Chereads / Bulong ng Puso / Chapter 17 - Chapter Sixteen

Chapter 17 - Chapter Sixteen

"A-anong ibig sabihin nito? This doesn't make any sense!" Galit niyang saad sa abogadong kaharap. Gusto niyang ihagis ang papel na hawak. Notice to vacate? Paanong mangyayari iyon?!

"I understand your frustration Ms. Saavedra, however, ilang ulit na ring nabigyan ng extension ng kliyente ko ang iyong papa"

She was speechless. Hindi niya mapaniwalaan ang mga naririnig ngayon "Do you mean to say that my father sold the hacienda?" Disbelief still in her voice.

"Narimata ang hacienda, kasama ang mansion, Ms. Saavedra" paliwanag ng lalaki.

Narimata? how in the world will that happen? They are the Saavedras for crying out loud! ang pinaka mayaman at isa sa pinaka maimpluwensya sa bayan na iyon. Her father had businesses not just in town but in the city as well! This is madness! Ni walang nababanggit ang papa niya sa kanya na problemang pinansyal!

"You might be mistaken, Mr. Santos" she gave out a panicked laughter "I'm sure kilala niyo ang mga Saavedra? what you're telling me right now is plain impossible!"

"You better speak to your lawyer, Ms. Saavedra. I'm sure you have one. Anyway, naibigay ko na ang sadya ko. If you'll excuse me..." yuon lamang at tumalikod na ito.

Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid. Napahawak siya sa kanyang yaya Adela na inalalayan siyang makaupo sa hindi kalayuang helera ng upuan.

"Yaya, did you know anything about this?" lumong lumo ang pakiramdam niya. It's not even 24 hours since she came back at heto na agad ang sasalubong sa kanya.

"Ang...ang totoo niyan hija... nalugi ang mga negosyo ng papa mo nitong nakararaang taon..." mahinang tugon nito.

"What? how? paanong nangyari ito na wala man lang akong alam!" humigpit ang pagkakahawak niya sa papel na nasa kanyang kamay.

"Hindi ko rin alam ang mga detalye hija. Minsa'y naulinigan ko ang papa mo sa opisina niya, ang sabi ay maling mga tao ang kanyang pinagkatiwalaan..." puno ng simpatiya ang tinging ibinigay nito sa kanya "isa pa... medyo naingganyo si Don Enrique sa casino at sugal habang wala ka hija..."

"sugal?" isang iling ang kanyang ginawa "dad never gambled yaya"

"Totoong hindi nagsusugal ang papa mo noon, pero mga dalawang taon na ang nakakaraan, may isang business partner siyang nakilala na siyang naging daan para maingganyo ang papa mo" paliwanag ni Adela.

She gritted her teeth. Kasalanan din niya ito, she was the one who went away para takasan ang sakit at problema. Siya lang ang pwedeng asahan ng ama but she abadoned him. All these years she was living a sheltered and pampered life in the states habang hindi niya alam na naging ganito na pala ang kalagayan ng kanyang pamilya. Totoo at kumikita na siya nang sariling pera simula nang makakuha ng trabaho sa LA pero kung tutuusin ay hindi niya ma a-afford ang klase ng lifestyle niya roon kung hindi rin dahil sa pera ng ama, idagdag pang binili nito ang apartment niyang tinitirahan mahigit isang taon pa lamang ang nakararaan.

"I'm sorry hija, na hindi ko nasabi sayo... mahigpit na bilin ng papa mo na huwag na huwag ipaalam sa iyo"

"it's not your fault yaya. Tara na hong umuwi at kailangan kong makausap si Atty. Vargas" ang tinutukoy niya ay ang abogado ng kanilang pamilya.

Wala siyang inaksayang sandali, agad niyang tinawagan ang kanilang abogado upang makausap. Wala nang saysay pang magsisihan sa ngayon, all she can do is look for a way para maisalba ang hacienda. Hindi niya alam kung gaano kalala ang sitwasyon nilang pang pinansyal ngunit umaasa siyang magagawa niyang humanap ng solusyon.

Hapon na nang makarating ang kanilang abogado. Mabuti at napakiusapan niya ito, kung hindi ay fully booked ito ayon sa sekretaryang kanyang nakausap at sa susunod na linggo pa raw siya maaaring maisingit sa appointment. But Atty. Vargas made an exception for her, dahil na rin sa matagal na sila nitong kliyente.

"Thank you very much for coming to see me, Attorney" itinuro niya ang katapat na upuan "please have a seat"

"Oh don't mention it Louise, your father has been my client maliit na bata ka pa lamang. Of course, I'll come see you anytime"

"Anything to drink?" tanong niya. Naroroon ang isa sa kanilang mga maids at naghihintay.

"Iced tea will do. Thank you"

Sinenyasan ni Louise ang katulong na agad lumabas ng silid upang maghanda ng maiinom.

"So... I think you finally know about your father's current situation" walang ligoy na saad nito.

Inilapag ni Louise sa lamesang kaharap nito ang papeles na ibinigay sa kanya ni Mr. Santos kaninang umaga. "This was from attorney Santos. It's a notice to vacate the place. Within a month"

Kinuha ni Mr. Vargas ang papel na iyon at binasa at pagkatapos ay muling inilapag sa mesa "hija, I hate to say this but, we cannot contest what's on the document. Alam kong ilang ulit nang na extend ang palugit na ibinigay ng AG Group of Companies sa iyong papa"

"AG Group of Companies?" pag uulit niya sa pangalang sinabi nito.

"Yes. your father took out a huge loan from them. Actually, multiple huge debts that he failed to pay, as a result, ilan sa mga negosyo at ari-arian ng papa mo ang naging kolateral, this mansion and hacienda included" inilabas nito mula sa brief case ang ilang mga papeles.

Multiple huge debts! hindi lang ang hacienda ang narimata! she almost began to hyperventilate pagkarinig sa sinabi ng abogado .

"A-aling mga negosyo at properties pa ho ang nawala?" she had to be strong and think logically about this! Hindi siya maaaring maging emosyonal lamang.

"well.." isinuot ni Mr. Vargas ang salamin at tiningnan ang mga inilabas na papeles "the beach front property in San Martin. His shares in Saint Martha University..." the man continued to look at the pile of paper "the shipping and cargo line in Manila, ang hotel sa bayan at ang hacienda". Hinubad nito ang salamin at masimpatya siyang tiningnan "I'm sorry hija. I tried advising your dad against it when he started putting his properties as collateral, but he did not listen to me"

Louise stood up and started pacing back and forth, ang isang kamay niya ay ihinilot sa kanyang sentido "what do you propose we do, attorney?"

"Well, unless you can pay them back the amount your father owed plus the interest..."

"and how much would that be?" she began racking her brain kung sasapat ba ang natitira nilang pera. Sure, she has some money invested in the stock market, some savings plus her apartment in LA would probably sell for a good price...

Bumuntong hininga ang abogado "humigit kumulang 90 milyon pesos sa tantiya ko, hija"

"90 milyon!" she said in a high pitched voice. She feels so defeated! Saan siya kukuha nang ganoon kalaking halaga? All of her assets would probably amount to 20 milyon, max!

Attorney Vargas cleared his throat "on the brighter side, Louise, AG's lawyer contacted me while I was on my way here and said their President and CEO would like to meet you in private. Maybe he will be willing to make some kind of a payment arrangement"

Napahinto sa paglakad si Louise. Their CEO wants to meet her?

"Who's their CEO, attorney?" she quizzicaly asked the old man.

"To be honest. No one knows. The man is very mysterious. Tanging ang Vice CEO lamang nila ang humaharap sa mga business meetings at investors. Maging sa official website ng kumpanya ay walang impormasyon"

That's really strange. A man who's not willing to divulge his identity to the world wants to meet her.

"Please let them know I accept the invitation attorney" she said determined.

She can meet the devil himself if that means she'll get them out of this mess!