Chereads / Anxious Heart / Chapter 6 - Kabanata 4

Chapter 6 - Kabanata 4

"Daddy, ano po ang gusto niyong ulam? Ako po ang magluluto." tanong ko kay daddy.

Dahil araw ng linggo, ay walang pasok. Kung noon ay umaalis kami ni Aryesa para mamasyal, ngayon ay nandito ako sa bahay para alagaan si Daddy.

Alam kong matanda na si daddy, sa edad na pitung-pu't apat na taong gulang ay kitang kita na sa itsura nito ang panghihina, lalo na ngayon na inatake siya sa puso. Mabuti nga at binigyan pa kami ng pagkakataon na makasama si Daddy ng matagal.

"Lolo!" sigaw ng isang babae na marahil ay kaedad ko lamang o hindi nalalayo ang edad sa akin.

"Rebecca apo!" natutuwang sambit ni Daddy. Dumating ang mga apo nito na sila Rebecca, Luisa, Lucio, Darwin, Duke at Yuan. Ilan lang sa labindalawang apo ni Daddy. Ang ilan sa kanila ay kaedad ko lang, pero mas madami ang mas matanda sa akin.

"Ali anak, ito ang mga apo ko. Mga apo, ito si Ali ang anak ko." pagpapakilala sakin ni Daddy. Ngumiti ako sa kanila, ang mga babae ay ngumiti ngunit halata na pilit iyon. Ang mga lalaki namin ay tinanguan lang ako, ngunit si Lucio ang tila ang pinaka tanggap ako.

"Nakikita kita sa school! Kung alam ko lang na anak ka ni Lolo edi sana nakakasama ka samin" nginitian niya ko ng malaki na walang bahid na kaplastikan.

Dahil wala si Lucio noon sa hospital ay marahil hindi niya pa alam na hindi talaga ako kadugo ni Daddy. Ang rason kung bakit lalo nagalit samin ang mga matatandang Hermosa.

"Ali anak, gusto ko ng tinola anak. Nais kong humigop ng mainit na sabaw." nakangiting sabi ni daddy.

"Wow! Ikaw ang magluluto? Ako naman Tita Ali, gusto ko ng Adobo na walang sabaw! Alam mo ba kung pano lutuin iyon?" tanong ni Lucio na siyang kinagulat ko! Hindi dahil sa nirequest niyang lutuin ko, kundi ang tawag niya sa akin!

Seriously, Tita? Ang awkward lang dahil sa tantsa ko ay mas matanda sakin si Lucio.

"Stop calling her Tita, Lucio!" sabat ni Yuan.

"What brother? Anak siya ni Lolo, definitely kapatid siya nila Mommy, Step daughter ni Lola. So, we should call her Tita right 'lo?" inosenteng tanong ni Lucio.

"Wag ka ngang tanga, Lucio! Mas mukha kang tiyuhin ni Ali!" natatawang sambit ni Darwin. At nagtawanan sila. Kahit papano ay nawala ang namumuong tensyon kanina.

"Ali anak, sige na. Magluto ka na. Ganyan talaga yang si Lucio, may pagka-Tanga." salita ni Daddy na lalong kinatawa ng lahat. Si Lucio naman ay napakamot na lang sa ulo.

Nagtungo na ako sa kusina. Si Mama ay nasa likod bahay namin at naglalaba kaya ako ang nakatoka para magluto.

Nagsalang na ako ng sinaing na kasya sa aming lahat at nagtungo sa ref para kunin ang mga sangkap ng tinola at adobo na nais ni Lucio.

Habang naggagayat ako ng papaya ay naisip ko na mukhang hindi ako mahihirapan makihalubilo sa mga Hermosa. Lalo na ngayon na nalaman ko na hindi naman kasing sama ng mga matatandang Hermosa ang mga batang ito. Lalo na si Lucio na may pagka sira ulo.

"Why are you smiling?" ani ng isang baritonong boses na nagmula sa gilid ko.

"Jusmiyo!" napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ko kung kaya't nabitawan ko at nahulog ang kutsilyo at muntik pang masaksak ng talim ang paa ko kung hindi ako hinigit ni Yuan palayo doon.

"Be careful!" ani nito.

"Ba't ka ba kasi nanggugulat?" tanong ko pero hindi ako nakakuha ng sagot. Pinagpatuloy ko na lang ang paggagayat ng sangkap habang si Yuan ay nasa gilid ko at pinapanood ako.

Hanggang sa makaluto ako ay pinapanood ako nito. Nakakailang man eh, siguro nasanay na din ako sa kanya. Ganyan naman siya palagi tuwing nagkakasama kami.

"Ahm...malapit ng maluto, pwede ka ng bumalik doon at mag-aahin lang ako." mahina kong sabi sa kanya pero sigurado naman ako na narinig niya iyon.

"I'll help you. Just tell me what will I do" walang emosyong sagot nito.

"Ah..yung mga plato andoon at kutsara. Pakisalansan sa dining table." ginawa naman nito, ngunit ng makarating na ito sa dining table dala ang mga plato at kutsara't tinidor ay malalim ang kanyang iniisip, tila hindi alam kung pano aayusin iyon. Well, Hindi ako magtataka, sa yaman ng mga Hermosa ay kulang na lang na pati ang pag subo ng pagkain sa mismong bibig nila ay pwede ng iatas sa serbidora.

"Ahm..iwan mo na lang dyan. Kuha ka na lang ulit ng mga baso doon..ahm..tapos pakuha din ng puting lalagyan na malaki para sa kanin." tumingin muna siya sakin bago sundin ang utos ko.

"Anak, bakit mo inuutusan si Yuan ha?" biglang dating naman ni Mama, na siya na ngayon ang nag aayos ng dining table.

"It's okay Tita Alicia, I want to help." sabay bigay sakin ng lalagyan. Inalalayan niya din ako sa pagsalin ng mga pagkain. At nang natapos na kami ay siya na ang nagboluntaryo na tawagin ang mga pinsan niya at si Daddy.

Masaya kaming kumain sa hapag kainan dahil kay Lucio at Darwin. Kung minsan naman ay nakikihalubilo si Duke, Rebecca at Luisa na nakababatang kapatid pala ni Lucio.

"The best itong adobong walang sabaw mo Ali, hindi ganito kasarap magluto ang mga cook sa mansyon." manghang sambit ni Lucio. "Lolo, ang daya mo. Ganito pala kasarap ang mga kinakain mo araw-araw, dito na lang din kaya ako tumira?" dagdag nito.

"Tapos ano? Aalilain mo sila Tita Alicia at Ali dahil wala ka namang ibang alam gawin kundi, kumain, gumimik, kumain at matulog" sambit ni Duke.

Tawang tawa si Daddy sa mga kwento ng magpipinsan na puro kabaliwan, ganun din ang mga pinsan nito pero si Yuan, hindi yata marunong tumawa. Nakataas lang ang gilid ng labi nito at iyon na! Pambihira! Hindi nga yata talaga marunong tumawa ang lalaking ito!

Ang sarap siguro ng pakiramdam na meron kang pinsan na nakaka-kwentuhan mo ng mga random na bagay, lalo na sa kalokohan! Hindi naman kasi naipakilala ni Mama sa akin ang mga kapatid niya dahil masyado daw makasarili ang mga kapatid niya. At ang alam ko galit ang mga magulang ni Mama sa kanya dahil nabuntis daw ito ng lalaking pamilyado na.

Marahil ang alam pa rin nila na si Daddy Philip ang aking tunay na ama, pero ang katotohanan ay hindi naman talaga.

Nakalipas pa ang ilang oras nang mapagpasiyahan na ng magpipinsan na umuwi.

"Lo, uwi na kami. Palakas ka pa ha. Mag-golf pa tayo." ani Duke sabay yakap kay Daddy. Nagpaalam nadin sila maging kay Mama.

"Ali! Kunin ko number mo, para naman maitext kita kung kailan ulit ako pupunta at para maipagluto mo ulit ako." si Lucio na ang ngiti ay abot hanggang tenga.

"Bakit hindi na lang number ni Caloy ang kunin mo, Lucio? Sa kanya ka na lang magtext kung pupunta kayo." sagot ni Mama. Napakamot na lamang ng ulo si Lucio at di na nakasagot sa sinabi ni Mama.

"Sige na po, aalis na po kami." pagpapaalam ni Duke. Nginitian niya nako tsaka sumakay sa puting SUV van nila. Tinanguan lang din ako ni Yuan.

"Mag-iingat kayo." muling paalala ni daddy.

"Halika na Daddy, kailangan niyo na pong uminom ng gamot." agad naman sumunod si Daddy sa akin.

-

"Ali! Hatid na kita sa room mo!" sigaw ni Lucio na siyang nakakuha ng atensyon sa mga tao sa paligid.

"Hindi na, kaya ko naman." nahihiya kong sagot sa kanya. Kasama nito si Duke at Rebecca.

"Lucio, your professor is already in your room." nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Yuan! Sino ba naman ang hindi magugulat sa boses nito na sobrang seryoso.

"Gago ka Lucio! Late nanaman tayo!" si Duke.

"Tara na nga kasi!!" inis na sambit ni Rebecca. Agad naman silang umalis para magtungo sa kani-kanilang room.

"Where's your room?" tanong ni Yuan, hindi ko na sana sasagutin pero nakita ko na salubong na ang kilay niya. Nakakatakot!

"Building 2 - room 4, sige una na ko." sagot ko sa kanya sabay tungo ko at lumakad na palayo sa kanya, pero laking gulat ko na kasabay ko din siya maglakad! Sa pagkakaalam ko, sa Building 1 ang mga engineering, so technically sa kabilang direksyon ang patungo sa room niya. Napahinto ako para kausapin si Yuan.

"San ka pupunta, Yuan?" tanong ko.

"Hahatid ka." tipid na sagot nito.

"Hindi mo kailangang gawin iyon! Kaya ko ang sarili ko. Sige na pumasok kana." lalakad na sana ko ng sumagot muli siya.

"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo." wow! Anong nakain nitong si Yuan ngayon? Sana kainin niya yun araw-araw para ganito siya sakin. He! Tumahimik ka Agatha Liondra! Malandi! Bulong ko sa aking sarili.

Nang nakarating na kami sa room ko ay kitang kita ko ang gulat na mga mukha ng kaklase ko na sinusundan kami ng tingin simula ng nakita kami na dumaan sa may bintana hanggang sa nasa pintuan na kami.

"Anong oras ang huli mong klase?" tanong ni Yuan.

"Ahm...2:30-4pm bakit?" nakatingin lang ito ng diretso sa mga mata ko. Samantalang ako, gumagala ang tingin sa mga gulat na mukha na kaklase ko. Feeling ko ako ang center ng tsismisan ngayon!

"Room?" tanong muli nito.

"Room 15, bakit?" napatingin muli ako sa mga kaklase ko. Mga malisyoso!

"Susunduin kita.." nagulat ako sa sinabi niya! Magsasalita na sana ako ng muli siyang magsalita "..sa ayaw at sa gusto mo." sabay talikod niya at lakad paalis! Parang tanga din si Yuan, parang si Lucio!

Maglakad na ko papunta sa upuan ko kung saan katabi ko Aryesa na ang lawak ng ngiti sa labi! Isa pa itong malisyosa.

"Alam mo, kung hindi ko lang alam na may dugo kang Hermosa, iisipin ko na may gusto sayo si Yuan, kagaya ng mga iniisip ng mga kaklase natin ngayon" bulong ni Aryesa sabay hagikgik nito.

"Malisyosa ka!" sagot ko, at tumawa lang ang kaibigan ko.

Pero napaisip ako sa sinabi ni Aryesa. Hindi ko nga siya kadugo, pero imposibleng magkagusto sakin si Yuan...imposible nga ba?

"Uyyy si Ali..iniisip ang sinabi ko!" sabay hagalpak ng tawa ng kaibigan ko. Alam kong pulang pula na ang mukha ko! Nakakahiya!!