PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay)

đŸ‡ĩ🇭Axl_Carbonell
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 364.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - "CONTINUATION!"

Huwag mo ng itanong sa sarili mo kung bakit ka ganyan, at kung bakit ka binasted ng nililigawan mong chick. Minsan kasi may mata ka nga pero bulag ka naman. May tenga ka nga pero bingi ka naman. Nakita mo na ang kalat 'di mo pa dinampot. Narinig mo na ang maingay sa klase, 'di mo pa sinabi sa teacher mong bombay kaya 'yan, lahat kayo napingot.

Alas dos na pala ng madaling araw. Over time na ako! Sabagay, night deffirencial 'to. Nabungal na nga ang aso sa pagkahol pero gising pa rin ako, inspirado kasi. Napaos na din ang manok sa pagtilaok, ayaw pa kasing maubos ng tinta nitong ballpen. Talaga naman oh! Sabagay ulit, kesa naman magpakapuyat sa facebook, internet lalaki lang ang bill sa kuryente. (what's on your mind?) Sige, pahinga na ako, bukas naman ulit. Panalo ka na ballpen, gabi ko na din kasi maisipang magsulat. (enjoy naman eh!)

Dear Lord,

Sana po tulungan n'yo po akong matapos itong sinusulat ko. Tulungan n'yo din

po akong mag-isip ng kalokohan para dito. (Joke!) Again, Lord, Thanks to You for

creating me as a human not a dog. I enjoyed life and appreciated it rather than

hating it. And also forgive me for my daily sins. Amen!

P.S. Thanks God! Goodnight!

Your sheep,

AXL

*BAKIT MAY UMAGA, WALA NAMANG ARAW?*

(Ghost Fighter at mga pambatang palabas)

Kape tayo! You want coffe? Coffe with yosi for every morning I wake up, nakasanayan na kasi. Masarap daw kasi ang bawal! Umaga na wala pa ding araw, napuyat ba din s'ya? Para 'san nga ba ang umaga? Umagang walang hanggang. May mga taong ayaw dumating ang umaga sa maraming kadahilaan. Minsan, ayaw ko ng dumating pa ang umaga dahil wala pang maibayad sa renta ng bahay. (Agang-aga maningil sa renta ng bahay. Bullshit! Asar!)

Pero, sabi nila ngumiti ka sa bawat umaga, as a sign of goodluck. Do you remember the word SMILE? Nakakangiti kaya ang iba na wala man lamang maalmusal sa umaga at makape man lamang!!?? Noon, nu'ng tayo'y mga bata pa, kontento na tayo na sumapit ang umaga. Masaya naming magkakapatid, magkakalarong inaabangan ang mga pambatang mga palabas noon.

Naaalala ko pa ang mga palabas noong pambata: (Pang-umaga)

And'yan na ang Batibot, Cedie (Ang munting prinsipe), Sarah (Ang munting prensesa), The adventure of Huck Finn ni Mark Twain, Remi, Remi (Noby's girl), Peter Pan and Wendy, Nelo (The dog of planders), Snow White, Cinderella, Jenny "ang paborito ko", Julio at Julia (Kambal ng tadhana), Mary and the secret garden, Tico and friends, The Trapp Family Singers, Ang mahiwagang kwentas, Cuore, Marco (Chao Marco!), Heidi, Georgie, Little Woman, Little Woman 2, Galliver's Travel, Swiss Family Robinsons, Jackie, Jody Abott (Daddy long legs), Charllote, Saint Seiya, Bubu ChaCha, Awit titik at iba pa, Banana's in Pyjamas, Angie Girl, Marcelino Pan Y Vino, Sine's Eskwela, Math Tinik, Hiraya Manawari, Bayani, 5 and up at kung anu-ano pa.

Sa iba't- ibang mga channel naman:

Voltes Five, Mazzenger Z, Transformer, Voltron, Ghost Buster, Casper (The friendly ghost), Heman and She-ra, Scooby Do, Yogi bear, Sesame Street, Mody Dick, Mightor, Jungle book, Sinbad, Super Book, Sinba (The white Lion), G.I Joe, Pink Panthet, Felix the cat, Denver the last dinosaur, Sky Commanders, The Flintstone, Gummie Bears, Tom and Jerry, The Addams Family, The Care Bears, Little Mermaid, Snoopy, King Arthur, Robin Hood, The Simpsons, The Woody Wood Pecker, Sky Dancers, Super Boink, Freakazoid, Mighty Ducks at marami pa din

At pagsapit ng hapon at gabi marami pa din:

Tulad ng Zenki, Bt'X, Blue Blink, Thunder Jet, Samurai X, Three Masketers, Zorro, Mga munting pangarap ni Romeo, Magic Knight Rayearth, Saber Marionette, Ang batang Robin Hood, The adventure of Tom Sayer, Street Fighter, Akazukin Cha-cha, Slayers, Neon Genesis Evangelion, Gundam, Slam Dunk, Flame of Recca, Ghost Fighter, Hunter X Hunter, Soul Hunter, at walang kamatayang Dragon Ball, Dragon Ball Z, Ranma 1/2, Vision of Escaflowne, Hell Teacher Nube, Mosquiton, Jackie Chan Adventure, Monster Rancher, Knight Hunter, Fushigi Yugi, Sorcerer Hunters, Lupin the third, Trigun, Detective Conan, Cowboy Beebop, Battle Ball, Pygmalio, Two years vacation with dinosaur, Maha go, Teletubbies (gusto ng kapatid kong bunso), Yaiba, Hunch (Ang batang bubuyog), X-men, Batman (the animated series), Superman, Spiderman, Ewoks, Double Dragon, Popeye (Tha sailor man), Looney Tunes, Biker Mice, Grim's Fairy Tale, Teenage Mutant Ninja Turtles, Wild Cats, Kuro Chan, Mojacko, Doraemon, Virtua Fighter, G-Force, Daimos, BeyBlade, Yu-Gi-Oh, Baki (The grapler), Shaman King, Knock Out, Power Ranger, Mr. Bean, Pokemon, Let's go, Digimon, Card Capture Sakura at marami pa din.

May bonus pa sa weekend and night: "Mga sari-saring palabas sa iba't-ibang mga channel."

Nariyan na ang Killer Potato, Mr. Bogus, Conan, Bioman, Mask Man, Shaider, Sailor Moon, Cosaidon, Ultra Man, Magma Man, Machine Man, Mask Raider Black, Turbo Ranger, Jet Man, Fiveman, Time Quest (Isa din sa paborito ko.) Sonic, Mario Brothers, M.I.B, Transformer (Beast), Godzilla at marami pa din.

May mga kabaguhan ng konti:

Tulad ng Sponge Bob, Inuyasha, Power Puff Girls, Masker Cooking Boy, Initial D, Saiyuki, Naruto, Bleach, One Piece ang lagi kong inaabangan, 'di naman matapos-tapos, dahil laging putol. One of my favorite kasi ang One Piece, kaya patuloy ko itong inaabangan abutin man ng 100 years. At marami pa din.

Napakasimple lang naman ng buhay noon. Kontento na kami sa ganong klase ng kasiyahan. Matulog, kumain, maglaro, manuod ng t.v at pumasok sa eskwela, magkwentuhan tungkol sa inaabangang mga cartoons o animei na mga palabas noon, kahit may muta pa at panis na laway ang mga mumunting paslit noon hanggang ngayon. May mga palabas pa noon na pinapalabas pa din hanggang ngayon, tulad ng Time Quest. (Lilipad, lilipad takure!) Una ko itong napanuod sa channel 13, at tuwing linggo lang dati ito. Inabot yata ito ng dalawang taon bago matapos. (Hindi ko na masyadong maalala) Mga 1995 yata ito pinalabas bago pa kunin ng channel 5 at channel 7 din. Natapos ko ang buong episode nito. At marahil isa ito sa mga huling episode na linya. "Pipigilan natin ang humahadlang sa buhay at pag-ibig." Iyon ang oras at panahon! (Hindi ko lang matandaan ang iksaktong linya pero parang ganito.)

Ang walang kamatayang Ghost Fighter ay paulit-ulit na pinapalabas padin sa channel 7 noon, hindi naman kasi ito nakakasawang panuorin. Naaalala ko pa noon, sama-sama kaming magbabarkada na pinapanuod at sinusubaybayan ito araw-araw sa channel 13 noon. Masaya na kami sa ganoong sistema, napapangiti nalang ako ngayon. Nakakamis din pala 'yon! Ang mga tropang Eugene, Alfred, Dennis, Vincent at mga kasama nila. Lahat ng iyon ay tumatak sa isipan ng mga bata noon.

Habang lumilipas ang panahon, hindi na tayo nananatiling mga bata. Tanging mga nananatiling mga bata nalang ang mga naiwan nating mga animei o cartoons noon. Masaya ako at napapangiti habang pinapanuod pa din ang palabas ngayong Ghost Fighter. May mga aral din naman na makukuha sa panunuod ng mga animei kung imumulat mo lang ang iyong puso't isipan. Beyond the limit kasi ang bawat eksena. Larger than life pa!

[Isa sa eksena sa Ghost Fighter]

Itsuki; Pwede bang, 'wag mo muna akong tapusin ngayon?

Gusto ko lang kasing mapanuod bukas ang pabori-

to kong palabas. Gusto ko lang kasing mapanuod

ang ending nito. (Naghihingalong sambit n'ya)

Sinsui; ...Ah ganun ba! Pinapanuod ko din 'yon.

(Nakangiting bigkas n'ya)

Sabay, bigla nalang nagtawanan ang dalawa. Nagkasundo sa isang bagay ang dalawang magkaaway. At buhat 'non, naging magkasangga sila sa iisang misyon.

"ANG BAGUHIN ANG MUNDO."

16 years na pala ang lumipas ng una kong napanuod ang Ghost Fighter. Matagal na ba 'yun Eugene? Kamusta na kayo ni Jenny? Pinakasalan mo ba s'ya makalipas ang tatlong taon? Malamang naging maligaya kayo sa isa't-isa. Si Alfred at Micaelah, nagkatuluyan ba? Ikamusta mo nalang ako kay Dennis at Vincent at sa mga iba pa. Medyo nabitin kasi ako sa ending ninyo, pero ganun pa man. "Maraming-maraming salamat sa inyo at naging bahagi kayo ng buhay ko!"

Sayonara/ByeBye!!!

😊

Samu't-sari ang hatid ng umaga. Panibagong pag-asa, ligaya, saya, lungkot, gulo at tsismis ng mga nanay na nag-uumpukan sa umaga. Mamaya na 'ko magsusulat, tapusin ko lang ang basketball. NBA finals, Dallas Mavericks vs Miami Heat. (game 2 na) Go! go! go! Dallas, sana magchampion kayo.

...Eh ikaw? Anu ang hatid sayo ng umaga? Bahala kana... Wala akong pakialam. 😜

Smile for every morning. 😐đŸ˜Ŧ🤐☹ī¸đŸ˜‡đŸ˜ŽđŸ™ƒđŸ¤Ą

Let sing!

Rise up this morning

Smile with rising sun

Three little birds

Fitch by my doorstep

Singing sweet song

of melodies pure and true

Singing, this is my message to you

Singing, don't worry about the things

'Cause every little thing its gonna be alright

Singing, don't worry about the things

'Cause every little thing its gonna be alright

Congratulations sa buong Dallas Mavericks Team. 2011 NBA CHAMPION! 😂 (Tama ang hula ko!)

Finals MVP. Dirk Nowitski (German Assasin) and the rest of the team like Jayson Kidd, Jayson Terry, Jay-jay Barea, Tyson Chambler, Cardinal, Mahimni and so on. And also to the coaching staff.

Better luck na lang next time sa Miami Heat Team. Kay Lebron James, Dyane Wade, Chris Bosh at sa buong team. At kay coach Erik E.

Nakakapanuod din dati ako ng NBA FINALS noong 90's. Ang tropa ng Chicago Bulls noon ang sikat na sikat. Sila Micheal Jordan, Scottie Pippen, Dennis Rodman, Steve Kerr, Tony Kukoc, Ron Harper at iba pang kasapi ng buong team.

Chicago bulls vs Indiana Pacers ni Reggie Miller

Chicago Bulls vs Seattle Sonics ni Gary Payton

Chicago Bulls vs Utah Jazz ni Carl Malone at Jerry Stockton

Nangongolekta din ako dati ng mga NBA cards. Nauso din 'yon dati! May makapal pa nga 'don silver and gold.