Lumipas ang dalawang linggo ay ganun ang nangyari. Kung hindi kami mamamasyal ni Yuan tuwing uwian, ay nasa bahay siya kasama ng mga pinsan niya.
So far, so good. Wala kaming nagiging problema ng mga apo ni Daddy. Kapag nasa school naman, casual lang kami. Bukod kay Yuan na palagi akong sinusundo.
Pero kagaya pa din noon, matipid pa din siyang magsalita.
Hindi din dumadalaw si Donya Minerva at ang mga anak nito kay Daddy. Alam ko na kahit papaano ay mamimiss ni Daddy ang mga anak niya. Hindi niya man sabihin ay nararamdaman ko. Sino nga bang magulang ang hindi mamimiss ang kanyang mga anak.
Kung kaya't ginagawa ko ang lahat para punan ang pagmamahal ng isang anak sa isang ama. Araw-araw ko pinaparamdam kay Daddy kung gaano siya kaimportante sa akin. Araw-araw ko siyang pinapangiti at kinukwentuhan. Araw-araw kong sinasabi kung gaano ako kaswerte na naging ama ko siya kahit na hindi ko naman talaga siya kadugo. Araw-araw kong pinapakita at sinasabi na mahal ko siya, nang sa gayo'y maibsan kahit papaano ang kalungkutan sa puso niya na kahit hindi naman niya pinapakita ay nararamdaman ko.
"Happy birthday Daddy!" masayang bati ko dito habang inaabot ang pulang kahon. Agad naman itong binuksan sa harapan ng kanyang mga apo, na naglalaman ng isang baso na inuman ng kape at may print na "Best Daddy In The World" at jacket na kulang navy blue, ang paboritong kulay ni Daddy.
"Halika ka dito anak ko." pagtawag sa akin ni Daddy. Nang lumapit ako sa kanya ay niyakap niya ako ng mahigpit bago muling magsalita. "Maraming salamat Ali, anak." napapiyok pa si Daddy habang sinasambit niya ang mga salitang iyon. Niyakap ko din siya ng mahigpit.
"Pasensya ka na Daddy. Hindi ako nakabili ng mga mahal na regalo kagaya ng niregalo sayo ng mga apo mo."
"Ali, hindi mo kailangang bumili ng mamahaling regalo o kahit na regalo. Dapat nga ako ang magbigay sayo ng regalo, dahil sobra-sobra itong pag-aalaga na ginagawa mo at ng Mama mo sa akin." sambit ni Daddy habang yakap pa din ako.
"Daddy, ikaw yung sobra-sobra na yung binigay sa amin, sa akin. Dahil po sayo, may kinilala akong Tatay. Ikaw yun. Tinuruan mo akong maging isang mabuting tao, binigay mo yung mga pangangailangan ko. Kaya kulang pa yung pagmamahal at pag-aalaga na ginagawa namin ngayon. Tsaka isa pa, gusto ka din naman po naming alagaan eh." kumalas ako ng yakap kay Daddy at tinignan ko siya. Namumula ang kanyang mata marahil ay umiyak ito.
"Ang swerte ko po na kayo ang Daddy ko." nginitian ko si Daddy at ganun din ito sa akin.
-
Sa gitna ng pagkukwento ni Lucio sa amin ay dumating ang mga anak ni Daddy at ang asawa nito. Maging ang iba pang mga apo nito ay kasama din!
"Itong buhay pala na ito ang pinagpalit mo sa buhay na meron ka sa mansyon, Pelipe?!" sarkastikong sambit ni Donya Minerva.
"Minerva, kung pumunta ka lang dito para manggulo ay sana hindi kana lang pumunta." sagot ni Daddy.
Ramdam na ramdam ang tensyon sa paligid. Kahit isa sa mga apo ni Daddy ay hindi nagsasalita.
Tumingin ako sa kusina, kung nasaan si mama kasama sila Tita Fely at pamilya ni Kuya Caloy. Nakatingin lamang ito sa gawi namin. Ramdam ko ang kaba ni Mama sa maaaring gulo na gawin ni Donya Minerva at ang bunsong anak nito na si Margarita, na siyang walang pakialam makasakit lamang.
"Masama bang bisitahin ko ang asawa ko sa mismong kaarawan nito?" mariin itong nakatingin kay Daddy at ng kalaunan ay tumingin na ito sakin, dahil katabi ko lamang si Daddy. Yumuko ako para hindi niya mapagbuntunan ng galit. Ngunit sadyang kumukulo ang dugo sa akin ng Donya kaya naman ako ang napagbuntunan niya.
"Sumisipsip ka pa din sa asawa ko ha. Akala mo naman ay hahayaan kitang makakuha ng mana sa asawa ko." natatawa nitong sabi sabay lapit sa direksyon namin ni daddy. "Akala mo ba hahayaan kitang makakuha ng ni isang sentimo sa ari-arian ng pamilyang ito pag namatay si Pelipe!" sigaw nito na animo'y ang kausap ay nasa malayong pwesto, pero ang katotohanan ay malapit lang siya sa akin.
"Hayop ka, Minerva!" sabay tayo ni Daddy. Nasa harapan ko na si Daddy, tinatakip ang katawan niya sa nakaupong ako para hindi makita ni Donya Minerva, pero hindi sapat iyon para hindi niya ako tantanan.
"Bakit Pelipe? Totoo naman! Yung nanay niyang pokpok ay nagpabuntis sa iba para pikutin ka!" sigaw nito. Tinignan ko si Mama sa direksyon kung nasan siya kanina at kita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya.
"Wala ho kayong karapatang insultuhin ang Mama ko sa harapan ko!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit na hindi ko alam ang nangyari sa mama ko at sa totoong Tatay ko ay hindi ko hinusgahan ang Mama ko.
"Walang karapatan Hija? Kayo ang walang karapatan! Kabet ang nanay mo! Binilog ng nanay mo ang utak ng asawa ko para perahan at kilalanin mong ama! Nakakahiya ang nanay mo. Nakakahiya ka!" magsasalita na dapat ako ngunit nakita ko si Mama na sumugod sa direksyon ni Donya Minerva.
Tinulak ni Mama ang Donya at ng mapahiga ito ay kinubabawan ito ni nito at sinabunutan! Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nagulat na lang ako ng hinila din ni Margarita ang buhok ng Mama ko! Agad namang pilit pinaghihiwalay ng mga body guards ng mga Hermosa at ni Kuya Caloy ang mga ito! Tumigil lang sila ng si Daddy na ang sumigaw.
"Tumigil kayo!!!" sabay hawak nito sa dibdib niya. Inalalayan ko siyang umupo at inabot ang tubig na nasa lamesita. Ininom niya din agad ito. Agad ko ding inalo si mama na gulo gulo na ang buhok at umiiyak. Sobrang sakit makita ang Mama ko ng ganito. Puno ng sakit at pagsisisi ang kanyang mga mata. Nakatayo na si Mama at ganun na din ako, ang kaliwang kamay ko ay nakaakap sa balikat ni mama at ang kanan naman ay nasa unahan ng kanyang tiyan nakayakap.
"Hahayaan ko na insultuhin mo ang pagkatao ko Minerva, pero hindi ang anak ko." umiiyak pero matigas ang pagkakasabi ni Mama.
"Wal--" magsasalita na sana ang Donya pero agad siyang pinutol ni Mama.
"Tumahimik ka! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!" ngayon ko lang nakitang ganito kagalit ang Mama ko. Kilala ko siya bilang maunawain at malambing magsalita, pero ngayon ibang iba siya. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo Minerva? Bakit ako naging kabet ng asawa mo? Bakit naghanap ng iba ang asawa mo ha?! Bakit hindi ka ba karapat-dapat na iwanan?! Ka-iwan iwan ka Minerva! Sa sama ng ugali mo at sa pagiging walang pakialam at pakundangan mo, kahit na sino ay iiwan ka talaga!" kitang kita ang panunubig ng miserableng itsura ni Donya Minerva habang sinasabi iyon ng aking ina.
"Yung simpleng pagbibigay ng importansya sa asawa mo eh hindi mo magawa! Tapos magtataka ka kung bakit ka iniwan? Lahat ng ito Minerva, hindi ko hiningi kay Pelipe! Binigay niya ng kusa kahit na ayoko! Pero anong magagawa ko kung ang gusto ng asawa mo na tulungan kami ng anak ko? Uunahin ko pa ba ang sasabihin ng ibang tao kung pagmamahal na ang ibinibigay sa amin ni Pelipe?! Lahat iyon tinanggap ko para sa anak ko! At sinusuklian din namin iyon ng pagmamahal at pagbibigay importansya na hindi mo kahit kailan binigay sa kanya! Kaya wag na wag mong husgahan ang anak ko. Kami ng anak ko. Dahil itong mga hinuhusagahan mo ang gumagawa ng mga responsibilidad mo!" dagdag ni Mama.
Tahimik ang lahat pagkatapos magsalita ni Mama. At dahil walang maisagot ang Donya, ay mabilis itong tumalikod at lumabas ng bahay namin. Sumunod agad ang mga anak nito. Ngunit ang mga apo nito ay nanatili sa mga pwesto nito.
"Alicia, halika muna sa kusina." tawag ni Tita Fely kay Mama. Ayoko man alisin ang pagkakayakap ko dito ay agad akong tiningnan ni mama at ngumiti. Binitawan ko si mama at pinanood siyang maglakad papuntang kusina kasama ang nanay ni Aryesa.
Bumalik na ako sa pagkakaupo sa tabi ni Daddy at niyakap ito.
"Patawarin mo ang daddy, Ali. Dahil nararanasan niyo ito ng Mama mo." ani Daddy.
"Hindi, Daddy. Salamat po kasi dumating kayo sa buhay ko." sagot ko dito at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap.