Naglalakad ako sa San Malo pauwi sa bahay. Gabing-gabi na 'non, hindi ko maintindihan kung bakit ko naisipang magpalit ng ruta, marahil gusto ko na lang talaga makauwi agad sa bahay. Mas pinili ko ang kabilang daan na akala ko'y magiging mabilis ang paguwi. Hindi ko pa nagagamit ang daan na 'yon pero alam kung may daan 'don papuntang amin.
Nilakad ko ng gabing iyon ang daan, doon din ang daan sa opisina ng Plani Service. Dumirederetso ako 'non hanggang, sa malayo-layo na din ang nalakad ko. May nakasalubong pa ako noon na kababayan, nagtanong ako sa kanya kung may daan papunta samin. Sinabi n'ya na,dumeretso ka lang kaya nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Napansin ko nalang na malayo na pala ang nilakad ko ngunit hindi ko pa din makita ang daan malapit samin. Napasubo yata ako sa ginawa ko, gusto ko na sanang bumalik 'non pero inisip ko kung mababalik pa'ko mas magiging doble lang ang pagod ko.
Dumaan ako sa overpass na 'di pamilyar sa'kin, sa broad way na kalsada na maraming bumabaybay na sasakyan. Walang hinto ang paglakad ko dirediretso lang ako hanggang sa makadaan ako sa isang sementeryo ng mga intsik. Madilim 'don, may ilan pa akong nakasalubong na mga itim na galing sa inuman. Nang makalampas ako sa sementeryo, nakarating ako sa kantuhan ng kalsada. Huminto ako 'non at tumingin sa paligid tila ba parang pamilyar sa'kin ang lugar na 'yon. Hanggang sa maisip ko na nakarating na pala ako dito dati. Dito pala ako napadpad noong naglapsap ako. Nakahinga ako noon ng maluwag dahil na din sa pagod ko sa paglalakad.
Lumiko ako sa kanto at deniretso-retso ang kabilang kalsada hanggang sa makarating na'ku sa bahay. Nakakapagsisi ang ginawa ko na 'yon sobrang napagod ako sa paglalakad ng umabot sa isa't kalahating oras na dapat ay may bente minutos lang. Doon ko narealise na, "Kung minsan ang short cut ay nagiging long cut pa! "Walang maikling daan tungo sa kaginhawahan. Malilinlang lang ang mga mata natin sa ating nakikita na inaakala nating madaling daan.
Tumawag dati sa'kin si Marimar noong sabado ng hapon. Isasama daw n'ya kami ni Randy sa birthday-an na kakilala n'ya. Sinabi sa'min noon ni Randy na hintayin namin s'ya paglabas n'ya sa trabaho. Sa San Malo kami noon nagkita-kitang tatlo, gabi na din 'non ng makarating kami sa okasyon. Binati na lang namin ang may birthday kahit hindi namin kakilala ni Randy. Marami din s'yang handa noon kaya nabusog kami ni Randy sa pagkain. Sa lugar na 'yon na parang videoke bar na inupahan nila, na pagmamay-ari ng isang pinoy. Patago lang ang kasiyahan 'Don. May videoke din na 'di kalakasan ng tunog. Marami na 'non bisita, ang iba mga nag-iinuman na at ngkakantahan. Busog na busog ako noon, namis ko ang mga pagkaing pilipino. Si Randy naman ay nahihiya noon dahil madumi ang kanyang mga kamay at kuko, may mga mantsa ito ng grasa na kumapit na sa kanyang kuko.
Sinabi n'ya sa'kin na, pare nahihiya ako dahil madumi ang aking mga kamay. Sinabi ko sa kanya 'non na okey lang yan pare ibig sabihin lang 'yan na masipag ka, at 'yan naman ang trabaho mo, kaya okey lang 'yan. At nabuhayan s'ya 'non. Pagtapos namin kumain, tinawag na kami ni Marimar para lumipat sa ibang lamesa at mag-umpisa ng mag-inuman. Binigyan kami noon ng mga bote ng redhorse, nag-umpisa na kami noon ni Randy na mag-inuman. Habang si Marimar ay sumashot na din kausap ang kanyang mga kakilala .Pinakilala kami noon ni Marimar sa mga babaeng kakilala n'ya, karamihan 'don mga D.H din.
Nang tumagal na ang inuman namin, doon na kami pumili ng kakantahin. Kumanta na'ku 'non sa videoke nu'ng may konting tama na'ku, namiss ko din ang magvideoke. Si Randy kumanta na din noon at nawala na din ang hiya n'ya. At ang mga kaibigan ni Marimar na mga babae ay naging kaclose na din namin. Maraming mga kwento ang lumilipad sa hangin, mga kantang nangingibabaw sa bawat sulok ng pwesto na 'yon.
Ang iba nilang bisita ay nagpaalam na din sa amin, hanggang mangonte na lang ang mga tao. Maganda ang inuman naming iyon, smooth lang. Si Marimar ay medyo tinamaan na din at huminto na sa pag-inom, habang kami ni Randy ay tuloy padin. Magmamadaling araw na rin 'non ng magpaalam na kami sa kanila pati kay Ate na may birthday. Dinala ko nalang ang isang bote ng redhorse na tira namin na 'di pa nabubuksan, tinamaan din talaga ako noon.
Habang kami ay naglalakad, sinabi ko sa kanila na itatapon ko nalang ang hawak kong alak. Sumagot sila noon na sige itapon mo. Wala ng katao-tao 'non ng ihagis ko sa ere ang bote ng alak at lumagapak sa kalsada. Boom, ang lakas ng impact 'non, nagkalat pa'ku ng mga bubog doon. Nakarating din kami sa bahay at nagpahinga na. Naging masaya ang lakad naming iyon.
Noong naganap ang Chinese New year, lumabas kami nila ate Roda kasama pa noon namin si kuya Joseph at Jay-r tumungo kami sa Grand Lisboa at nagkuhanan kami ng mga pictures. May litrato pa ako sa kanila na hindi ko na nakuha. Naglakad lakad kami noon. Naisipan namin ni Jay-r na magpunta sa lugar kung saan doon pwedeng magpaputok ng mga fire crackers at fire works. Tumungo kami 'don ni Jay-r ng may pananabik. Si ate Roda at kuya Joseph ay 'di na sa'min sumama 'non. Nakarating kami ni Jay-r sa lugar na iyon, doon maraming mga paputok na iba't-ibang klase na binebenta 'don at doon din pwedeng ipaputok. Ang daming tao noon sa open field na iyon. Nagsawa kami ni Jay-r sa kakapanuod ng mga fireworks at iba't ibang mga paputok. Mahal ang bentahan 'don. Ang mga mayayaman sa Macau ang karamihan sa bumibili ng mga fireworks 'don at 'don din sinisindihan.
Nakita din namin doon ang sikat na sikat na sindikato doon na 13k o 14k na may mga hawak sa ibang casino doon. Kung nakakakita ka sa pelikula na mga sindikatong naka black suit na napakarami at magkakasama, nakita na namin 'yon ni Jay-r. Bawal daw silang titigan, 'yon lang ang tip sa'min ng mga nakausap ko 'don. Ang mga pulis daw 'don may takot sa kanila at may control at awtoridad din sila sa Macau. Ang dami nila, 'yung bigboss nila iba ang suot sa kanila. Magara ang suot nito na naka turtle neck na puting long sleeve na naka coat din na itim at slock na pantalon at mamahaling leather shoes. Ang dami n'ya din sout na mga gintong alahas sa katawan. Tapos may akbay-akbay s'yang dalawang batang-batang babae. May mga baril din sila na nakatago sa gilid ng tiyan.
Bumili sila ng mga fireworks sa tindahan. Ang dami nilang binili halos pakyawin na nila ang mga ito. Sinindihan nila 'yon sa isang lugar at ang gara ng putok nito sa taas. Tuwang tuwa sila noon sa kakapanuod, nagpapalakpakan pa sila. Kami rin ni Jay-r ay namangha sa mga fireworks. Nagsawa ang mga mata namin noon sa kakapanuod hanggang sa magdesisyon na din kaming umuwi na. Nakita ko din doon ang mga nakahilirang portalet na nilinisan namin noon.
Nagpupunta din kami ni Jay-r minsan sa basketball court. Nagbabasketball kami 'don kalaro namin ang mga intsik. Noong nawalan ako ng trabaho malimit kami ni Jay-r magpalipas ng gabi sa court. Kabilaan ang mga court doon at kung bola lang ang puproblemahin mo, maraming bola doon. Madali kang makakahiram sa mga batang instik ng bola.
Nakakapag-three on three kami doon kalaban ang mga intsik. Si Jay-r na may katangkaran ay poste sa ilalim habang ako ay spotter sa labas at ang isa naming kakampi ay si kuya na nakilala lang din namin doon. Masarap kalaban ang mga intsik maliligsi sila at mabibilis gumalaw. Ngunit matatawa ka naman sa kanilang kenkoy na paglalaro. Malimit kaming manalo nila Jay-r sa basketball. Ang lakaran doon direderetso ang paglalaro habang kayo ay nanalo. Magpapalit lang ng mga player ang mga talunan o next-next lang sa mga nag-aantay ng matatalo. Kapag kami ang natalo, waiting kami habang papanuodin nalang namin ang paglalaban nila at maghihintay sa muli naming paglalaro kapalit ng mga natalo. Ang sistema doon, kapag nashoot n'yo ang bola, inyo pa din ang bola kaya, mabilis ang tapos ng laro na hanggang 15 points lang. First 15 points panalo na kayo. Hindi rin uso ang pustahan 'don basta laro lang kayo o enjoy-enjoy lang. May mga babae din doon na nagba-baskeball, minsan may kalaban ka pang babae sa laro.
Dumayo din kami noon ng whole court, nakasama ako sa mga pinoy na born again doon. Kalaban namin ang mga intsik. Nakailang rebanse din kami at palit tao pati din sila. At sa huli kami ang nanalo sa laban kontra sa kanila.
Nakakasama din ako sa mga gatherings nila ng mga born again. Mababait sila at wala akong masabi. Lahat doon welcome kahit anung relihiyon meron ka pa. May mga kainan din doon kapag weekend. Minsan sa gabi, nagsashabu-shabu kami o pot and deep at kasama 'non ang inuman nila ng litro-litrong wine. Mabait din si Pastor at si Pastora. May mga natutunan din ako sa kanilang preaching at minsan nagiging pampalakas ko 'yon ng loob o motivation.
Ang ibang mga miyembro nila ay natutulungan nilang magkatrabaho doon. At ang iba naman na walang pamasahe pauwi ng 'Pinas ay nabibigyan nila ng pantiket sa eroplano. Kaya kung desperado ka na sa abroad pwede kang humingi ng tulong sa mga church doon. Pero dapat makiisa ka muna sa kanila.
May mga nakilala din akong mag-asawang saksi ni Jehova doon. Ang lalaki ay taga Australia at ang babae naman ay taga Brazil. Mababait din sila at welcome na welcome ang lahat sa kanila. Si sir Tim Tim na Australian ay malimit akong kumustahin at binibigyan din nila ako ng mga babasahin.Binigyan din n'ya ako noon ng Holy Bible, naiuwi ko 'yon pabalik ng 'Pinas. Naikwento ko din sa kanya 'yung nangyari sa'kin na napadlakan ako at naiwan ang mga gamit ko. Mabait din ang asawa n'yang brazillan swerte don ni Sir Tim dahil may kagandahan ang kanyang asawa at palaging nakangiti at approachable.
Lagi nila akong iniinvite sa kanilang gathering ngunit sa 'di tumama sa pagkakataon. Hindi ako noon nakakasama sa kanila, pero never silang nagtampo sa'kin 'non. Kaya sa tuwing magkikita kami lagi nila akong binabati at binibigyan ng mga babasahin.
May mga pangyayari din na pumupunta ako sa isang church, sa likod ng putol. Nakailang punta din ako doon. Minsan ako lang mag-isa ang tao doon na pumupunta. Inaabutan ko 'don ang matandang intsik na babae o si lola. Nagmamano ako sa kanya sa tuwing pumupunta ako 'don at ngumingiti s'ya sa'kin. Marahil s'ya ang care taker ng simbahan at isa din s'yang katoliko. Doon sa simbahan nagpapalipas ako ng oras kapag nagsasawa na'ku sa maraming tao na nakikita ng mga mata ko, at kapag gusto ko ng katahimikan. Doon ko din madalas kausapin ang Diyos at nananalangin na sana tulungan ako sa pinagdadaanan ko doon. Ang kalungkutan ko at pasakit na dinadala ay naiibsan kapag andon ako sa simbahan. Gumagaan ang pakiramdam ko at pansamantalang natatagpuan ko doon ang kapayapaan ng isip. May mga pagkakataon din na biglang lumuluha nalang ang mga mata ko, marahil nu'ng panahon na 'yon doon ko lang naranasan 'yon ang lumuha sa simbahan at magsumamo sa Diyos ng lubusan.