*ANG PAGTATAPOS SA HIGH SCHOOL*
From fourth year and last school year ng pagiging high school. Iyon ang taong kasikatan ng "Meteor Garden". Nag-umpisa 'yon ng bakasyon ng matapos ko ang pagiging third year. Halos lahat o karamihan ng tao noon ay na hook ng palabas na iyon. Maging ako man ay sinusubaybayan ko 'yon araw-araw. Wala akong pinalampas sa Meteor Garden, magmula sa umpisa hanggang sa last episode nito ay tinapos ko. Usong-uso pa noon ang tawagang "San-chai" at "Dao ming Sui". At kahit saang lugar ka pa pumunta sila ay mainit na pinag-uusapan. Marami ka din makikitang mga binibentang mga poster noon sa mga tindahan at sa mga palengke, mga t-shirts din nila naglipana din. Sumikat ng husto noon ang Meteor Garden at ang F4 fever.
Sa panahong iyon pagkatapos ng F4 fever muling sumibol ang "PINOY ROCK" at mga Pinoy Alternative band, at nagpatuloy hanggang 2011. Iyon din ang babago akong natututong uminom ng alak bilang isang bageto.
Naging kabatak ko ng matindi sa klase sila pareng Ruel Casamayor at Victor San Jose. Halos araw-araw kaming magkakasama sa eskwela noon, naging magkakatabi din kami noon sa upuan.At ang isa pa ay si Reynante Docot o Pogi/Pogs, s'ya din ang naging malimit kong nakasama lalo na noong matapos na ang pag-aaral namin. Naging kaibigan din s'ya noon ni pareng Nestor na nagtatrabaho na noon bilang isang panadero sa isang panaderia.
Kapag examan namin asahan mo ng tulungan, at maaga din noon ang uwian namin. Dederetso kami sa bahay ni Ruel para mag-inuman at magpalipas ng oras. Ako, si Victor at Ruel kaming tatlo ay nagpapalipas ng maghapon sa labas ng kanilang bahay kasama si "Gin". Malimit din dati akong tumambay sa kanila kapag uwian na, kasama n'ya ako papauwi sa kanila.
Hindi ko din makakalimutan noon ng napatrouble kami sa River park,malapit lang din sa River Bank Mall sa Marikina City. Kasama ko sila Ruel, Jake, Richmond at ilang babaeng kaklase namin.
Habang nakatambay kami sa tabing ilog, kasama ko 'non si Jake at dalawang babae namin. May lumapit sa'min noon na dalawang estudyante at nanghingi ng barya sa'min. Naisipan ko na lang na bigyan s'ya ng limang piso para umalis na din agad sa'min. Hindi pa nakontento ang loko at bumaling ang atensyon n'ya kay Jake na katabi kong nakaupo. Dito,kinikilan n'ya din si Jake ng barya. Ang tanging pagkakamali ko lang noon ang bigyan s'ya ng pera! Sinabi sa kanya ni Jake na wala s'yang pera. At ang sigang estudyante, biglang hinawakan si Jake sa magkabilaang kwelyo nito at pilit kinikikilan ng barya, habang ang isa nitong kasama ay nakatingin lang.
Alam kong nagpapakitang gilas lang ang dalawang estudyanteng lumapit sa'min sa kasama naming mga babae. Binitawan na lang nito si Jake sa pagkakahawak ng mahigpit sa kanyang kwelyo ng sabihin n'yang hindi s'ya lalaban.Doon nagdilim ang paningin ko.
[Flash back!]
Habang nasa byahe kami papuntang Riverk park.
Sinabihan kami ni Richmond na, "Wag na kaming pumunta 'don"
dahil nabugbog na daw s'ya doon dati.
Sinabi ko na lang sa kanya 'non na, "Kasama mo naman kami! At sino naman ang bubugbog sa'tin 'don?"
Patuloy pa rin ang pangungulit ni Richmond noon na huwag ng tumuloy habang nakasakay kami sa jeep. Baka lang daw maulit lang ang nangyari sa kanya noon. Tumigil na lang s'ya ng makarating na kami sa River park. Ngunit nagdilang demonyo si Richmond noon!
[Balik kanina!]
Noong makaalis na ang dalawang estudyanteng kupal. Sinabihan ako ng kaklase kong babae.
Bakit mo naman binigyan...?
Wala, naisip ko lang. (Sagot ko sa kanya)
Pero nanggagalaiti na ako 'non sa galit dahil sa ginawa n'ya kay Jake. Dali-dali ko sila noong sinundan na tumungo sa tumpukan ng mga kasama nilang mga estudyante. Hinanap ko ang kupal na 'yon, dahil sa dami nila hindi ko s'ya nakita. Dumeretso na lang ako kila pareng Ruel na nakatambay kasama ang ilang kong mga kaklase 'di kalayuan sa mga tumpukan ng nilapitan ko. Bumalik na rin noon sila Jake kila pareng Ruel. At noo'y nagsama-sama na kami para umalis na lang.
Tumayo na din sila noon at sinundan ang aming paghakbang. Napakarami nila, mahigit silang dalampu samantalang kami ay apat lang na lalaki. Sinabihan ako noon ng parang lider nila na... Bakit daw ang sama ng tingin ko sa kanila ng lumapit ako sa kanila nu'ng hinahanap ko ang estudyanteng nagwalang hiya kay Jake. Nag-umpukan na sila 'non sa'min at reding-ready na sa gulo. Pumagitna noon si Ruel at sinabi sa kanilang, "Pasensaya na lang pare!" Ngunit hindi sila pumayag noon!At nanggagalaiti pa din. Pilit pa rin nilang sinasabing mayabang daw ako at masama makatingin.
Noong mga sandaling 'yon, may hawak na akong ballpen na nakatago sa'king bulsa. Ang bilis ng pangyayari iyon, humakbang lang kami paatras biglang, ayon pinutakti na kami ng mga suntok. Nagtuloy-tuloy na sila sa pag-atake sa'min. Si Ruel ang nasa unahan noon kaya s'ya ang unang nahablot, ang dami na noong sumuntok kay Ruel. Nakita ko na lang na kumober na lang s'ya at napaupo na lang. Habang si Richmond ay dumistansya na sa amin at tumakbo palayo. Nakita ko din noon si Jake na kinukuyog na din ng mga kabataan. Napaatras ako noon ng pagsusuntukin na din ako ng may tatlong estudyante. Ramdam na ramdam ko ang mga tama nila sa mukha at ulo ko ngunit nakipagsabayan ako sa kanila gamit ang ballpen ko. Habang kinukuyog na din ako, kita ko pa si Ruel at Jake na nakaupo nalang habang sinusuntok at sinisipa ng mga estudyante. Nagsisisigaw na din ang mga babae naming kaklase habang umaawat sa mga nambubugbog sa'min.
Natigil na lang ang kaguluhan ng nagpipito na ang mga gwardya ng Mall at sila'y rumispundi na din. Nagpulasan na noon ang mga estudyanteng iyon, kanya-kanya na sila sa pagtakbo habang hinahabol ng mga gwardya. Bumalik noon ang mga gwarya ng may bitbit na dalawang bata. Gusto ko pa sanang salubungin sila 'non ng suntok pinigilan nalang ako ng mga babae naming kasama. Alam ko din na may nasaksak ako sa kanila dahil nakita ko na lang ang ballpen ko na nawala ang dulong bakal nito na may katulisan. 'Nung matapos na ang gulo lumabas na din si Richmond mula sa pagkakatago. Nabanggit n'yang pumasok daw s'ya sa loob ng Mall.
Hinang hina noon si Jake at halos hindi s'ya makilala dahil sa mga tama n'ya sa mukha. Bukol-bukol ang mukha n'ya noon at may malaking black eye sa mata. Halos magsara na din ang kanyang mata habang ang kabilang mata ay may black eye din, kumbaga double black eye ang inabot ni Jake. May namuo din dugo sa kanyang mga mata.Si pareng Ruel naman ay may malaking black eye din at mga galos sa mukha, bukulan din noon ang kanyang ulo. Habang ako nama'y bukulan din ang ulo, gasgas ang mukha at may mallit lamang black eye. At kapwa masasakit ang katawan naming tatlo noon.
Inuupo namin 'non si Jake sa gilid ng Mall, habang hinihintay namin ang dating ng mga pulis. Mamaya-maya pa'y nagsuka na noon si Jake.bInalalayan s'ya noon ng mga kasama naming babae, maging si Richmond din.
Awang-awa ako noon sa sinapit ni Jake! Alam kong hindi s'ya palaaway at hindi din sanay sa mga ganong bagay. Hindi n'ya na rin kinaya noon kaya hinatid na s'ya ng mga kasama naming babae sa kanilang bahay, maging si Richmond ay sumama na din sa kanila.
(Dahil sa mga bugbog ko noon, hindi ko na din maalala ngayon kung may dumating bang ambulansya para dalhin si Jake sa ospital.)
Naiwan kaming dalawa noon si Ruel, kasama ang dalawang nahuling estudyante. Binitawan na lang ng mga gwardya ang dalawang bata ng dumating na ang mobile ng pulis. Binitbit kami noon sakay sa kanilang pick-up, doon tinakot kami ng mga pulis na ikukulong kaming apat. Dinala kami ng mga pulis sa Baranggay Hall ng Barangka, doon ay kinausap kami ng Kapitan nila. Bakit daw pumunta pa kami doon gayong napakalayo ng Parang sa River park. (Winika ni Kapitan sa amin) Kilala ni Kapitan ang dalawang estudyante dahil nasasakupan n'ya ang mga ito. Naging dehado kami noon ng magkaila na ang dalawang kupal. Hindi daw sila kasama sa mga bumugbog sa'min. Sinabi ko na lang na, magkakaila ka pa! Eh, tumakbo nga kayo!
Nagkasagutan na kami noon sa loob ng Baranggay. Gayun pa man hindi sila kinonsente ni Kapitan. Ginawan sila noon ng blotter at kami-kami ay pumirma. Nagtaas din noon ang boses sa'kin ni Kapitan dahil sa kawalang galang ko daw sa loob ng baranggay. Uminit noon ang ulo ni Kapitan maging ang dalawa ay pinagalitan at gustong tuktukan. Maging ako man ay napagalitan n'ya din habang si Ruel ay tahimik lang at pinipigilan na akong magsalita.
Nang matapos ang usapan, pinauwi na kami ni Kapitan. Humingi ako sa kanya noon ng pasensya at kanya naman itong tinanggap. Sinabihan n'ya din kami na pagpamedical sa Amang Rodriguez Hospital.
Dumeretso kami ni Ruel sa ospital. (public ospital) Doon ay naghintay kami ng ilang minuto sa doktor, at ng dumating ito. Pinapasok kami sa isang kwarto. Inilawan lang naman ang aming mga mata at pinauwi na. Nabugbog lang daw ang aming mga mukha, at hindi naman daw napuruhan ang aming mga mata. Hindi ko na rin noon maalala kung nabigyan ba kami ng kopya ng medical certificate. Noong umuwi na kami ni Ruel, natawa na lang kami sa sinapit namin 'nung araw na iyon.
Kinabukasan pagpasok namin, pinagkaguluhan na lang kami ng aming mga kaklase. Sikat kami noong araw na iyon, habang ang iba ay natatawa sa amin. Si pareng Ruel pumasok ng nakashade.Si jake naman, isang linggong hindi nakapasok. Balita na lang namin na naospital s'ya. Swerte na lang noon ni pareng Torvic dahil hindi s'ya sumama sa amin. (Nakaiwas s'ya 'non sa black eye!)π€ππΏπ€
May mga pagkakataong namamasyal kaming tatlo. Pumupunta kaming Ali Mall at SM Shoe Mart para magwindow shopping, o magpalipas ng oras at magliwaliw. Madalas din kami sa bahay nila Ruel para tumabay, nakikinuod ng mga live concert, nakikikain at doon din kami naggugupitan. Pumupunta din ako kila Ruel para magpalipas ng maghapon. At kapag maggagabi na lalarga na ako pauwi sa amin. May kalayuan din ang bahay ni Ruel patungo sa amin, ngunit nilalakad ko lang iyon dahil minsan kulang sa pera.
Noong pumunta ako sa kanila para tumambay. Maghahapon na noon ng maisipan naming maglakad-lakad tungo sa kanilang basketball court, tumambay din kami doon at napag-usapan ang buhay-buhay.
Natanong ko s'ya noon... Kung anu kayang mangyayari sa'tin sampung taon mula ngayon...?
Sabi n'ya... Baka may pamilya na ako 'non 'pre at mga anak.
Sinabi ko din na... Baka din may pamilya na rin ako 'non 'pre.
Napag-usapan din namin ang aming magiging mga anak. At nangarap na magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap, pati na din ang magkaroon ng magandang trabaho balang araw. Sampung taon mula ng araw na 'yon.
Minsan naman, noong pumunta silang dalawa ni Torvic sa'min. Pinasyal ko sila noon sa kabilang ibayo na parte na ng Rizal. Tawid ilog ang pagpunta doon, at doon din kami malimit dating maghanap ng mga gagamba. Napakalaki ng subdivision na 'yon! Sa sobrang laki talaga 'non, halos kasing laki na 'yon ng isang baranggay na may kalakihan. Ito ang Greenland Subdivision na pag mamay-ari ng Sta Lucia Realty.
Nagustuhan naman nila doon dahil sa maaliwalas na paligid at sariwa ang hangin. Marami din fine tree sa magkabilang kalsada at puro luntian din ang paligid doon. Sabi ko nga sa kanila, kapag may trabaho na tayong tatlo, dito tayo tumira.
Minsan naman sa bahay ni Victor kami pumupunta sa Brgy. Fortune. Nakilala din namin ang kanyang mga magulang at kapatid ding lalaki. Nakikinuod kami sa kanilang pool'an. Pinakain din kami ng kanyang mama.
Kila pareng Rey malimit din dati ako, madalas n'ya ako noong isama sa kanila para magpalipas ng maghapon at para tumambay na din sa kanila. Ako rin noon ang gumugupit sa buhok nilang mag-aama. Mabait din ang nanay at tatay ni Rey lagi nila akong sinasabay sa kainan. Kapag nandoon din ako sa kanila,lagi din kaming may meryendang hinahain ng kanyang mama.
Nagset kami noon ng inuman sa bahay ni Roger Tayam. Inimbitahan n'ya kaming magkaklase sa kanilang bahay, wala daw doon ang mag-anak ng kanyang kuya. Paglabas namin noon ng klase dumeretso na kami sa kanila kasama ang ilang kabatak naming mga babae. Masarap ang inumang iyon at puro beer ang dinali namin, may videoke din. Ang iba naming mga kaklase ay nalasing din.Madami-dami din kami noong nainom na mga beer. Doon din sa kanilang bahay nakapaggupitan kami. Pila-pila sila noong nagpagupit sa'kin. Inabutan nila ako noon ng kanilang mga bayad.
Kapag examan tulungan kami, tulungan kami sa pagkopya. Natatawa na lang ako noong nagkopyahan kami. Napansin kong mali ang sagot kong mahaba-habang talata. At ng burahin ko ito, pati sila ay nagburahan din ng sagot. Kulang na lang pati pangalan ko ay kopyahin nila at burahin din.
Sira lang talaga ako noon sa Math at Physics, lalo na kapag kompyutan na ang pinag-uusapan. Kay Sally at Crisper noon ang aming takbuhan at kopyahan. Silang dalawa ang matinik sa ganong subject at masasabi kong magaling talaga sila doon. Hanga ako noon kay Sally at Crisper dahil sa galing nila!Kahit may kahabaan pa ang formula at computation ay easy'ng-easy lang sa kanila. Matataas ang mga grades nila kapag Math at Physics na ang pinag-uusapan. Sila ang naging sandalan ko noon sa mga subject na tagilid ako. Maging si Paul ay may kagalingan din sa dalawang subject na iyon.
Si Torvic noon may naging chrush na third year student. Tinulungan s'ya namin noong makipagkilala dito. Si Ruel naman ay may dinidiskartehan din dati. At ako ay may pinopormahang taga ibang section na fourth year din. Malapit na rin noon kaming magtapos.
Nakuha ko din naman noon ang kanyang number, telephone number nga lang. Kapag tinatawagan ko s'ya madalas makasagot ang kanyang ama, kaya tinigilan ko na din ang pagtawag sa kanya. Sa dinami-dami ng tawag ko sa kanya wala pa yata tatlong beses ko s'yang noong nakausap. (Sa payphone pa ako tumatawag noon)
Hindi na naman na ako noong pinagbabawalan sa amin. Nasanay na din noon sa'kin sila mama at papa. Madalas akong gabihin noon sa pag-uwi. May pagkakataong din umuuwi akong nakainom ng alak. (Deretso tulog na ako 'non)
Kapag fourth year ka na pala, makakaramdam ka ng kakaibang kalungkutan. Lalo na kapag malapit na ang graduation day. Para bang ayaw mo na itong pasapitin. 'Yung pagbibilang mo dati ng mga araw para makagraduate na ay gusto mo ng pigilan.
Bago kami grumadyet, nakapag-recollection din kami noon. Batang-batang pari noon ang naimbitahan na magsagawa ng programa. Ginanap iyon sa loob ng eskwelahan din namin sa conference room. Pinagbukod noon ang mga babae sa lalaki. Kaming mga lalaki sa ganitong oras at ganon din ang sa mga babae sa ibang oras naman. Halos lahat kami noon ay mangiyak-ngiyak, ang iba nga nagsipag-iyakan na. Ang galing ni Father lahat kami ay nadala n'ya. At ang galing n'yang magpaiyak.
Sa tingin ko naman, halos lahat naman kami ay nakagraduate noon, mapwera na lang sa kaklase naming babae na nagdrop-out. Dumating na ang "Graduation day" may halong saya at lungkot o mixed emotions. May tatlo yata o higit pang oras ang boung programa. At ng matapos ito, andon na ang mga piktsuran. Hindi pa uso ang mga smart phone noon. Ang meron lang ay 'yung sa nokia na may kalabuan pa ang mega pixel ng camera. May mga magulang at kasama na nagdala ng digi cam, camero o kodak sa bisaya. Nakuhanan kami noon ng litrato ng kuya ni Roger, maging sa nanay ni Rey at meron din sa iba.
Andon na din ang authograph signing sa mga polo, t-shirt, sando at kung saan-saan pa. ('Yung mga remembrance kong pirma nila, nadala na din ni Ondoy) Andon din ang mga kamayan at pagsasabing "Congrats" sayo, sa inyo,sa ating lahat. And'yan na din ang iyakan ng mga babae at pagluha din ng ilang kalalakihan. Mga yakapan ng bawat babae, mga kamayan ng bawat lalaki. Nakita ko 'yon sa kanila!
Ang mga pagpapaalam bawat sambit ng mga estudyante, maging sa aming mga guro. At ang kasiyahan ng aming mga magulang ay namumutawi sa kalangitan. Sa aming stage o entablado kung saan natanggap ang mga diploma. At sa aming play ground o plaza ng aming eskwelahan kung saan tinapon sa ere ang mga toga. Doon nagtapos ang lahat ng isang pagiging high school student.
Dalawa kami noong sabay na nagtapos ng kapatid kong si Jing sa Parang High School. Nagkataon namang wala ng trabaho noon si papa, kaya hindi na din nila kami naipaghanda sa bahay noon. Si mama at Jing ay umuwi na sa bahay noon, samantalang ako ay nagtungo sa bahay nila Ruel. Inimbitahan ako ni Ruel noon na sa bahay na nila ako dumeretso. Inimbitahan din ako noon ni Rey sa kanila maging ng kanyang magulang, ngunit naka oo na ako kay pareng Ruel.
Nakita ko noon si Edwin o si Peping na kasabay din namin grumadyet maging ng kayang kuya Erwin din. Sinama ko s'ya noon kila Ruel at pumayag naman s'ya sa anyaya ko. Lumabas na kami noon ng gate ng eskwelahan habang ang iba ay nag-uuwian na din. Si Victor hindi na noon sa'min sumama dahil may handaan din sa kanila. Dumeretso na kami ng gabing iyon sa bahay nila Ruel. Nauna na din noon sa'min umuwi sila Ruel.
Nang kami'y makarating sa kanila, agad-agad kaming hinainan ng kanyang ina. Maraming handa noon si Ruel at marami din ang aming nakain ni Edwin. Pagkatapos ng kainan uminom na kami ng alak kasama ang kapit bahay nila. Binilhan kami noon ng amahin ni Ruel ng alak. Nang maghahating gabi na nagpaalam na din noon sa'min ang kapitbahay ni Ruel.
Inabot kaming tatlo noon ng madaling araw sa pag-iinom. Noong nalasing na ako doon lang lumabas ang pagiging emosyonal ko. Pumatak ang aking mga luha habang sinasariwa ang mga pangyayari. Sinabi ko noon sa kanilang dalawa na, "Papasok pa rin tayo bukas!" Lumabas pa noon ang nanay ni Ruel habang nakikita akong umiiyak. Tinimplahan din kami ng kanyang mama noon ng kape. Doon na din kami ni Edwin natulog kung saan mismo kami nag-inuman. Kinabukasan, umuwi na kami sa aming mga bahay.
Nagpapasalamat ako sa lahat-lahat ng mga naging TEACHER ko. MARAMI PONG SALAMAT SA INYO!!! At sa lahat-lahat din ng mga naging CLASSMATE ko. Ipinagmamalaki ko na sa P.H.S o Parang High School ako nagtapos ng high school. Ipinagmamalaki ko rin na nanggaling ako sa "Dakilang Public School!"... Minsan, nakakamis din pala ang maging isang high school student!!!π