Chereads / Bulong ng Puso / Chapter 45 - Chapter Forty Four

Chapter 45 - Chapter Forty Four

"Louise...." he looked at his trembling hands tainted with her blood. Sunod sunod na pumatak ang kanyang mga luha, looking at her serene face. Hindi niya masiguro kung saan tinamaan ng bala ang katawan nito. "No...Louise!... no...." mahigpit niya itong niyakap kasabay ng isang panaghoy, yumugyog ang kanyang mga balikat sa pag iyak.

Patty laughed like a witch na nagtagumpay sa nais, ang malutong na halakhak nito ay nag echo sa paligid. Tinutop pa nito ang tiyan sa sobrang pagtawa bago muling dumeretso sa pagkakatayo upang muling iangat ang baril na hawak.

"Mahal kita Gael eh! Kaso niloko mo ako! Pinili mo ang babaeng yan!!!" Muli itong pumalatak "kaya ngayon, mabuti pang mawala ka na lang din kesa mapunta ka pa sa iba! Goodbye Gael!"

Ni hindi rumehistro sa isip ni Gael ang pinagsasabi ni Patty. He might as well die kung wala si Louise... he wouldn't mind dying as well tonight...

He remained on his knees, cradling her in his arms. Hindi gustong gumana ng isip niya, at bukod sa mga luha niya ay wala ring gustong salitang mamutawing mula sa kanyang mga labi.

Louise... sweetheart... 

Isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw. Gael shut his eyes at mahigpit na niyakap ang asawa.

*******

Nagmulat ng mga mata si Louise. Kaybigat ng talukap ng mga iyon. She slowly looked around. Where is she?

Sa nanlalabong isip niya ay bigla ang pagbalik ng ala-ala, she gasped for air, feeling suffocated all of a sudden. Tinanggal niya ang oxygen mask na nakakabit sa kanyang mukha at nagpilit umupo sa kama. She flinched when she felt a sharp pain at her back.

She was shot! Oh God! Her baby! What happened to her baby? 

Bigla ang pagbalot ng panic sa kanyang pagkatao, dinama niya ng kamay ang tiyan. Is her baby still here? Agad ang pagpatak ng mga luha niya. She can't forgive herself kung may nangyaring masama sa kanyang anak. And Gael? Where is Gael?

Her eyes searched the room, it seems like she was alone in that suite. Masakit man ang katawan at makirot ang sugat sa likod ay hinugot niya ang swerong nakakabit sa kanyang kamay. She weakly walked towards the door.

Gael...nasaan ka? Ang huli niyang natatandaan ay nang iharang niya ang sarili sa lalaki upang protektahan ito. She did it without even thinking of what would happen to her or her unborn child. Ang tanging alam niya ay hindi niya makakayang makitang masaktan ang binata.

She turned the knob and pulled the door open. Napahawak siya sa hamba ng pintuan ng maliyo. She took a deep breath and stepped out of the room.

"Sweetheart!" Malakas na tawag ng pamilyar na tinig.

Before she could even turn to look ay mabilis tumakbo si Gael sa kanya, nabitawan nito ang plastic bag na bitbit.

"What are you doing? Bakit ka lumabas?" Puno ng pag alalang tanong nito  "Nurse! Nurse! Call the doctor right away!" Malakas na hiyaw nito sa nurse habang buong ingat siyang inalalayan pabalik ng silid.

"How are you feeling? Ano ang masakit sa iyo?"    

Bago siya makasagot ay dalawang doctor at ilang mga nurse ang pumasok sa silid. Agad siyang chineck ng mga ito at muling isinuot ang suwero sa kanya.

"How's my wife doc?" Tanong ni Gael sa doctor.

"The worst is over, Mr. Aragon" tinapik nito ang balikat ni Gael "her vitals are all fine. We just need to keep an eye on her gunshot wound and make sure it heals properly"

Umupo si Gael sa silyang katabi ng kanyang kama ng makaalis ang mga doktor at nurses. Dinama nito ang kanyang noo at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Nababakas ni Louise ang nakaambang luha sa mga mata ng binata. She can't recall if she's ever seen him cry before.

"You scared the hell out of me, sweetheart" anito at dinala ang kamay niya sa mga labi nito "I thought you're not coming back to me..."

"A-anong nangyari? Gaano na ako katagal sa ospital?"

"4 days. The days felt like eternity habang hinahantay kitang magkamalay...I was so scared sweetheart"

"My baby? How's my baby?" She asked, holding her breath. Tila sinisikil ang kanyang dibdib habang hinihintay ang tugon nito.

She saw the hesitation in Gael's face. He opened his mouth only to close it again. Isinuklay nito ang mga daliri sa buhok at umilap ang mga mata sa kanya.

Lalong sumidhi ang kabang nararamdaman ni Louise. Did something happen to her child?

"G-Gael?... ang... ang anak natin?" Pag uulit niya sa tanong kahit pa nahihinuha na niya ang sagot na kinakatakutan niyang marinig.

"Sweetheart..." tila nahihirapan itong tumingin sa kanya. Nasa mga mata nito ang luha.

"Tell me... our child?" Aniya, her tears flowed like the river. She grasped her chest. Tila hindi siya makahinga.

"Please sweetheart... mas makabubuting magpahinga ka mu-"

"Ang anak ko! Tell me!" Humahagulgol na putol niya sa sinasabi nito.

"I...I'm sorry, sweetheart... we...we lost the baby..."

No...no... hindi ito totoo...

Itinitop ni Louise ang mga kamay sa bibig upang pigilang ang pagkawala ng isang malakas na palahaw sa kanyang lalamunan.

Agad siyang niyakap ni Gael sa dibdib nito.

"I'm sorry sweetheart... it's all my fault... I'm sorry"

"No!!! Anak!!!!" Halos hindi na siya makahinga sa pag iyak "No!!!" Dinama niya ang tiyan. She can't believe her child is no longer there, and she can't believe how painful it is to lose someone she hasn't even met yet.

"Louise... calm down sweetheart..." nanlaki ang mga mata ni Gael ng makita ang pagdurugo ng sugat sa likod ni Louise. Mabilis nitong pinindot ang teleponong naka konekta sa nurse's station.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang nurses ang doktor na mabilis may itinurok sa kanyang suwero. Ilang sandali pa ay muling bumigat ang talukap ng kanyang mga mata bago muli'y dahan dahan siyang nahulog sa kawalan...

*******

Matamang tinitigan ni Gael ang asawang payapang natutulog, dala ng mga gamot na ibigay ng mga doktor nito. She was in a hysteria earlier when she found out that they lost the baby. Malakas na buntong hininga ang ginawa niya at halos naisabunot ang mga kamay sa buhok. He feels so powerless! Ni wala siyang magawa ngayon para ibsan man lamang ng kaunti ang pagdurusang nadarama nito.

You are the biggest idiot on earth Gael!  Bulong ng tinig na iyon sa kanyang utak.

"Arrgghhh!" Sinuntok niya ng kamao ang pader. He sharply inhaled and exhaled, ilang patak ng sariling luha ang nahulog sa sahig sa kanyang pagkakayuko. He was equally hurt sa pagkawala ng kanilang anak, ngunit doble pa ang sakit na kanyang dinadala na makita sa ganitong kundisyon ngayon si Louise, and worst, he cannot do anything to help her ease the pain.

How did it end to this? Paano niyang nagawang saktan ang kaisa isang babaeng minamahal? 

Shit! You truly are the biggest fool! You brought her the greatest suffering! You don't deserve her!  Marahas niyang ipinilig ang ulo as if to silence those voices in his head.

Muling nagbalik ang alala- ala ng traumatikong gabing iyon. For the past few nights ay tila isang eksena sa pelikulang na re-rewind iyon sa kanyang panaginip, and he always found himself waking up in the middle of the night panting and sweating...

*******

...isang malakas na putok ng baril ang muling pumailanlang. He didn't move from kneeling and cradling Louise in his arms, if Louise is gone, ano pa ang dahilan niya para mabuhay?

Ilang unipormadong kalalakihan ang nagmamadaling lumapit sa kanilang kinaroroonan, kasunod ang mga paramedics.

Gael looked at them with a shocked and blank expression on his face "my...wife...she's been shot...please help her" tila isang gagong nawala na rin yata siya sa katinuan kaya't hindi nagawang makapagsalita ng maayos. 

Muling bumalik sa huwisyo ang kanyang utak ng makitang isinakay sa strecher ng paramedic si Louise upang isugod sa ospital. From the corner of his eye ay nakita niyan may tama rin ng bala si Patty, ang kaninang putok ng baril ay mula sa mga awtoridad. The paramedics picked her up as well at isinakay sa isa pang ambulansya.

Si Louise ay agad na ipinasok sa operating room pagdating ng pagamutan, kung saan ito inoperahan upang alisin ang balang tinamo nito. He waited outside the operating room for some agonizing hours, habang hinihintay ang paglabas ng mga doktor.

Hindi na niya mabilang ang mga minuto at oras na lumipas hanggang sa lumabas ang doktor mula sa loob ng operating room. Agad siyang tumayo at nilapitan ito.

"Doc! Kumusta ho ang asawa ko?" Pigil hiningang tanong niya.

Hinubad muna ng matandang doktor ang suot na mask sa mukha at ulo nito bago sumagot.

"Successful ang operasyon ng asawa mo, Mr. Aragon...however..."

"Bakit doc? Ano hong nangyari?"

"We couldn't save the child she was carrying. I'm sorry" the doctor looked at him with a face full of sympathy at mahina siyang tinapik sa balikat bago lumakad palayo. Gael stood there frozen, his heart was gripped by pain ngunit hindi gustong lumuha ng kanyang mga mata, para bang natuyo na yata ang mga iyon.

Laglag ang balikat na muli siyang bumalik sa kinauupuan at idinukdok ang ulo sa mga kamay. Why are these things happening to him? To them? Just when he thought he will be able to finally be happy with the woman he loves, matapos malaman ang tunay na damdamin nito para sa kanya. What will this mean for them?

He's wasn't sure how long he was sitting there nang bumukas ang recovery room at ilabas dala ng higaang de gulong si Louise. Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan upang tignan ang asawa. Hindi pa rin ito nagkakamalay mula sa operasyon. Bukas ay nakalaan niya itong i-transfer sa pinaka mahusay na ospital sa Maynila. He's already made arrangements to airlift her to the city.

Nang gabing iyon ay dumating si Yaya Adela at ang kanyang tiyang Amelia. He stood in a corner of the room, watching as both women cried. He's never felt more useless in his life! Wala siyang nagawa upang protektahan ang asawa, wala rin siyang nagawa upang iligtas ang anak nila. He clenched his fists at mabibigat ang hakbang na lumabas ng silid.

*******

Matuling lumipas ang mga araw at nailabas na si Louise mula sa ospital. It was like torture for Gael to see Louise live like a lifeless zombie day by day. Madalas itong nakatingin sa malayo at umiiyak. Sa bawat pagpatak ng luha nito ay siniguro ng binatang naroon siya, sharing all the pain with her. Kung maari lamang niyang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman ni Louise ay ginawa na niya, subalit ang tangi niyang magagawa ay subukang muli itong pangitiin. Gone was the Louise he knew from when he was 22, ang dating palaban at puno ng buhay na asawa ay tila isang buhay na patay ngayon sa piling niya.

He poured another glass of scotch at nilagok iyon. Damn it! It was all his damn fault! Araw araw ay sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari. He will not give up on Louise! It doesn't matter how long, but he will try every single day to bring her back!

He heard the door open but he didn't look. Muling nagsalin ng alak at ininom iyon. Natigilan siya ng marinig ang tinig ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang pagsunod nito sa kanya sa study room.

"Gael" anito. Naupo ito sa isa sofa, ang mga mata ay tumuon sa labas ng bintana kung saan rin siya nakatanaw. It was dusk, ang paligid ay mamula mula ang kulay dala ng papalubog na araw.

Inilapag niya ang basong hawak sa lamesita sa harap nito at naupo sa tabi ng asawa. He wrapped his arms around her and gently pulled her closer to him.

"Want to watch a movie together later sweetheart? Pinilit niyang pasiglahin ang tinig.

Marahang kumawala ito mula sa kanyang pagkakayap. He could sense her uneasiness. Nilaro laro nito ang laylahan ng blusang suot.

"Alam mong mahal kita Gael" panimula nito.

"And you know I love you more than anything, sweetheart" masuyong sagot niya.

"I love you so much Gael...but we're broken" sinalubong nito ang kanyang mga mata "we're so broken..." she said, her voice breaking into a soft sob. Naglandas ang luha sa mga pisngi nito.

He wiped the tears off her face with the back of his hand "we will go through this together... you'll see. Together we can-"

Isang iling ang pumigil sa kanyang mga nais sabihin. Mapait na ngumiti si Louise " I need to heal, Gael..." anito sa kabila ng pag iyak.

"Yes, Louise. And I will help you. We will do this. Pangako ko sa iyong-"

"No, Gael" she paused "I need to do this... alone..." binigyang diin nito ang huling katagang binitiwan.

Hindi makapiwala si Gael sa narinig. What is Louise saying right now?"

"Sweetheart...hindi ko maintindihan..."

"I'm leaving, Gael" she bit her lower lip, tanda ng pagpipigil nito sa pag iyak "I need to find myself...I need to be whole again"

Gael froze. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Maaari ba niya itong pigilan gayong siya ang dahilan ng pagdurusa nito? Does he deserve to be forgiven?