"Sino yung...yung kasama mong babae dun sa picture sa kwarto mo?" Medyo nahihiyang tanong niya sa nobyo. Nasa canteen sila ng SMU at nag me-merienda. Itinuon niya ang pansin sa hinihigop na soft drinks, nahihiya siyang tignan sa mukha and binata. Hindi niya alam kung paano tatanungin dito ang tungkol sa larawang nakita niya sa silid nito nang minsan siyang mapunta doon.
"Aling picture?" Kaswal na sagot nito, kinagat nito ang hawak na sandwich
"Yung, larawan mo na nasa frame sa may kwarto mo... yung may inaakbayan kang babae" nilaro niya ang straw ng iniinom
"Bakit? Nagseselos ka ba?" Nakangising tanong nito sa kanya
"Hindi ah! Curious lang!" Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay medyo nagselos siya ng makita iyon
He chuckled "hayaan mo at aalisin ko na iyon sweetheart. Papalitan ko ng picture natin" inilabas nito ang cellphone at lumapit sa kanya, bigla siyang inakbayan nito at inilapit ang mukha sa kanya "cheese!"
"There!" Ipinakita nito sa kanya ang larawan sa cellphone. Sa kanyang pagkabigla sa ginawa nito ay hindi man lamang siya nakangiti.
"Ang panget ko diyan, burahin mo please"
"Ayoko nga, maganda naman ah!"
"Hmp! Iniiba mo lang ang usapan eh! Kase ayaw mong sagutin ang tanong ko" nakasimangot niyang wika. Gael went back to his seat opposite her at pasimpleng inabot ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
"She was an ex-girlfriend"
"matagal kayo?" Sinulyapan niya ito
"Hmm.. about a year and a half"
Tumaas ang kilay ni Louise medyo matagal din yun ah! "Bakit kayo naghiwalay?"
Tumawa ito " sabi ko na nga ba hindi na matatapos ang inquiry sakin ng CIA eh!" Biro nito.
"CIA agad para nagtanong lang?" tuminghas ang gilid ng kanyang labi bilang pagprotesta. Lalo itong tumawa bago sagutin ang tanong niya.
"They migrated to the states" kibit balikat na sagot nito.
"Yun lang? I mean naghiwalay na kayo dahil lang dun?"
"Parehas pa kaming bata noon, we were both 16. Noong una ay nagtatawagan pa, hanggang sa nawalan na ng komunikasyon. But we keep in touch hanggang ngayon, we're great friends"
Muntik na siyang masamid sa narinig. They still keep in touch? Great friends? Pwede bang maging friends lang ang ex?
"Oh bakit nanahimik ka na riyan?"
"I just don't believe that exes can be just friends"
"Bakit naman hindi?" Takang tanong nito "kahit naman hindi na kami, we still care for each other. As friends of course"
Louise frowned. Still care for each other as friends? You are not really helping yourself here, Mister! Naiinis siya! Hindi niya gustong may komunikasyon pa rin ang mga ito.
"Huwag kang mag selos, sweetheart" masuyong wika nito. Pinisil nito ang kanyang kamay na napakukubabawan ng kamay nito "she knows about you. About us. At alam niya na ikaw lang ang kaisa isang babaeng iniibig ko" assurance in his voice.
She sighed "hindi lang talaga ako kumportable, Gael. I mean you two have a past. Buti nga kayo one and a half years, tayo nga ilang buwan pa lang. Mas may history pa kayong dalawa"
"Sweetheart, walang dahilan para magselos, we have a lifetime ahead of us to make memories" mapanukso itong ngumisi "did you want me to seal that with a kiss?"
She blushed sa sinabi nito, agad na sumuot sa ala-ala niya ang mainit na halik nito sa kanya pagkatapos ng prom night.
"Basta promise friends lang kayo ha?" Tila batang paniniguro niya.
"Ikaw lang ang laman nito" itinuro nito ang tapat ng puso.
She smiled. Ang batang puso ay nalulunod sa pangako ng wagas na pag ibig ng binata. She's so madly in love with him she couldn't even imagine life without him.
Mahal na mahal kita, Gael Aragon...
*******
Sabado, pananghalian ng marating niya ang hacienda Saavedra. Nasisiyahan siyang makitang patuloy ang paglakas ng ama, ayon din sa nga espesyalista ay napakalaki ng naging improvement nito at recovery mula sa operasyon.
"Kumusta naman ang trabaho mo sa AG Group, hija?" Tanong ng ama habang nananghalian sila. Kasabay din nila sa hapag si Adela. Iniabot ng matandang babae sa kanya ang bowl ng adobo.
"Maayos naman ho, Pa. Hindi naman ho ganoon ka busy kaya marami akong oras na tignan pa rin ang activities ng hacienda natin" she smiled at her dad and yaya, at naglagay ng ilang pirasong ulam sa plato.
"Mabuti naman kung ganoon hija. Ano nga ba ang posisyon mo doon?"
"Ah sa marketing po ako" pagsisinungaling niya.
"Malamang ay naimpress din sila sa credentials mo. Aba eh, cum laude from San Francisco University itong ating si Louise, hindi ba Adela?" Nasisiyahan itong tumawa, may pagmamalaki sa tinig. Nakitawa na lamang siya sa tinuran ng ama. If only you knew what my real 'work' is dad...
Iginugol niya ang maghapon upang alagaan at makipag-bonding sa ama. They were playing cards nang lumabas sa veranda si yaya Adela dala ang isang sobre.
"Hija, isang ka escuela mo dati sa SMU ang nagdala nito" iniabot sa kanya ang sobreng hawak nito
"sino ho ang nagdala nito yaya?"
"hindi ko alam ang pangalan, basta ang sabi ay ka-batch mo daw sa SMU. Imbitasyon yata iyan"
10th Annual Homecoming ang nakasaad sa card. She put it back in the envelope and didn't even bother reading it.
"oh bakit parang hindi mo man lang binasa?" puna ng ama.
"No need dad. I'm not going anyway" she laid down the cards she have "oh mukhang talo ka dad!"
The old man sighed and looked at her intently "anak, don't you think it's time to move on? matagal na rin ang nakalipas"
"Wala na yun dad. Hindi ko lang talaga gustong pumunta sa mga ganyan" pagdadahilan niya. Ang katotohanan ay masyadong maraming matatamis at masasakit na ala-ala ang SMU para sa kanya.
May lambong ang mga mata ng ama ng muling tumingin sa kanya "hija..." tila may nais itong sabihin ngunit hindi isinatinig.
"hmm? ano po iyon, dad?" tiningnan niya ito, nagtatanong ang mga mata.
"wa-wala hija... napapagod na ang likod ko sa pagkakaupo, siguro ay mahihiga na muna ako"
Nang gabing iyon ay tumawag si Gael. She told herself she should just ignore his calls ngunit mas malakas ang pagnanais ng damdamin niyang marinig ang tinig nito. Saan na napunta ang ipinangako niyang pahihirapan niya ito to make him regret marrying her? Sa lagay ngayon ay mas mukhang siya ang apektado at nahihirapan sa mga nangyayari. She wanted to kick herself! Nararamdaman niya ang muling unti-unting pagkahulog ng damdamin niya rito. Hindi pwede, Nina Louise! you have to stop!
Alas diyes ng umaga kinabukasan ng makarating siya sa San Nicolas. Hindi niya inaasahang madaratnan na niya sa mansyon si Gael, ang akala niya ay hahapunin na ito ng uwi mula Maynila. Kasama nito si Kurt Alvarez na noon lamang niya muling nakita magmula nang manggaling siya sa opisina ng AG Group. She almost rolled her eyes nang makitang naroon din si Patty.
Nagliwanag ang mukha ni Gael nang makita siya, agad itong tumayo sa kinauupuan at lumapit sa kanya, walang warning siya nitong dinampian ng halik sa labi.
"I missed you so" bulong nito sa kanyang tenga.
Si Kurt ay nakangiting naiiling, habang si Patty ay umiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pag scan sa ilang sobreng nakapatong sa lamesita.
"Kurt, I believe you have met my wife before?" he put his arms around hers.
"yes" nakangiting wika nito at nilapitan siya upang kamayan "congratulations Louise, I hope this bastard treats you well" biro nito na tinapik sa balikat si Gael.
"k-kanina pa kayo?"
"about half an hour ago, eto kasing si Gael eh napaka agang gustong umalis ng Maynila. Hindi na raw makaantay makita ang misis - "
"Oh look Gael, you got an invite from your alumni for a homecoming!" putol ni Patty, hawak nito ang isang imbitasyong kamukha ng natanggap niya kahapon. Lumapit ito sa kanila at ipinakita kay Gael ang hawak. Inalis ng lalake ang braso mula sa pagkakaakbay sa kanya at tiningnan iyon.
"This is perfect! I will be your date then!" masiglang wika ng babae na iniangkla ang braso kay Gael.
Manghang napatingin si Kurt kay Patty, disbelief in his eyes sa ginagawa nito ngayon. Louise had to restrain herself from reacting dahil ang totoo ay halos kumulo ang dugo niya sa nakikita. Napaka bastos ng babaeng ito! sa harap ko pa kung makapag landi!
"I will have to go with my wife Pat- "
"No it's okay" taas noong agap niya sa sasabihin ni Gael. Humarap siya sa mga ito and put on a fake smile "you can go with Patty. I'm sure Kurt will escort me for that night, right Kurt?" binalingan niya ito at matamis na nginitian.
"O-oo naman" sagot nito kahit pa halatang nabigla at naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.
Dumilim ang mukha ni Gael sa sinabi niya, may sasabihin pa sana ito ngunit mabilis nagsalitang muli si Patty "it's a date then! tara na sa loob at gutom na ako" hinila na nito papasok ng kabahayan si Gael.
Naiwan sila ni Kurt sa veranda.
"what.just. happened?" tanong ni Kurt, a puzzled look on his face.
She sighed "mahabang kuwento Kurt. Saka ko na siguro iku-kuwento sa'yo...tara na sa loob"
*******
Humugot siya ng malalim na hininga at inilibot ang paningin sa lugar. Although she returned to Sta. Martha, she never even once took a second glance at this place kahit na ilang ulit siyang napadaan doon. This place was so much a part of the past that she wanted to erase.
"Ready?" Kurt asked
Luminga siya sa paligid. Wala pa ang kotse ng asawa. Sabagay, sinadya niya ang mauna silang umalis mula sa mansyon dahil parang hindi na niya kakayanin pang makita ang halos panlilinggis ni Patty sa asawa niya. Baka hindi na siya makapag pigil at talagang masabunutuan na niya ito!
"Yes" pinilit niya itong ngitian. Sabay silang pumasok sa malaking gate ng escuelang iyon.
The place had changed a lot over the years and yet somehow it also remained the same. The huge sampaloc tree was still there, napapalamutian ito ngayon ng puting fairy lights.
Marami-rami na ring tao sa bulwagan nang makapasok sila. Isang unipormadong server ang lumapit sa kanila at nag alok ng wine. She grabbed a glass to calm herself down
"Are you ok, Louise?" tanong ni Kurt, sensing her uneasiness
"Y-yes. sorry. It's just that it's been so long since the last time I was here and...and this place just holds so many bittersweet memories for me"
"Hindi ko alam kung bakit pumayag ang asawa mo na iba ang maging date for tonight but he sure is missing a lot. You look lovely"
"Thank you, Kurt. At salamat sa pagsama mo sa akin" she looked at him apologetically "pasensya ka na din if I sort of used you to save my pride" pag amin niya rito.
"No need to say sorry. It's my pleasure to escort the loveliest lady here tonight"
"Louise?! Louise Saavedra?!" pumihit siya upang lumingon sa pinanggalingan ng tinig. May pagmamadaling lumapit sa kanya ang babae at pinagmasdan pa siyang mabuti "ikaw nga!" bulalas nito.
"Marcie?"
"yes!" bineso nito ang magkabilang pisngi niya "long time no see. Kailan ka pa nakabalik?"
"Just recently" she replied. Nagtataka sa friendliness na ipinakikita nito. Hindi naman sila close noong high school, katunayan ay mainit ang dugo nito sa kanya.
"Listen, Louise...matagal na kitang hinangad na makita o makontak but I didn't know how..." Marcie sighed bago nagpatuloy. Gumuhit ang regret sa mukha nito "I wanted to see you to apologize for... for what I did back then, Louise"
She smiled at Marcie "wala na iyon, ano ka ba? away bata lang ang mga iyon"
"Hindi yung mga away natin ang tinutukoy ko Louise"
Louise frowned, hindi malinaw sa kanya ang ibig nitong sabihin.
"Back then Louise...what I did to you and Gael...I didn't know na hahantong iyon sa ganoon..."
Unti unting umahon ang kaba sa dibdib niya "a-anong sinasabi mo, Marcie?"
Hinila siya nito sa isang corner ng bulwagan kung saan hindi masyadong matao "I...I sabotaged your plans with Gael, Louise. I am so sorry. Bata pa ako noon at ang alam ko lang ay nagagalit at naiinggit ako sa iyo"
"Wait" she closed her eyes for a moment, trying to absorb what she's hearing. "You sabotaged our plan? anong ibig mong sabihin?"
"Alam ko ang pagtataanan niyo ni Gael Louise. At hindi ko matanggap na ang pinaka hinahabol ng lahat ng babae sa campus na si Gael Aragon ay ikaw ang gusto kaya..." alanganin itong tumingin sa kanya, remorse at pagkapahiya ang nasa mukha.
"...kaya I told your dad about your plans"
Lalo siyang naguluhan. That can't be. If her dad knew, he won't just sit back and do nothing.
"Hindi ko alam na darating ang lahat sa ganoon kalala, Louise. Please believe me, hindi ko alam na maaaksidente ka o na makukulong si Gael - "
"What did you say?" sunod sunod ang kaba ng kanyang dibdib sa mga narinig.
"Hindi mo ba alam Louise? Nakulong si Gael and he was thrown away from this town after you left"
Tila nanlambot siya sa narinig. Nanlamig ang mga kamay at paa niya. What exactly happened 6 years ago?