Halos paliparin ni Gael ang sasakyan marating lamang agad ang address na itinuro ni Yaya Adela sa kanya sa San Martin. Pinindot niya ang built-in phone function ng dalang sports car at i-dinial ang number ni Kurt.
"Hello?" Sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Where the fuck is my wife?!" Galit na bungad niya rito. Nagtatagis ang mga ngipin na napahigpit lalo ang hawak niya sa manibela. This could be Kurt's neck, pag nagkataon, mapipilipit niya talaga ang leeg ng lalaki.
"Whoa man! What do you mean?"
"You son of a bitch! Don't you play dumb with me! You met with her earlier and now she's missing! I swear to God, if you ever lay a fucking finger on her-"
"Hold on... I didn't meet with Louise pare"
"Tang ina! talaga bang tatarantaduhin mo ako?!" Bulyaw niya "nasaan ka?!"
"Sandali lang pare, kumalma ka sandali. Totoong nakipag arrange ako ng meeting with Louise, but the truth is, it's actually for Patty"
Lalong pinanlamigan ng katawan si Gael sa narinig. Patty. Shit! Louise could be in real danger.
"Hello? Andiyan ka pa ba pare?"
"Are you out of your mind to do that?!"
"Well, Pat said she really wants to have a look at the property but Louise wasn't open to meeting her... galit pa raw yata sa kanya?" Narinig niyang bumuntong hininga ito "bro, nag o-overreact ka lang siguro, ano naman ang mangyayaring masam-"
"Patty has a history of mental illness!" Bulalas niya. Fear gripped his being just thinking about what Patty could do kung sakaling bumalik na pala ang sakit sa pag iisip nito.
When they were 16, Patty was diagnosed with a psychological illness na naging dahilan upang dalhin ito ng mga magulang sa Amerika. What the illness was has never been discussed openly, ang alam lang niya ay nagkakaroon ito ng violent mood swings na noong una ay inakala niyang dala lamang talaga ng pagiging topakin ng babae. They remained good friends over the years through email and phone calls dala na rin ng matinding pakiusap ng mga magulang ni Patty. Makatutulong raw ito sa treatment ng dalaga, bagaman sinabi ng mga ito sa kanyang hindi na babalik pang muli si Patty sa Pilipinas. He never really cared to ask kung ano ba ang sakit ng dating nobya dahil para sa kanya, long distance friendship is harmless anyway.
Kaya naman 6 years ago ay hindi rin niya mapaniwalaan nang lumitaw muli ang babae sa kanyang harapan. Hindi man niya gustong tanggapin ang tulong nito ay wala rin siyang masyadong pagpilian pagkat hindi siya magawang ilabas sa piitan ng kanyang Tiya Amelia. His poor aunt tried everything she could to get him out of jail and even ended up selling the few properties they had in an attempt to clear his name. But Enrique Saavedra was a powerful man, lalo pa sa bayan ng Sta. Martha, nagawa nitong paikutin at baliktarin ang lahat dala ng salapi at impluwensya. And just when he thought he will rot in prison, Patty showed up, at sa loob lamang ng maikling panahon ay nailabas siya nito. Patty helped him rebuild his life and achieve success, malaki ang utang na loob niya rito.
Noong una ay may pag aalinlangan si Gael sa estado ng pag-iisip ni Patty, na unti-unting nawala dahil na rin sa assurance ng mga magulang nitong naging matagumpay ang treatment ng dalaga sa Amerika, at dahil na rin sa mga panahong magkasama sila bilang mag business partner ay wala siyang nakitang kakaibang kilos o ugali mula rito.
He should have been more careful. He should have been wiser, disin sana ay hindi napadawit si Louise kay Patty. Marahil ay masyado siyang nabulag ng kagustuhang makaganti sa mga Saavedra at muling maangkin si Louise, na hindi niya nabigyang pansin ang mga pagbabago kay Patty nitong huli.
Inapakan pa niya ang selinyador ng kotse, umangil ang makina niyon at lalong humarurot. Damn! He can't forgive himself kapag may nangyaring masama kay Louise at sa magiging anak nila!
"A-anong ibig mong sabihing may sakit sa pag-iisip si Patty?" Gulat na tanong ni Kurt "do you actually think na mayroon siyang gagawing masama kay Louise?" Puno ng pag-aalalang tanong nito,
"I don't fucking know! Track her for me kung gusto mong tumulong!" Pinatay niya ang telepono. Kurt's father was a retired high ranking military official, madali lamang para ritong ipatunton ang kinaroroonan ni Patty.
Matapos ang mahabang sandali ay nag ring muli ang kanyang telepono. Nagmamadali niyang sinagot iyon.
"My dad got Patty's coordinates" ani Kurt.
Nakahinga si Gael.
"Man, please don't tell my dad I have something to do with this. He will kill me. Hindi ko rin talaga alam na mangyayari ito" pakiusap ni Kurt.
"You'll be lucky if you die by your father's hands instead of mine" he cut the line off at nag concentrate sa pagmamaneho.
San Sebastian. Malapit lamang ito sa San Martin, at higit na maliit na bayan. He's confident he'll be able to find the coordinates right away. Mabilis niyang kinabig ang manibela palikong kanan, patungong San Sebastian sa halip na San Martin.
*******
"Sweetheart!" Puno ng takot ang tinig ni Gael na pilit ginigising ang dalagang nawalan ng malay sa kanyang bisig. Mabilis niyang iginala ang paningin, hindi na siya maaaring bumalik sa pinanggalingang pintuan sapagkat malaki na ang apoy na kumalat at tumupok sa bahaging iyon ng gusali.
Kailangan niyang iligtas si Louise at ang anak nila. He doesn't care what happens to him ngunit hindi siya makapapayag na may mangyaring masama sa mga ito.
Sa kanang bahagi malapit sa bintanang hinarangan ng mga tabla ay napuna niya ang pagkabulok ng dingding, ang kahoy mula sa ibaba ng haligi ay tila kinain na ng anay.
Hawak pa rin sa bisig ang asawa ay tinadyakan niya iyon ng ubod lakas. Ilang bulok na kahoy ang natapyas mula sa kanyang pagsipa ngunit hindi siya nakagawa ng butas sapat upang makalabas sila. Paulit ulit niyang muling tinadyakan ang bahaging iyon hanggang sa wakas ay bumigay ang kahoy sa pagkakapako at lumikha ng espasyong sapat lamang para sa isang tao. Maingat niyang inilapag muna si Louise sa sahig at pinagkasya ang sarili upang makalabas ng kamalig. Malaki siyang lalaki kaya't kumawit ang kahoy sa kanyang mga braso at likod nang pagapang siyang umibis. Naramdamaman niya ang pagkayod ng matulis na piraso sa kanyang balat.
Hustong makalabas ay tumalungko siya upang hatakin sa dalawang kamay ang asawa at maingat na hilahin palabas. Muli niya itong binuhat at sa malalaking hakbang ay inilayo sa ngayon ay naglalagablab ng kamalig.
Sa gitna ng matataas na damo at talahib hindi kalayuan mula sa nasusunog na gusali ay hingal na pasalampak na naupo si Gael, yakap pa rin sa mga bisig ang asawang walang malay.
"Sweetheart!" Niyugyoy niya ang mga balikat nito "Oh God please! Sweetheart?!" Hinaplos niya ang mukha nito. His heart felt like it stopped beating already. Hindi pa siya natakot ng ganito sa tanang buhay niya. Kahit nang mamatay ang mga magulang niya ay hindi siya nakaramdam ng ganitong takot.
"Louise!" Malakas na tawag niya, tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. No! No! This can't be happening!
Maingat niya itong ibinaba sa lupa at ipinatong ang ulo sa dibdib ng dalaga, trying to find a heartbeat. Daig pa niya ang mamatay sa takot ng halos hindi niya iyon marinig. Agad niyang dinala ang mga labi niya sa labi nito upang bigyan ito ng hangin. Shit! Mura niya sa sarili. He doesn't really know what he's doing dahil ang alam lamang niyang gawing first aid ay kapag nalulunod o di kaya naman ay nabubulunan.
"Sweetheart... please... oh God please!"
Bahagyang kumislot ang noo ni Louise. "Urgh..." she moaned na tila nasasaktan.
"Louise! Can you hear me?" Taranta niyang hinimas ang mukha nito, unsure of what to do. For the first time in his damn existence, he doesn't know what to do!
Nakahinga ng maluwag si Gael ng sumagap ng hangin si Louise at nagsimulang umubo. Mabagal itong nagmulat ng mga mata, looking disoriented.
"Sweetheart... are you okay? Ano'ng masakit sa iyo?" Nakadukhwang siya sa mukha nito.
Ilang ulit kumurap si Louise. Tila hindi rumehistro sa utak nito ang mga kaganapan, sa halip ay itinaas nito ang kamay at dinama ang kanyang mukha.
"Gael..." paos na tawag nito sa pangalan niya "is this a dream?"
Hinawakan niya ang kamay nitong nasa kanyang mukha "no sweetheart, I'm here" he kissed her hand.
Tila noon pa lamang nagkamalay ito sa mga nagaganap at pilit na umupo "pa...paano mo akong nasundan dito?"
"Mahabang kwento sweetheart. I'll tell you next time okay? Ang mahalaga ngayon ay madala kita sa ospital" nilapitan niya ito at pinangko.
Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang direksyong patungo sa kalsada kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Kanina pa niya natimbrehan ang mga awtoridad at ilang saglit pa ay inaasahan niyang darating na ang mga ito. Sa ngayon ay hindi siya maaaring mag aksaya ng panahon at kailangan niyang maitakbo ang asawa sa pinaka malapit na ospital.
"Gael...may hindi ako nasasabi pa sa iyo..." she whispered in a weak voice.
"I know." Puno ng pagmamahal niyang sinulyapan ito "Alam ko, sweetheart"
"Alam mong... magiging.."
"Yes. I know that I'll be a father soon" his heart is swelling with happiness just thinking about it.
Isiniksik ni Louise ang ulo sa kanyang leeg "I love you, Gael.."
"Alam ko din" he answered as tears fell from his eyes. Sa buong buhay niya ay mabibilang yata sa daliri ang mga pagkakataong umiyak siya, at sa iilang pagkakataong iyon ay isa si Louise sa mga dahilan.
"Wow! How sweet!!!" Patuyang sigaw ng isang tinig na nagmula sa kanyang kaliwa.
Gael instantly looked at where the voice came from and saw Patty standing there, nakatutok sa kanila ang kalibre kuwarenta y singkong baril nito. She looked disheveled, halos hindi ito nakilala ni Gael. Tila tuluyan na yata itong nawalan ng bait.
"Sweetheart..." bulong niya habang ibinababa si Louise mula sa kanyang mga bisig. Agad niya itong inalalayan ng bumuway ang mga paa nito sa pagkakatayo "run when I tell you so" he whispered.
He protectively hid Louise behind him, making sure that his own body was blocking the gun point.
"Pat...let's talk about this..."
"What?" Anang babae habang tumawang tila nauuulol "anong pag-uusapan natin eh kitang kita naman natin! You betrayed me! Taksil ka!" Patty shouted, her eyeballs looked like they will pop out of her eye sockets anytime.
"It's not what you think Pat..." he tried pacifying her anger by changing his strategy "you know you're special to me Patty"
"Special to you?" Pag uulit ni Patty sa sinabi niya. She's crying and laughing at the same time "then why are you so prepared to die for that bitch?!" Suklam na hiyaw nito.
Humakbang ang babae palapit sa kinatatayuan nila. Si Gael ay disimuladong sinenyasan si Louise upang marahang lumakad palayo. Ngunit marahil dala ng takot at shock ay nanatili itong nakatayo sa likod niya, mahigpit na hawak ang kanyang braso.
"Ano bang meron ang babaeng 'yan at hindi mo makalimutan, ha?" Umiiyak na sabi nito, hinaplos ang pisngi ni Gael ng baril na hawak.
Gael gently grasped Patty's hand ngunit marahas nitong iwinaksi ang kamay niya at sa isang iglap ay itinutok ang baril kay Louise mula sa kanyang tagiliran.
"Ikaw ang salot sa buhay ko!!! Salot!!!" Tila baliw na hiyaw nito "inagaw mo sakin si Gael! You took him away from me! At ngayon..." humagikgik itong tila kinikiliti "ngayon, parehas na lang kayong mawala! Magsama kayo! Isang taksil at isang puta!"
"Patty...please...you don't have to do this... mahal kita, Patty... I love you" Gael tried to sound as convincing as he could.
Nakita niya ang iglap na pag-iiba ng ekspresyon ng mukha nito sa sinabi niya. Nagkalambong ang mga mata nito. Naglandas ang luha sa mukha ng babae "totoo ba Gael? Mahal mo pa rin ako?"
Sinamantala ni Gael ang pagkakataon at marahang lumakad palapit kay Patty, his hands reached out for her arms na nakataas pa rin hawak ang baril na nakatuon kay Louise. He gently held her arms at dahan dahang ibinaba ang hawak nitong baril.
"Yes, Patty... of course I love you." Niyakap niya ito at disimuladong sinenyasan si Louise upang lumakad palayo.
"Give me this gun, okay? We will be together after this" he said, pinipilit kumbinsihin ang babae.
Si Louise ay nakita niya sa sulok ng kanyang mga matang mabagal lumakad paurong mula sa kinatatayuan.
"T-totoo, Gael? Kase alam mo..." tumingala ang babae sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata "mahal na mahal kasi kita. I can never allow anyone to steal you away" umiiyak na sabi nito, marahas na umiling.
"No one will steal me from you, okay? Now give me the gun..."
Sa kabila ng ginagawa ni Patty ay hindi maiwasan ni Gael makaramdam ng habag para sa dating nobya. She is sick. Really sick.
Iaabot na sana nito ang baril sa kanya ng marinig niya ang malakas na pagdaing ni Louise ilang dipa ang layo mula sa kanilang kinatatayuan. Hindik siyang napatingin sa asawa, she was slumped on the ground, her hands clutching her belly. Si Patty ay muling itinutok ang baril kay Louise.
Shit! Mura niya sa sarili at marahas na tinabig ang baril mula sa kamay ni Patty, nabitawan iyon ng babae at tumilapon. Hindi siya nag aksaya ng panahon at agad na tinakbo ang kinaroroonan ni Louise upang daluhan ang asawa. She was obviously in so much pain. Oh God! Their child!
He was about to carry her nang makita niya ang pamimilog ng mga mata nito mula sa pagkakatitig sa kanyang likuran.
"See?! You're shitting me again, Gael! Now die together with that bitch!" Patty screamed.
Bago pa niya namalayan ay mabilis siyang niyakap ni Louise upang iharang ang sarili sa balang kumawala sa baril ni Patty. Isang malakas na putok ng baril ang bumasag sa katahimikan ng gabi.
His breathing stopped nang tila nauupos na kandilang humulagpos ang yakap ni Louise sa kanya. Mabilis niyang niyakap ang asawa at daig pa niya ang naestatwa sa takot ng maramdaman sa mga kamay ang mainit na likidong nagmula sa katawan nito.
"Louise..." nanginginig na tawag niya, sindak na tinignan ang dugong nasa kanyang kamay.
"I...love...you...Gael"
"Noooo!!!!" His howl echoed in the silence of the night.