Chapter 22 - BILANG NA ANG MGA ARAW KO!

Bumalik ako sa bagong bahay nila Mam, mga after lunch na akong pumunta doon. Nauna na sa'kin si Ate na nakita kong naglilinis na. Si Sir ay may ginagawa na din. Tumulong na din ako sa pagaayos ng mga gamit nila, at sinabihan na ako ni Sir na magumpisa ng magbarena sa pader. Hindi pa ako masyadong marunong magbarena noon, nakita 'yon ni sir at s'ya nalang ang humalinlin sa'kin. Ako na lang ang katulong n'yang magsukat at maglagay ng marka sa pagbubutasan, at maglagay ng devider na pagpapatunangan ng mga gamit.

Although masakit pa ang katawan ko noon pero hindi ko na ininda pa ito. Natuto akong magbarena kay sir, habang gumagawa kami ay nagkukwento s'ya sa'kin. Dumating ang pagabi at naayos na namin ang lahat. Sila ate din ay tapos na din sa kanilang ginagawa at nagwawalis na lang din. Sinabi nila sa'min na 'yung luma nilang refrigarator na nasa labas ay idespatcha na namin,pwede pa daw 'yon pagkaperahan at gumagana pa. Naghanap kami noon ni ate ng junk shop sa labas at sa 'di kalayuan ay nakakita kami,kaya dinala namin ang ref. doon. Napakamura ng bilihan doon, 150 pesos lang ang inabot ng isang buong refrigarator. Mura lang ang bilihan ng mga bakal 'don per kilo, 50 cents lang kada kilo ang bakal doon. Nakapagbenta na din kami ng mga bakal 'don dati.

Bumalik kami sa bahay nila ng mapagbenta na namin ang ref., kumain na din kami ng hapunan na binili ni nila. Sabay-sabay kaming lahat na kumain ng tapao na binili nila. Chinese roast peking duck at gulay na may kanin at mga softdrink. Masarap 'yon nakakabalik ng lakas ng katawan. Noong matapos na kami, sinabi ni sir na magpaiwan ako at iinom daw kami. Nagpabili ng ilang beer in can si sir at sigarilyo, at nagumpisa na kaming uminom, si ate naman na kasama ko ay nauna ng umuwi.

Nang matapos na ang inuman namin ay nagpaalam na'ku sa kanila. Binanggit ng anak n'yang babae na kapag ako'y umuwi na dumaan ako sa pwesto n'ya sa airport para sa mga excess baggage ko. Nagpasalamat ako noon sa kanilang maganak.

Isang araw, habang ako'y naglalakad nakasalubong ko malapit sa San Malo ang isang payat na matangkad na pulis. Sinabi n'ya na, "passport? "Where's your passport? Hindi ko muna iyon pinakita sa kanya. Sa isip-isip ko yabang na yabang nito, yamutin ko nga. Sinigawan n'ya ako noon ng PASSPORT at mukhang galit na ang kanyang mukha. Ipinakita ko sa kanya ang passport ko na papaubos na din ang visa. Tiningnan n'ya ito at ibinalik sa'kin ng nakasimangot. Ngumiti ako sa kanya ng paasar! Akala mo wala na akong bisa, sa isip-isip ko.

May araw din na nakasalubong ko ang dalawang pulis na nagaabang ng mga T.N.T sa isang kalsada. Over staying na'ku noon, pinakita ko ang passport ko na expired na ang bisa at ang kopya ng plane ticket ko na sa katunayan ay paalis na akong Macau. Tiningnan lang ito ng isang pulis at pinakita din sa kasama n'ya, at binigay na sa'kin pabalik. Hindi na ako noon kinabahan dahil may plane ticket na akong pabalik ng pinas.

Noong dati, 'yung kasama namin sa bahay ay nahuli ng mga pulis at immigration officer na nakaabang sa San Malo noong kami'y magkakasamang naglalakad papauwi na ng bahay. Hinarang kami noon at inisa-isa ang mga passport namin inspeksyonin. Sa kasama namin expired na pala,lakas din ng loob n'yang gumala-gala pa. Binitbit s'ya ng mga pulis 'non. Si kuya Biong naman ay kinausap ang isang pulis ng cantonese. Sinabi sa kanya na dadalhin daw ang kasama namin sa immigration, at 'yung mga gamit nito ay ipakuha nalang sa kakilaa para dalhin 'don. Deretso uwi na 'yon kapag maikuha na s'ya ng plane ticket, at black listed na s'ya sa Macau at hindi na pwede pang bumalik dito. Naawa kami sa kasamahan namin. Lumipas ang ilang araw at nadala na din ang mga gamit n'ya at tuluyan na din s'yang napauwi.

May nakita din akong pinoy dati na binitbit ng pulis na makitang expired na din ang kanyang passport at dinala sa immigration para ikulong. Si ate na nakasama ko sa paglilinis ay ilang buwan na din T.N.T, at nangangamba rin na mahuli s'ya ng mga pulis.

Ilang araw na lang ang itatagal ko sa Macau at malapit na ang flight ko. Parang kailan lang ng dumating ako dito.