Chapter 14 - Nagpatangay sa agos!

*CHINESE PROSTITUTES*

Araw noon ng sahod nila kuya Biong, sinama nila ako sa agency namin para kunin nila ang kanilang sahod. Tatlo sila noong sasahod, ako naman ay bago palang sa pagga-gwardya kaya wala pa ako 'non aasahang sahod. Dumating kami ng umaga sa agency paglabas namin ng trabaho, medyo malayo-layo din ito. Inabutan namin noon si Mam na nag-iintindi sa opisina sa pagpapasahod. Isa-isa sila noon binigyan ng brown envelope habang ako ay nakatingin lang at naghihintay. Si kuya Biong ng makuha n'ya ang kanyang pera, binilhan n'ya ako noon ng black long sleeve kay Mam, na isa sa uniform namin sa trabaho. Nabaitan ako noon sa ginawa ni kuya Biong sa'kin.

Nang makuha na nilang tatlo ang kanilang sahod, nagyaya sila noon na pumuntang cabaret. Sinabi ko noon na wala akong budget para 'don. Sinabi naman sa'kin noon ni kuya Biong na ako ng bahala sa'yo papautangin kita ng pambayad mo. Naexcite ako noon! Tumungo kami noon sa alam nilang cabaret na hindi kamahalan sa umagang iyon, doon inabutan namin ang mga babaeng intsik na nag-aantay ng mga costumer sa corridor. Nakaupo sila noon at nakatingin sa'min, halos mga bata pa sila. Sinabi ko noon kay kuya Biong na sa'kin ang pinakamganda sa kanila, at sila rin ay pumili na din ng para sa kanila.

Pumasok kami ng kwarto, bitbit ko ang napiling intsik, habang sila kuya Biong naman ay pumasok na din sa kani-kanilang kwarto. Inaamin ko na nu'ng una ay naeexcite ako dahil ibang lahi pero, hindi ako naligayahan o nasatisfy noon sa kanya dahil ang alam lang nila ay humiga at maghihihiyaw na parang mga pusa. Kung gusto mong tarbahuhin ka nila magdagdag ka pa ng bayad at gagawin nila ang kanilang trabaho.

Nang makaraos na ako, lumabas na'ku ng kwarto at s'ya rin ay lumabas na din at nagbihis na para mag-antay ulit ng panibagong costumer. Inabutan ko sa labas ng kwarto si kuya Biong at isa pang kasama namin habang ang isa pa namin kasamang Bisaya o si Bay ay 'di pa rin tapos, kaya nag-antay nalang kami sa kanyang paglabas. Nang matapos na kaming apat, nagyaya noon si Bay na magpuntang casino para magsugal, doon sinamahan ko si Bay na maglaro sa lucky 9. Nu'ng una, nanalo pa kami ng limang libong piso sa pera natin. Minsan, ako ang nagpipinta sa baraha. Sinabihan ko s'ya noon na umayaw na dahil nanalo na s'ya. Subalit mas lalo pa s'yang naging agresibo sa kanyang panalo kaya, tumaya s'ya ng malaki. Malakas ang loob ni Bay hanga din ako sa kanya, hanggang ang kanyang panalo ay naubos na din at ang kanyang sahod ay unti-unti ng natatapyasan. Limang libo, pitong libo kung tumaya s'ya sa lucky 9. Sunod-sunod na 'non ang talo namin hanggang ang huli n'yang pera ay sinugal n'ya pa din at natalo ito. Ubos ang pera ni Bay, UBOS! Wika n'ya sa'kin ng nakangiti pa. Nanghinayang ako noon sa sahod n'yang pinatalo sa casino ni hindi man lamang s'ya nakapagpadala noon sa kanyang asawa sa 'Pinas. Naging mahina talaga ang diskarte ni Bay pagdating sa sugal. Kung naging mautak lang sana s'ya hindi s'ya uuwing luhaan.

Si kuya Biong noon hindi sumugal, habang ang isa ay nagpatalo lang ng kaunti. Naisipan na lang namin umuwi na ni kuya Biong, humiwalay na kami sa dalawa naming kasama. Tumungo kami 'non ni kuya Biong sa bilihan ng isda malapit sa'min, doon bumili kami ng isang kilong sugpo para pangulam namin. Si Bay naman, malamang walang kakainin dahil naubos lahat ng kanyang pera.

Noong nagkaroon ng motor si pareng Randy, halos gabi-gabi gumagala kami. Libot namin ang mga lugar sa Macau para maglibang at magsugal. Sinabi n'ya noon sa'kin na napakatagal na n'yang nasa Macau ay 'di pa s'ya nakakapunta sa bahay aliwan doon. Daig ko pa daw s'ya, wika n'ya sa'kin. Sinabi ko naman sa kanya na isinama lang naman ako doon nila kuya Biong. Nabanggit n'ya sa'kin na gusto daw n'yang pumunta doon at samahan ko daw s'ya mamayang gabi. Sinabi ko sa kanya na walang problema sa'kin.

Nang sumapit ang gabi, lumabas kami ni Randy gamit ang kanyang motor. Pinuntahan namin noon ang bahay aliwan malapit sa San Malo. Medyo may kamahalan 'don, banggit ko sa kanya dahil iba ito sa pinuntahan namin nila kuya Biong. Sinabihan ako 'non ni Randy na pumasok muna ako at silipin ang loob, habang s'yay nagpasyang magpaiwan sa labas. Pumasok ako sa entrada ng cabaret, pagpasok ko, sinalubong ako ng napakaraming babaeng mga intsik. Ang gaganda nila at ang babata, doon pinagkaguluhan na nila ako. Halos lahat 'don panalo, talagang panalo! Lumabas ako saglit, suminyas ako sa mga babae na sandali lang. Paglabas ko, kinausap ko si Randy na, "pre anu gusto mo dito? Ayos dito panalo!" Hindi ko maintindihan noon ang reaksyon ni Randy, nakatingin ako sa kanya noon. Nakita ko na parang kabado s'ya at aligaga! Sinabi n'ya sa'kin na, "pre alis na tayo dito. 'Wag na lang!" "Sigurado ka p're?" Bigkas ko pa sa kanya. Napagpasyahan nalang naming umalis ng cabaret.

Nagtungo kami noon sa casino na may mga puti at itim na baka na rebulto sa labas. (Hindi ko na matandaan ang pangalan ng casino na 'yon) Halos magdamag kami doon! 'Yung pera sanang pang cabaret namin ay inubos ni Randy sa casino. Nakailang papalit s'ya noon sa'kin, hanggang ang philippine money n'ya na inipit-ipit sa pitaka ay napapalitan din. Umuwi kami noong luhaan, halos lahat ng pera ni Randy ay naubos sa casino. Sayang din talaga 'yun! Kung pinangbabae na lang sana namin ay nasarapan pa s'ya. 😋