Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Kaharian ng Haraya

🇵🇭Ziy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
58.6k
Views
Synopsis
Kabayanihan ang pagiging isang alagad ng sining. Ito ang nagtuklasan nina Ella na isang manunulat, Tino na isang musikero, Patrick na isang mananayaw, at Joel na isang mangguguhit sa kanilang karanasan sa Kaharian ng Haraya na kanilang babaunin sa pagbabalik nila sa mundo kung saan nila tutuparin ang kanilang mga pangarap at susundin ang sinasabi ng kanilang mga puso – ang pagiging makasining. Bandang alas-10 ng umaga ng Sabado, unang araw ng Pebrero, taong 2020, naghahanap mula sa kanyang laptop ng maaaring salihang spoken word event si Ella, isang manunulat at graduating high school student. Kanyang binisita ang isang link sa website na pagtatanghal.com sa pag-aakalang isa lamang itong simpleng kaganapang sasalihan ng iba’t ibang uri ng artista. Subalit biglang nagkaroon ng nakasisilaw na liwanag mula sa screen ng kanyang laptop at pagkadilat niya ay wala na siya sa kanyang kwarto, kundi nasa kastilyo na ng Kaharian ng Haraya. Maya-maya ay nakita niyang sumulpot bigla sina Tino, kumukuha ng kursong music; Patrick, high school student na hilig ang pagsasayaw, nakababatang kapatid ni Tino; at Joel, bank teller mula Lunes hanggang Biyernes at tattoo artist naman kapag wala siya sa trabaho niya sa bangko. Sina Tino, Patrick, at Joel ay mula rin sa mundo ng mga tao na napunta sa nasabing kastilyo dahil din sa link na pagtatanghal.com na nakita ni Tino sa kanyang cellphone. Sa labas ng kastilyo ay nakita nila na naglalaban ang mga nilalang, ngunit protektado ang kastilyo at isang entablado sa harap nito ng mahiwagang panangga. Sa loob naman ng kastilyo ay nakilala nila si Prinsesa Masining na may mahikang gumawa ng mga bagay base sa kanyang mga nakikita. Ayon kay Prinsesa Masining, naroon ang apat upang tulungang maisaayos ang Haraya at maibalik ang pagmamahalan at pagkakaisa sa kaharian na nawala mula noong inagaw ng isang tusong heneral, si Heneral Baligho, ang makapangyarihang korona ng kanyang amang-hari na si Kahalangdon. Ang korona ay makapagbibigay sa sinumang may suot nito ng pambihirang katalinuhan at kasagutan sa mga misteryoso sa Haraya. Naganap ang pagpatay ng heneral, na may pambihirang husay sa pakikidigma, kay Haring Kahalangdon sa mahiwagang entabladong pinagdarausan ng masasaya at makukulay na pagtatanghal – ang entabladong nasa harapan ng kastilyo na nababalutan rin ng mahiwagang panangga. Subalit nadungisan ang entablado ng pagiging sakim sa kapangyarihan ni Heneral Baligho. Mula noon, nawalan ng pagmamahalan sa kaharian, maliban sa mga mahikerong nasa loob ng kastilyo na pinoprotektahan ng mahiwagang panangga na gawa ni Haring Kahalangdon bago siya malagutan ng hininga. Sa tulong ng iba pang mga mahikerong nasa loob ng kastilyo, kikilalanin nina Ella, Tino, Patrick at Joel ang Haraya. Matutunghayan nila ang iba’t ibang klase ng mahika na kayang gawin ng mga mahikerong sina: Reyna Kasiki na ina ni Prinsesa Masining, may makapangyarihang tinig kapag umaawit na kayang pumukaw ng atensyon ninuman; Prinsipe Klasiko na pinsan ni Prinsesa Masining, may kakayahang lakbayin ang iba’t ibang panahon at mundo; Prinsesa Kakaniyahan na kapatid ng hari, may kakayahang basahin ang pagkatao at iniisip ng sinuman; Prinsesa Rosida na asawa ni Prinsipe Klasiko, may kakayahang magpausbong ng mga halaman, puno at bulaklak; at Prinsipe Marahuyo na anak nina Prinsipe Klasiko at Prinsesa Rosida, may kakayahang magpaamo at magpasunod ng mga hayop. Sa papaanong paraan kaya makatutulong sina Ella, Tino, Patrick, at Joel na walang taglay na mga kapangyarihan na tulad sa mga mahikerong makakasama nila sa Kaharian ng Haraya?
VIEW MORE

Chapter 1 - SA KASTILYONG WALANG SIGLA

"Oh ilusyon, imahinasyon, bisyon

Kagandahan niyong taglay ay biglang nilason

Ng kasakiman, inggit, mga ugaling patapon

Dating niyong dalisay, paano muling matutunton?"

Isang gabi sa kanilang sala, bago siya umakyat sa kanyang kwarto para matulog, bigla na lamang nakapagsulat sa huling pahina ng kanyang kwaderno si Ella Lazaro ng isang bersong tungkol sa nilason na isipan. Hindi niya rin malaman kung saan nagmula ang ideya na ito ngunit isinulat niya pa rin dahil maaaring magawan niya rin ito ng isang tula.

Si Ella ay isang graduating high school student na ang hilig ay ang pagsusulat ng mga tula, sanaysay at mga kwento. Sumasali rin siya sa mga spoken word events upang maibahagi rin sa iba ang kanyang mga isinusulat.

"Wala kang magiging kinabukasan sa pagsali mo sa mga spoken word spoken word na 'yan!" lagi na lang ganyan ang mga nadirinig ni Ella kanyang ama na si Jeric Lazaro.

"Mabuti pa, basa-basahin mo ang mga medical books natin nang pumasa ka sa entrance exam mo para sa medicine," madalas ding sinasabi ng ama ni Ella sa kanya.

Isang doktor at nagmamay-ari ng isang clinic sa siyudad ng Quezon kanyang ama, malapit sa kanilang tahanan. Doktor rin ang kaniyang ina na si Sally at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae naman na si Julia ay kasalukuyang kumukuha ng kursong medicine. Pinaniniwalaan ni Jeric na magiging mas maliwanag ang kinabukasan ng kanyang mga anak kung ipagpapatuloy na lang nina Ella at Julia ang pamamahala sa kanilang clinic.

"Pabayaan ninyo siya kung 'yon ang passion niya," iyan naman ang palaging sinasabi ng kanyang Ate Julia sa tuwing pinagagalitan siya ng kanilang ama dahil sa paglalaan niya ng oras sa pagsali sa spoken word events at sa pagsulat sa kanilang school paper.

Kanilang ama rin ang may kagustuhang kuhain ni Julia ang kursong medicine, bagay na sinang-ayunan naman ng nakatatandang kapatid ni Ella dahil hilig niyang magbasa ng medicine books at manood ng mga pelikula at seryeng may kinalaman sa mga doktor.

Ang kanilang ina naman ay suportado lang sa kung ano ang nais abutin ng magkapatid sa kani-kanilang mga buhay, kaya nagiging kakampi ni Ella ang ina sa kanyang hilig sa pagsulat.

Isang umaga ng sabado, pagkatapos niyang mag-agahan, nagkulong sa kanyang kwarto si Ella upang magkabisado ng ilan sa kanyang mga isinulat na mga tula.

"Susunod o bubukod?

Sa sinasabi nila ako ba ay magpapaanod?

Mga nagmamahal sa sining, wala nga bang maabot?

Boses nila, boses ko, sa isip ko tila may sigalot

Bubukod? Hindi ko sinasabing lilisanin ko ang aming tahanan

O ihihiwalay sa kanila ang aking puso at isipan

Nais ko lamang saliwain ang aking kinabukasan

Sa landas na kanilang nakasanayan…"

Maya-maya ay nag-browse si Ella sa kanyang laptop, na nakapatong sa kanyang kama, ng mga paparating na spoken word events na sa tingin niya ay maaari niyang masalihan.

"Hugot Bigkas event sa Aklatan Café, February 28, 2020" pabulong na binasa ni Ella sa isang poster mula sa screen ng kanyang laptop.

Binuksan niya ang link nang naisip niyang may oras pa siyang maghanda dahil unang araw pa lang naman ng Pebrero. Subalit nakita niya na sa Cebu pa ang tinutukoy na café kaya humanap pa siya ng iba.

Nag-search nang nag-search si Ella na nakaupo sa kanyang kama, katabi ang isang kwaderno kung saan nakasulat ang kanyang mga tula at mga sanaysay.

"Pagtatanghal? Open for all kinds of artists" basa ni Ella sa isa pang event. "February 29, 2020. Venue, Haraya? Matingnan nga".

Pinindot ni Ella ang link na nakita. Isang nakasisilaw na liwanag ang lumabas sa kanyang screen. Napapikit siya dahil sa sobrang liwanag nito. Dahil sa pagkakapikit, hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihigop ng liwanag papunta sa kanyang screen.

Pagkadilat niya, napunta na siya sa isang hindi pamilyar na lugar. Inikot ng tingin ni Ella ang kanyang paligid. Isang malawak na bulwagan na may magagandang ilaw at chandelier, mga haliging may makukulay na disenyo, at mga imahen na nagpapakita ng mga mahika.

Nakita rin niya ang isang tronong walang nakaupo. Walang katao-tao sa kanyang kinatatayuan. Wala siyang kamalay-malay na napadpad na siya sa unang palapag ng isang kastilyo.

"Nasaan ako?" tanong ni Ella habang takot na takot at walang kaalam-alam kung ano ang nangyayari.

Naglakad nang naglakad si Ella sa loob ng kastilyo. "May tao ba diyan?" paulit-ulit niyang sigaw.

Maya-maya, tatlong mga lalaki ang sabay-sabay na sumulpot sa kastilyo. Lahat sila ay nakapikit at ang kanilang mga kamay ay nasa harapan ng kanilang mga mukha na para bang pinoprotektahan ang kanilang mga mata.

Napahakbang patalikod si Ella dahil sa gulat at takot nang makita niya ang pagsulpot ng mga lalaki.

"Sino kayo?" tanong ni Ella sa tatlo.

Dumilat ang tatlong mga lalaki at nabakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka. Nagkaroon ng halos limang segundong katahimikan habang palingat-lingat ang mga lalaki mula sa kanilang mga kinatatayuan.

"Nasaan tayo?" tanong ng isang lalaking kapansin-pansin ang abstrak na mga tato sa mga braso, si Joel, na tila nasa edad 30 na. Makisig ang kanyang pangangatawan at bakas ito sa kanyang suot na puting t-shirt at maong na pantalon.

Napatingin ang tatlong lalaki kay Ella na noon ay naka-pajamas at pantulog na pang-itaas lamang.

"Miss? Sino ka?" balik na tanong naman ng isang binata na si Tino kay Ella. Mukhang nasa 20 anyos ang binata, ang suot niya ay isang dilaw na t-shirt at pulang jersey shorts.

"OMG! What place is this?" sigaw naman ng isa pang lalaki, si Patrick na nakababatang kapatid ni Tino. Isang kulay rosas na sando at maikling maong na shorts naman ang suot niya. Mukha siyang tinedyer lamang.

"Patrick? Nandito ka rin?" tanong ni Tino sa kapatid. Hindi kaagad napansin ni Tino ang kapatid dahil nakapwesto si Patrick sa kanyang likuran.

"Patrick? Wit wit wit. Patricia is my name." tugon naman ni Patrick habang kumukunot ang mukha.

"Tinatanong ka nang maayos, sumagot ka rin nang maayos," ani Tino nang nandidilat ang mga mata.

"E Kuya Tino, nadulas kasi ako kay Mama na magpapatato ka rito kay Kuya Joel. So pinapuntahan ka sa akin, sunduin daw kita at sabihin ko raw na galit na galit siya," sagot ni Patrick.

Pinutol ni Ella ang pag-uusap ng magkapatid, "Teka, teka! May idea ba kayo kung nasaan tayo?"

"Actually, wala," sabi naman ni Joel.

"E sino ba kayo? Paano kayo napadpad dito?" tanong ni Ella sa mga lalaki.

"Ako si Joel. Inaayos ko lang 'yung tattoo shop ko kasi kabubukas lang habang kinakausap si Tino kung desidido na ba siyang magpatato. Tapos bigla na lang nagliwag sa shop ko."

"Ikaw si Tino diba?" tanong ni Ella sa isa sa mga lalaki.

"Oo, paano mo nalaman?" sagot ni Tino.

"Sinabi niya kanina," sabay turo kay Patrick. "Kuya Tino raw sabi niya. Tapos siya naman si Patrick. Este, Patricia."

"Bongga si Ate, fast learner. Gets niya agad na Patricia is my name," sabi ni Patrick. "Pero same kami ni Kuya Joel, nakakita na lang ako bigla ng nakasisilaw na liwanag habang papalapit ako kay Kuya Tino noong nasa shop na ako."

"Saan kaya nanggaling ang liwanag na 'yon?" tanong ni Ella.

"Naalala ko na!" ani Tino. "Nagse-search ako ng pwede kong puntahan na gig tapos pagka-click ko sa isang event, bigla na lang nagliwanag."

"Anong pangalan ng event?" tanong ni Ella.

"Hmm, ano nga ba 'yon?" inaalala ni Tino ang pamagat ng event.

"Pagtatanghal?" ani Ella.

"Oo, 'yon nga! Pagtatanghal," pasigaw naman na tugon ni Tino.

Maya-maya, isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa labas ng kastilyo.

"BOOM!"

Nagtungo ang apat sa tarangkahan ng kastilyo, binuksan ito at tiningnan kung ano ang nagaganap sa labas.

Nakita nila na may mga nilalang – mga taong ang mga suot ay magagarbo ngunit madidilim na kulay na mga damit – na naglalaban-laban na para bang may nagaganap na giyera. May mga hawak silang espada, pana at sibat. Ang iba ay sakay ng iba't ibang uri ng hayop – mga hayop na lumilipad, lumalangoy, gumagapang, tumatakbo at naglalakad. May malalaki at may maliliit, mayroon ding katamtaman lang.

Gayunpaman, hindi nadadamay sa gulo ang kastilyo dahil isang kumikinang na malaking bilog o panangga ang pumoprotekta rito.

"Maligayang pagdating sa Haraya" bigkas ng isang napakagandang babae mula sa kanilang likuran.