Mula sa pagiging sawi ay unti-unting bumabangon at natututo ang noo'y laging luhaan at talunan pagdating sa pag-ibig. Natuto ako noong "MAGKONTROL" ng emosyon ko, sa sarili ko. At minsan nama'y, maging manhid din. Noong nauso ang mga unlitext at unlicall sa mga promo ng ilang telephone company dumami ang naging katextmate ko. Nauso din noon ang mga clan sa text kaya, kung sinu-sino noon ang mga nakakatext kong babae. Ang iba doon ay nameet ko na ng personal o nakita. Ang iba naman mga naging girlfriend ko din. Madalas din noon akong makipag-eyeball o E.B, at minsan kasama ko si rey. Minsan naman, niyayaya namin ang katextmate kong babae na uminom sa bar. Paulit-ulit ko 'yon ginagawa at nagpakasarap sa buhay binata.
Ang dami ko noong nakilalang babae at napuntahan na lugar. May naging girlfriend pa ako noong taga Valenzuela na pumapasok sa Marilao, Bulacan bilang fourth year high school. Pinuntahan ko s'ya noon at nakilala din ng personal, s'ya na siguro ang batang naging girlfriend ko noon na kinse anyos lang.
Naging dalawa, tatlo, apat ang mga girlfriend na pinagsabay-sabay ko sa isang panahon. Naging masaya ako noon sa mga pinaggagawa ko. Nagkaroon din ako ng kolehiyalang girlfriend noon.
Hindi naman ako gwapo pero meron akong sex appeal at kakaibang libido. " Ang pagiging mabilis at swabe." 'Yun siguro ang nagustuhan sa'kin ng mga nakilala ko. At ang konti kong talento sa pagsusulat at paggawa ng mga talata o pangungusap ay ginamit ko sa mga text at tawag sa cellphone. Nagpalipat-lipat ako noon ng mga lugar! May naging girlfriend ako sa Caloocan, Quezon City, Paranaque, Valenzuela, Bicol, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Tuguegarao, Pagadian City at iba pa. Naging malas lang talaga ako pagdating sa Marikina, dahil wala akong naging girlfriend doon. Kung meron man, naging panandalian lang at walang kaseryosohan o kasiguraduhan.
'Yung iba ko namang naging girlfriend, hindi ko nakita ng personal. Naging girlfriend ko lang sila sa text at naging masaya na noon ako. Ngunit halos karamihan sa kanila ay nameet ko na ng personal. Marami din akong nakilala, 'yung ibang mga babae naging tropa ko din at nakasama sa good time. Naging kontento ako noon sa ganong takbo ng buhay ko at talagang naibsan ang natutulog kong puso.
*OLD WISE MAN*
Katrabaho ko noon si mang Mar sa 9'Js barber shop bilang isa ding barbero. May edad na din si mang Mar, senior cetizen na nga s'ya noon. Noong bago palang ako sa shop, napansin ko na noong hindi sila nagpapansinan ng katrabaho din namin na si Jay-r. Meron pala sila noong naging sigalot sa trabaho. Si mang Mar naman kasi ay may katakawan din pagdating sa costumer. Ngunit noong nagtagal ay naging ayos na rin naman na silang dalawa.
Madalas din ako noong agawan ni mang Mar sa mga costumer. Mabilis s'yang gumupit kapag marami ang nakapilang magpapagupit. Talagang uunahan ka n'ya at magmamadali itong tapusin ang kanyang ginagawa kaya, medyo maiinis ka sa kanya, dahil sa kagulangan n'ya dati sa mga costumer. May mga oras din na kahit pangit pa ang gupit nito pinapagpagan na n'ya ng brush na may pulbo at tinatanggalan na n'ya ng balabal ang costumer. Magugulat na lang kami at magtitinginan ng mga kasama ko.
Isang araw, napuno na ako kay mang Mar dahil sa paulit-ulit n'ya itong ginagawa sa'kin. Kung mapapansin mo din ang kanyang tinatayuang pwesto, ang semento nito ay napudpod na dahil sa bilis ng kanyang mga paa sa paggalaw na para bang nagcha-chacha. Minsan naman kapag wala pa si mang Mar ginagaya ito ni Ama. Tatayo si Ama pupwesto sa kinatatayuan ni mang Mar at imumustra nito ang istilo ni mang Mar sa paggugupit. Sa paggalaw ni Ama sa hangin, doon maghahagalpakan na kami sa pagtawa. Sinasabi din samin ni Ama noon na hindi daw n'ya gusto ang style ni mang Mar sa pagggupit. Hindi din daw s'ya nagagandahan sa trabaho nito.
Noong umaga at ako palang mag-isa ang pumasok, marami-rami na akong nagupitan noon. At ng patanghali na, dumating si mang Mar. Naghahanda na s'ya noon ng kanyang mga gamit habang ako'y patapos na sa'king ginugupitan. May nakaupo noong batang costumer na naghihintay. Dali-dali kong tinapos ang ginugupitan ko at tinanggalan na agad ng balabal. Bago pa s'ya makatingin sa costumer pinaupo ko na ito sa upuan ko at nilagyan na din ng balabal para gupitan na. Ready na din noon si mang Mar ngunit nakita n'ya na sa'kin na nakaupo ang bata. Nawalan s'ya ng gana noon at bigla na lang lumabas ng shop, dahil ng makita n'ya na ang costumer na dapat sa kanya ay ginugupitan ko na. Bumalik s'ya noon ng pahapon para magsumbong kay Madir dahil sa ginawa ko sa kanya. Rinig ko din na nagsusumbong s'ya kay Madir! Ang kanya daw na dapat ay buena mano n'ya ay inagaw ko pa daw. Nawalan daw s'ya ng gana at badtrip na badtrip sa'kin ng mga oras na 'yon. Sa isip-isip ko naman, kapag ako nga ang inaagawan mo wala ka sa'kin naririnig na salita, kumbaga nagtitimpi lang ako at nayayamot na din dahil sa mga panggugulang mo.
Noong umalis na si mang Mar kinausap ako ni Madir, ngunit hindi naman n'ya ito kinampihan. Alam din naman ni Madir at Padir ang style ni mang Mar. Sinabi na lang ni Madir na, "Eh, di s'ya ang walang kita." Binanggit ko din kay Madir na, "Ginantihan ko lang naman po si mang Mar."
Kinabukasan, naikwento ni Madir kay kuya Teng ang nangyari kahapon noong hindi s'ya pumasok. Hindi rin noon pumasok si mang Mar, malamang may tampo pa din sa akin. 😁Habang nag-uusap ang dalawa ay nagtatawanan sila noon. Masayang-masaya sila noon dahil ako lang daw ang nakatalo at nakapagpasuko kay mang Mar. Ilang araw din ako noong hindi pinansin ni mang Mar dahil sa ginawa ko sa kanya. [Hehehe] Nalaman din noon ni Jay-r ang ginawa ko kay mang Mar at ito'y tuwang-tuwa din. Natatawa na lang din ako minsan, kapag naiisip kong napagwalk-out ko si mang Mar.🤣
"Naging OK na rin naman na muli kami noon ni mang Mar ng tumagal. Maging kaming lahat ay Ok na Ok na! At buhat 'non naging maganda na ang pagsasamahan naming magkakatrabaho."
Minsan nag-inuman kaming apat ng matapos ang aming duty, sa gilid lang din ng barber shop. Tag-ulan noon! Masaya ang inuman iyon! Pumunta din ang ilang barbero na tropa namin sa kabila. Habang dumadami ang usapan, hanggang sa magmayabang na si mang Mar sa'min. Kapag may sumama daw sa kanya sa beer house, ililibre daw n'ya pati sa babae. Minsan lang 'yon gawin ni mang Mar. At akala namin noon nagbibiro lang s'ya. Nagpresinta ako noon na sumama sa kanya! At ng matapos ang inuman namin, niyaya nga ako ni mang Mar na mag good time. Dumeretso kami sa kanyang inuupahang bahay sa parteng Montalban, Rizal. Ikinain pa ako ni mang Mar sa tapsilugan bago kami pumunta sa kanyang bahay.
Mag-isa lang noon si mang Mar sa bahay. Sinabi n'ya sa'kin na mahirap daw mamuhay mag-isa, kumbaga malungkot daw. Meron s'yang mga anak at malalaki na ang mga ito. Meron na din daw itong mga kanya-kanyang pamilya ngayon. Hiwalay na din s'ya sa kanyang tunay na asawa. Meron din s'ya noong na ka live-in at nagka-anak sila nito ngunit nasa babae ang bata, minsan naman na kay mang Mar ang bata. Kamukhang-kamukha s'ya ni mang Mar na noo'y limang taong gulang pa lang na si munting Marissa. Naghiwalay din sila ng babae na malaki ang edad n'ya dito. At pagdating sa bata hiraman silang dalawa. May pagkakataong nagpupunta din dati sa shop ang babae at inaaway si mang Mar. Nagbubunganga ito kay mang Mar kahit nandon ako.
Maya-maya na tayo pumunta, maaga-aga pa wika ni mang Mar sa'kin. Pumunta tayo kapag medyo alanganin na ang oras para konti na lang ang mga tao, at para din madali na natin silang makakatable.
Noong pumunta na kami sa beer house na malimit n'yang puntahan. At nu'ng nakapasok na kami sa loob kilalang-kilala na si mang Mar doon. Binigyan kami ng mauupuan ng kanilang floor manager at inasikaso. Binigyan na kami noon ng mga beer at pulutan na inorder ni mang Mar. Binigyan din kami ng song book sa videoke. Habang nag-iinuman kaming dalawa, maya-maya pa'y lumapit na kay mang Mar ang kanyang paborito noong chubby na may kabataan na G.R.O. Kumalong ito sa kanya at sila'y nag-usap na ng maganda. Nilalambing na din noon ni mang Mar ang babae habang ako'y nagbi-videoke.
Pinapili ako ni mang Mar sa mga babae doon, napili ko noon ang isang chinita nilang kasama. Bumulong ang babaeng kayakap ni mang Mar sa kanya. At sinabi sa'kin ni mang Mar na 'wag na 'yon, at may anak na 'yon. Ipipili ka namin ng bago, magrelax ka muna d'yan. Maya-maya pa'y may dinala na sa'kin na babae ang kanilang floor manager. Sinabi sa'kin noon ni mang Mar, oh ayan Axel, bago 'yan! "Bagong hugas!" [Nagtawanan sila noon]
Lumipas ang ilang minuto, naisipan ni mang Mar na dalhin na lang sila sa V.I.P room, tig-isang kwarto kami ni mang Mar noon. Sobrang galante talaga noon ni mang Mar sa'kin. Nakilala ko noon ang binigay nila sa'king babae, maganda s'ya at maputi na may katamtaman ang taas sa tipikal na pilipina. Angel ang ngalan n'ya. Nakakwentuhan ko na din s'ya 'non. Sinabi n'ya sa'kin na naglayas daw s'ya sa kanila noon dahil inabuso s'ya ng kanyang step father at naparariwala ang kanyang buhay, kaya naisipan n'ya na lang din na pumasok dito ng yayain s'ya ng kanyang barkada. Sinabi ko din sa kanya na naglayas din ako dati sa aming bahay. Dagdag ko pa, parang may similarity tayo. Napansin ko nga, sagot n'ya naman.
Habang nasa loob kami ng sinasabi nilang kwarto, na ang mga pagitan lang ay mga ding-ding at kurtina. May isang lamesa sa loob at dalawang upunan, at may maliit na parang sofa, kami ay nagpatuloy ng inuman. Noo'y magkatabi na kami na halos magkaamuyan na. Palibasa'y may inom na din ako at maging s'ya rin, doon na lumalim ang aming usapan. Habang sila mang Mar naman ay naririnig naming nag-uusap at nagtatawanan sa kabilang kwarto. Masayang-masaya noon si mang Mar at paminsan-minsa'y sumisilip pa sa'min.
Dala ng espiritu ng alak, masyado akong naging agresibo sa kanya. Pinilit ko ang gusto ko at nakuha ko din naman na nu'ng una ay kanyang tinutulan. Mariin s'yang tumanggi sa'kin dahil bawal daw 'yon sa trabaho nila at nakakahiya daw kung mahuhuli kami ng mga kasama n'ya, pero pumayag na din s'ya 'non! Pagkatapos 'non nagpatuloy na kaming uminom. Hindi ko na rin noon naubos pa ang natirang beer sa lamesa. Nang kami'y umuwi na, sinabi sa'kin ni mang Mar na bigyan ko daw ng tip ang babae at ng makaulit pa ako.
Kapwa na rin kami nagpaalam sa kanila. Si mang Mar dumerretso na sa kanila sakay ng trycle, habang ako'y dalawang sakay pa ng jeep at isang trycle bago pa makauwi sa'min. Madaling araw na rin noon akong nakauwi, bit-bit ang kanyang cellphone number.
Isang araw pa lang ang lumipas ng ako'y kanyang itext. Kinamusta n'ya ako at niyayang makipagkita sa kanya. At pumunta sa kanyang pinapasukang bar. Tumayming naman na wala akong bala noon, kaya sinabi ko sa kanya na lowbat ako ngayon. Sinabi n'ya noon na, "Gusto mo pagpatuloy natin ang naumpisan natin?" Akong bahala! At ako ang gagastos. Ngunit hindi ako 'non naka oo agad dahil nahihiya rin ako sa kanya. At kung tutuusin mahirap ding gumalaw ng kulang sa pera kaya hindi ko s'ya noon napagbigyan.
Minsan nagtetext s'ya sa'kin na gusto n'ya akong makita at pasyalan ko daw s'ya sa kanyang trabaho. May ilang linggo din bago ako nakabalik sa kanya noon. At noong nagkita kami sa bar ay masayang masaya s'ya. Sinabi ko noon sa kanya na hindi din ako magtatagal dahil kulang ako sa bala. At gusto lang din kitang makita.
Umorder lang ako noon ng apat na beer, at kanya ang isa 'don. Binulungan ko na lang din s'ya noon na 'wag ka ng umorder ng para sa'yo. 'Yung oorderin mong ladies drink ay ibibigay ko na lang sa'yo. At pumayag naman s'ya sa ganon. Maya-maya pa'y nabigla na lang ako sa kanyang ginawa. Niyakap n'ya ako at hinalikan sa harap ng maraming tao. Nakatayo kami noon. Nabigla na lang ako 'non at bumitaw sa kanya. Sinabi n'ya sa'kin na.
"Kita mo 'yon? 'Yung lalaking nakaupo na may kasama."
Ayan 'yon bumastos sa'kin kagabi!
Ginantihan ko lang para makabawi naman ako sa kanya.
Nakita kami noon ng lalaki sa kanyang ginawa sa'kin. At talagang naging malambing s'ya 'non sa'kin para inisin ang lalaki. Maya-maya pa'y lumabas na ang lalaki sa bar. ( Nagselos yata. 😛) Nang maubos na namin ang alak nagpaalam na din ako sa kanya noon. Naging masaya ako sa muli naming pagkikita at maging din s'ya noon. Nabanggit n'ya din na, "Hindi porket dito kami nagtatrabaho ay babastusin na lang kami basta-basta!"
Nagdaan pa ang ilang linggo, nabanggit na lang sa'kin ni mang Mar na may boyfriend na daw si Angel. At gabi-gabi daw silang magkasama nito sa kanyang pinapasukang bar. 'Yan Axel, pabagal-bagal ka kasi, kaya 'yan nauhanan ka na ng iba! Sumagot ako kay mang Mar na, "Walang problema po sa'kin na may boyfriend na s'ya. Kahit papano eh nakaisa na din naman ako sa kanya." Biro ko kay mang Mar.
Naging bata na din noon ni mang Mar ang kanyang paboritong babae. (G.R.O) Minsan daw nasa kanyang bahay ito maghapon. Andon na rin ang sustento ni mang Mar sa babae.
Minsan nakakapag-usap kami ni mang Mar. Sinabihan n'ya ako noon na Axel, "Huwag mong pangarapin na dito ka na lang habang buhay." Bata ka pa! Marami ka pang mapupuntahan at makikilala. Hindi gaya ko na may edad na. Hanggang dito na lang din ako dahil baka wala na din sa'king tumanggap na ibang pagpapasukan. "Mangarap ka para sa sarili mo!"... 'Yun ang isa sa hindi ko makakalimutan kay mang Mar. Para s'ya noong naging tatay ko sa kanyang sinabi sa'kin.
Mahigit may labing dalawang taon na din ng huli kong makita si mang Mar. Malamang ngayon ay nasa seventy plus na s'ya. Wala na din akong balita sa kanya ngayon.
"Salamat din sa'yo mang MAR!"