Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 2 - Mga samu't saring naisulat sa pamamagitan ng alak!

Chapter 2 - Mga samu't saring naisulat sa pamamagitan ng alak!

*KAIBIGAN AT KAKILALA*

(May inom ako nito! 🍺)

Tunay ka bang kaibigan o kakilala? Maraming klase ng kaibigan sa mundo. May panandalian at pang matagalan. (Permanente kung marami kang pera) May mga kaibigan sa pera, kaibigan sa alak, kaibigan sa trip. Meron din naman kaibigan lang sa sarap at sa hirap nawawala na. May mga kaibigan din madaling lapitan ngunit mahirap hanapin. Kaibigan laging gising o praning, kaibigan sa trabaho, kaibigan sa gulo at marami pa. Ngunit anu nga ba ang tunay na kaibigan? 'Yun bang walang iwanan hanggang sa huli. Meron ka bang best friend? Anung nararamdaman mo 'pag kasama mo s'ya? Masaya ka ba sa piling n'ya? Anung napi-feel mo? Naiinlove ka na ba sa kanya? Masarap bang magkaroon ng kaibigan? 'Yong tipong hindi plastik, maaasahan sa lahat ng bagay. At 'yong kaya kang pautangin ng pera na hindi na hinihintay pa ang pagbalik nito. Anu nga bang qualification ang hinahanap mo sa isang kaibigan? 'Yung gwapo, panget, maganda, payat, mataba, kalbo, kulot, longhair, panot, maitim, maputi, malakas, mahina, takot, matapang, matalino, bobo, matangkad, pandak, bata, matanda, bata isip, may ngipin o wala at kung anu-ano pa.

'Pre hanggang sa huli! May load ka ba? Pa text naman, isa lang, na check-op. kasi ako. Wer na U?Dto na Me!... Sagot mo nalang ang tagay ko, lasing na'ku 'pre!

Marami-rami na din akong nakilala at naging kaibigan. Iba't-ibang klase na din ng tao ang nakasalamuha ko. May dumadating, may aalis. May mawawala at may magbabalik. Some are good and some are bad. Are good friends are only good for good time...? At minsan naghahanap tayo ng kaibigan. Nangangapa tayo sa dilim, ngunit minsan walang dumadating, walang makapa. Hanggang, maramdaman mo nalang na pinapatay ka na pala ng iyong pagiisa. Hinahanap mo sila ngunit hindi mo mahanap-hanap, until marealise mo na lang na, solo mo na ang paghihirap. Ilan taon na ba tayong nabubuhay sa mundo? Marami na ba tayong natutunan sa buhay? Naranasan ko ng malasing ng sobra-sobra. Umikot ang paningin, umikot ang paligid, hilong-hilo na, sumuka na ng sumuka. Hanggang, wala ng lumalabas kundi mapait na plema, at nagtawag na naman ng uwak ang dakilang hangal. Uulitin ko pa ba? Hindi na'ku iinom sumpang binitiwan pero 'pag and'yan na ang alak hala sige na naman. Walang kadala-dala ang dakilang hangal.

What you see is what you get. What you get is what you suffer. Ganyan ba talaga ang buhay? Hindi na lang ba tayo ginawang imortal ng Diyos para 'di na mamatay magpakailanman.

I don't care 'bout tomorrow

Ain't anticipating what's to come

I don't care 'bout the things

I have not done

Long as I got Rock n' Roll

I'm forever young

"Tom Keifer"

Forever young

I want to be forever young

Do you really want to live forever and ever

Forever young

"Alphaville"

"Bisyo"

Nakilala lang kita at itinuring na isang kaibigan. Ako ba itinuring mo rin na kaibigan? Ikaw lang ang kasama ko sa aking pag-iisa. Habang umuulan, hawak kita. Habang naglalakad sa lupa ng banyaga, nand'yan ka. Umulan man o umaraw, 'san man ako magpunta. Ginagabi man sa paghahanap buhay. Isang pitik ko lang sa'yo, and'yan ka na. Mas lalo pa akong ginaganahan sa'yo, 'pag ako'y hirap na. Hindi lang kita makuha, 'pag ako'y walang pera. Bakit pa kasi nakilala pa kita? Kahit na alam ko naman na ikaw din ang dahan-dahang papatay sa'kin balang araw. Tunay nga ba kitang kaibigan o kaaway?.

Napunta ka na ba sa mundo ng mga halimaw? Sinu-sinong mga nameet mo? Anung ginawa mo ng magkita kayo ni Toguro? Nanginig din ba ang tuhod mo sa takot?

Anung dahilan mo para mabuhay? Katulad lamang kita, 'di mo maisaayos ang iyong kahapon, at 'di ka rin makapagpatuloy. Katulad lamang kita, 'di mo kayang magmahal, at 'di mo rin kayang mahalin, kaya patuloy tayong nabubuhay ng may poot sa puso't damdamin. Parehas lang tayong mga halimaw, nabubuhay para lumaban. Ngayon, sabihin mo sa'kin. Na'san na ang mga kaibigan mo na handang tumulong sa'yo? Malapit ka ng magpaalam at di mo na kaya pang takasan, kaya wala ka ng dahilan para mabuhay.

Buti nalang at dumating si Eugene at niligtas ka sa kamay ng mga halimaw. Dumating pa si Recca upang umalalay sa'yo. Napakaswerte mo naman at ligtas ka na. Ligtas ka na nga ba sa panganib?Nag-uumpisa palang ang laban. Ang totoong laban ng buhay. Minsan iniisip ko na, mamuhay na lang sa mundo ng imahinasyon. 'Di ba masarap isipin na laging may saya at adbentura ang buhay sa bawat ending ng palabas. Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo ng walang pag-aalinlangan at sa huli ikaw pa din ang panalo.

Malayong-malayo ito sa katotohanan ang iniisip ko at bawat isa sa atin. May mga bagay na mahirap ng ibalik pang muli. Tulad ng pag-ibig na nasayang. Oras at panahon na hindi na pwedeng ireplay o iplayback pa. Sabi nga ng Asin. "Ang oras daw ay ginto, kinakalawang lang 'pag ginamit mo. Kalagan na ang tali sa paa. Imulat na ang iyong mga mata. Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta."

May dalawang daan sa harapan mo. Ang isa sa kanan, ang isa naman sa kaliwa. Dahil hindi mo alam ang tamang daan, nagkaroon ka pa ng dilemma. Parang test paper lang 'yan, laging may choices, laging may option, pampagulo ng utak. Ganyan din ang buhay ng tao, magulo ang utak, tulad ko. Hindi ko na nga alam ang sinusulat ko... He! He! He! Bahala ka na lang umintindi. Mahirap kasing intindihin ang buhay, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan nakakatacute.

*SABI Nl FATHER*

Bakit kaya maraming tao ang nagmamadali? Nagmamadali sa paggising, pagkain, pagligo, pagbihis, paglakad, pagsakay, pagbaba, pag-uwi, pagtulog at paggising. Kinabukasan ganun na naman. Hindi ka na ba nagsasawa sa paulit-ulit na cycle ng buhay mo.

Nauubos ba ang oras? Hinahabol ka ba nito? Naabutan ka naman ba? Take a break! Have a break! Have a kitkat! Sabi nga ni Father, "don't be rush, relax ka lang." RELAX! Ang sarap ng buhay sa mundo. 'Wag mo daw madaliin ang lahat ng bagay sa paligid mo. Enjoy lang daw, easy lang. Hayaan mo daw silang magmadali. Hindi daw sila pagpapalain, kapag laging nagmamadali. Matulog ka ng mahimbing at masarap daw ang paggising. (Kaya pala si father mukhang puyat) Joke! Ningingiti ang araw at aawit ang mga ibon. Masarap daw ang buhay na hindi minamadali. Para daw 'yan babae, ayaw ng minamadali.

*SENTING MANHID*

(Toma-Tagay)

Paalam! Sige! Adios! Goodbye! Hanggang sa huli! Sayonara!.. Nasanay na'ko sa bawat pagpapaalam ng mga taong malalapit sakin, kakilala, katrabaho, kaibigan, kapamilya at minamahal. Maging ako man ay nasanay na din sa mga taong iniwan 'ko. Minsan, nakalulungkot isipin na ang pagpapaalam ay s'yang huling yugto ng buhay natin. Naging manhid na yata ako sa bawat pagpapaalam na naririnig ko sa bawat bibig ng mga taong iniiwan at iniiwanan ako.

Naaalala ko pa ang nakaraan, nang may tao akong iniwan at nangakong magbabalik. Lumipas na ang maraming taon, at tila yata sa panaginip na lang pwedeng mangyari ang kanyang hinihintay. Sabagay, nagbabago ang tao maging ang panahon. Wala naman na akong planong magbalik pa at makita s'yang muli. (Kung anu man ang dahilan, nasa akin na 'yon!) Marahil maganda na din 'yon. Isipin nalang natin na isang panaginip lang ang lahat, na pwedeng ibaon sa limot. Hangad ko na lang ang ikagaganda ng buhay mo. Patawarin mo rin ako at nasaktan kita.

Naaalala ko pa ang nakalipas, habang bumabagyo, umuulan ng malakas, basang-basa ako 'non sa dis oras ng gabi. Hanggang ngayon, narirnig ko pa ang malakas na tunog ng ulan sa mga tenga 'ko. Na para bang oras na walang katapusan. Naaalala ko pa ang mga araw na 'yon.

Minsan parang masarap harapin ang kasalukuyan ng walang katiyakan. Maraming sorpresa ang naghihintay sa buhay. Magugulat ka na lang sa pwedeng ikabago ng buhay mo.

"Everyone thinks of changing the world, but no one thinks of changing himself."

(Leo Tolstoy)

Sige, paalam na...!

*MAY TAMA*

(Umiinom ng alak habang nagsusulat)

Inom tayo! let's have a drink. Gusto mo ba akong samahan uminom ng may makausap man lamang. Alak, baso, yelo at sigarilyo lang ang kasama ko. Nakakabingi pala ang katahimikan. Sari-saring bagay ang pumapasok sa'king isipan.

Hello darkness my old friend. I've come to talk with you again. Because a vision softly creeping. Left it seeds while I was sleeping. And the vision that was planted in my brain. Still remains within the sound of silence. In restless dreams I walk alone. Nakita kita at tinawag. Ngunit parang 'di mo ako narinig, at nagpatuloy ka lang sa paglakad. Parang bula ka na lang na naglaho sa'king paningin. Wala na bang kwento? Ang tahimik naman dito. Tumatawag, walang sumasagot. Nagsisisi, may kasalanan ba ako? Habang ikaw ay nandito. Kaibigan, tunay ka ba? Wala na ba ngayon ang samahan natin. Tulungan n'yo ako upang magising ang natutulog kong mundo.

Kabilin-bilinan ng lola. 'Wag ng uminom ng serbesa. Ito'y hindi inuming pambata. Magsoftdrink ka na lang muna. Pero ngayon ako'y matanda na. Lola pahingi ng pangtoma. Ayan na nga tumataas na. Ang amat's ko kase laklak maghapon, magdamag. Sigarilyong 'di maubos. Alak na nakakalunod. Mga bisyo na ayaw magpatulog. Anu ang mangyayari sayo? Bawat yugto ng sandali halos 'di mo alam. Naglalakbay si tatay sa ibabaw ni nanay. Gamot na bawal ay ayaw mo ng pigilan. Kinabukasan mo ay nawala. Your love is like a bad medicine. Bad medicine is what I need. Shake it up just like a bad medicine. There's no doctor can cure my disease. I waited hours for this. I get my self so sick. How much I can't as sleep today. And if I had you here. And then you look at me. Don't ever be this close to me. I don't wanna close my eyes. I don't wanna fall as sleep. 'Cause I miss you babe. And I don't wanna miss a thing. There where the nights holding you close. Someday, I'll try to forget them. As soon as my heart stops breaking. And tears stop fading. As soon as forever is true. I'll be over you.

May tama na yata ako. Tapos pagkatapos 'non, kay tagal mong nawala. Nagulat na lang ako nu'ng marinig ko ang balita. Akala ko ba naman na marunong kang magdala. Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na. Hoy! Buloy, nasaan ka man. Siguradong kawawa ka. Malamang walang alak d'yan. Hoy! Buloy, nasaan ka man. Siguradong 'di ka namin malilimutan. Nais kong matulog ngunit 'di makatulog. Sa pag-iisip ang utak ko'y nabubugbog. Pahamak na pag-ibig 'to, ako'y gulong-gulo. Tumatakbo ang oras ngunit gising pa rin ako. This bottle is bringing me down. No comfort for me in this town. Once upon a time, I could control my self. Once a upon a time. I could lose my self .Yeah!Sleep with one eye open. Greeping your pillow tight. Exit light! Enter night! Take my hand we off to never-never land.

Would you know my name? If I saw you in heaven. Would it be the same? If I saw you in heaven. I must be strong then carry on. 'Cause I know I don't belong here in heaven... And I know I just can't stay here in heaven. Sana makita kita sa langit. Oh! When there's no one else is night. Out in the crowded lonely night. Well, I live for so long for my love vibration. And I'm dancing with my self. So let it go oh hoh. And so fade away. Wide awake. I'm wide awake. I'm not sleeping, no no no. Darling, I know your sleepin'. But there's something that I've got to say. Wonder if you'll me while you're dreamin'. You make a life time out of yesterday. Thanks to you now I know. All my dreams can come true. Blind faith in you. Oh yeah! I've got a blind faith in you.

If you lost, you can look. And you will find me. Time after time. If you fall, I will catch you. And I'll be waitin'. Time after time. Yeah! Lasing na'ku... Napakanta ka ba? Sige, tama na 'tong kahibangan ko. Hindi ko na din kayang magsulat, duling na'ko. Huling tagay ko na 'to... Sarap! 🤜

So long!🍺

*HIBANG*

(Nag-iilusyon ng gutom)

Pwede ba natin baliktarin ang Mundo?

Gawin natin itong kapana-panabik

'Yung tila ba walang katapusang ligaya

Paliparin natin ang mga isda

Palanguyin natin ang mga ibon

Palakarin natin ang mga puno't halaman

Lagyan natin ng kulay ang hangin

Gawin natin totoo ang mga panaginip

Gumawa tayo ng maraming pera, pagkain,

damit at kung anu-ano pa

Sa pamamagitan lamang ng pagpitik ng daliri

Pwede mo bang gawin 'yon para sa'kin?

At gagawin ko din 'yon para sa'yo

At kapwa tayo makikinabang sa hibang na pangarap

Pipigilan ko ang oras

Pipigilan mo ang kamatayan

Kapwa tayo magiging imortal habang buhay

Minsan naisip mo na ba 'yon?

Kahit sa panaginip lang?

Sige tumagay ka muna, habang may alak pa

At baka bukas paggising mo

Magdilang anghel ka na

Gusto mo pa bang baliktarin ang mundo?

Sige, samahan mo ako't sasamahan kita

At gawin natin ang 'di kaya ng iba

*ALIPIN NG KAHAPON*

Naligaw ako sa mundong ito

Hindi alam ang gagawin

Hindi alam kong saan pupunta

At lalong 'di alam ang uumpisan

Kinuha ng tadhana ang kabataan ko

Wala akong magawa kundi magpadala

Masakit isispin na nangyayari ito

Taliwas sa'king damdamin

At habang buhay ko itong pagsisisihan

Minsan na akong dumaan sa ganitong kalagayan

Kasuklam-suklam ang pinagdaan ko

Isang bangungot ang muling gumigising sa'kin

Sa tuwing mapapadan ako sa'yo

*SAYANG PALA*

Anu kaya kung lumapit ako sa'yo

Noong araw na nagbalik ka

Mababago kaya ang araw na

nakatakda ngayon

Hanggang ngayon, iniisip ko pa din 'yon

Dapat pala nilapitan nalang kita

Nang nalaman ko na lang

Ang pwedeng mangyari satin

Nabigla lang siguro ako 'non

Noong bigla kang bumulaga sa'king mata

At buhat 'nun ako'y natulala

At 'di malaman ang gagawin ng makita ka

Mas pinili ko na lang ang 'di paglapit sa'yo

Masaya na din ako ng makita kang muli

Marahil sapat na din 'yon

Dahil naghilom na din ang sugat na bunga mo

Masaya na ako habang tinitingnan nalang

Ang muli mong papalayo

Ngunit nagsisisi ako noon kung alam mo lang

Anu kaya ang nasa isip mo noong lumalakad ka

Papalayo sa akin

Nanghihinayang ka din ba gaya ko

Dahil 'di man lamang tayo nagkausap muli

Gaya ng dati

Sayang ka pala at pinakawalan pa kita

Naaalala lang kasi kita ngayon

*PAG-IBIG NA LUMISAN*

(Hango sa tunay na buhay)

Bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat?

Eto ba ang pamana mo sa'kin?

Ang makita kitang wala ng buhay

Habang nakaupo ako sa malamig mong bangkay

Tinitingnan kita, tinititigan kita

Hinihintay ko ang muli mong pagdilat

Habang pumapatak ang aking mga luha

Naiisip ko na buhay ka pa

Na para bang natutulog lang

Naaalala ko pa ang kahapon

Ang saya natin, maligaya tayo

Naisip mo din ba 'yon?

Ang dami natin mga pangarap sa buhay

Kahit na tayo'y mga bata pa

Sapat na 'yon para mahalin natin ang isa't isa

Ngunit bakit kailangan mong lumisan pa?

Ang bilis naman yata ng pagmamahalan natin

Sadya bang ganito ang mundo?

O, sadya bang naging mahina ka lang

Para magpatalo sa buhay

At isipin mong wakasan nalang

Naiisip mo ba ako ng ginawa mo yan?

Naisip mo bang maghihirap ako ng sobra kaysa sa'yo?

Tinitingnan pa din kita

Habang natututlog ka pa rin

Hinihiling ko ang muli mong paggising

Kahit na alam kong malabo na

Marahil matagal pa para maghilom ang sugat na 'to

Matagal pa ang hihintayin ko

Para makalimutan ka marahil

Dapat ba kitang sisihin ngayon?

Dahil sa labis kong pagdurusa ngayon

Naaalala ko pa ang mga yakap mo

Ang mga halik mong napakatamis

Na alam ko naman na 'di na mauuulit pa

Hindi ko na kaya kung alam mo lang

Ang labis na pagtitig sa'yo

Dahil wala ka ng buhay

Hinatid na kita sa huli mong hantungan

Mas lalo pang naging mahirap ang lahat para sa'kin

Dahil hindi na kita makikita pang muli

Kung pwede lang tumalon sa hukay

Para masamahan kita

Kapwa tayo magpatabon sa lupa

At matulog nalang habang buhay

Gagawin ko 'yon kahit 'di tama

Dahil ganon kita kamahal

Sa pag-uwi ko, tanging mga alaala mo lang ang bitbit ko

Mga alaalang minsan kitang minahal

Ngunit ganun pa man

Pilit ko na lang tatanggapin

Dahil alam ko naman na magkikita pa tayo balang araw

Aasahan kita at hihintayin ko 'yon

Ang muli nating pagkikita