Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Wedding in Trouble(Tagalog)

katrengracia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
140k
Views
Synopsis
NO boyfriend since birth ang peg ni Kara kaya naman sa edad na 25 ay pilit siyang nirereto ng ina sa mga anak ng amiga nito. Kaya lang naman wala siyang boyfriend ay dahil hinihintay niya ang lalaking lihim niyang minamahal, yun ay ang kanyang bestfriend na si Lorenzo. Ang kaso may mahal na iba ang lalaki. Kaya nang malaman niyang liligawan na nito ang babaeng gusto nito ay gumuho ang mundo niya. Naisip niya tutal wala naman ng pag-asa ang lovelife niya ay papayag na lang siya sa kagustuhan ng ina na pakasalan ang anak ng isa sa amiga nito. Pero nagulat siya dahil sa araw ng kasal niya ay bigla na lang sumulpot si Lorenzo at sinabing ilalayo siya nito, na hindi ito pumapayag sa kasal. Laking tuwa niya dahil mukang may patutunguhan na ang lovelife niya dahil tinutulan nito ang kasal, ibig-sabihin mahalaga siya sa lalaki. Makaalis na sana sila ng maabutan sila ng pamilya nila. Nagkagulo na ang lahat, lalo na ng lumabas na rin ang pamilya ng kanyang groom-to-be. Kaya naman para matapos ang lahat ay sumigaw siya. "Tumugil kayong lahat! ma pa, hindi ako pwedeng magpakasal d-dahil may nangyari na samin ni Lorenzo." shit! kara, bakit sa lahat naman ng naisip mong dahilan yun pa. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat lalong-lalo na si Lorenzo. "Ano?!" shit na malagkit! mukang lalong lang gugulo.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"MA, bakit ka naman pumayag doon sa blind date na 'yon? mapapahiya ka lang doon dahil hindi ko naman sisiputin 'yon." Naiinis kong sabi. Aba'y nagset ba naman ng blind date nang hindi niya alam.

"At bakit naman hindi mo sisiputin aber? Kara, anak ng amiga ko yun kelangan mong siputin 'yun. saka blind date lang yun anak. Kakain lang naman kayo sa labas o kaya manonood ng sine." Mas lalong namilog ang aking mata sa narinig. Ba't ba big deal sa mama niya na wala pa rin siyang boyfriend.

"Ma eh hindi ko nga po kilala yung anak ng amiga n'yo tapos gusto mo kaming magdate. No Ma. Ayoko po." Tinaas niya pa ang kamay at pinag-cross ito. Ayos naman ako kahit walang boyfriend. I am free to do whatever I want without asking someone's permission.

"Anak naman hindi ka na bumabata. 25 kana dapat sa edad mong yan ay nagpaplano ka ng mag-settle down." Hindi ko na napigilang matawa, kung kanina ay paghahanap ng boyfriend lang ang pinaplano nito pero ngayon naging kasal na.

"At anong nakakatawa roon?"

"Ma, Nag-eenjoy pa kong single." Nakangiting sabi ko. Niyakap ko ito mula sa likod.

I know my mother is just worried for me. I'm already 25 and no boyfriend or even suitor.

"Saka darating din 'yung tamang tao para sakin, no need to rush."

"Ang sweet niyo naman." Dahan-dahan akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Si Lorenzo.

"Hi po tita, lalo kayong gumaganda ah." Ngumiti ito at halos hindi na makita ang kanyang mata. Nagmano ito kay Mama.

"Naku! binobola mo pa ako. Lorenzo, pagsabihan mo 'yang kaibigan mo. Ayaw pumayag. I already set a blind date for her but she keeps on declining."

Paano naman ako papayag sa blind date na 'yon kung ang taong rason kung bakit ayaw kong pumayag ay nandito sa harapan ko.

Lorenzo Villarreal is my childhood best friend. Bata pa lang kami ay nagkagusto na ako sa kanya. Siguro dahil siya ang laging kong kalaro, madalas na tigapagtanggol sa mga maldita kong kalaro o dahil sa ngiti niyang parang anghel na sa tuwing makikita ko ay parang naglalaho na ang paligid ko at siya na lang ang nakikita ko. That was my thinking when i was a child, pero ngayon every time I see him parang lalabas na ang puso ko sa kaba. Yung tipong masasabi ko na lang sa sarili ko na heart kalma ka lang, mauuna ka pa atang lumabas sa katawan ko at sumama na lang kay Lorenzo.

I want to confess pero wala akong lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong masayang ang pagkakaibigan namin kung sakaling hindi mutual ang feelings namin.

And sa tingin ko rin ay friendship lang talaga ang kayang i-offer nito. Dahil kung higit pa doon, edi sana hindi ako nganga sa lovelife at hindi kung kani-kanino nirereto ng ina. Maganda naman ako pero bakit hindi pa rin nito makita ang maalindog kong kagandahan.

Ang Sofa Kara binuhat mo na naman!

Maganda ako sabi ni Mama, kaya paniniwalaan ko 'yon. Hay! Lorenzo na-istress ang bangs ko sayo.

"Arayyy!" Napahawak ako sa nasaktang noo. Pinitik lang naman ni Lorenzo ang noo niya. Nanliliit ang matang tinitigan ko siya. Kung hindi lang kita mahal. Naku! tinapon na kita sa kumukulong mantika, pero dahil nga loves kita keri lang.

"Tulala ka na naman," umangat ang gilid ng labi nito, "iniisip mo na naman siguro ako." Dagdag pa nito.

Well totoo naman, iniisip ko siya pero sinabayan ko ang pang-aasar nito. "Pano mo nalaman? Medyo wild pa naman yung nasa isip ko." Nakangiting balik ko. I blink my eyes a couple of times just to tease him.

Sumimangot si Lorenzo kaya napahalakhak ako.

Carol - 1

Lorenzo - 0

Lumapit ito sa kanyang ina. "Tita kelan po ba ang Blind date ni Kara ihahatid ko po siya." Sinundan ko ito para lang mapatigil sa narinig.

Gusto kong magpanggap na hindi ko iyon narinig. Ayokong marinig sa bibig ni Lorenzo ang pagtulak nito sakin palayo.

Tumalikod ako para umalis pero tinawag ako ni Mama. "Kara, ihahatid ka daw ni Lorenzo sa blind date mo. Kita mo na suportado ka ng bestfriend mo!"

Gusto kong maging masaya dahil alam kong magiging masaya si Mama pero mahirap pigilan ang sakit na unti-unti kong nararamdaman.

Huminga muna ako ng malalim bago nakangiting humarap sa mga ito. "Pag-iisipan ko. Malayo pa naman Ma eh."

"ANONG gagawin natin dito sa Coffee Shop?" Tanong ko kay Lorenzo.

Kanina pa kami dito sa labas pero itong kasama ko wala 'atang balak pumasok. Nagkakanda-haba na ang leeg nito sa kakasilip sa loob.

"Ano bang sinisilip mo d'yan? eh kung pumasok na kaya tayo para hindi ka na nahihirapan sa kakasilip d'yan," nagtatakang nilingon ko si Lorenzo, "para tayong stalker dito."

"Nakikita mo 'yung babaeng 'yun? 'yong naka-uniporme?" May tinuro itong babae pero halos lahat naman ng babae doon naka-uniform.

"Lorenzo Villareal, ako ba'y niloloko mo. Halos lahat 'yan babae. Sa tingin mo malalaman ko kung sino 'yung tinitignan mo d'yan." Inis kong sabi. Kainis to. Harap-harapan kung mang-babae.

Nanlaki ang mata ko ng hilahin ako nito at akbayan. Nalunok ko bigla ang laway ko, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko lalo na nang lumingon ito sakin at halos magtama na ang ilong ko sa ilong niya. Shit na malagkit! kalma ka lang heart. Parang umakbay lang nagtatatalon ka na sa tuwa. Jusme!

"Ayun oh! tingnan mo kasi yung tinuturo ko." Tiningnan ko kung sino ang tinuturo nito.

Pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Sana hindi ito namumula.

Nilingon siya nito. "Anong nangyari sayo? Ba't namumula ang mukha mo? may sakit ka ba?" Inipit nito ang mukha ko sa magkabilang kamay at tinitigang maiigi. Agad ko itong tinanggal at umiwas ng tingin.

Kakasabi ko lang eh!

"Hindi ahh, ang Init kaya.." Agad niyang pinakalma ang sarili. "O anong meron sa babaeng 'yun?" Lumayo ako ng konti.

Ngumiti ito. "Kaibiganin mo siya."

Tinitigan kong mabuti ang babae.

"Bakit ko naman siya kakaibiganin, sino ba 'yan?" Bakit parang interesado ito sa babaeng iyon.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "Kara, naalala mo yung sinabi ko na may nagugustuhan akong babae." Binalik niya ang tingin sa babae.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw kung saan unang umasa at nasaktan ang puso ko.

Umasa ako, akala ko magtatapat ito sakin na gusto na rin ako nito.

ANG laki ng ngiti ko habang naglalakad papunta sa madalas namin tambayan ni Lorenzo. Ang Coffee Shop malapit sa university.

Tinext kasi ako ni Lorenzo na may mahalaga itong sasabihin. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil baka ito na ang matagal ko ng hinihintay. Ang marinig na gusto rin ako ni Lorenzo.

Pagdating sa Coffee Shop ay hindi muna ako pumasok. Inayos kong muli ang damit na talaga namang hinalughog ko pa sa ilalim ng drawer, wala naman itong gusot pero gusto ko maging perfect ang araw na ito kaya dapat maayos ang lahat pagkatapos ay kinuha ko sa bag ang salamin para tingnan ang kanyang mukha. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay pumasok na ako sa loob.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng Coffee Shop. Nakita ko si Lorenzo sa usual spot namin. Sa kanang bahagi ng shop katabi ng glass wall.

Simple lang ang ayos nito pero hindi pa rin ito nakabawas sa kakisigan nito. Nakasimpleng White V-neck shirt ito at maong na pants. Kumpara sa'kin na talaga naman pinaghandaan ang araw na ito. Lumapit ako rito.

"Lorenzo."

Agad naman itong lumingon sa kanya. "Kara, buti nandito ka na. Bakit ang tagal mo?" Hindi ko pinansin ang tanong nito.

Ilang beses pa kasi akong nagpalit ng damit bago napili ang damit na nasuot ko ngayon.

"Ano bang sasabihin mo?" Masayang tanong niya.

Lumaki naman ang ngiti ni Lorenzo. "Kara.."

Lalo naman siyang nasabik na marinig ang sasabihin nito.

"Inlove na ata ako." kumikislap ang mata nito sa saya. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko.

"Ang ganda niya talaga kaya lang hindi ko pa alam ang pangalan niya."

Biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni Lorenzo, ang tanging tumatak sa akin ay ang huling sinabi nito.

Hindi ko pa alam ang pangalan niya.

"Kara."

Pero Kara ang pangalan ko.

"Kara!"

Agad akong natauhan at napatingin kay Lorenzo.

"Are you okay? Why are you crying?" Napahawak ako sa aking pisngi. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Dahil sayo." Pinunasan ko ang luhang bumabagsak sa mukha ko.

"Ha?"

"Wala. Umaarte lang ako. may balak kasi akong mag-audition sa PBB. Yung sa channel 2, sa bahay ni kuya." Sinabayan ko pa ito ng tawa para mas magmukang natural.

"Ayos ba pasado na ba ako?"

Napabuntong hininga si Lorenzo. "Akala ko kung na pano ka na, ngayon mo pa talaga naisipang umarte."

Umiwas ako ng tingin.

Hindi ko kayang tingnan si Lorenzo na masaya ngayon.

"Siya yung tinutukoy ko." Sinundan ko ang tingin ni Lorenzo na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan ang babaeng hinahangaan. Gusto niyang sabihin ang swerte mo girl kasi yung taong mahal ko, ikaw ang gusto.

Pakiramdam ko nawalan ako ng ganang pakinggan pa si Lorenzo. Gusto ko na lang magmukmok sa kwarto at iiyak ang lahat.

"Magpapatulong sana ako sayo na ilakad mo ako sa kanya. Gusto kong kaibiganin mo siya. Alam ko naman na magkakasundo kayo dahil muka naman siyang mabait." Ang bigat sa pakiramdam, ako ang nasa tabi niya pero ibang babae ang nasa isip niya.

Ang sakit lang na siya yung nasa tabi niya.

"Do you really like her?" Hinuli niya ang tingin nito at hinintay ang sagot nito.

"Yes. I like her," nakangiti nitong sagot.

Tumingin ako ulit sa babaeng nagugustuhan ni Lorenzo. "Sige. Gagawin ko."

Kahit masakit gagawin ko. Kahit nadudurog ang puso ko gagawin ko kasi mahal kita.

"Basta ba! libre mo ko. Delayed sahod ko eh." Idinaan na lang niya ito sa tawa para pagtakpan ang luha niyang kanina pa gustong lumabas.

Author's Note: Hi guys, salamat po sa lahat ng mga nagbasa. If you have time, come and visit my Wattpad account. Thanks

Here's the link: https://www.wattpad.com/user/katrengracia