Sa ganung trabaho delikado din, dahil nagtatrabaho kami doon bilang illegal workers. Hindi din namin pwedeng isuot ang aming uniform sa pagpasok at pag-uwi, kaya nagsisibilyan kami bago pumasok at umuwi. Mahirap na kasi, baka matsambahan kami ng mga police at immigration officer na nagkalat sa daan. May ilan na nga sa mga katrabaho namin ang nahuli at dinala sa immigrations for defortations. Wala naman kasi kaming mga working visa, ang hawak lang namin ay tourist visa, mga turista na nagtatrabaho ng patago.
Sa primera, nahirapan ako sa ganitong trabaho dahil paglabas namin ng duty ay pumilpila pa kami sa Wynn Casino ng ilang oras, at minsan sumasideline pa kami sa kung anu-anung mapagkakaperahan na umuubos ng oras ng pahinga, kaya pagdating sa trabahong panggabi antok na antok na ako.
Taglamig akong pumuntang Macau, buwan ng Disyembre ako umalis ng 'Pinas kaya namiss ko dito ang Pasko at New Year. Napakalamig ng klima doon lalo na 'pag-gabi. Naaalala ko pa noong unang araw ko sa City of Dreams na noo'y ginagawa pa lang. Akala ko nu'ng una, okey na ang t-shirt at jaket kontra lamig, 'yun pala ay 'di pa sapat. Nanginginig ako sa ginaw noon. (It makes me shiver to the bone!) Tapos, nu'ng madaling araw na, inilipat ako sa labas ng ginagawang building sa entrance malapit sa fire alarm. Masyadong makapal ang hamog noon at sobra-sobra ang lamig sa labas. Sa pwesto na iyon, imbes na nakatayo ako na nagbabantay, andon ako sa isang sulok, nakaupo ng pabaluktot habang nanginginig ang buo kong katawan. Para akong nilagay sa freezer 'nong mga oras na iyon. (Kaawa-awang sisiw ang labas ko!)
Habang tumatagal nakakapag-adjust na din ako sa ganong trabaho. Ang aking suot na mga damit ay ginawa kong tatlo. Isang t-shirt, long sleeve at ung black jacket na inarbor ko kay charlie. (Tropa ko sa Marikina) At dalawang doble ng pantalon isang maong at black pants na uniforme namin sa labas. Meron din kaming reflected vest at hard cap. Binigyan din ako noon ni Marimar ng bag pack na itim na s'ya namang dala ko sa trabaho. Minsan, tinatransfer ako kung saan-saan, sa iba't ibang area, magmula ground floor hanggang 20th floor pataas. At kadalasan wala akong kasama. Napakalawak ng buong area ng floor, medyo madilim sa ibang pwesto, at iro-robing mo ito ng paulit-ulit sa loob ng may 9 na oras.
Paminsan-minsan natatakot din naman ako dahil napakadilm sa ibang pwesto, tahimik at napakalawak. Ewan ko lang kung natatakot din minsan ang ibang katrabaho ko. May mga kwento din kasing kakatakutan sa aming pinagtatrabahuhan, mga gumagalang multong intsik, kaya minsan napapaisip ako na baka may bumulaga sa'king multong intsik. He!he!he! 'Di ko lang alam kong anung gagawin ko. Ngunit hindi ko naman masyadong iniisip 'yon, maliban na lang sa isa naming kasama. Sobra s'yang matatakutin, para kasi s'yang hindi lalaki. Ewan ko ba 'don, medyo yata s'ya tagilid. Malumanay kasi s'yang kumilos at magsalita, at may edad na din si kuya. Sa basement s'ya dati pinuwesto, napakadilim doon at may kalawakan din ang area. Nagulat kami sa kanya dahil pabalik-palik s'ya sa amin na tila ba takot na takot at balisa. Halos wala na daw s'yang makita at maging ang kanyang katawan ay 'di nya rin makita. Nagtawanan nalang kami sa kanya 'non. (Ayaw n'ya lang talaga 'don.) Nakailang duty din ako sa basement, sa kanyang pinagdyutihan din. Minsan, para hindi ako mainip. Nagsusulat nalang ako sa booklet, para lang malibang sa napakahabang gabi.
Sa sobrang kulang ko sa tulog, halos makatulog na'ko sa pwesto ko na s'ya namang bawal na bawala sa trabaho. Kapag nahuli kang tulog ng mga officer na intsik, chaola ka agad o sibak ka sa trabaho. You're fired!.. Nakakatulog lang kami ng panakaw kapag madaling araw na dahil bihira na ang mga officer na naglilibot sa ganong oras.
Sa sobrang kakulangan ko sa tulog, nakakatulog ako at nahuhuli akong tulog ng O.I.C naming Nepalist. (Nakalimutan ko na ang bansag namin sa kanya.) Kinukunan n'ya ako ng litrato ng tulog bilang ebidensya gamit ang digital camera at isusumbong daw n'ya ako sa matataas na officer, malamang sipa daw ako sa trabaho 'pag nagkataon. Ipapakita daw n'ya ang picture habang natutulog ako, kinabahan ako noon, takot pa kasi akong mawalan ng trabaho kaya nagmakaawa ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na uulitin 'yon at humingi ako ng apologize sa kanya. Naawa naman s'ya sa'kin at pinagbigyan n'ya ako. Binura n'ya ang picture sa harap ko para wala ng ebidensya. Nagpasalamat ako sa kanya at binalaan pa n'ya ako na 'wag ko na daw 'yon uulitin dahil kapag mataas daw ang makatsamba sa'kin malamang tanggal na'ko agad sa trabaho. Tapos 'non, umalis na s'ya.
Mga ilang araw ang lumipas naging kaclose ko na din s'ya . Siguro, mga tatlong beses na nya akong nahuhuling nakakatulog. Isang beses nadaanan ko din s'yang tulog, kinalabit ko s'ya at nagulat naman ang kupal, tumawa na lang ako 'non. Kapag nahuhuli n'ya akong nakakatulog nagagalit s'ya sa'kin pero pinagbibigyan n'ya 'ko. Mabait naman s'ya kahit mukha s'yang nakakatakot. Kamukha n'ya rin si berto, yu'ng alalay ni Jericho sa Ghost Fighter.
Lumilipas ang napakalamig na gabi, nag-uumaga. May mga oras na nalulungkot ako sa trabaho. Namimis ko kasi ang mga mahal ko sa 'Pinas. Minsan naman 'di na'ko pumapasok 'pag wala talaga akong tulog.
Sa trabaho may mga illegal workers din na mga intsik, vietnamise, mga puslit sa China. Nagtatrabaho sila sa construction site bilang mga construction workers na mga walang papel kagaya namin. Sila yu'ng kinukuha ng mga intsik na matitigas din ang ulo na nagtatrabaho 'don. At 'don din sila pinapatulog sa building, na bawal na bawal dahil na rin sa ilang insidente ng nakawan sa ilang mga gamit, pera at kung anu-ano pa. Kaya ang duty namin, bukod sa pagga-gwardya ay manghuli rin ng mga illegal workers na natutulog sa mga tagong kwarto at mga tagong sulok doon. Magagaling silang magtago para silang mga daga, pero magaling manghuli ang mga Pilipino. May mga nahuhuli na din akong intsik na natutulog sa mga tagong kwarto, ngunit hindi ko na lang sila sinusumbong dahil na rin sa nahahabag ako sa kanila. Wala akong pakialam sa kanila, makita ko man sila na nagtatago at tulog sa bawat kwarto at sulok, dahil alam ko sa sarili ko na illegal worker din ako. Pareparehas lang naman kami at alam ko na kailangan din nila ng trabaho para magkapera.
Dati, gabi-gabi 'pag nagrorobing sila at naghahanap sa mga natutulog na mga trabahador. At mamaya-maya lang, yu'ng mga kasama ko, makakita mo nlang na nagtatakbuhan at nakikipaghabulan na sa mga intsik at vietnamise. Kapag madaling araw nila 'yon ginagawa, napalimit din 'yun dati. Masaya sila kapag nakakahuli sila ng mga natutulog, yu'ng mga nahuhuli naman nila nakakaawa ang mga itsura. Minsan, lagpas sa sampu ang nahuhuli nila, may mga binatilyo, dalaga, matatandang lalaki at may edad na din na mga babae na nagko-constructions din.
May isang umaga na nag-abang sa labas ang mga vietnamise na nahuli nila. Ang isa namin kasamahan, namukaan at binugbog ng mga vietnamise. Naospital 'yon, kaya sinabihan kami ng mga O.I.C namin na mga pinoy na umiwas sa parteng lugar ng pinagbugbugan ng kasama namin, at baka daw kasi maulit pa muli 'yon. 'Wag din daw kaming umuwi ng walang kasama. At yu'ng kasama naman namin na nabugbog at naospital ay balita na lang na may nabuntisan sa 'pinas at hindi pinanagutan. Karma nalang daw n'ya iyon, sabi ng mga kasama ko.
May nakita nga akong mga intsik na nagmamadaling pumasok ng kwarto para matulog, hindi ko na lang sila pinansin noon. Lumabas ang isa at binigyan ako ng ilang pirasong ponkan bilang suhol yata sa'kin, tinanggap ko na din. Ang isa kong kasama naman, kapag nakakakita ng mga natutulog na mga intsik ay sinasabi sa mga officer at kanilang hinuhuli.
Naging kaclose ko din noon ang isa pang O.I.C namin na Nepalist din. Lagi n'ya akong sinasama sa labas ng building para manigarilyo ng patago. Kapag nakatig-dalawang stick na kami ng sigarilyo, balik na ulit kami sa trabaho. Mabait s'ya sa'kin kahit 'nung bago palang ako 'don. Sanabi n'ya din sa'kin na "Hinduism" daw ang kanyang relihiyon. Tinuruan din s'ya ng mga kasama kong mga gwardya ng ilang salitang tagalog tulad ng "Pare" at "Tang-ina n'yo".