Chapter 10 - 9

NAALIMPUNGATAN si Myla sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Gayunpaman ay hindi siya nagbukas ng mata. Pakiramdam niya ay kulang na kulang pa ang naging tulog niya. It was passed midnight when she finally fell asleep. At kasalanan iyon ni Darwin at ng di maipaliwanag na epekto nito sa kanya. Ngunit saka na niya iyon haharapin kapag nakuntento na siya sa tulog. Hindi pa handa ang sistema niyang bumangon.

"Senyorita?" ang tinig mula sa labas ng pintuan niya kasunod ng ilang pang mga katok.

Ngunit hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay kinuha niya ang isa niyang unan at ipinantakip iyon sa ulo niya upang mabawasan ang ingay na naririnig. Maybe the one who was calling her will just get tired of calling eventually.

Nang tumahimik ang paligid ay nakahinga siya ng maluwag at ipinagpatuloy ang pagtulog. She was already dreaming when she felt the pillow being dragged away from her face. Ngunit dahil lumulutang na rin ang huwisyo niya dahil sa antok ay pinabayaan niya iyong maalis sa mukha niya. She was determined to ignore the one who took the pillow until she heard the voice of the culprit.

"You should wipe your drool, you know? It isn't feminine."

Awtomatikong bumukas ang mga mata niya at bumungad sa kanya ang mukha ng lalaking naging dahilan ng pagkapuyat niya. Akap nito ang unan niya habang matamang nakatingin sa kanya. Agad na kumunot ang noo niya. Ni hindi siya sigurado kung nananaginip pa siya. Gayunpaman ay kusang umangat ang kamay niya at lumapat sa pisngi nito.

Unti-unting napalis ang ngiti nito at bumadha ang pagkagulat sa mukha. At napalitan ng ngiwi ang ngiti nitong iyon nang pisilin niya nang mariin ang pisngi nito.

"Aw! What was that for?" he snapped. And his voice was enough proof that she was not dreaming anymore. Nanlaki ang mga mata niya saka dinampot ang isa pang unan niya at pinaghahampas iyon ditto. "Hey! Hey! Stop that!" reklamo nito saka hinawakan ang kamay niya. Agad naman niya iyong binawi mula rito saka pinanlisikan ito ng mga mata.

"What the hell are you doing in my room, you..." dinuro niya ito. "you pervert!"

"Woah! Slowdown with the accusation." Taas ang mga kamay na sabi nito. "I just came here to wake you up."

"Ah so it's your job now? Anong ginagawa ng mga kasambahay dito?" she snapped.

"Well, the maid tried to wake you up but you didn't answer so..." nagkibit-balikat pa ito na parang wala lang ang ginawa nito.

"Lola!!!!" sigaw niya.

Sa gulat niya ay bigla naman sumilip ang Lola niya sa kuwarto. She was even smiling at her.

"Good Morning, apo." Nakangiting bati nito sa kanya bago binalingan ang lalaki. " Salamat sa tulong sa paggising sa kanya, iho. That girl tends to sleep in most of the time."

Nanlaki ang mga mata niya. So her Lola has given permission to this brute to enter her room? Hindi siya makapaniwala!

"Don't mention it , Lola." Ang nakangiti namang sabi ng magaling na lalaking nasa gilid niya.

"Lola!"

"What?" ang balewalang tanong nito sa kanya. "Get up and have breakfast with us. You guys still have work to do, right?" sabi nito bago iniwan na sila.

"Argh!" Muli siyang nahiga sa kama saka isinaklob sa ulo ang kumot niya. Bakit pakiramdam niya ay napagkakaisahan siya?

"Narinig mo ang Lola mo. Bangon na!" Ang narinig niyang sabi ni Darwin.

"Go away!" sabi niya saka namaluktot pa. No way she was going to get up because of this brute. No way--- "Aaaaaahhh!" tili niya nang walang kung anu-ano'y biglang umangat ang katawan niya mula sa kama. The blanket slowly slipped from her body revealing the handsome monkey who was now carrying her.

"'You awake now?"

"Put me down you perv!" tili niya saka nagpumiglas dito.

"Guess you're awake now." Ngumiti pa ito. His face was inches from hers. And he was smiling so handsomely. Saglit na tumigil ang mundo niya. He was doing his magic again. That magic that affects her in ways she cannot explain.

"P-put me down or I'll swear I'm gonna kill you for real." Kulang sa sustansyang banta niya rito.

"I doubt it." She grinned. "Let's get you bathed, shall we?"

"What?" gulat na tanong niya ngunit nagsimula na itong maglakad papunta sa kanugnog na banyo ng kwarto niya. She panicked. "Hey! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Ibaba mo ko!"

Ngunit nakarating na lamang sila ng tuluyan sa banyo ay hawak pa rin siya nito sa kabila ng pagpupumiglas niya. Mas malaki at mas malakas naman kasi itong 'di hamak sa kanya.

Napalingon siya sa bathtub kung saan patuloy na umaagos ang tubig mula sa faucet na naroon. Puno na iyon ng tubig. Bakit ni hindi niya narinig nang buksan nito ang tubig niyon.

"Here goes your bath." Sabi nito at dahan-dahan na siyang ibinababa sa bath tub.

"No! No! No!" ang nagpapanic na protesta niya. Mukhang desidido itong paliguan siya. And there is no way she would let that happen! "Okay, fine! Maliligo na ako at bababa, happy?"

"You promise?" tanong nito.

"O-Of course!" pinakatitigan siya nito na para bang sinisigurado kung nagsasabi siya ng totoo. At nagsasabi naman talaga siya ng totoo. Maliligo na lamang siya at bababa gaya nang sinabi niya kaysa naman ito pa ang gumawa niyon. Ni hindi niya alam kung maaasahan pa ba niya ang Lola niyang kakampihan siya.

"Okay." Kibit-balikat na sabi nito. Nakahinga naman siya ng maluwag at handa nang bumaba mula sa bisig nito nang muli itong magsalita. "But just to be sure..."

And then she was soaked in the water. Kasunod niyon ay ang pag-ilanlang ng malakas na tili mula sa kanya. The water was freaking cold!

"I hate you, Darwin Lawrence Buenavista!!!"