? Ang lagay parang ikaw pa ang may kasalanan? sermon ng utak niya.
"Hey Louise!" wika ng pamilyar na boses. It's Patty.
She turned around and smiled. Ang ngiting ilang ulit niyang pinraktis na gamitin kung muli silang magkaharap ni Gael "oh, hello Patty"
"Glad to see you here. Hindi ko alam na dumadalo ka rin sa mga ganito?"
"Oh, my friend invited me as his plus one" nilingon niya sa Lloyd "by the way, this is Lloyd, a good friend of mine. Lloyd, this is Patty, an acquaintance" pakilala niya.
Nagkamay ang dalawa.
"Well, I'm glad you made it here. I'm so excited to have you hear some biiig news" eksaheradong sabi ng babae. Nasa mga labi ang matamis na ngiti.
Halos mamutla si Louise ng makita ang lalaking palaging laman ng isipan na iniluwa ng pintuan. He looks so dashing in his tuxedo, naka brush up ang buhok nito. Napalunok siya. Okay, Louise, just be calm...act natural... disimulado siyang nagbuga ng hininga. Kung hindi lang siya magmumukhang katawa tawa sa harap ni Patty ay gusto na niyang kumaripas ng takbo palayo ng makitang papalapit ito sa kinatatayuan nila.
Nakaramdam siya ng panibugho ng makitang idinantay ni Gael ang kamay sa likod ni Patty at hinalikan ito sa pisngi. Ni hindi ito tumitingin sa gawi nila ni Lloyd na para bang hindi sila nakikita.
"Sorry I'm late" narinig niyang sabi nito kay Patty bago itinuon ang paningin sa kaniya. Taliwas sa kanyang inaasahan, Gael looked calm and collected, malayo sa Gael na agresibong sinuntok si Lloyd kamakailan lamang.
"Hi Louise" bati nito sa kanya, his tone was flat and his expression blank.
"H-hi" ganting bati niya kahit pa pakiramdam niya ay mag ha-hyperventilate na siya.
Inabot din ni Gael ang kamay kay Lloyd at kinamayan ito.
"It was nice seeing you here" wika ni Patty "and nice meeting you Lloyd" ikinawit nito ang braso kay Gael "mauuna na kami at kailangan kami for the program" .
"Whose charity ball is this?" tanong niya kay Lloyd nang makaalis sina Gael at Patty.
Bago pa nakatugon si Lloyd ay umalingawngaw ang palakpakan sa bulwagan nang lumitaw sa entablado ang isang lalaki. He looks smart and dignified and must be in his mid 60's.
"Thank you everyone for coming here tonight" panimula ng ginoo "on behalf of Esteves Pharmaceuticals, I welcome each of you to our annual charity ball"
Esteves Pharmaceuticals? Halos mapanganga si Louise, this man in front of her must be the father of Patty Esteves.
"Tonight is a very important evening" pagpaptuloy ng matanda "because tonight, I have the honor of announcing a very important news about my family" the old man smiled at the crowd. Ang mga tao ay nagsimulang magbulungan.
"Ladies and gentlemen, It is with a cheerful heart that I formally announce the wedding engagement of my daughter, Ms. Patty Esteves, to one of the most eligible bachelors in the country, Mr. Gael Aragon!" nagpalakpakan ang mga tao. Si Patty ay sinalubong ng ama paakyat ng stage.
Ramdam ni Louise ang gumitaw na pawis sa kanyang noo, her poor heart must be tired from beating this strong and aching at the same time. Maluwang naman ang bulwagan pero pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Hindi na niya hinintay na makita ang pag akyat ni Gael sa entablado, she immediately turned around and bolted for the door, walang pakialam kung pinagtinginan siya ng ilang mga bisitang naroroon. She has to get out of this place!