"Mainit na ano po, senyorita?"
Ibinaba ni Myla ang bote at tinakpan saka nilingon ang babaeng ni hindi niya napansin na nakalapit sa kanya. Maamo ang magandang mukha nito ngunit hindi niya magawang mapalagay rito sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Gayunpaman ay nginitian niya ito.
"Medyo." she politely answered. This is good. Kailangang may makausap siya para hindi na siya matukso pang tumingin sa mga bagay na hindi niya dapat na tinititigan. "You are?"
"Ako po si Angelica. Anak po ako ni Tatay Cardo." ang magalang namang sagot nito. The girl looks nice and she talks nicely too. Kung ganoon ay bakit hindi siya mapakali?
"Nice meeting you, Angelica." nakangiti pa ring sabi niya saka inilahad ang kamay rito na tinanggap naman nito.
"Ako din po senyorita." balik nito saka biglang bumaling sa mga nagtatrabahong lalaki. She refrained herself from doing the same. "Ang gwapo po ng boyfriend ninyo." komento nito habanv nagniningning ang mga mata. Awtomatikong kumunot ang noo niya. Not the right reaction but she just can't help it.
"I don't have a boyfriend." Ang sagot niya.
"Hindi ninyo po boyfriend si Sir Darwin?" agad na bumaling ito sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagtaas ng isang gilid ng labi nito bagaman mabilis ding napalis. Ngunit ang pagkislap ng mga mata nito ay lalo pang nadagdagan. And she knows his name already! Nice...
"Hindi." Ang simpleng sagot na lamang niya at di sinasadyang bumalik ang tingin sa mga nagtatrabaho, particularly sa lalaking topic nila ni Angelica.
Sakto namang lumingon ito sa kanila kaya nagtama ang tingin nila nito. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi nito saka kumaway sa kanya. O sa kanya nga ba?
"Kinawayan niya ako!" ang nagpipigil ng tili na sabi ng babaeng katabi niya.
Palihim na napaismid siya. Kung ganoon ay dito pala nagpapa-cute ang magaling na lalaki. Kung ganoon ay bakit pakiramdam niya nagtama ang tingin nila nito kanina?
Nag-iilusyon ka, Myla. Ang nang-iinis na sabi ng isang panig ng isip niya.
Gayunpaman ay literal niyang sinimangutan ang lalaki, nagbabaka-sakaling sa kanya nga ito nakatingin. Dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang kamay at unti-unti ring napalis ang ngiti nito. Nakita siya nito! So he was really looking at her. Parang gusto niyang maglulundag doon kung hindi lamang bigla niyang naisip na walang dahilan para gawin niya iyon.
Akala niya ay babalik na ito sa pagtatrabaho ngunit nagkamali siya dahil nagsimula itong maglakad palapit sa direksiyon nila. Kasabay niyon ay ang paglilingkot ng katabing babae na parang pusang di maihi. Ang sarap nitong batukan.
Nagulat pa siya nang tumigil si Darwin sa mismong harap niya. Her eyes roamed his face and went down to his sweating chest.
Lord, pengeng lakas upang labanan ang tuksong nasa harapan ko! Tili ng isip niya at wala sa loob na napalunok.
Pinilit niyang ibalik ang tingin sa mukha nito. Focus on his face. Ngunit nang pakatitigan naman niya ang mukha nito ay lalo lamang nagwala ang dibdib niya. Even his face was not good for her slipping sanity.
"W-what?" sa wakas ay nasabi niya.
"I'm thirsty." Ang simpleng sagot nito habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.
Tubig lang pala ang kailangan nito, bakit nakikipagtagisan pa ito ng tingin sa kanya?
Eh bakit nakikipagtagisan ka rin ng tingin sa kanya? Singit ng pasaway na isip niya. Bakit nga ba?
Ngunit hindi pa man siya nakakapag-react ay isang selyadong bottled water ang lumitaw sa pagitan nila ng lalaki. Kasabay niyon ay ang pagsingit ng babaeng may hawak niyon.
"Heto ang tubig oh!" ang nakangiting sabi ni Angelica na bigla na lamang sumulpot sa pagitan nila.
"Hi." Ang nakangiting sagot naman ni Darwin.
"Hello, ako si Angelica." Masiglang sabi ng babae saka inilahad ang kamay na nakangiting tinanggap din naman ng lalaki.
Nangangati naman ang mga kamay niyang haltakin ang babae gamit ang buhok nito at alisin sa pagitan nila. Mukhang magiging bayolente pa yata siya.
"I'm Darwin. Nice to meet you." simpleng sabi ng lalaki rito bago binitawan ang kamay ng babae.
"Tubig---" tinangka ulit ni Angelica na iabot ang tubig na hawak nito ngunit pareho silang nagulat ng babae nang imbis na kunin iyon ni Darwin ay dumiretso ang kamay nito sa boteng hawak niya at agawin iyon mula sa kanya.
"H-hey---" simula niya ngunit di siya nito pinansin at binalingan si Angelica.
"Thanks for the water but I have one here." Sabi nito saka bahagyang inalog pa ang bottled water niya sa harap ng babae bago muli siyang nilingon. "Thanks." Sabi nito sa kanya at nilagok ang natitira pang laman ng bote.
Ininuman niya ang bote na iyon. Pagkatapos ay ininuman din iyon ng lalaki. It was close to a kiss right? Agad na nag-init ang mga pisngi niya.
Stop it, Myla. Nagiging praning ka na! kastigo niya sa sarili.
"Naiinitan ka na ba? Namumula ang mga pisngi mo." Sabi nito at awtomatikong umangat ang palad nito sa pisng niya. Napaigtad siya sa ginawa nito bagaman hindi naman kaagad nakapag-react. "Sumilong ka muna sa kubo nina Mang Cardo para hindi ka naiinitan." Kunot ang noo nito ngunit bakas ang pag-aalala sa boses nito.
Wow, Myla! At Kailan ka pa natutong mag-analyze ng mga ekspresyon ng mukha ng lalaking iyan?
"O-okay lang ako." Sabi niya nang mahimasmasan bagaman hindi pa rin tumitigil ang pagrarambulan sa dibdib niya. Inipon pa yata niya ang lahat ng lakas niya upang magawang iangat ang kamay at palisin ang kamay nitong nakalapat pa rin sa pisngi niya. "O-on second thought, sisilong na nga muna ako." Ang sabi niya at agad na tumalikod na saka nagsimulang maglakad.
"Senyorita!" ang narinig niyang tawag ni Angelica. May mga sinasabi pa ito ngunit na-blockout na niya iyon sa pandinig niya. Ang iniisip lamang niya ay ang makalayo sa lalaki sa lalong madaling panahon dahil hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya.
Nang sa pakiramdam niya ay nakalayo na siya ay saka lamang niya naisipang iangat ng tuluyan ang paningin. Ngunit imbes na masilayan niya ang kubong sinasabi ni Darwin ay malawak na kapatagan lamang ang nakikita niya at mangilan-ngilang puno. Gaano ba kalayo ang kubong iyon? OR was she even heading the right way?
Agad na umikot siya upang tignan kung makikita niya ang kubo dahilan para muntik na siyang mabunggo sa malapad na pader. Pader na may abs?
Sa gulat ay nawalan siya ng balance kung hindi nga lang nasalo siya ng lalaking kaharap. Agad na umangat ang tingin niya sa lalaki bago napalunok muli. Ang akala pa naman niya ay nakalayo na siya rito.
"D-Darwin!" naibulalas niya sa magkahalong gulat at kaba.
"Where the hell are you going?" kunot ang noong tanong nito sa kanya ngunit hindi pa rin binibitawan ang beywang niya.
"S-sa kubo?" Nagawa niyang isagot.
"It's the other way." Sabi nito bago siya inalalayang makatayo ng maayos. Nang bawiin nito ang braso mula sa pag-alalay sa kanya, pakiramdam niya ay may kulang na. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa naisip.
"G-ganoon ba? Sorry. Hindi ko kasi kabisado ang lugar." Napangiwi siya sa palusot niyang iyon. Naroon sila sa lupaing pag-aari ng kanyang pamilya pagkatapos ay siya pa itong naliligaw?
Bumuntong-hininga ito at bigla na lamang hinawakan ang kamay niya. And before she could even protest, he was already dragging her towards the other direction. Tumigil lamang ito sa kakahila sa kanya nang makarating sila sa ilalim ng isang puno. Pagkatapos niyon ay basta basta na lamang siyang binitawan nito at sumalampak ng upo at sumandal sa katawan ng puno.
"Sit down." Sabi nito nang tingalain siya nito.
"Ha?" Pumalatak ito at naramdaman niya ang muling paghawak nito sa kamay niya. Isang impit na tili ang kumawala sa kanya nang basta na lamang siyang hilain nito paupo sa tabi nito. "Darwin!"
"What? Let's rest here for a while. Napapagod ako." Sabi nito at isinandal ang ulo sa katawan ng puno saka pumikit.
Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tignan na lamang ito. Pinagpapawisan pa rin ito marahil dahil sa mataas na araw ngunit ang mahangin naman sa lugar kaya naman ngayong nakasilong na sila ay hindi na rin nila maramdaman ang init.