MASAYA kami at nagawa ninyo kaming bisitahin ulit dito, Senyorita." Ang nakangiting sabi ni Mang Cardo, ang ama ni Angelica. Naaalala pa niya ito dahil ito ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ng Lola niya sa Hacienda nito. Ito rin ang nagpapasyal sa kanila ng Kuya niya noong mga bata pa sila sa tuwing magbabakasyon sila sa hacienda.
"Masaya din akong makita kayo ulit, Mang Cardo." Ang magalang na sabi niya.
Nasa harap nila ngayon ang isang mahabang mesang nalalatagan maraming pagkaing inihanda ng matanda. Mayroong inihaw na bangus, tilapia na nakapatong pa sa dahon ng saging. Mayroong ensaladang talong, kamatis at itlog na pula din doon. Simple ngunit alam niyang masarap ang mga iyon.
"Sana ay magustuhan niyo rin itong simpleng naihain namin." Ang sabi ni Mang Cardo nang mapansin ang pagsisiyasat niya sa nakahain.
"Ang dami nga po. Sana hindi na po kayo nag-abala pa." ang nahihiyang sabi niya.
"Ano bang hindi? Minsan na nga lamang kayo makabisita sa amin ay hindi pa ba naming kayo paghahandaan?" ang nakangiting sabi pa ng matanda. "Isa pa, Malaki ang naitulong nitong boyfriend mo sa amin ngayong araw na ito." Baling nito kay Darwin.
"Hindi ko po siya---"
"Wala hong anuman iyon. Nag-enjoy naman ako sa trabaho." Ang singit ni Darwin na pumutol sa sinasabi niya. Tinignan niya ito ng masama ngunit isang nakakalokong ngiti lamang ang ibinigay nito sa kanya saka bumaling muli kay Mang Cardo. "Kung kailangan pa po ninyo ng tulong, tawagin n'yo lang po ako nang nagagamit ko naman ang mga muscles ko sa pagtatrabaho."
"Aba eh hindi naman yata trabaho ang ipinunta mo rito kundi ang magpasikat kay Senyorita Myla." Pabirong sabi naman ng isa sa mga trabahador na kasalo nila doon.
"Aba'y oo nga. Pero mukhang epektib naman, ser!" komento pa ng isa. "Iyong tingin ni senyorita sa inyo kanina, parang gusto kayong tunawin eh. Parang ice cream ba!"
"Talaga?" sabi ni Darwin at nagawa pa siyang lingunin. Naramdaman niya ang muling pag-iinit ng pisngi niya.
"Tumigil ka nga!" mariing sita niya rito na ikinatawa naman ng lahat ng nasa mesa maliban kay Angelica. Huling huli niya ang ginawang pag-ismid nito. Kung pitikin kaya niya ito?
"Naku, Mang Nick, tigilan niyo na ho sina Senyorita. Wala naman ho daw silang relasyon ni Sir Darwin." Maya maya ay singit ni Angelica. "Hindi ho ba, senyorita?" baling pa nito sa kanya.
Ngali-ngaling batuhin niya ito ng isdang nasa harap kung hindi nga lang masamang magtapon ng pagkain. Pero bakit niya gagawin iyon? Eh totoo lamang naman ang sinabi nito. At sa kanya naman din iyon nanggaling.
"Ah opo." Ang sagot na lamang niya habang pilit na nakangiti. "Bagong kasosyo lamang po talaga itong si Darwin sa hacienda."
"Ay talaga ba?" gulat na tanong ni Mang Cardo. "Naku, Ser Darwin, pasensya na at pinagtrabaho namin kayo." Ang nahihiyang dugtong nito.
"Naku, wala ho iyon. Tungkulin ko na ring pangalagaan ang hacienda dahil kasosyo na rin ako rito." Ang magalang na sabi ni Darwin.
"Pasensya na rin kung ibinubuyo na naming kayo kay Senyorita." Muling hinging paumanhin nito. "Napagkakatuwaan lamang namin kayo dahil ang ganda ninyong tignan. Isa pa ay masaya sa paningin iyong nakakakita kami ng magsing-irog, hindi ba mga kababayan?"
Agad namang nagsipag-sang-ayon ang iba pang naroon.
"Ayos lang ho iyon." Ang sabi natatawang sabi ni Darwin. "Ang anak niyo ho ba, wala pang boyfriend?"
Bahagyang naningkit ang mga mata niya. Hindi yata at interesado pa ito sa babae.
"Naku, napakapihikan po niyan. Madaming nanliligaw pero walang sinasagot kahit isa. Aba'y hindi ko alam kung ano bang tipo niya." Ang sagot ni Mang Cardo.
"Tatay naman." Reklamo ni Angleica ngunit nakangiti pa rin. Duda siyang hindi naman reklamo iyon. Mukha pa nga itong kinikilig.
"Makakahanap din po siya ng magugustuhan niya." Ang magalang na sabi naman ni Darwin.
"Aba'y sana nga ay malapit na." sagot ng ama ni Angelica.
Hindi naman niya naiwasang tignan ang babae. May kakaibang kislap sa mga mata nito habang nakatitig kay Darwin. Duda siyang nahanap na nito ang lalaking magugustuhan nito. Sa isiping iyon ay napaismid siya.
"Nakasimangot ka na naman." Ang wika ni Darwin sa gilid niya. Nang lingunin niya ito ay kakaiba rin ang ngiti nito.
"H-hindi ah." Nagawa niyang isagot at inirapan ito. Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa nito. Nagulat pa siya nang basta na lamang nitong lagyan ng kanin ang malinis pang plato niya. At bago pa niya ito naawat ay naipaghimay na siya nito ng bangus gamit ang sariling kamay at inilagay sa plato niya. "H-hey!"
"Naghugas ako ng kamay." Ang nakangising sabi nito. "Eat up."
Hindi naman siya maselan at alam niyang malinis naman ang kamay nito. But there was something about that gesture that made her uneasy. Hindi nga lang niya ma-pinpoint kung ano. It was somewhat... sweet? Teka tama ba ang term niyang iyon?
"T-thanks." Sabi na lamang niya at kumain na rin ng nakakamay. Ganoon kumain ang lahat ng kasalo niya ngayon maging si Darwin kaya naman wala siyang karapatang mag-inarte. Isa pa, ganoon din naman siya kumain kapag trip niya lalo pa't isda ang karamihan sa nakahain sa kanila.
"Oo nga pala, senyorita. Malapit na ang fiesta. Magkakaroon ng sayawan sa bayan. Sana ay makapunta kayo."anyaya ni Mang Cardo na nakapagpaangat ng tingin niya rito.
Sayawan? Biglang bumalik sa alaala niya ang huling sayawang napuntahan na naroon si Darwin. It was the school's graduation ball. And it was the first time he kissed her. Dances are dangerous for her. Especially when he was with her.
"Susubu---"
"Pupunta po kami." Agad na agaw ng lalaki sa tabi niya. Agad niya itong nilingon ngunit kinindatan lamang siya nito saka nakakalokong ngumiti. Ngunit imbis na mainis ay muli lamang dumagundong ang dibdib niya. That was definitely not normal!
"Sigurado hong masisiyahan kayo." Ang natutuwang sabi ng matanda. Nakangiting bumaling pa ito sa kanya. "Kayo rin ho, senyorita."
Wala na lamang siyang nagawa kung hindi ang ngumiti na rin. It was just a dance, anyway. Only she was with Darwin. And when she's with him, she feels and acts like a different person. But it's just one night, right? Nothing to be afraid of.
"We do love dances." Ang sabi pa ni Darwin. Nang lingunin niya ito ay bumungad sa kanya ang ngiti nitong parang may ibang ibig ipakahulugan. "Right, Myla?"
Binabawi na niya. There's something to be afraid of. And she just realized it was not him she was really afraid of. She was afraid of herself and her even more confused feelings.
Help!