Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 4 - "Hindi mo matututunan ang mga bagay-bagay, hangga't hindi mo ito nararanasan."

Chapter 4 - "Hindi mo matututunan ang mga bagay-bagay, hangga't hindi mo ito nararanasan."

*PUPUNTA AKONG MACAU*

(Ang paglalakbay sa mundo ng mga halimaw!)

Nakasama namin ang pamilya ni ate Malou sa inuupahan namin dating bahay sa Amapola St. Brgy. Dos, Lipa City. Sinabi n'ya sakin dati na kung gusto ko daw pumuntang Macau at tutulungan n'ya daw akong makapunta doon. Si ate Malou at ang kanyang pamilya ay pabalik-balik na sa Macau. Kung tutuusin beterano na s'ya pagdating doon. Gusto ko din naman makapunta doon at magbakasakaling hanapin doon ang swerte ko. Gusto ko din makapagtrabaho doon at kumita ng maganda. October 2008, nag-ayos na'ku ng mga papeles. Kumuha ako ng N.B.I for travel at inayos ko ang birth certificate ko na late regiseter na o hindi nairehisrto sa N.S.O. N.S.O pa noon na ngayon ay P.S.A na. Pumunta ako sa pamahalaang bayan ng Pasig para ayusin ang birth certificate ko, kung saan ako pinanganak. Ayon din ang sinabi sa'kin ng N.S.O sa Main kung saan inabot ako ng siyam-siyam sa pagpila, doon ko daw ayusin sa Pasig City. Nakadalawang balik ako noon sa Pasig at kalauna'y naayos ko din naman at nakuha ang authenticated birth certificate ko ngunit, ang kopya nito ay 'di mabasa dahil sa orihinal pa na kopya ito pinaggayahan. Para lang itong xenerox sa dilaw na papel.

Pinadala ko din kay Mama mula sa marikina ang High School diploma ko sa pamamagitan ng door to door transfer. By October din, nilakad ko ang aking passport sa D.F.A Pasay City. Ipinagkaloob ito

sa'kin noong November 18, 2008. Sa wakas, ayos na ang lahat! Ang tanging gagawin ko nalang ay maghintay.

Buwan ng december ng balitaan ako ni ate Malou na noo'y nasa Macau na. "Maghanda ka na at malapit ka ng umalis." Ilang araw ang lumipas at nakuhanan n'ya na ako ng plane ticket sa internet. Ngunit sa nasabing flight ay na-cancel pa ang pag-alis ko. Naadjust ito sa ibang araw at muli ako'y naghintay. Hanggang sa dumating na nga ang tamang araw. Nakuha ko pa noon na magpadespidida ng simple, kahit na alam ko naman na kulang ako sa budget. Nakapangutang pa kami noon sa mabait naming kaibigang muslim na may cellphonan dito sa Lipa. Nakapangutang din noon ako ng one hundred dollar sa kauuwi lamang na kapit bahay nila tiya Beth, ina ng pinsan kong si Joy ng kami'y magpunta sa Amadeo, Cavite bago ako umalis. Naisangla ko din noon ang cellphone kong motorola na flip-top na manipis, ('di ko na alam ang unit nito) sa halagang dalawang libong piso, pandagdag din sa plane ticket ko.

Sinabihan ako noon ni tiya Beth, noong kami'y magpunta sa kanila na walang-wala na, "Wag kang mawalan ng pag-asa." Tutulungan daw n'ya akong makahiram ng pera sa mga taga doon. Isinama ako ng tiya sa kapit bahay nila na pinahiram nila ng lupa para tirikan ng bahay nila na malapit sa kanilang bakuran. Kilala ko ang anak ng mag-asawang hiniraman ko ng pera, dahil kapag pumupunta ako sa amadeo nakakainuman ko ito at nakaka-kwentuhan. At kalauna'y naging tropa ko na din. ('Di ko na matandaan ang pangalan n'ya)

Inabutan namin sa loob ng munti nilang bahay si kuya na nagkukumpuni ng stereo, habang suma-shot ng beer, sakto naman at kauuwi lang ni kuya galing Saudi Arabia. Pinakilala ako ng tiya sa kanya at sinabi ng tiya ang aming pakay sa kanya. Nagsalita din ako noon kay kuya, na kung pwede pahiramin n'ya ako ng pera. Walang sabi-sabi binigyan ako ni kuya ng one hundred dollar, gusto ko pa sanang humirit noon ng isa pang one hundred dollar pero, sinabi ni kuya na tama na muna 'yan at sapat lang ang naiuwi n'yang pera. Sinabihan n'ya din ako noon na kung gusto ko daw magtrabaho sa Saudi at tutulungan daw n'ya akong makapunta 'don. Sinabi n'ya din sa'kin na sa Saudi daw makakaipon ka dahil wala daw masyadong tukso doon, at mahigpit ang kanilang batas, kaya trabaho at bahay ka lang doon. Maganda ang sinabi sa'kin ni kuya noon pero tinanggihan ko ito, dahil malapit na kong umalis papuntang Macau. Hapon ng umalis kami ni Edna sa amadeo, natulog din kami noon kila tiya ng isang gabi. Sa Amadeo, doon dumating ako ng walang-wala at umuwi ng may laman ang bulsa. Nagpasalamat ako noon kay tiya Beth at tiyo Celing. Si joy naman na aking pinsan ay kasalukuyang nasa Taiwan pa.

Nakaipon kami noon ng pambayad sa plane ticket sa halagang mahigit kulang-kulang sampung libo, at nakapamili din ako ng ilang gamit para sa pagpunta ko doon. Naging masaya ang huling inuman namin nila pareng Barci, Alex kasama ang ilang tropa. Andon din sila ate Dona, tyahin ni Edna at si ate Magot. (kinakasama ni 'te Dona) Andon din noon si Kervin na naging apprentice ko sa paggugupit, at naging kaibigan din ng pamilya.

Dumating ang araw ng pag-alis ko noong December 11, 2028. Hinatid ako noon ni Edna at Angela sa airport ng NAIA. Hapon na noon, andon ang excitement at pagkalungkot ko din. Hindi ko na matandaan kung sa terminal 2 or 3 ako sumakay. Bitbit ang isang malaking maletang ipinahiram pa sa'kin at shoulder bag ko. Binilinan pa ako noon ni ate Malou na magdala ng isang litrong alak at isang kahon na dunkin doughnut na para sa kanyang mga apo. Ipresent ko lang daw ang alak sa airport personel kasama ang aking mga gamit sa paggugupit at walang magiging problema.

Maaga kami ng sobra sa dalawang oras ng makarating kami sa airport, doon sinamahan pa nila ako sa loob para ayusin ang ilang bagay tulad ng terminal fee.At dumating na ang oras na pumunta na'ku sa immigrations para pumila, doon hindi na sila pwedeng pumasok pa sa loob kaya naghintay nalang sila sa labas ng glass door. First time ko noon, kabilin-bilinan sa'kin ni ate malou na sundin ko lang ang sinabi n'ya sa'kin na kapag tinanong ako kung anung gagawin ko doon ay magtu-tourist lang ako. Binigyan n'ya din ako noon ng kopya sa papel ng invitation letter kasama 'don ang address na pupunthan ko, ngunit ito'y print lang sa computer.

Pumila ako noon sa babae na binilin din sa'kin ngunit s'ya palang naging malala. Tumapat ako sa isang halimaw na babae este sa immigration officer o employee. Nakita ko noon na tatak lang s'ya ng tatak sa mga nauna sakin, at dumating na nga ang turn ko. Binati ko s'ya noon ng "good afternoon po!" at ningitian ko pa, ngunit ang binalik n'ya sa'kin ay ang pagsimangot. Hindi n'ya din ako noon tinapuan pabalik ng good afternoon din, sa halip nakatitig s'ya sakin ng bahagya na para bang mangangain ng tao. Tiningnan n'ya noon ang passport ko na malinis na malinis. Sinabi n'ya sa'kin na kung anung gagawin ko sa Macau? Sumagot ako na magto-tourist po ako at bibisita sa kakilala ko doon. Inabot ko noon ang invitation letter sa kanya at kanya itong tiningnan, medyo kinakabahan na din ako 'non dahil nagiging mabusisi na s'ya. Tinanong n'ya ulit ako, kung anung meron sa Macau at bakit ako pupunta. Sumagot ako ng naging colonist dati ang Macau ng Portugal at maganda din ang mga pasyalan doon. Sinabi n'ya sa'kin na dapat ang invitation letter ko ay hand written, hindi 'yong print lang sa computer. Lumabas s'ya ng window at itinuro sa'kin noon na pumunta ako doon sa opisina, habang sila Edna ay nagtataka sa'kin kung bakit ako pinapunta doon. Lumingon pa'ko sa kanila at ngumiti at suminyas na sandali lang.

Pumasok ako sa opisina, inabutan ko doon ang mataas yatang may katungkulan sa immigration na may kausap na dalawang babae na halos kaedaran ko din. Pinaupo ako noon ni Sir. (Matangkad na lalaki na malaki ang pangangatawan) Bumati ako noon sa kanya ng good afternoon po at binati n'ya rin ako ng good afternoon din. Habang nakaupo ako, 'rinig ko ang dalawang babae na nakikiusap at nagsusumamo sa kanya na makaalis papuntang Malaysia. Sinabi noon ni Sir na hindi sila makakaalis. Sinabi ng dalawang babae sa kanya na 'pano po ang plane ticket namin? Mawawalang bisa 'yon! Wika ni Sir.

Tumayo si Sir at bumaling sa'kin. Sinabi n'ya sa'kin na anu daw ang gagawin ko doon sa Macau? Sumagot ako noon na magtu-tourist po ako Sir... Ah! Imik n'ya lang. Sinabi n'ya sa'kin na magsabi ka lang ng totoo sa'kin. Magsabi ka ng totoo, makailang sambit n'ya. Napabuntong hininga ako noon at nag-isip. Sinabi ko ang totoo kay Sir... Sa katunayan po Sir, kaya po ako magpupunta doon ay magbabakasali po akong maghanap doon ng trabaho, baka po andoon ang swerte ko... 'Yan! Iyan ang gusto ko! Magsabi ka lang ng totoo at walang magiging problema. (Medyo malakas na ang tinig n'ya!) Sige, okey na bumalik ka 'don, wika n'ya. Nagpasalamat talaga ako ng sobra-sobra kay Sir 'non at nakahinga din ako sa wakas ng maluwag.

Bumalik ako sa babaeng nakasimangot na may edad na. Sinabi ko noon sa kanya na mam okey na po sabi po ni Sir. Tinatakan na n'ya noon ang passport ko at nagpahabol pa ng salitang. Anung okey?May magiging problema ba kung okey ang sa'yo. Nakasimangot na bulalas n'ya sa'kin. (Bastos ka! 😬,sa isip-isip ko.) Bumalik ako kay Sir noong natatakan na ang passport ko. Nagpaalam na din ako noon kay Edna at Angela. Kinamayan ko si Sir at labis-labis akong nagpasalamat sa kanya, habang kausap n'ya pa din ang dalawang babae.

Dumating ako sa waiting area at naghintay ng pag-alis ng eroplano. Dumating na ang oras ng pagsakay ko ng eroplano, doon nagtawag na sila ng mga pangalan at nagbigay ng pwesto sa bawat isa sa mga passenger seat. At ito'y umamdar na papalayo ng run way, hanggang ito'y unti-unting umaangat na sa himpapawid. Nakadungaw ako noon sa bintana habang unti-unting lumiliit ang paligid sa baba hanggang ito'y maging tuldok na lang. Medyo kinakabahan ako 'non dahil first time ko pa lang sumakay ng eroplano, pero nawala din naman ang kaba na iyon. Nakuha ko pa noon na magtext kay Edna na nakasakay na 'ko ng eroplano, na pinagbawal naman ng sterwardess. Nagreply s'ya noon sa'kin na nakasakay na din sila ng bus pabalik ng batangas. Mag-iingat daw ako doon! Sinabi ko din na ingat din kayo sa pag-uwi.

Nakakalungkot pa lang sumakay ng eroplano ng mag-isa, andon na din ang kalungkutan at pananabik ko noong nasa eroplano ako. Ilang oras ang binilang at lumapag na ito sa Macau. Nagbabaan na ang mga pasahero, ang ilan 'don na nakasakay ko ay makikilala ko pala tulad ni Jay-r na anak ni ate Roda, at yu'ng O.I.C namin sa pagga-gwardya. Dumaan ako sa immigration nila at tinatakan ang passport ko, ininspeksyon ng immigration officer ang maleta ko, kinalkal at nasira ang pagkakaayos nito, at tinigilan nalang ng walang makitang kakaiba. Ako nalang ang nag-ayos 'non. Gabi na din noon, sobrang lamig doon at naglalaro sa 15 to 18 degree celcius ang temperatura doon. Lumabas na ako ng building ng airport, andon si ate Malou na naghihintay na sa'kin, kasama si ate Roda na hindi ko pa kilala noon, habang hinihinytay din ang anak niyang si Jay-r. Sumakay na kami ng bus pauwi sa bahay ng anak ni ate Malou na babae, doon ako natulog ng isang araw. Kinabukasan lumipat ako kay ate Malou, kinausap n'ya ako na doon muna ako sa kanya dahil nakakahiya daw sa nanay o kanyang balae at anak na lalaki nito na asawa ng kanyang anak, kung nandon ako. Lumipat ako noon kay ate malou, natulog pa'ko doon ng isang araw sa kanilang bahay, doon nakilala ko ang kanyang asawa na nagtatrabaho doon.

Kinausap noon ni ate Malou si ate Roda sa airport. Kinabukasan, sinabihan ako ni ate Malou na doon muna ako sa plot ni ate Roda, naghahanap kasi s'ya ng bed spacer, at nagdesisyon ako na doon na lang din ako. Sinundo ako ni Jay-r sa bahay, hindi ko pa kasi kabisado ang mga pasikot-sikot doon. Naglakad na lang kami ni Jay-r noon, 'di naman kalayuan sa bahay nila ate Malou ang kanilang plot. Malamig pa din doon at iba ang amoy ng hangin kumpara sa 'Pinas. Inabutan namin noon ng bahay si kuya Joseph.

Sa plot na iyon may dalawang kwarto, sa dulong kwarto doon ako isinama ni ate Roda kay kuya Biong, Randy, Jay-r at isa pang kasama namin, 'di ko na matandaan ang kanyang pangalan.