Chapter 12 - Kapag may hirap, may sarap!

*ON THE ROAD WITH BIGBOY*

One day, nagkita kami ni Bigboy sa San Malo. Samahan ko daw s'ya sa Grand Lisboa para magmeryenda. Medyo madilim na din 'non, nag-aagaw na din ang liwanag at dilim.

Pumasok kami ng casino, sakto naman na naabutan namin ang mga show ng mga russian pole dancer. Ang gaganda nila, ang puputi, ang se-sexy at ang tatangkad pa. Palibasa'y mga european kasi. Mga naka two piece lang silang nagsasasayaw, pole dancing at minsan dirty dancing, at kung anu-anung klaseng mga sayaw kaya ang mga matatandang intsik ay naglalaway at nanlalaki ang kanilang mga singkit na mga mata. Palibasa'y normal na kay Bigboy ang ganitong mga eksena mas pinili n'ya na lang ang kumain.

Nag-aabang s'ya ng lalabas na pushcart na may dalang mga pagkain. Ayos din ang style n'ya, pasimple lang! Kapag may lumabas na push cart, dahan-dahan lalapit at hihingi ng pagkain, lalapit na din ako at kukuha ng mamemeryenda at maiinom. Masarap kasama si Bigboy, nakakalibang s'ya, medyo joker din kasi s'yang magsalita at umasta. Gayon pa man, mukha s'yang action star. Lagi s'yang nakajacket at maong na pantalon. Lagi din iba-iba ang sapatos n'yang suot at malilinis ang mga ito. (Nabili n'ya lang din ang mga iyon sa lapsapan) Lagi din may gel o pamada ang kanyang buhok.

Nabusog ako sa kakapanuod sa mga seksing russian dancer. Panalo talaga! Habang busog na busog naman si Bigboy sa meryenda. Ayos din ang araw naming dalawa. P're ang tawagan namin ni Bigboy. Noong una, naiilang pa akong tawagin s'yang pare dahil kalahati yata ng edad ko ang tanda n'ya sa'kin. Tubong Flaridel, Bulacan s'ya.

Mayamaya pa'y nagpasya na s'yang lumipat kami sa lumang Lisboa, doon daw muna kami tumambay at may ipapakita daw s'ya sa'kin. Sa ground floor kami nagpunta, doon ang daming magagandang intsik na batang bata pa at sariwa. Doon pala ang tambayan ng mga ibang prostitutes, paikot-ikot lang sila sa ground floor. Marami sila, nasa thirty plus ang bilang. Nakaminiskirt at sleeveless ang mga attire nila kahit na sobrang lamig ng aircon 'don. Halos kita na ang mga kaluluwa nila. Mahal daw ang presyo nila sabi sa'kin ni Bigboy. Naglalaro sa 5,000 pesos pataas oras lang ang bibilangin. Paikot-ikot lang sila habang naghihintay lang sa senyas ng kliyente.

Minsan naman, sila na ang lumalapit sa kliyente. Ayos ang mga prosti 'don, mga artistahin at talagang may mga sinabi. Nakita ko kung 'pano nakakuha ng kliyente ang isang prosti, nilapitan ang isang matandang intsik na mukhang mapera, nag-usap ng sandali, nagkasundo, lumakad at sumakay na ng elevator patungong langit.

Nanawa na kami ni Bigboy sa kakatingin sa kanila. Nu'ng una, naeexcite pa'ko sa katitingin at sa pagpabalik-balik nila sa paglalakad sa pabilog na corridor. "Sabi nga ni Bigboy, ganyan lang ang trabaho ng mga 'yan. Paikot-ikot lang na parang mga tanga kaya maiinggit ka na lang kapag wala kang pambayad sa maikling oras ng ligaya." Nagpasya na lang kaming lumabas ng Lisboa ng gabing iyon.

Bumalik kami ni Bigboy sa San Malo. Malamig ang gabi 'don, triple ang lamig sa 'pinas kapag magpapasko, kaya naisipan naming bumili ng ilang pirasong beer para pampainit. Mura lang din ang beer in can 'don, 15 pesos lang sa pera natin, haizu at shingtao ang binibili naming beer 'don. Bumili kami ng walong pirasong beer in can at mapupulutan pati na rin sigarilyo. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa kung saan may bakanteng mapupwestuhan. At sa wakas ay may nakita din kaming pwesto at nag-umpisa na kaming uminom.

Mabilis na lumilipas ang oras, unti-unting nauubos ang makapal na bilang ng tao sa park. May mangilan-ngilan din nag-iinuman sa ibang gilid ng parke. Masarap ang naging inuman namin ni Bigboy, masarap din naman kasi ang lasa ng beer nila. Sabi din sa'kin ni Bigboy, sumunod lang s'ya sa asawa n'ya dito. Nagtatrabaho ang asawa n'ya bilang domestic helper at may dalawa silang anak na naiwan sa 'pinas na nag-aaral pa. (Nameet ko na din ang asawa n'ya nu'ng magpunta ako sa kanila.) Tinanong naman n'ya ako kung bakit ako nandito. Sinabi ko nalang na gusto ko lang maexperience ang magtrabaho sa abroad. 'Yung ibang napagkwentuhan namin hindi ko na din maalala.

Maya-maya pa'y nakakita kami ng dalawang babae na nakatambay din sa park. Akala namin mga pilipina sila, 'yun pala mga Indonesian sila, mukha din kasi silang mga pilipina. Marunong silang magsalita ng ingles, palibasa'y may konting tama na kami ni Bigboy 'non. Nakipagkilala kami sa kanila at kalaunan nakipag-usap na din sa kanila. Halos tumulo ang sipon namin ni Bigboy sa kaka-ingles, mautal-utal kami 'non sa sasabihin, medyo fluent din kasi sila sa inglisan.

Hindi naman sa panglalait pero mga panabla ang nakilala namin. Kahit medyo lasing na'ko ganun pa din ang angulo, ngunit mababait naman sila. Mahirap daw ang buhay sa Indonesia kaya nandito din sila para maghanap ng swerte sa Macau gaya namin.

Hindi namin noon napansin ang oras at magmamadaling araw na pala. Naubos na din kasi ang binili pa naming beer. At mangilan-ngilan na lang din ang tao sa parke. Napakalamig na noon kaya naisipan na namin magpasyang magpaalam na sa dalawa naming kausap. Nauna na kaming umalis ni Bigboy at nagpaalam na sa dalawang babaeng kausap. "Nice meeting you!... And you too!" Kapwa na kami naglakad at naghiwalay ng daan sa kantuhan, dumeretso na kong plot at natulog na.

Naging masaya ang araw ko kahit na maraming problema sa buhay. Buhay nga naman!

"Salamat kay BIGBOY on the road!" at sa uulitin. 🤜 🍻👋