Chereads / Bulong ng Puso / Chapter 25 - Chapter Twenty Four

Chapter 25 - Chapter Twenty Four

Gael looked at the ring he was holding in his hand, kumislap ang brilyanteng nakapatong doon, a solitaire heart shaped diamond. Muli niya iyong inabot sa sales associate "I'll take it". Kinuha niya ang cheque book mula sa panloob na bulsa ng amerikanang suot at nagsimulang sumulat doon pagkatapos ay iniabot sa babae. Maya maya ay lumabas ang manager ng jewellery store upang personal siyang pasalamatan, ipinaliwanag din sa kanya ang mga benefits and perks he'll be getting from the purchase, na hindi naman talaga niya pinakinggan dahil hindi siya interesado.

Ipinatong niya sa passenger seat ng kotse ang maliit na paper bag na naglalaman ng kahita. Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimulang tahakin ang daan patungong Sta. Martha.

*******

Kalalabas lamang ng shower ni Louise nang tumunog ang kanyang cellphone. Rumehistro ang pangalan: Gael Aragon. Isang ingos ang kanyang ginawa at muling itong ibinaba.

Manigas ka diyan sa kakatawag! hmp!

Nagtuloy siya sa walk-in closet upang maghanap ng maisusuot. Narinig niyang muli itong nag ring, mukhang walang balak tumigil ito hanggang hindi niya sinasagot. Iritado niyang dinampot iyon "what do you need?" she snapped.

She heard him chuckle at the other end "is that how you greet you fiancée, sweetheart?"

Here goes her stupid heart again! Awtomatikong bumibilis ang tibok niyon kapag naririnig ang partikular na baritonong tinig na ito.

"Ano ba ang kailangan mo ha? busy ako" pagtataray niya dito.

"Meet me at Del Torro's in an hour" isang iyong utos, hindi tanong.

"Wala akong panahon. As I've said, busy ako"

"Well, if you don't meet me there then I guess ako na lamang ang pupunta sa bahay niyo" he paused "kaya lang...nakauwi na nga pala si Don Enrique? tsk tsk...paano na lang kung makita niya ako -"

"oo na! oo na!" gigil niyang sagot dito.

Tumawa ito, enjoying her annoyance "see you love"

Ibinato ni Louise ang telepono sa kama in frustration. That devil is grabbing every chance he gets to blackmail me! bastard!

Tinignan niya ang nakasabit na wall clock: 6:15. Well, she can certainly get ready in less than an hour pero she will take her sweet time and make him wait there. Napangiti siya na naisip manigas ka sa paghihintay!

"Aalis lang ho ako sandali, yaya. Tulog ho ang papa kaya hindi na ako makakapag paalam" she glanced at her watch, she's already 30 mins late. Naka ilang missed call na rin ito na sadyang hindi niya sinasagot. Serves you right!

Sinipat siya ng matandang babae mula ulo hanggang paa "aba, may date ka siguro hano? bihis na bihis ka eh"

"hHho?" pinamulahan siya ng mukha sabay tingin sa sariling niyang suot. Did she overdress? Nahirapan nga siya sa pagpili ng damit dahil hindi niya gustong isipin ng binata na pinagbuhusan niya ng panahon ang mag ayos para i-meet ito. In the end, she settled for red knee-length lace dress na humakab sa magandang hubog ng kanyang katawan, tinernuhan niya iyon ng silver strappy sandals na may 3 pulgada ang takong.

Tumawa ang yaya niya "bagay na bagay naman sa iyo, hija, lalo kang gumanda. Pihadong kung sino man ang ka date mo eh lalo nang iibig sayo" tukso nito.

"Yaya! wala ho akong ka date! kayo talaga" naiiling na lang niyang sagot.

Nang marating niya ang restaurant ay minabuti muna niyang pumunta ng banyo. She's feeling nervous sa muli nilang paghaharap ni Gael. You better get used to it Louise, remember, you agreed to marry him ,bulong ng tinig sa kanyang isipan.

She inhaled and exhaled at muling pinaraanan ng tingin ang sarili sa salamin. Her hair was pulled up in a bun, ilang hibla nuon ang humulagpos at nasa gilid ng kanyang mukha. She wore light make up and red lipstick, katerno ng kulay ng kanyang damit. Dinampot niya ang kanyang Chanel flap bag mula sa counter at isinukbit iyon sa balikat. As she made her way out of the ladies' room ay isang babae ang nakabangga sa kanya.

"oopss, sorry" paumanhin nito.

"it's oka- " natigilan siya sa sasabihin ng mapagmasdan ang babae sa kanyang harapan. Although mas tumanda ang itsura nito ay hindi siya maaaring magkamali kung sino ito! Cindy. Ang babae ay halatang nabigla rin nang mapagmasdan kung sino siya.

"L-Louise" halos pabulong nitong sabi.

Ilang segundo ang lumipas na walang nasabi ang sinoman sa kanilang dalawa.

"Ku-kumusta?" Alanganing tanong nito matapos ang ilang sandali.

"O-ok lang naman. Ikaw?"

"Ayos din naman" aloof itong ngumiti "Nakabalik ka na pala ng... ng Sta. Martha"

She nodded "a couple of months ago"

"Mommy!" Isang batang lalaki ang patakbong lumapit kay Cindy mula sa panlalaking washroom. Yumakap ito sa baywang ng ina.

Kakaibang kaba ang sumakmal sa dibdib ni Louise. She stared at the boy and then back again at Cindy. The boy must be 5, no, 6 years old? Could it be...? Tila lumapot ang hangin sa paligid, dahilan upang mapasinghap siya.

"L-Louise...it's not what you..."

"Mommy, sino po siya?" Curious na tanong ng bata, his eyes wide as he stared at her.

Yumukod siya sa bata upang magpantay ang kanilang mukha. Cute ang bata, mabilog ang mga mata at malalantik ang mga pilik. He looked more like Cindy than... agad ang pagsigid ng kirot sa kanyang dibdib. Agad niyang sinikil ang damdamin. "An old friend of your mom" she smiled at the boy and ruffled his hair a bit. Masakit man ang ginawa ng ina nito sa kanya ay wala itong kasalanan. Muli siyang tumuwid ng tayo at tinignan si Cindy. Nasa mukha ni Cindy ang matinding pagkailang, ganoon din ang kalungkutan.

"Louise..."

"Have a good life, Cindy"  tinalikuran niya ito at mabilis na lumakad palayo. Pakiramdam niya'y naroon pa rin ang patalim na nakatarak sa kanyang puso. Bumagsak ang mga luhang hindi niya gustong umagos. Mas binilisan pa niya ang lakad at tinungo ang pintuan palabas ng restaurant. She ran towards a corner at itinukod ang mga kamay sa pader, trying to calm herself down. Mabilis ang kanyang paghinga at kahit anong pigil niya sa kanyang mga luha ay pumatak pa rin ang mga iyon. Mariin niyang kinagat ang pang ibabang labi upang pigilin ang paghikbi.

Shit! why am I being like this? So what kung nagbunga pala ang kataksilan ng mga ito? that was 6 years ago! move on, Louise!

"Louise! Are you okay?" Naramdaman niya ang paghawak ng dalawang kamay sa kanyang balikat. "What's wrong?"

Iwinaksi niya ang mga kamay nito, without turning around to face him. Hindi niya gustong makita nitong ganito siya. Maybe he will laugh at her for being such a fool! Pinahid niya ang mga luha sa pisngi at huminga ng malalim.

"Louise?" Pag uulit nito. Muli nitong hinawakan ang mga balikat niya and turned her around to face him "ano ba ang nangyari?"

Yumuko ito upang tignan ang kanyang mukha, nakabakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. Iniiwas niya ang mga mata mula rito.

"Were you crying, sweetheart? what happened?"

She shook her head "N-no. Sumama lang ang pakiramdam ko. I'm sorry, but I need to get home" she stepped away from him.

"Ihahatid na kita" pigil nito sa kanya, he held her left arm.

"Hindi na. Salamat na lang" she freed her arm from his grasp.

"Louise, wag nang matigas ang ulo!" he said sounding exasperated "you don't want to tell me what's wrong and yet it's too obvious that you've been crying!" bumuga ito ng hangin.

"I told you, nothing's wrong!" pasigaw niyang sagot dito "now if you could just please leave me alone!"

"Ihahatid kita and that's final!" dumagundong ang tinig nito. Ang ilang mga lumabas mula sa restaurant ay napapatingin na sa gawi nila.

"No!" nagsimula siyang maglakad, as fast as she could, wearing these heels, papunta sa kanyang sasakyan. Nagulat pa siya nang bigla siyang pangkuhin nito.

Nagpipiglas siya "ano ba Gael! ibaba mo ako!" pinaghahampas niya ang likod nito. He effortlessly held her on one of his shoulders na tila isang sako ng bigas!

"Stop being like a kid!" singhal nito sa kanya.

"Look who's talking! I said put me down!" tili niya sinabayan pa niya lalo ng pagpupumiglas, ang mga paa niya ay sinubukas niyang ipadyak sa kabila ng pagkakahawak nito sa kanyang mga binti.

Ang mga nagdaraan doon ay pawang nakatingin sa kanila at nagbubulungan.

"Hindi ka ba nahihiya sa inaasal mo ngayon? Be still!" he commanded.

Hindi nagtagal ay balewala siyang ibinaba nito sa passenger seat ng sasakyan.  Akma siyang bababa but Gael was blocking her way. Dumukwang ito sa kanya at inabot ang seatbelt pagkatapos ay malakas na isinara ang pinto. She thought of running while he gets in the car  but then she's sure na aabutan din siya nito, hindi na rin niya gustong lumikha pa ng isang eskandalo.

Binuhay nito ang makina ng saasakyan at nagmaniobra palabas ng parking lot. Ilang sandali pa ay nasa daan na sila, supposedly pauwi ng hacienda ngunit sa halip ay binagtas nito ang daan patungo sa isang liblib na parte ng Sta. Martha.

"Saan tayo pupunta?" kabadong tanong niya habang nililinga ang lugar na kanilang tinatahak. Wala siyang ibang makita kundi naglalakihang puno sa paligid, matataas din ang mga talahib na kanilang nadaanan.

Tinapunan siya ng tingin nito at ngumisi "scared?"

Sunod sunod ang kabog ng dibdib niya, hindi dahil natatakot siyang gawan ng masama ng binata kundi natatakot siya sa kanyang sarili kapag sila lamang dalawa ang magkasama.

"You bastard! saan mo ko dadalhin?" panic in her voice.

He chuckled "sinabi ko na sa iyo noon sweetheart, wala akong gagawin sa iyo... na hindi mo gusto" he winked at her.

"Ihinto mo ang sasakyan!" she demanded

Hindi ito sumagot sa halip ay ihininto nga ang sasakyan sa tabi ng daan matapos ang ilang sandali. Nagmamadaling tinanggal ni Louise ang seatbelt at tinangkang buksan ang sasakyan ngunit naka lock iyon.

"Let me out! ano ba?!" nanlilisik ang mga mata niya rito.

"Relax sweetheart. I just want to talk" seryosong wika nito.

She stared at him with disbelief in her eyes "talk? in the middle of nowhere? baliw ka na ba?"

"Well, sa restaurant dapat kanina kung hindi ka biglang nawala" he reached for the pocket of his suit at may inilabas na isang maliit na kahita. He opened it revealing a solitaire diamond ring, kumislap iyon nang tamaan ng liwanag na nagmumula sa posteng di kalayuan. Kinuha nito iyon mula sa lalagyan "give me your hand" utos nito.

Napatanga siya rito, speechless. Tumaas ang dalawang kilay nito as if naiinip na iabot niya ang kaliwang kamay niya. Nang hindi niya iyon iabot ay ito na mismo ang umabot sa kanyang kamay.

"I won't ask you if you will marry me because I know you will" he slid the ring in her ring finger "there! fits you perfectly" he smiled contentedly.

The heart shaped diamond sparkled. Louise's eyes filled with tears. Tumingala siya upang hindi iyon mahulog. This could have been a perfect engagement ring under normal circumstances, but then again, ang pagpapakasal nila ay hindi dahil sa pag -ibig. Their once romantic love story na inakala niyang forever ay mayroon palang mapait na ending.

"Hindi ko ito matatanggap" she was about to remove the ring from her finger but Gael held her hand.

"Please, sweetheart" naroon ang pakiusap sa tinig nito.

Louise looked at the man straight in the eyes, kagaya ng dati ay kayang kaya siyang hipnotismuhin ng mga iyon. She suddenly saw the man she loved 6 years ago, and her heart ached even more. I won't give you a chance to fool me again, Gael Aragon.

Tuluyan niyang hinubad ang singsing at inilapag sa palad ni Gael, habang ang kanyang mga mata ay nakapako sa mga mata nito, pinaghalong sakit at galit ang masasalamin sa mga iyon "you will regret ever offering to marry me, Mr. Aragon. I will make sure you regret it..."