Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / BABALA: ANG BUMASA MAGKAKAPIGSA. 'WAG BASAHIN KUNG AYAW MAGKAPIGSA.

PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay)

🇵🇭Axl_Carbonell
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 364.4k
    Views
Synopsis

BABALA: ANG BUMASA MAGKAKAPIGSA. 'WAG BASAHIN KUNG AYAW MAGKAPIGSA.

*ANG PAG-UUMPISA NG KAHIBANGAN*

"Hindi mo mahahanap ang sagot sa babasahin mo. Itanong mo na lang sa sarili mo."

May, 2011

Paano kaya maging tao? Tanong ng alaga kong aso habang nakatitig sa'king mga mata. Iyon na marahil ang naglalaro sa kanyang isipan, nakakatuwang imahinasyon ko. Napilit lang kasi ako ng ballpen na magsulat sa papel, dahil na rin sa hindi makatulog sa sobrang init ngayon. Nasira din kasi ang electric fan namin. (napakasimple noh)

Paminsan-minsan, nagsusulat din naman ako, 'pag gusto, 'pag walang magawa, 'pag brown-out at kapag maisipan lang, tulad ngayon. Marami na din akong naisulat tungkol sa buhay-buhay, gaya ng pag-ibig, (love letter) depresyon, kanta, diary, nobela, kwento na walang kwenta at kung anu-ano pa. Pero lahat ng iyon ay inamag na sa pansitan. Hindi ko na din alam ang iba kung 'san ko na nailagay, dahil na din sa tagal ng panahon. Ang iba naman, inarbor pa ni pareng Ondoy, (super typhoon) kasama na ang mga drawing collection ko, mga lumang notebook, libro, sketch pad, love letters, class pictures, mga litrato ng alaala ng kahapon at kung anu-ano pa, remembrance daw nya sa pag alis n'ya. May inumpisahan nga akong nobela kuno, pero hanggang ngayon 'di ko pa rin matapos-tapos, nobela kasi 'di ba. (hindi ko na din mahagilap!) Ewan ko ba, ganito lang siguro ako mag-isip.

...to be continue!

...salamat sa pagbasa!

Tulog na 'ko... zzzZZ

Good night!

Wet dreams...!!!

*Nosi ba waki*

Bata, bata pa'no ka ginawa? Para sa'kin simple lang naman ang buhay kumain, maglaro, matulog sa mata ng mga bata. Marahil minsan nagtatanong tayo sa'ting sarili. Sino ba ako? Bakit ba ako nandito sa mundo? Tanong mo na lang sa nanay mo. Sabi nga ng isang sikat na manunulat, "Hindi tayo aksidente. Nakaplano tayo ayon sa damdamin ng lumikha." Kaya 'wag ka ng malungkot, "life is good!" You have to enjoy it, while we're here in this world. Rock n' Roll! Cool di' ba. Simple lang naman ang buhay basta ba lang matuto kang makontento, pero parang ang hirap gawin 'di ba. Wika nga na ni ka Freedie. "Bakit nga ba ganito? Ang tao'y walang kasiyahan."

Sino ako? AXEL na lang! Hindi naman ako ganon katalino tulad ng mga hinahangan kong manunulat pero, marunong din naman akong bumasa at magsulat. May konting alam lang! Ika nga ni Pedro, gusto ko lang magsulat at pilitin tapusin ito, at baka isang araw maipublish nila. (wish ko lang!) Pero sasabihin ko na ang totoo kung bakit ako nagsusulat ngayon. Nainspired kasi ako kay Ms. Helen Keller (1880-1968). Isang dakilang manunulat na may kapansanan bilang isang bulag at bingi. Nang mabasa ko kasi ang kanyang akda na "Three days to see". Nachallenged ako bilang tao! Naaalala ko pa ang kanyang sinabi.

"I who am blind can give one hint to those who see. Use your eyes as if tomorrow you would be stricken blind." Kahanga-hanga talaga ang sinabi n'ya, kaya ako nagkakaganito. Masuwerte nga tayo na minsan ay nagrereklamo pa. Tao nga naman, tayo nga naman, nakalimutan ng magpasalamat.

"Only the deaf appreciate hearing, only the blind realise the manifold blessings that lie in sight." Daddag pa n'ya. Matuto tayong magpasalamat sa lahat ng bagay na meron tayo, maliit man o malaki. Cherish your life! Take care of all your senses! Kaya, matuto kang magpasalamat sa sahod na binigay ng mister mo na kahit alam mo namang kulang pa dahil nanggaling s'ya sa beerhouse. Bawi na lang daw s'ya sa X-mas bonus... Mayo palang ah! tulog na s'ya misis.