LITERAL na sinimangutan ni Myla si Darwin nang bumalandra ito sa harap niya sakay ng isa sa mga kabayo ng hacienda. He looks marvelous riding the magnificent horse. Gayunpaman ay pinilit niyang ignorahin ang bahagi ng isip niyang humahanga rito at pinagbuti ang pagsimangot. Gusto niyang malaman nitong nabubwisit pa rin siya sa ginawa nito nang umaga ring iyon. Hindi nga lamang niya sigurado kung saan siya mas na naiinis. Sa pagpasok nito sa kuwarto niya, sa walang sabing pagbuhat nito sa kanya o sa pagbitaw nito sa kanya sa malayelong tubig.
"Anong oras na sambakol pa rin 'yang mukha mo." nakangising sabi ni Darwin sa kanya.
"Ingudngod kaya kita riyan, tignan natin kung hindi maging sambakol din 'yang mukha mo." paismid na sagot niya sa lalaki na ikinatawa lang naman nito.
Kung sipain kaya niya ang kabayo nito nang humahalik na ito sa lupa?
Huwag! Sayang ang face!
At kailan pa ba siya naging concerned na mapingasan ang mukha nito?
"Don't be such a baby. Tignan mo, nagising ka naman sa ginawa 'ko diba? At least ngayon hindi ka na inaantok." he said and winked at her. Her heart skipped a beat.
"W-whatever!" nagawa niyang sabihin maya maya kasunod ang pagtikhim. "Bumaba ka na nga riyan bago pa kita hilahin pababa. May trabaho pa tayo!" parungit niya rito upang maitago kahit papaano ang kakaibang epekto ng kindat nitong iyon sa kanya.
"Tutal ipapasyal mo pa muna ako sa ibang parte ng hacienda ninyo, let's just ride Saver." sabi nito at hinimas pa ang ulo ng kabayong sinasakyan nito.
"Wow, close na kayo?" taas ang kilay na sabi niya. "Hindi ako marunong sumakay ng kabayo kaya bumaba ka na riyan."
"Hindi ka marunong? Samantalang ang daming kabayo rito sa hacienda ninyo. What have you been doing all your life?"
"Pinapalago ang kompanya namin sa Manila, bakit?" pambabara niya. "Come on, let's go! We don't have all day."
"Then come on." sabi nito ngunit hindi naman bumaba. Sa halip ay inilahad lamang nito ang kamay sa kanya na tinitigan lamang naman niya.
"Anong gagawin ko riyan?" maya maya ay tanong noya habang nakatingin pa rin sa kamay nito.
"Tutulungan na kitang makasampa sa likod ni Saver para makaalis na tayo." sagot naman nito.
"Patawa ka. Hindi nga ako marunong mangabayo 'di ba?".
"Kaya nga isasakay na kita. I'll be riding with you so there's nothing to worry."
"Wow! You just dropped me in the water this morning, what made you think I would agree to ride with you? Baka ilaglag mo pa 'ko. No thank you." nanlalaki ang mga matang sabi niya rito. "Bahala ka sa buhay mo. Magpapahinga na lang ako sa bahay."
At nagmartsa na siyang papasok ng bahay ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang mainit na brasong pumulupot sa beywang niya. Pinapihit siya nitong paharap dito at agad na nagtama ang mga paningin nila. Naramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso niya.
"Not so fast, lady." ang nakangising sabi ni Darwin.
"A-anong..."
Ngunit hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong magprotesta. Namalayan na lamang niyang nakasampa na siya sa likod ng kabayo sa tulong nito. At mabilis ding nakasampa ito sa kabayo, sa likod naman niya. His hands went to the reign of the horse, enclosing her in the process. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"Ready?" narinig niyang bulong nito mula sa likuran niya. Naramdaman din niya ang mainit na hininga nito sa batok nita. She felt like fainting.
"A-anong ready! Ibaba mo 'ko rito kung hindi sasakalin kitang bakulaw ka!" banta niya nang bahagyang mahimasmasan.
"You can't do that." confident na sabi nito.
"Why not?"
"Because we're going." and true enough he made the horse move. At hindi iyon basta lakad kundi pinatakbo nito iyon.
"Walang hiya ka, Darwin! Ayoko pang mamatay!" tili niya bagaman nakapikit na habang ramdam niya ang bilis ng takbo ng kabayong sinasakyan.
"You won't die. Relax. I'm here." ang narinig niyang sabi nito. Dinig sa boses nito ang bahagyang pagtawa.
"Relax-relax ka diyan! Badtrip! Ibaba mo na kasi ako!" pakiusap niya bagaman nakapikit pa rin.
"Open your eyes." sabi nito mula sa likod niya. His breath was distracting her from the fear.
"N-no!" she was never a fan of thrilling rides and amusement parks. At ganoon ang pakiramdam ng nakasakay sa kabayong mabilis ang pagtakbo kaya hindi niya bubuksan ang nga mata niya. Baka hindi nga sa pagkahulog siya mamatay, kundi sa sakit sa puso.
"But the view is great. You will miss it."
"Wala akong pake sa view!" sagot niya habang nakapikit pa rin.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at ang pagbagal ng takbo ng kabayo.
"Better?" ang malumanay na tanong nito. Saglit niyang pinakiramdaman ang paligid. Hindi lamang bumagal ang takbo ng kabayo kundi tuluyan na iyong tumigil. "You can open your eyes now." he gently said.
At parang nahihipnotismong dahan-dahan niyang binuksan ang isang mata. Pagkatapos ay sinunod niya ang isa pa. Napasinghap siya sa tumambad sa mga mata.
Nasa bahagyang mataas na bahagi sila ng hacienda kaya naman kita sa ibaba ang ilang tanimang sakop niyon. Ang ilang puno at ang palayan sa di kalayuan. Simple iyon ngunit hindi niya inaasahang mas maganda palang tignan iyon sa mataas na bahagi ng lugar at lalo pa't nakasakay sila may kataasan ding kabayo. It was like a painting. Napaka-candid maging ng mga trabahor na nagtatrabaho sa di kalayuan at ng mga magsasaka ng hacienda.
"Wow..." ang nasabi na lamang niya.
"You like it?"
Noon lamang niya naalalang may kasama pala siya. Mabilis niyang nilingon ang nasa likuran. Ngunit nakatingin nap ala ito sa kanya. At sa ginawa niyang paglingon dito ay lalong nagkalapit ang mga mukha nila nito. Sa gulat niya ay bahagya siyang nawalan ng balanse at muntikan nang malaglag kung hindi lang pumulupot ang mga braso ni Darwin sa beywang niya.
"Careful." ang sabi ni Darwin.
"T-thanks." ang nagawa niyang sabihin.
"I told you, I'm here. And nothing will happen to you while I'm here." sabi nito saka kumindat pa sa kanya na naging sanhi naman ng pagwawala muli ng dibdib niya.
What's with him and his words?