Chereads / Bulong ng Puso / Chapter 20 - Chapter Nineteen

Chapter 20 - Chapter Nineteen

Nagmulat ng mga mata si Louise. Puting kisame ang kanyang nasilayan. Her head is hurting, ganoon din ang buo niyang katawan. Nasaan siya? ano'ng nangyari?

Dahan dahan siyang naupo sa kama. Nilinga niya ang kabuuan ng kwarto at napagtantong nasa ospital siya, sa kaliwang kamay niya ay nakakabit ang isang suwero. Bumalik sa kanyang isip ang malakas na busina ng jeep bago nagdilim ang paligid. Kasunod niyon ay ang pagragasa ng ala-ala sa kanyang isip. Si Gael, at ang kaibigan...Magkasama sa kama...natatakpan lamang ng kumot.

Sunod sunod na paghikbi ang kumawala mula sa kanyang lalamunan. Naglandas ang mainit na luha sa magkabilang pisngi niya. Tinutop niya ang bibig upang pigilan ang pag-alpas ng malakas na palahaw, ngunit nakawala pa rin iyon. Hinayaan niya ang sariling umiyak, ilabas ang lahat ng sakit na naroroon sa kanyang kalooban, sobrang sakit na pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga.

Humahangos na dumating ang kanyang yaya Adela mula sa labas ng kanyang silid, kasunod ang dalawang nurse. Bakas sa mukha nito ang matinding pag aalala. Agad siyang nilapitan nito at niyakap.

"Sshh..tahan na, hija" alo nito sa kanya habang yakap siya.

Gustuhin man ni Louise ay hindi niya maihinto ang pagluha. Humagulgol siya sa balikat ng yaya, not caring kahit na ang dalawang nurse ay nakamata sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit ang matandang babae na para bang maaamutan niya ito ng lakas "a-ano bang nangyari sa'yong bata ka?"

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang dumating ang kanyang papa. Akma itong lalapit sa kanya ngunit nanatiling nakatayo sa bukana ng pintuan. Hindi nagtagal ay tumalikod ito at umalis ng silid niya. Isa sa dalawang nurse ay umalis at maya-maya ay nagbalik dala ang isang botelya ng gamot.

"Miss, i-aadminister ko lang ito sa iyo ha...pampakalma lang ito" lumapit ito sa kanyang suwero upang ilagay ang gamot. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kahit ano pa ang ibigay ng nurse sa kanya, sa nararamdaman niya ngayon ay mabuti pang lason na lamang sana ang iturok nito.

A few minutes after ay nakaramdan na siya ng pagbigat ng mga mata. Inalalayan siya ng mga nurse na muling makahiga sa kama. Sa nanlalabo niyang isip ay sinalat niya ang kuwintas na suot sa kanyang leeg. Muli ang pagkawala ng kanyang mga luha. Bakit, Gael? how could you do this to me?

Ilang araw pa ang kanilang inilagi sa ospital bago siya na discharge. Araw araw din ay binibisita siya ng ama. Ni hindi ito nagtanong sa kanya kung ano an nangyari, na kanya namang naipagpasalamat dahil hindi niya gustong pag usapan ang mga kaganapan at marinig dito ang salitang "I told you so".

Siguardo siyang nalaman na nito ang nangyari mula sa mga sources nito, wala namang nakakaligtas na impormasyon kay Enrique. Ang yaya niya ang naging katuwang niya sa mga sandaling iyon, her yaya Adela cried with her, kahit pa hindi pa niya sinasabi dito kung ano ang dahilan ng kanyang aksidente. Halos doon na ito tumira sa ospital habang naka confine siya, madalas ay puno ito nang pag-aalala dahil napakalaki na raw ng ihinulog ng kanyang katawan, simula kasi nang magkamalay siya ay wala siyang ganang kumain, kung hindi nga lamang siya pinipilit ng yaya ay hindi talaga siya nakakaramdam ng gutom. Habang naroon siya sa pagamutan ay hindi iilang beses siyang umasa na iluwa ng pintuan si Gael. Oo galit na galit siya dito, pero umasa siyang magpapakita ito upang humingi ng tawad o magpaliwanag man lang. Ngunit hanggang sa araw ng kanyang paglabas sa ospital ay hindi niya nakita ni anino nito.

Araw ng kanyang birthday, kagaya na nang palagi niyang ginagawa simula makauwi sila ng mansion ay nagpalipas siya ng hapon sa gazebo na nasa gitna ng kanilang malaking hardin. Napaplibutan ito ng iba't ibang klase ng mga rosas at iba pang bulaklak na pawang mga imported. Dahil sa mga nangyari at sa kanyang pagkaka aksidente ay kinansela ang kanyang birthday party, tumanggi rin siya sa isang simpleng selebrasyon. Ano ba ang dapat ipagdiwang, gayong pakiramdam naman niya ay isa na siyang patay?

Nanatili siyang nakatitig sa mga rosas, kay gaganda ng mga ito, sayang at isang araw ay malalanta at mamatay lamang din. Maybe that's life. Nothing lasts forever.

"Senyorita, may bisita po kayo" wika ng isang tinig na nagpalingon kay Louise.

"Sinong bisita?" agad na kumabog ang kanyang dibdib. Pinuntahan ba siya ni Gael? Hindi ito sumagot at sa halip ay gumilid upang makita niya ang taong naroroon sa likod nito.

"B-bes..." humakbang ito palapit. Agad na napatayo si Louise sa kinauupuan.

"Iwanan mo na kami, Aida" utos niya sa katulong. Pakiramdam niya ay naningasing ang ilong niya pagkakita sa kaibigan. Oh, ex-friend pala.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" matalim niyang tanong kay Cindy.

Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya, nanatiling nakayuko ang ulo nito. Bitch! akala mo kung sinong mabait!

"G-gusto...gusto ko lang sanang humingi ng...ng...tawad" nauutal na wika nito. Nag angat ito ng ulo upang tignan siya. Her eyes were red, halatang umiyak ito.

"Para saan ha? sa pang aahas mo sakin?!" mapait niyang tanong dito. She was gritting her teeth.

"I.. I don't have any excuse for what happened, Bes - "

"Huwag mo akong matawag tawag na bes!" hiyaw niya rito "ang kapal ng mukha mong tawagin akong bes!" tears rolled down her face. Masakit ang ginawa ni Gael sa kanya, pero kasing sakit din ang traidurin ng kaibigan mong pinagkatiwalaan mo buong buhay mo. Hindi niya ito kayang patawarin!

"P-please, Louise... pa-patawarin mo sana ako"

"Umalis ka na..."

Tuluyan itong napahagulgol, sinapo nito ng dalawang kamay ang mukha. Si Louise ay nanatiling matigas ang ekspresyon, kahit pa puno rin ng luha ang mga mata niya. She did not feel even a little bit of pity for her.

"Bakit, Cindy? yan lang ang gusto kong malaman...bakit? paano..."  tumingala siya, humahanap ng lakas para ituloy ang sasabihin sa kaharap "....paano..paano mong nagawang saktan ako ng ganito? You were my friend! My bestfriend! Magkaibigan na tayo mga paslit pa lang tayo... bakit?" Puno ng pagdadalamhati at galit ang tinig niya.

Hindi sumagot si Cindy na patuloy lamang sa pag iyak.

"Kailan pa Cindy?" She walked towards her "kailan mo pa gusto si Gael? Matagal mo na bang pinlano ito? Ano? Nasarapan ka naman ba?!" Ang bawat katagang binibitiwan niya ay tila asido. She circled Cindy like a wolf ready to attack her prey.

"N-no! Hindi ganoon, Louise! I swear, it's not like that!" Umiiling nitong sagot, tigmak ng luha ang mukha nito.

"Then what?!"

"Louise, please..." inabot siya nito upang yakapin. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Cindy. Gilalas na napatingin ito sa kanya, tutop ang kanang pisngi.

"Lumayas ka sa pamamahay ko! Layas!!!" Pahisterya niyang hiyaw. Tumaas bumaba ang kanyang dibdib sa paghinga, ang mga mata niya'y nanlilisik.

Mula sa bulsa ay may dinukot ito at inilapag sa lamesitang malapit sa kanila. Tahimik itong umalis. Napasalampak si Louise sa kinatatayuan, pinilit kalmahin ang sarili. Matapos ang ilang sandali ay inabot niya ang maliit na kahitang iniwan nito sa lamesita. She opened it at tila piniga ang puso niya. It was their friendship bracelet na ginawa nila noong nasa ikatlong grado sila ng elementarya. The very first present na ibinigay nila sa isa't isa, kasabay ng pangakong "friends forever".

Pinahid niya ang mga luha at ibinalik ang bracelet sa lalagyan. How cruel is it that she not only lost the man she loved the most, but also her best friend? Sa sandaling iyon ay isang bagay ang kanyang napag desisyunan: she will leave this place and she will never come back.

She pushed the door of the study room open, at walang paalam na pumasok. Ang ama ay kasalukuyang may binabasang mga dokumento. Hinubad nito ang salamin at may pag aalala siyang tinignan.

"Anak..."

"Please send me away, papa. I don't care where. Kahit saan, huwag lang dito..."

Within a few weeks ay naiayos ang mga papeles na kailangan niya patungong Amerika, na i-enroll din siya ng ama sa isa sa mga unibersidad sa San Francisco. Hindi na siya pumasok pa sa escuela sa nalalabing ilang linggo bago ang graduation, ganoon pa man ay nakiusap ang prinicpal na kung maaari ay umattend siya ng graduation para makapag bigay ng kanyang valedictory speech. Labag man sa kanyang kalooban ay nagpaunlak siya. She's sure this will be the last time anyway na tatapak siya sa Saint Marta University. Matibay na ang resolba sa kanyang kalooban na hindi na siya babalik pa sa lugar na ito.

Kabadong inabot niya ang mic na naroroon sa entablado, she looked at the sea of people in front of her. Mga mag-aaral na pawang mukhang maligaya, some of them were crying but she can only assume those were tears of joy. She inhaled and exhaled bago nagsimulang magsalita.

"It has been a long journey for all of us. A journey that has been both fun, exciting, and even painful" she paused to look at the crowd "today, we finally get our hands on that diploma - proof and recognition of what we worked hard for to earn. And yet, our real journey is only beginning..." she exhaled at muling nagpatuloy "a journey that will take us to places and one that will teach us invaluable lessons in life. Ngunit kahit ano pa ang ibigay sa atin ng buhay, isa lang ang aking natutunan..." she felt her eyes are starting to warm, lumunok siya, piliti ikinubli ang panginginig ng tinig "na... na kahit ano pang dagok ang dumating sa ating buhay, we should always push through and give our best, because life is a constant battle, but you can emerge a victor if you keep fighting" Matunog ang naging palakpakan ng mga estudyanteng naroroon, lalo na galing sa kanyang section.

Natapos ang speech niya na hindi niya nakita isa man kina Cindy at Gael. Siguro ay masaya nang magkasama ang dalawa. Pinagtatawanan  siguro siya ng mga ito ngayon, how they easily played and fooled her. Agad ang paninikip ng kanyang dibdib sa naisip. Nagmamadali siyang bumaba ng entablado bago pa mapansin ng mga naroroon ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

Sa kanyang pagbaba ay sinalubong siya ni Ronald, ang isa sa mga kaibigan ni Gael, tangan nito sa isang kamay ang isang envelope.Iniabot iyon sa kanya. Alanganin niya itong tinanggap.

"A-ano to?"

"Sulat, galing kay...Gael. Please Louise, sana basahin mo" nasa tinig nito ang pagsusumamo.

"Sulat?" pagak siyang tumawa "ni wala na ba siyang delicadeza man lang para harapin ako ng personal?" a tear fell from her eye na marahas niyang pinalis ng ilalim ng palad.

"Hindi mo naiintindihan Louise...Kung babasahin mo lang ang sulat - "

"Louise, halika na. Uuwi na tayo" malakas na wika ni Don Enrique na papalapit sa kaniyang kinatatayuan.

"Tell him... naintindihan ko na ang lahat. Hindi na ako bulag"  marahas niyang ibinalik ang maliit na sobre sa kamay ni Ronald at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Wala siyang hangarin na basahin pa ang kung ano mang nilalaman ng sulat na iyon. What can he possibly say there? Sorry na niloko kita? She gritted her teeth. No amount of sorry will be enough for me to forgive your betrayal, Gael Aragon!

Dalawang linggo matapos ang graduation ay lumipad siya patungong America. Kung mayroon mang magandang naidulot ang mga pangyayari, iyon ay ang hindi na muli pang binanggit ng ama ang pagnanais nitong ipakasal siya sa anak ng mga Villaraza. Kuntento na siguro itong natuldukan na ang relasyon nila ni Gael na lubos nitong tinututulan.

Malungkot siyang tumanaw sa labas ng bintana ng eroplano, ang mga building ay unti-unting lumiliit sa kanyang paningin.

Goodbye, Gael.