Nilagok ni Gael ang scotch na nasa kanyang harapan, pagkatapos ay muling inilapag ang baso, seriousness all over his face. Ni hindi niya napansin ang pag upo ng isang babae sa kanyang tabi. Kanina pa siya sa bar na iyon at naka ilang shots na din ng inumin.
"Hey handsome" wika ng babae. Nakaupo itong patagilid sa upuan at nakapaharap sa kanya, her long, perfectly shaped legs showing sa mini skirt na suot nito. Ang dalawang braso nito ay nakapa dantay sa maliit na sandalan ng bar chair.
Saglit niya itong tinapunan ng tingin at matapos ay muling sinenyasan ang bar tender para umorder pa ng isa.
"Ang suplado mo naman" muling wika nito na nakangisi. Yumuko ito papalapit sa kanya, ang malulusog nitong dibdib ay tila lalabas na sa pang itaas na suot nito "I'm Jane" pakilala nito.
"What do you want?" Walang interes niyang tanong na hindi man lang ito tinignan.
Tumawa ito "oh I'm sorry! Are you perhaps?..." ibinitin nito ang sasabihin.
Matalim itong tinignan ni Gael "perhaps what?"
"Oh you know... pamin?"nakakaloko itong ngumiti.
"If you want to fuck, just tell me. Pwede naman kitang pagbigyan, even though you are not my type" walang emosyong sabi niya.
Napataas ang kilay nito "jerk!" anito at padabog na umalis.
Muling ibinalik ni Gael ang atensyon sa basong hawak. Hindi na siya naninibago sa mga ganitong pagkakataon na may mga lumalapit na babae sa kanya, lalo na kapag nagpupunta siya sa mga lugar na kagaya nito. Ang iba ay kagaya ng babae kanina na masyadong agresibo, ang iba naman ay pa-cute lang. He normally turns them away not as brutally as he did sa Jane na ito, nagkataon lang na hindi talaga maganda ang mood niya ngayon at wala siyang pasensya para magpaka nice guy sa mga babaeng tulad nito. Nilagok niya ang natitirang laman ng baso at padarag iyong inilapag.
Damn! Seeing Louise again is making him lose his mind! Hindi niya akalaing ganito pa rin ang magiging epekto ng dalaga sa kanya, just thinking of her makes him want to run to her, na yakapin ito at muling mahagkan. Paano nga kaya ang pakiramdan na muling madama ang mga labi nito? na muling masamyo ang amoy nito? Those thoughts have kept him awake countless nights, made him ache and yearn. Maraming pagkakaton ang nakipagtalik siya ngunit isang babae lang ang palaging laman ng kanyang isip. Sa mga maiinit na sandali, isang babae lang ang isinisigaw ng buo niyang pagkatao.
He closed his eyes at tila nabalik siya sa mga pagkakataong kasama pa niya ito, na malaya niya itong nahahagkan. He feels like a teenage boy whenever he thinks of those times. Marahil nga ay obsessed talaga siya rito. Yes he loved her 6 years ago, ngunit hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit sa kabila ng lahat ng nangyari at sa paglipas ng anim na taon, ito pa rin ang kaisa-isang babaeng nais niya.
Hindi mo kasi siya naangkin noon, bulong ng kanyang isip. Siguro nga ang solusyon ay ang maangkin niya ito, ang maituloy ang mga naunsyaming namamagitan sa kanila noon. Maybe that way, he we learn to let go and move on.
Muli siyang sumenyas ng isa pang order sa bartender, alanganin siyang tinignan nito "sir, sigurado ho kayo? nakarami na kayo..." magalang na paalala nito. He just gave him a nod of approval.
I will make you mine again, Louise Saavedra. You're mine and mine alone.
*******
"Kumusta ang lakad mo sa Maynila, hija?" tanong ng kanyang yaya Adela pagpasok niya sa kwarto ng ama sa ospital. Nakalabas na ito ng ICU. Lumapit siya dito at nagmano "waste of time po, yaya. Kumusta po si papa?" nilapitan niya ang ama at binigyan ng halik sa noo.
"Nagkamalay na siya kanina hija sa awa ng Diyos. Mahina pa ngunit pag nagtuloy tuloy na naging estable ang vitals niya ayon sa mga doktor ay baka makalabas na tayo isang buwan o mas maaga pa"
Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti naman at nagkamalay na ito at hindi na kinailangan pang ilipat pa sa mas malaking ospital sa Maynila. Sa mga nangyayari ngayon ay hamak siyang mas mahihirapan kung sa Maynila pa ito mako-confine, hindi na nga niya alam kung ano ang gagawin sa eviction notice nila. Umasa pa naman siya na baka sakaling may magandang maidulot ang pakikipagkita sa kanya ng CEO ng AG Group, sa halip na makatulong ay pag-aalala at pagkabalisa lamang ang naidulot nito, knowing that the last person she wanted to see has appeared in her life again. Well it doesn't have to happen again. Hindi ko naman na siya kailangan pang muling makaharap, bulong ng isip niya.
Hindi pa rin siya sigurado kung ano ang gagawin sa hacienda at mga ari-arian nila. Mawala man ang mga ito ay hindi naman sila matatawag pa ring mahirap, isa pa, hindi naman talaga siya takot maghirap. Yes, she's lived a pampered and sheltered life all these years pero alam niyang may kakayanan siyang maghanap buhay upang makapamuhay pa rin ng disente at maluwag, kahit pa wala ang kayamanan ng ama. Ganoon pa man, ipinangako niya sa sariling gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang piliting isalba kahit ang hacienda man lamang, na alam niyang pinagbuhusan ng pagod at panahon ng kanyang mga magulang, lalo pa ng kanyang ama. Bahala na! mag-loloan siguro siya sa bangko. Maybe there will be a way. No, there has to be a way!
Nang gabing iyon siya ang naiwan para magbantay sa ama sa ospital. Ilang araw na rin kasing ang yaya Adela niya ang nagbabantay at nakikita na rin niya ang pagod at puyat sa mukha nito. Mayroon isang malaki at kumportableng sofa sa kwarto ng ama na maaring higaan ng bantay ngunit minabuti niyang maupo na lamang sa upuang nasa gilid ng kama nito.
She held her father's hand and looked at him intently. Kaylaki talaga ng itinanda nito, ngayon lang niya nakitang hindi maawtoridad ang mukha nito, hindi magkasalubong ang kilay at mukhang payapa. Idinkudok niya ang ulo sa mga kamay nitong hawak niya "what should I do, dad? what should I do?"
Banayad na haplos sa kanyang ulo ang nagpamulat ng kanyang mga mata. Napabalikwas siya sa pagkakadukdok at agad na napatingin sa ama, nagliwanag ang kanyang mukha nang makita itong may malay. Hinihigit pa rin nito ang hininga ngunit sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito.
"Papa... how are you feeling?" Naiiyak niyang tanong dito.
"Ma- ayos na ako, hija" halos pabulong na tugon nito "huwag ka ng mag alala sa...akin" hinabol nito nang bahagya ang paghinga "Patawarin mo sana ako... anak"
"Shhh, dad. Huwag ka na munang magsalita. Magpagaling ka agad" hinimas niya ang ulo nito "magiging maayos din ang lahat" she said reassuringly. Hinawakan nito ang kanyang kamay at ipinikit ulit ang mga mata.
Unuwi siya ng hacienda kinabukasan upang hanapin at pag aralan ang mga dokumento ng hacienda at iba pang ari-arian nilang ngayon ay nanganganib mawala. Matapos makapaligo ay nagtungo na siya sa study room nang mag ring ang kanyang telepono.
"Hello?"
"Hey Louise" masiglang bati ng kabilang linya
"Who's this?"
"It's Kurt"
"Oh.. hi, Kurt. What's up?" Hinila niya ang isang binder mula sa shelf at inilapag iyon sa desk.
"Remember what I told you the last time? I'm calling about that"
"Last time?" Medyo naguguluhan niyang tanong.
"Well, don't tell me nakalimutan mo agad? I'm hurt" eksaheradong wika nito
"Sorry Kurt, I've bee very busy lately. Hindi ko talaga matandaan"
"I'm just kidding, it's okay" he chuckled "about the dinner, remember? I'm calling to invite you tonight , if you're free? I'll be going to Sta. Martha today and will stay there for a few days for some business meetings and I was hoping you could show me around since alam kong taga riyan ka"
"The dinner I can do, pero hindi ko maipapangakong masasamahan kita around town. Nasa ospital pa kasi ang papa ko"
"Oh I'm sorry Louise, I didn't know" hinging paumanhin nito.
"It's okay. He's doing a little better now. Where do you want to meet by the way?"
"I heard there's a good restaurant there called El Toro, I'll reserve us a table there, kung okay lang sayo. I should be in Sta. Martha around 7, will that work for you?"
"Yeah. That works"
"See you then, beautiful" yuon lamang at nawala na ito sa kabilang linya.
Tama ba ang ginagawa ko? She questioned herself. Sa matagal na panahon ay wala siyang inentertain na lalaki sa kanyang buhay, dahil na rin sa tuwing gugustuhin niyang subukang buksan ang puso ay may isang tinig na tuwina'y nag e-echo sa kanyang isipan: I love you, sweetheart, para itong isang sumpa na hindi nawawala! Marahas niyang ipinilig ang ulo. No! She is doing this!
Ang buong araw ay iginugol niya sa pagbabasa at pag aaral ng mga dokumento, determined to find something na maaaring makatulong sa kinakaharap na suliranin. She already made an appointment with several banks sa bayan at maging sa San Martin para sa mga susunod na araw. Kailangang handa siya sa pakikipag usap sa mga ito, there must still be something she could offer as an asset para makakuha ng loan kahit paano.
Nahahapong isinandal niya ang likod sa upuan at hinilot ang sentido. She glanced at her watch, 5:30, kailangan na niyang mag ayos, she agreed to dinner at 7:00 with Kurt.
*******
"Table for Mr. Kurt Alvarez" she told the receptionist. Ngayon lang siya nakapasok sa El Toro but she heard good things about this place. Impressive ang ambiance nito na maihahalintulad sa ilang mamahaling steak houses sa Maynila. Tiningnan ng receptionist ang pangalan sa computer at pagkatapos ay sinenyasan ang isang server na sinamahan siya sa naka reserve na mesa. It was a corner table for 2 at a cozy spot in the restaurant. Ibinigay ng waiter sa kanya ang menu kahit sinabi niyang may hinahantay pa siya, 7:15 na pero wala pa rin ang lalaki. She opened the menu and started browsing while waiting for Kurt to arrive.
Isang pigura ang naramdaman niyang umupo sa kanyang harapan. Sa wakas ay dumating na ito, she was starting to get annoyed dahil mahigit kinse minutos na itong atrasado.
Ibinaba niya ang menu sa mesa upang batiin ito "you're late Mr. Alva- " naputol ang kanyang sasabihin ng makita ang lalaking nakaupo sa kanyang harapan.
It wasn't Kurt Alvarez but Gael Aragon!