Chapter 52 - TIME FLIES BY!

*Si Nestor at Rey, Si Ruel at Victor*

Taong 2010, muli akong nakapasyal sa Marikina. Nagkita kami dati ni Paul sa Concepcion na dati kong kaklase noong fourth year high school kami. Naging isa na s'yang Math teacher noon sa Concepcion High School. Nagbakasakali akong hingin ang number ni Ruel at Victor sa kanya, sinuwerte naman ako at meron s'yang number ni Victor.

Tenext ko noon si Victor at sinabi ko na nasa Marikina ako ngayon. Nagreply naman s'ya 'non sa'kin. Nagkita kami ni pareng Torvic sa kantuhan ng Marikina Heights at Concepcion ng gabing napag-usapan namin. At dumeretcho na kami sa bahay ng naging byanan ni pareng Ruel sa S.S.S Village. Muli kaming tatlo ay nagkita at nagkasama-sama sa isang perpektong gabi ng kasiyahan. Ngunit hindi na 'non nakapunta si Paul.

Ang dami namin naging usapin sa lamesa, mga kwentuhan at kumustahan sa mga buhay-buhay namin. Andon na rin sa'min ang pananabik ng muling pagsasama-sama. Si Victor, tulayan na noong naging mekaniko. Nadepres daw s'ya noon! Personal ang kanyang naging dahilan. Tinulungan din s'ya noon ni pareng Ruel na muling makabalik. Uminom din daw s'ya ng mga gamot para sa kanyang depresyon, at nagpahinga sa kanyang trabaho. Sinabi n'ya noon sa'min na akala n'ya masisiraan na s'ya ng ulo.

Naikwento n'ya rin sa'min na meron daw s'yang naging katextmate noon na nag-aabroad. Nu'ng makauwi daw ito ay nakipagkita s'ya dito. Nagustuhan s'ya ng babae na malaking malaki ang edad sa kanya. Kumain daw sila sa isang fast food at pinagtitinginan daw sila ng mga tao sa loob. Sinabi ko noon sa kanya na, "pare, bakit mo naman iisipin ang sinasabi nila. O, ang mga tingin nila sa inyo." Nagustuhan din daw s'ya ng babae dahil sa kanyang prinsipyo.

Habang sila'y kumakain, sinabi ng babae na, "may utang nga pala ako sa'yo."

'Yung pinaload ko sa'yo noong nasa abroad pa ako.

"Eto ang bayad ko!"

...Makapal daw ang perang iniabot sa kanya!

"Minustra pa sa'min ni Victor kung gaano 'yon kakapal."

Anu 'yan? Hindi ko 'yan matatanggap! (Wika ni Victor sa babae)

Sige na tanggapin mo na, bigay ko 'yan sa'yo.

Pinillit parin ng babae ang pera ngunit mariing tinanggihan ito ni Victor. Bumilib daw sa kanya ang babae sa ginawa n'yang iyon. Buhat noon, lagi na s'yang tinetext nito at laging gustong makipagkita sa kanya ng babae. Pinuntahan pa daw s'ya nito sa kanilang bahay at nakausap ang kanyang mama. Birong bigkas n'ya sa'min na halos kaedaran na daw ito ng kanyang nanay.

Naging kaibigan lang talaga ang turing noon ni Victor sa kanya. At sa babae ay ibang usapan na. Tuluyan na lang daw nagsawa sa kanya ang babae ng hindi na s'ya sumasagot sa mga text at tawag nito.

Sinabi ko noon kay Torvic na, "pare minsan, maglaro ka naman ng apoy!" Wala naman mawawala sa'yo kung pagbibigyan mo s'ya at tiyak magkakapera ka pa. 😂 Kapwa kami noon ni Ruel na nanghihinayang sa kanya o sa kanyang naging kwento. Minsan na nga lang din s'ya magkababae nireject pa n'ya. Nagtawanan na lang kaming tatlo noon dahil sa aming pambubuyo kay Torvic. At talagang nanindigan s'ya na 'di daw n'ya masisikmura ito.

Si pareng Ruel naman, pumasok noon sa pinapasukan ng kanyang amain na likod lang din ng dati nilang bahay sa steel works company. Meron na s'ya noong sariling pamilya at meron na din silang dalawang anak ng dati n'yang noo'y girlfriend. At ang isa doon ay inaanak ko. Hindi dati ako nakapunta ng ito'y binyagan. Sinabi sa'kin ni pareng Ruel na kahit wala ako noong ito'y binyagan ay kasama pa din ako sa listahan. Present na present noon si pareng Torvic, at marami daw akong namiss sa kanila. Sobrang namiss din daw nila ako.

Mahaba din ang inumang namin iyon habang si Victor ay nagpaalam na sa amin. Hindi na rin namin s'ya noon napilit na samahan pa kami dahil may pasok pa daw s'ya kinabukasan. Sobrang nagpasalamat. ako noon kay pareng Victor dahil tiyak matatagalan pang muli bago kami magkita-kita.

Habang kami ni pareng Ruel ay nagpatuloy pa ding uminom. Inabot na rin kami ng madaling araw. Marami kaming naging usapan ng gabing iyon. Lumabas na din noon ang asawa ni Ruel na kumare ko naman. Maging s'ya ay nakipagkwentuhan din sa amin. Natimplahan pa n'ya kami ng kape matapos ang aming inuman. Doon na rin ako natulog, sa isang kwarto doon sa bahay ng kanyang byanan.

Kinabukasan, pumasyal doon ang kapatid na lalaki ni Ruel. Sinabi ko sa kanya na malaki ka na ngayon. Binata kana! Kilala pa rin naman ako ng kanyang kapatid at bumati rin ito sa akin. Na meet ko rin doon ang kanyang byanan nu'ng kinaumagahan na.

Sinamahan ko pa din noon si pareng Ruel sa kanyang lakad bago ako tuluyang nagpaalam sa kanya. Nakapagkwentuhan pa kami noon. Sinabi ko sa kanila na pasyalan naman nila ako sa Batangas. At ipapasyal ko sila dito. Balak din sana naming magswimming dito noon ngunit hindi na rin ito natuloy. Iyon na din ang huling kita ko sa kanilang dalawa. At ang gabi ng muling pagsasama-sama namin ay lagi pa rin nananahan sa puso't isipan ko.

Sila pareng Rey noon ay wala na sa Marikina. Mga taong 2007 ng lumipat na sila sa Alfonso, Cavite ng magkabayaran sa kompanyang pinapasukan ng kanyang ama. Doon na sila nakabili ng lupa at nakapagpatayo ng bahay. Nagkaroon din sila doon ng sari-sari store, habang s'yay nagkaroon ng kanyang sariling pwesto ng cellphone repair shop. Nabilhan din s'ya ng kanyang ama ng motor. Nakapasyal pa kami noon ni Edna sa kanya ng imbitahan n'ya kaming pasyalan sila doon. Si pareng Nestor naman ng mga panahong iyon ay nandoon din. Nagtrabaho s'ya noon bilang isang panadero sa bakery ng tiyuhin ni Rey. Hindi ko rin alam kong nakaisang taon s'ya doon.

Nakapaghang-out pa kami ng gabing pumunta kami doon ni edna. Kasama namin noon ang tiyuhin ni Rey na si Vic, Nestor at Rey. Ang kanyang mama at papa ay nakitang kong muli, maging ang kanyang kapatid na si Gemalyn at Nonon. Kinabukasan ay umuwi na rin kami.

Sa mga nagdaan na taon, nakadalawang pasyal sa'kin si Rey dito sa Lipa City. Nakikikamusta s'ya sa'kin noon at nakikibalita. Sa huling punta n'ya sa'kin taong 2009, iyon na rin ang huli naming pagkikitang dalawa.

Nagkakausap din kami paminsan-minsan sa social media. Nabanggit n'ya din sa'kin na may asawa na s'ya at isang anak na babae. Taga doon din daw ang kanyang napangasawa. Hindi rin ako noon nakapunta sa binyag ng kanyang anak bilang inaanak ko rin ito. Binalita n'ya rin sa'kin na may asawa na rin kanyang dalawang kapatid doon. Sinabi n'ya rin sa'kin noon na hinahanap ako ni ate Gemma na kanyang tiyahin, ng sila'y pumunta sa Bicol. Bakit hindi na daw ako pumapasyal na doon, dagdag pa ni 'te Gemma sa kanya.

Nagdaan pa ang ilang taon, binalitaan n'ya ako na naging parte na s'ya noon ng isang banda doon bilang bass player. Sinabi n'ya sa'kin noon na, "pare, di'ba, ito ang pangarap mo noon, ang magkaroon ng isang banda". Masaya ako para sa'yo pareng Rey at ikaw ang nagpatuloy ng pangarap ko. [sagot ko sa kanya] Hanggang sa mabalita n'ya rin sa'kin na naghiwalay na sila ng kanyang asawa, at ang kanilang anak ay nasa babae.

Nagdaan pa ang mga taon, binalita n'ya rin sa'kin na namatay na ang kanyang papa. Naging malaki din daw ang gastos nila sa pagpapagamot sa kanyang ama. Nasabi ko na lang noon sa kanya na, "pare, nakikiramay ako sa'yo at sa'yong pamilya." Ang huling balita n'ya sa'kin ay bumalik s'ya sa Marikina. Sinabi n'ya noon sa'kin na 'pre, wala yata akong swerte dito sa Alfonso. Maigi pang bumalik na lang ako sa Marikina. At doon mag-umpisang muli. Namimiss daw n'ya ang dating samahan namin, noong kami'y magkakasama pa. Ang bilis talaga ng panahon! Kelan lang magkakasama pa kami sa Marikina. Nakakamiss nga rin naman talaga ang mga araw na 'yon! 😥

Si pareng Nestor naman noon, nanatili sa Labas-Bakod. Napalipat na lang sila ng mademolish ang aming lugar taong 2009. Sa Sta. Rosa, laguna ang kanilang naging relocation site. Napasama noon ang pamilya ko sa Sta. Rosa at naging kapitbahay nila sila pareng Nestor. Nakailang punta din kami noon sa Sta. Rosa para dumalaw kila mama at papa. At sa tuwing pumupunta kami 'don ay hindi nawawala ang inuman namin nila pareng Nestor. Napaka flexible n'ya talaga, bumabyahe s'ya noon ng trike bike para may pantawid sa araw-araw o may kita na rin. Nakapagtrabaho din s'ya noon sa ilang mga restaurant doon. At sa ngayon, nasa Bulacan s'ya sa kanyang mga kapatid. Binalita n'ya rin noon sakin na patay na ang kanyang ina.

Nakailang pasyal din sa'kin ni Nestor dito. Ang huling pasyal n'ya ay matagal-tagal na din ng buhay pa si pareng Barci. Mga taong 2011, naging magkabakas pa kami noon sa puhunan sa mga sungay na umiilaw na ititinda namin tuwing pista ng mga patay dito. Nakilala n'ya rin noon si pareng Barci.

Hindi lang talaga sila din magtapat ni pareng Rey sa pagbisita sa'kin dito noon. Napasyalan din noon ni Rey sa Sta. Rosa si pareng Nestor mga taong 2010, ngtext sa'kin noon si Rey na magkasama silang dalawa sa araw ng kanyang birthday. Binati ko na lang noon si pareng Rey ng "happy birthday". Sa ngayon, ang tanging mga kominikasyon namin ay ang social media.

Nakakachat ko rin noon si pareng Victor mga taong 2013 to 2014, binalita n'ya sa'kin noon na sa parteng Visayas na tumira sila pareng Ruel kasama ang pamilya nito. Nakakausap ko din pa noon si pareng Ruel sa text. Sinabi n'ya din sa'kin na nasa Visayas na nga silang magpapamilya.

Dumaan pa ang mga taon, muli akong binalitaan ni pareng Vic na bumalik na sila pareng Ruel sa Marikina. Binalita n'ya rin ng lumipas pa ang mga taon ang naging paghihiwalay nila pareng Ruel at kanyang misis bilang mag-asawa. May katagalan na din na wala na akong balita sa kanilang dalawa, magpahanggang sa ngayon.

Noong araw na andon ako sa Marikina taong 2010. Nagkita kami noon ni Reggie boy na dati kong kaklase sa St. Mary Elementary School sa tapat ng bahay ng inuupahan ng kapatid kong babae sa Anatacia Village. Nakapagkwentuhan din kami noon. Sinabi n'ya sa'kin na binata pa din daw s'ya. Si Reggie ay taga Marikina Village din. Natanong ko s'ya noon kung kilala n'ya ang babaeng nakilala ko doon. Sumgot s'ya sa'kin na, oo 'pre, kilala ko 'yon. Ngunit sa ngayon, mayroon na itong pamilya at dalawa na ang mga anak nito. (wika n'ya sa akin) Napaisip na lang ako noon ng marinig ko iyon. Ayon na rin ang huling punta ko sa Marikina.

Naging kontento ako noon sa ganong takbo ng buhay ko ngunit nakaramdam din ako ng kawalang dereksyon nito. Tumigil na lang noon ako sa mga pinaggagawa ko ng isang araw makarma na lang ako at tuluyang matauhan. Ang mga babaeng nakilala ko noon ay dahan-dahan ko ng binura sa isipan ko. Pinalitan ko na rin at tinapon ang gamit ko noong sim card.