Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

"MARICAR wala ba talaga akong ginawa o sinabi nung gabing nalasing ako? para kasing meron eh."Tanong ko kay Maricar.

Tinitigan lang ako ni Maricar habang nagpupunas ito ng baso.

Nandito ako sa Restobar na pinagtatrabahuhan nito at kung saan din siya huling naglasing. Makikigulo muna siya dito tutal maaga pa naman kaya wala pa gaanong customer.

"I swear Kara, don't ever drink again." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.

"Edi may ginawa nga ako? Shit! anong ginawa ko? Tell me." Lumapit ako kay Maricar at niyugyog ito.

Sinasabi ko na eh! may nangyari talaga eh.

"Teka nga. Aray ko Kara." Itinigil ko ang pagyugyog sa kanya.

Itinigil nito ang ginagawa at tinitigan si Kara, naalala niya ang huling sinabi ni Lorenzo ng gabing iyon.

"Don't tell her anything about her confession."

"Bakit?" Hindi maiwasang tanong ni Maricar kay Lorenzo.

"You don't love her. Do you?" Tinignan lang siya nito bago binuhat ang lasing na babae.

"Maricar.. Hoy! Maricar!"

Naikurap niya ang mata ng iwagayway ni Kara ang kamay.

"Ano na? Bakit natulala ka na lang dyan bigla?" Iniwas nito ang tingin sa'kin. Tumalikod ito at pumunta sa mga table para punasan ito.

"Wala. Hindi ka lang namin mapigilan dahil gusto mo'ng pumunta ng stage at kunin ang microphone."

"I did? Omg! nakakahiya. Siguro pinagtatawanan na ako ni Lorenzo." Napatakip ako ng mukha. Ang kapal talaga ng mukha ko.

"Pero sure ka 'yun lang talaga ang ginawa ko?" Lumapit ako dito at kinulit pa ito tungkol doon.

Humarap ito sakin at halos magsalubong na ang kilay nito. "Kara wala ka bang ibang gagawin?"

'Yun na nga wala akong magawa dahil Sunday ngayon. "Wala." Nakangiting sabi ko with matching taas ng kilay para mas maasar pa ito.

"Kung ganun umuwi ka na lang sa inyo. I'm working Kara I can't entertain you." Pagtaboy nito sakin.

Ang harsh ng babaeng to, pero alam kong ganyan lang talaga to. Mukang masungit pero mabait 'to.

Nagkunwari naman akong malungkot. "Bakit pinapaalis mo na ako, hindi mo na ba ako mahal, best friend?" Nagkunwari pa siyang nagpupunas ng luha kahit wala naman talaga.

"Kara, ang arte mo. Wag kang magdrama d'yan." Sungit nito sa kanya.

"Eto naman ang sungit, meron ka ba? may extra pads ako." Nagkunwari pa ako na kukunin ito sa bag ko.

Akmang babatukan ako nito kaya nagmamadali akong tumakbo palabas.

Tawang-tawa ako ng hindi ako nito naabutan. It looks childish but who cares. Edad lang ang tumatanda.

"Karaaaa!" Natawa na rin ito.

"Eto na uuwi na. GG eh. Bye."

PAGKAGALING sa Restobar ay dumeretso ako sa mall, bumili muna ako ng skin care sa Watsons. Napansin ko kasi na tumutubo na naman ang mga Mt. pinatubo ko sa mukha.

In other words, pimples.

Hindi naman ako matagyawatin pero syempre dahil sa dirt na na-aabsorb ng balat natin kaya nagkakaroon ng pimples.

Palabas na siya ng makita niya ang babaeng gusto ni Lorenzo.

Ano nga ba ulit name no'n? Ah! Cristy..ay hindi Cris-Cristine. 'Yun! Cristine nga.

Lalapitan ko sana ito nang makita ko si Lorenzo na palapit dito.

Napatigil ako at agad na tumalikod para maghanap ako ng matataguan.

Lumapit ako sa isang poste at doon nagtago. Bahagya akong sumilip.

Hindi ko maiwasang masaktan dahil magkasama silang dalawa. Alam kong gusto talaga ni Lorenzo si Cristine at wala talagang pag-asa ang feelings ko para dito. Malabong higit pa sa pagkakaibigan ang tingin niya sakin.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa.

Ayoko mang aminin pero bagay silang dalawa.

Minabuti kong umalis na bago pa ako mapansin ng dalawa.

Ayos lang yan Kara! makaka-move ka din kahit di naman naging kayo para magmove-on ka.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom, kaya naisipan kong kumain since tanghali na rin naman.

Marami akong nadaanang mga restaurant pero ang nakakuha ng attention ko ay ang JJ Cuisines dahil ang daming nakapilang tao

Anong meron?

Bumaba ako sa kotse at lumapit sa isang nakapilang babae.

"Miss anong meron d'yan? Bakit andaming tao?" Nakangiti kong tanong.

"Ah eto, opening kasi nito ngayon, bukod sa masarap ang luto nila ay may mga freebies pa sila. Kaya naman pinipilahan."

Nagningning naman ang mata ko nang marinig ang salitang 'freebies'.

"Talaga? Baka naman mahal dito miss."

I know I can afford to buy a food but I just really want to know.

Agad na umiling ang babae. "Hindi. Affordable ang mga pagkain nila dito. I already tried it, i just forgot to take out for my kids." Umawang ang bibig ko. Akala ko dalaga pa ito dahil mukha talaga itong dalaga.

"Really, you look young."

Nakakamangha naman.

Sana ganyan din ako ka-sexy at kaganda kahit may anak na. Loka! sablay nga ang lovelife mo eh.

Ngumiti na lang siya sa babae at nagpasalamat.

Masyadong mahaba ang pila, mapa-dine man o takeout. Maybe next time ko na lang itatry ang food nila.

Akmang aalis na ako nang tanungin ako nito.

"Gusto mo bang kumain dito?" Pagkatapos ay lumapit ito saka bumulong. "Pwede kitang pasingitin sa pila. Basta pasimple lang tayo." Namilog ang mata ko sa tuwa. Hindi na ako mahihirapan sa pila. Tumango ako dito.

Matapos ang ilang oras ay nakapasok na kami ni Diana. Oo, Diana ang pangalan ng babae. Ngayon ko lang naalala, kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa namin kilala ang isa't-isa. Pagkatapos umorder ay umalis na si Diana samantalang ako ay naghanap ng bakanteng mauupuan.

Napakadaming tao, halos lahat ng table ay puno na.

Biglang pumasok sa isip ko si Lorenzo. Dati pag may bago kaming nadiskubreng kainan, agad namin itong pupuntahan. Nagpapaunahan pa kaming dalawa dahil kung sinong mahuli, siya ang manlilibre.

Pero syempre dati yon.

Dahil mga teenager pa lang kami noon at may sariling mundo.

Pero ngayon mukhang hindi na ako parte ng bagong mundo niya dahil may pumalit na sa pwesto ko. Mapait na napangiti na lang ako sa mga naalala. A bittersweet memories.

Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago nabakante ang table doon malapit sa bintana. Pagkatapos malinisan ng staff ang table ay dali-dali kong inilagay ang tray ko. Kasabay ng paglagay ko ng tray ay ang paglagay din ng isang lalaki ng kanyang tray.

Nagulat kami pareho.

"Ahmm. Nauna akong naglagay ng pagkain ko." Ackward na ngiti ko dito.

"Oh. I'm sorry. Sige lilipat na lang ako." Pagso-sorry nito. Mukha namang mabait 'yung lalaki kaya bago pa ito tuluyang makaalis ay pinigilan ko ito.

"No. It's okay. You can sit here. Table for two naman ito."

Ngumiti ang lalaki sa akin. Nakasuot ito ng jeans at white shirt na pinatungan ng Denim jacket. Simple pero malinis tingnan.

"Thanks. Hindi ko rin kasi alam na marami na palang kumakain sa restaurant nila Mom." Napatigil ako sa akmang pagsubo ng kutsara.

"What? you owned this?" Nakakahiya naman, ako pala dapat ang lumipat ng table.

Tumawa ito. "My parents is the owner of this restaurant, not me." Nag-umpisa na itong kumain.

"Ganun din naman yun, considered ka na rin na may-ari." Sinubo ko ang carbonara na in-order ko.

Hmm.. now i know.

Masarap pala talaga ang luto nila. Kaya naman pala pinipilahan.

Inangat ko ang tingin sa kaharap ko, may itinuturo ito. Nagpipigil din ito ng ngiti.

Kuno't noo'ng tiningnan ko siya.

"Bakit? anong tinuturo mo d'yan?" Hindi na nito napigil ang paglawak ng ngiti. Kumuha ito ng tissue at siya na mismo ang nagpunas ng sauce sa gilid ng labi ko. Napatigil ako sa ginawa nito.

"Para kang bata." Natatawang sabi nito pagkatapos nitong punasan ang labi niya.

"Salamat. Ang humble mo na, ang gentleman mo pa. Huwag kang ganyan binabaril sa Luneta ang mga ganyan." Pagbibiro ko dito para maitago ang hiya niya. Ang dungis niya talaga kumain.

Hindi na nito napigilan ang pagtawa. "Your so funny. I like you." Sabi nito.

"Oyy! ang bilis mo ah. Kakakilala pa lang natin." Sabi ko.

"No. I mean, I like you as a person not in a romantic way." Pagtatama nito.

Siya naman ang natawa. "Alam ko."

Napaisip naman ako parang kanina ganito rin 'yung nangyari, hindi ko rin alam ang pangalan ng kausap ko.

At mukang pareho sila ng naiisip ng lalaki.

"By the way, I'm Josh. Joshua Buenavista." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Inabot ko ang kamay nito. "Kara. Kara Villena."

"Nice meeting you, Kara."

"Me too."