Chapter 49 - Nagpatuloy sa paglipad!

*Dare Devil Clan at si Tattoo on my mind*

Nagpatuloy ang paglalakbay ko sa iba't-ibang mga lugar. Solo flight akong nakikipagkita noon at nakikijam sa noo'y una kong sinalihan na clan sa cellphone. Ang pagkakaalala ko lang kung bakit ako napasali doon ay naging textmate ko noon ang isang member nito na taga Caloocan. Dalawang beses din kami noong nagkita, ang una sa Quezon City Circle. Inabot kami doon ng hating gabi sa loob ng Circle o sa pagsara nito. At nagkita kami ng pangalawa sa Sta. Lucia Mall sa Marcos Highway Cainta, Rizal doon ay member na ako ng clan.

Nagtagal din naman ang clan naming "Dare Devil Clan" na pinamunuan ni Ciaz bilang presidente namin na taga Bulacan. Bukod pa 'don, sa iba ko pang nakilala sa cellphone. Maganda ang naging organisasyon namin sa D.D.C. May mga pagkakataong nagga-grand eye ball kami o G.E.B at nagge-get together. Sa SM Fairview ang aming naging meeting place noon. After ng hintayan ng mga member, dederetso na kami sa lugar kung saan kami'y mga mag-iinuman. Sa Caloocan kami malimit noong mag-inuman, sa bahay ng mga miyembrong taga doon. Inaabot ako noon ng madaling araw sa pag-uwi kada nakakasama ako sa kanila. Hindi rin naman noon lahat nakakasama sa G.E.B ngunit halos karamihan sa mga miyembro ay nameet ko na din.

May pagkakataon pa nga dating napagkasunduan namin na sa San Francisco, Bulacan ang inuman. Napasarap ang inumang iyon na ginanap sa isang videoke bar na aming pribadong inukupa. Andami namin noon, mahigit o sobra trenta kami. Ang iba roon partner-partner na. Nalasing ako noon, kaya noong oras na ng uwian. Sakay ako ng jeep na deretcho cubao habang nakalawit ang ulo sa bintana habang nagsusuka. Nakauwi pa ako 'non sa'min pero sa jeep na lang ako natulog, sa mga nakaparada doon sa'ming lugar. Sinadya kong hindi na noon umuwi ng bahay dala ng kalasingan. Pag-gising ko kinabukasan ang dami kong kagat ng mga lamok. Talagang pinagfiestahan nila ako noon! Sa aking mga braso't mga paa, talagang namaga sa higit isang daan mga kagat nila sa'king balat. Sobrang pulang-pula at namaga talaga.

May mga naging open topic din kami sa mga text o group text, ang iba nakikipagparticipate habang ang iba naman ay walang mga load at walang pakialam. May mga time din na lumalaylo ako sa kanila ng ilang araw.

Malimit din dati akong tumambay sa SM Fairview, kasama ko si Joyce ( while holding hands) na taga Caloocan na naging girlfriend ko noon na kasapi din ng clan. Iyon din ang naging tagpuan namin. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na kaming nagkita noon. Bata pa si Joyce noon, 17 years old palang. Naging pabirong tawag n'ya sa'kin noon ay "lolo". S'ya na siguro ang isa sa pinaka "cool" na babaeng nakilala ko. Naging sobrang bait n'ya sa'kin noon, dahil malaya akong nakakapambabae habang kami. Nagkaroon kami ng kakaibang relasyon noon. Malaya din s'ya noong nakakapag boyfriend. Kung baga naging kaming dalawa pero hindi ganun kalalim, ngunit kahit papaano nama'y may namuo rin na pagmamahalan.

Simpleng-simple lang, basta naging kami ng walang ligawan na naganap. Usap lang, katalo na! May mga pagkakataong hindi namin kailangan ng isa't-isa, ngunit isang text ko lang sa kanya na magkita tayo, sumisipot s'ya. Nagustuhan ko ang ugali n'ya noon dahil sa pagiging cool n'ya at understanding. Kung tutuusin, "Bihira ang mga babaeng tulad n'ya!" O napaka "RARE!" Ang huling naging pagkikita namin ay noong nagpatuloy na s'ya ng pag-aaral ng kolehiyo. Naka uniform pa s'ya noon 'nung kami ay magkita. "HINDI na rin KAMI noon!" Pero nu'ng nagkita kami ay nandoon pa rin ang tinatawag na "SPARK!". Nagawa ko pang hawakan noon ang kanyang mga kamay at sumandal naman s'ya sa'kin habang nakasakay kaming jeep. Hanggang sa mawala na lang ako sa Marikina. Buhat 'non nawala na rin ako sa kanya. Napasama na din sa baha ang binigay n'ya noon na kanyang litrato. ( pocket size)

Bukod kay Joyce may mga naging ka close din ako na mga babaeng miyembro din namin. May isa 'don na naging ka-member din namin na hindi naman naging aktibo sa clan. Naging mag "friend with benifits" kami 'non. At naging pilyo ako noon sa kanya kahit na may boyfriend pa s'ya. Nakatatlong beses din ang aming pagkikita noon. Nagkacutting classes s'ya 'non para lang tumagpo sa usapan namin, kahit na s'yay nasa collage na. Naging tagpuan namin noon ang Ali Mall, habang malapit ang kanyang bahay sa SM North Edsa.

Nakailang beses din ako noon nakasama sa aming G.E.B hanggang sa ito'y madisolve na lang ang aming clan. Tanda ko na bumitaw na lang noon si Ciaz bilang presidente namin. Marahil nanawa na s'ya sa mga naging trabaho n'ya sa clan. O nahirapan na din s'ya noon.

May pagkakataon noon na kahit wala na ang aming clan, nagkikita-kita pa rin kami nila Ashley, Joyce. Pumunta kami noon sa bahay ni Stan sa Caloocan na naging b.f ni Ashley. Hindi ko na rin matandaan kung nakasama namin noon si Teresa o si Wendy. Ngunit tandang-tanda ko pa na birthday noon ni Stan. May simpleng handaan sa kanilang bahay noon at konting inuman din.

Sumali din ako noon sa ibang mga clan, pero hindi na noon ako ganon kaseryoso o ka-aktibo. Nakikipagkita na lang ako noon sa ibang mga babaeng miyembro nito. At nakipagkaibigan din sa kanila.

Sila Ciaz, Ashley/Rea, Theresa, Wendy, Chunyang, Pinsan ni Chunyang, Baby Gurl, Petals, Stan, Clyde, Bolero, at marami pang iba. Pasensya na kayo kung ang iba hindi ko na matandaan ang mga screen name. "Alam n'yo naman kung sinu-sino kayo!" 🙂 At lalong-lalo na kay Joyce o si Mamabear ko. Kayong mga taga Bulacan, Caloocan, Quezon City at ako naman na taga Marikina ay minsan nagkasama-sama at nagkakilalanan.

Kumusta na kayo ngayon? Ako, nandito lang sa kabilang bahagi ng Pilipinas. Matagal na din ang panahon na lumipas. Patuloy pa rin akong nangangarap sa buhay, nagbabakasakaling mailimbag nila ang libro ko at mabasa ninyo. Sila Ashley, Theresa, Wendy at ibang mga miyembro na dati'y mga fourth year collage na. Ang iba naman ay nasa ibang libel na ng kolehiyo. Ang iba rin nagtatrabaho na noon. Habang ang iba naman ay nag-umpisa na ng kanilang mga sariling pamilya. Si Joyce na minsan kong nakasama ay nagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Alam n'yo bang wala na akong balita sa inyo ngayon! Kahit ni isa man sa inyo. 🤔

Minsan naman, siguro sa ibang pagkakataon at panahon. Muli natin buhayin ang ating clan na D.D.C o Dare Devil Clan. At muli din tayong mag-G.E.B n' R o Grand Eye Ball n' Reunion. 😃

"Minsan kasi naaalala ko rin kayong lahat!"

Next in line

"After Image"

What has life to offer me

When I grow old

What step to look forward to

Beyond the bitting cold

They say it's typical

Yes stereotipical

What's there beyond sleepy world

In this cruel life

Ain't a nothing else 'round here

That human strive

They say it's typical

Yes stereotipical

It's gonna be conventional

You can't be so radical

So I sing this song to all of my age

For these are the questions we've got face

For in this cycle that we call life

We are the ones who are next in line

We are next in line

And we gotta work, we gotta feel

Let's open are eyes and do whatever it takes

We gotta work, we gotta feel

Let's open our eyes... ohhh...

'Yung ibang mga babae na nakilala ko sa ibang clan naging kaclose ko din. Dati niyaya nila akong manuod ng World Pyro Olympics sa Mall of Asia somewhere in 2006. Dalawang babaeng miyembro ng clan noon ang nag-imbita sa'kin na manuod kami ng mga fire works display ng iba't-ibang bansang kalahok. Mga taga Paranaque naman sila. Hindi ko na rin malaman noon kung paano ako nakasali sa kanila, malamang sa ibang mga katextmate ko na din nanggaling.

Sulit na sulit ang pagpunta ko 'don, kahit sandamakmak na trapik ang inabot ko 'don at over loading o umaapaw kaming mga pasahero sa bus. (Daig pa ang sardinas!) Dahil sa dami ng tao na mga pumunta doon. Nag-antay din ako sa kanila ng mahigit dalawang oras noon.

Mahilig talaga ako sa mga fire works! (hanggang ngayon!) Kaya noong nag-umpisa na ang show, talagang namangha at bumilib ako sa mga engrandeng fire works display ng mga kalahok. First time kong makaranas ng ganon. Ang sobrang mabusog ang mga mata ko sa mga nagniningningan at magagarang mga fire works display sa kalangitan.

Nagplano pa kami noon sa ibang araw na pumunta sa bahay nila at mag-inuman habang nanunuod kami ng mga fire works. Ok din naman sila kasama noon, mga cowboy din. (Walang halong mga arte!)

Meron din dati akong nakilala sa ibang clan. Nagplano kami noon na magkita at mamasyal. Unang beses namin noong magkita. At ng magkita kami sa Sandigang Bayan, sinama n'ya ako sa kanyang pinapasukan noon na P.U.P Commonwealth. Pinakilala n'ya ako noon sa mga kaklase n'ya. Kumain kami ng tanghalian, tumambay sa loob ng campus, nanuod noon sa mga intramce games nila, nagmeryenda. Pinanuod ko din s'ya noon sa paglalaro ng volleyball. Hindi ko na rin matandaan ang kanyang pangalan noon o screen name. Ang alam ko sa kanya ay meron silang banda noon. Marunong din s'yang kumanta at maganda din ang kanyang boses. Kinantahan n'ya ako noon ng "Tattoo on my mind" ng D' Sound.

Pagkatapos ng kanilang intramce class pumunta kami sa Eco park. Halos hapon na rin noon ng makarating kami sa Eco park Q.C. Naglakad-lakad kami sa kalawakan ng buong parke. Umakyat sa hagdanang pataas. Pumunta kami sa may kasukalang punuan at halamanan doon. Nagpahinga na lang kami ng kami ay napagod na sa paglalakad. Nakaramdam ako noon ng pagka-antok, kaya sa bench na aming inuupuan ako ay nakaidlip sa kanyang kandungan. Nagprisinta s'ya noon sa'kin nang makita n'ya akong nahihirapan puwesto sa pagtulog, kaya sinabi n'ya sa'kin na, "Dito ka na lang humiga sa mga hita ko." Hindi na ako nahiya noon dala ng kaantukan dahil sa maaliwalas na paligid. Nakaidlip din ako ng konting oras at pagkatapos ko, s'ya naman ang natulog sa'kin. 😴

Marami din kami noong napag-usapan habang nakatambay sa park. Hindi ko rin noon nagawang ligawan s'ya kahit alam kong wala s'ya noong boyfriend. Matagal-tagal din kami noong naging magkatext hanggang kapwa na lang kami nawala sa isa't-isa. Ako rin noon ang kanyang naging tagapayo, kapwa kami noon magulo ang mga isip. Sa mura n'yang edad, marami na rin s'yang iniisip noon. Naging magtropa lang talaga ang aming pagtitinginan noon. Hindi na din 'yon nasundan pa ng panibagong pagkikita namin.

Umuwi na lang kami noon ng magsara na ang park. Tanda ko pa na nilakad na lang namin hanggang labasan dahil wala na kaming masakyan na mga trycle na nag-aabang sa labas ng Eco park. "Kumusta na rin kaya s'ya ngayon?" 🤗