Bago pa man maubos ang ultimatum visa ko, tinawagan ako ni Mam sa agency ng dati kong pinapasukan bilang dating gwardya. Isang magandang umaga ang sumalibong sa'kin, pinapapunta na'ku ni mam sa agency upang kunin ko ang ilang linggo kong sasahudin. Nagpunta ako ng bago magkatanghalian ng araw na iyo. At sa wakas nakuha ko na din ang matagal ko ng hinihintay na sahod. Nagpasalamat ako noon sa kanya. Tumungo ako sa isang kainang intstik at nagpatake-out ng pananghalian, kinain ko 'yon ng makauwi ako ng bahay.
Hindi naman kalakihan ang sinahod ko na iyon dahil may mga absent pa'ko at natanggal din ako sa trabaho. May natira pa akong tatlong araw na napasama sa cut-off. Sinabi sa'kin ni Mam na ipakuha ko nalang 'yon sa kakilala ko dito at ipapadala nalang sa money transfer para matangap ko kapag nasa 'Pinas na ako. Binanggit ko 'yon kay Randy at isinama ko s'ya sa agency gamit ang motor n'ya. Sinabi ko sa kanya na, 'pre pakikuha nalang ang natira kong sahod dahil malamang nasa 'pinas na'ko 'non. Walang problema ang sabi n'ya! Binigay ko sa kanya ang buo kong pangalan at T.C number. Nanghinayang din ako sa ilang araw na hindi ako pumasok, sana'y napadagadg pa 'yon sa sinuweldo ko. At kahit 'pano malaki-laki din.
Kinabukasan tumungo ako sa travel and tours doon. Bumili na'ku ng plane ticket sa halagang mahigit limang libong piso. Nakaschedule ang flight ko noong friday the 13th noong febuary, 2009, at mas pinili kong mag-arrival sa Clark Airport kumpara sa N.A.I.A dahil mas mura ang pamasahe sa ruta na iyon. Ngunit bibilangain pa ito ng ilang araw bago ako makauwi. At magiging overstaying na'ku 'non ng tatlong araw. Sa Cebu Facific pa rin ang pinili kong sakyan na eroplano. Namili din ako ng konting pasalubong, mga chocolate, noodles at isang rim na sigarilyong west blue. Kahit papaano may natira pa naman sa pera ko.
Sinabi sa'kin nila, na dalhin ko lang din ang kopya ng plane ticket ko kapag lalabas ako ng bahay 'pag akoy overstaying na, para iyon ang ipapakita ko sa mga otoridad at excepted na'ku. Nag-ayos na din ako noon ng mga gamit ko, yu'ng ibang mga dadalhin ko nilagay ko na sa maleta at tinupi ng maayos. Binigyan din ako ni marimar ng Bag pack na kulay itim at may nagbigay din sa'kin ng malaking traveling Bag.
Isang umaga, sinabihan ako ni Jay-r na kung gusto ko daw sumamang magpart time ng lipat bahay ng isang miyembro ng born again.Pumunta kami ng bandang pahapon noong araw na din 'yon sa bahay ng lilipat o sa kanilang plot. Tatlo kami noon, hindi ko na maalala ang pangalan ng isa naming kasama. Marami silang mga gamit sa bahay, sobrang dami! Nilabas namin isa-isa ang mga gamit nila. Inuna namin ang mga mabibigat gaya ng mga sofa, lamesa, mga upuang kahoy, cabinet, mga kama at ilang pang may kabigatan na mga gamit. Ibinababa namin ang mga 'yon sakay ng elevator at sinakay sa isang maliit na truck na inupahan nila. Nakailang balik kami sa pagdala ng mga gamit nila sa bago nilang plot, at maraming beses din na akyat baba kami sa bahay na inalisan nila para hakutin ang mga gamit nila.
Ramdam ko na din ang kapaguran ng katawan maging ang mga kasama ko ay mga pagod na din. Si Jay-r at ang isa ay pailing-iling na din. Hindi namin naubos ang laman ng bahay nila at tumigil na din kasi ang driver ng truck sa paghakot dahil gabi na din, may oras daw ang pag-arkila doon. Binilhan kami ng makakain bago kami umalis sa bahay nila at binigyan kami ng tig-lilimang daang pisong kabayaran sa'min. Sinabi noon ni Mam na bukas ulit ha babalik kayo.
Kinabukasan, si Jay-r at ang isa pa ay hindi na sumama sa'kin, malamang na masasakit pa ang mga katawan nila. Nagpunta ako kila Mam ng nag-iisa, sinabi n'ya sa'kin na, o nasaan na ang dalawa mong kasama? Sinabi ko sa kanya na, hindi na po sila sumama sa'kin. Pabiro n'yang sinabi sa'kin na ikaw lang ang matibay ah. Hindi bale may bago ka naman kasamahan at makakatulong,pinakilala n'ya ako kay ate na nauna sa'kin. Inabutan ko nalang s'ya nag-aayos na ng mga gamit.
Andoon din ang asawa ni Mam na si Sir at ang kanilang babaeng anak, kasama ang anak n'yang lalaki na nasa 3 hanggang 4 na taon ang edad. Tulong-tulong silang mag-anak na nag ngalalagay ng mga gamit nila sa mga karton. Mga kanilang mga damit, sapatos, at malilit na mga gamit ay nilalagay nila sa may kalakihang mga karton at nilalagyan ni Sir ng packaging tape. Meron na din kaming malaking push cart na nahiram nila, medyo maalwan 'yon para sa'min dahil kahapon ay puro buhat lang kaming tatlo.
Habang tumutulong kami sa pagpapake nila ng mga gamit, kinakausap nila ako. Nakakwentuhan ko din si ate na katulong ko. Taas baba din kami sa elevator sa paghahakot ng mga natira pang mga gamit nila. Sinasabi ko kay ate ang gagawin at kung paano buhatin at ilalabas at ililiko ang mga ilang pang malalaking gamit, kumbaga minumustra ko sa kanya ang tamang paraan ng pagbaba. Tuwang-tuwa sa'min sila dahil sa kasipagan naming dalawa.
Sobrang pagod namin noon ni ate lalo na't hindi na dumating ang truck na tagadala ng mga gamit. kaya sakay ng malaking push cart ay tinulak namin ang mga hakutin sa bago nilang bahay. Inakyat namin 'yon isa-isa ng magkatulong. Nakailang hakot kami noon sa mga gamit, nagbibiruan pa kami minsan at nagtatawanan. Nagkukwentuhan din habang nagdadala ng mga gamit. Pero noong magdidilim na hindi na kami nag-iimikan dahil sa sobrang pagod na namin. Hindi na rin namin noon magawang ngumiti.
Inabot na din kami noon ng gabi bago matapos hakutin ang lahat. Binilhan kami ni Mam ng makakain at maiinom. At bago kami umalis ay binigyan n'ya kami ng pera. Halos lantang gulay kami noon ni Ate!.. Binigay sa'kin ni Sir ang luma nilang component na may kasamang dalawang speaker. Matibay 'yan! Sony yan, made in japan! Bulalas ni Sir. Matagal na sa'min 'yan at gumagana pa, mapapakinabangan mo pa 'yan. May kabigatan din iyon! Sinabi sa'kin ng anak nilang babae na akong bahala sa'yo kung sumubra ang mga dadalhin mo o ang extra baggage. Sakto naman na sa airport ng Macau s'ya nagtatrabaho, s'ya na daw ang bahala sa mga extra baggage ko. Puntahan ko lang daw s'ya sa kanyang pwesto, nabanggit ko din kasi sa kanila na pauwi na'ku at nakakuha na ako ng plane ticket.
Si Sir naman ay nagtatrabaho din sa airport bilang mekaniko ng eroplano. Matagal na daw silang mag-asawa sa Macau. At kita ko din na maganda ang buahy nila dito. May mga binigay din na mga gamit sa'kin si Mam at pati na din kay Ate na kasama ko. Sinabi n'ya rin sa'min na bumalik pa daw kami bukas para tulungan silang ayusin ang mga gamit sa bago nilang nilipatan. Tinanong din sa'kin ni Sir kung marunong daw akong magbarena sa pader, umoo na lang ako kahit hindi pa'ku marunong.
Noong kami'y nagpaalam na sa kanila at bitbit na namin ang mga gamit na ibinigay samin... Sa aming paglalakad ay halos 'di na'ku makagulapay pa sa paglakad maging si ate. Lantang gulay na kaming dalawa at may bitbit pa akong component na may kabigatan. Pahinto-hinto kami sa paglakad para magpahinga ng kaunti. Talagang doon namin naramdaman ang sobrang kapaguran,para kaming mga binugbog ng mga baka. Pinilit ko nalang makauwi ng maghiwalay na kami ni ate ng daan. At sa wakas ay nakauwi din ako! Sabay, hiniga ko nalang sa kama ang pagod na pagod at bugbog na katawan.