Sa tuwing tinitingnan ko ang ganda ng mundo, hindi ko maiwasang hangaan ang gumawa nito. Isang obra maestra na kahit kailanman ay hinding-hindi ko pagsasawaan.
Napatingin ako sa aking propesor na nasa unahan. Isa siya sa aking paborito dahil nakikita ko sa kaniya ang pagmamahal sa kaniyang ginagawa. Ayon sa kaniya, umiikot daw ang kaniyang buhay sa pagpipinta.
"Sino ba namang Fine Arts student ang hindi makaaalam kung ano ang obra na nasa inyong harapan? Kung mayroon mang hindi talaga pamilyar sa larawang ito, lumipat ka na lang sa ibang kurso o kaya naman ay magbenta ka na lamang ng kendi at sigarilyo sa lansangan," saad niya habang itinuturo ang larawan ng Spoliarium ni Juan Luna. Nagtawanan ang aking mga kaklase dahil sa kaniyang tinuran.
Nakita kong napatingin siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. "Tamara, sa tingin mo, ano ang kahulugan ng obrang ito? Galingan mo ang sagot, alagad ako ni Juan Luna," masaya nitong sabi.
Ngayon lang nangyari na mayroong tumawag sa akin ng aking pangalan. Kadalasan, apelyido ko ang itinatawag sa akin ng aking mga guro. Kilala kasi ang aming pamilya sa larangan ng pagpipinta. Mayroong kakaibang kasiyahan na bumalot sa aking pagkatao nang tawagin niya ako. Paborito ng aking mga magulang ang pintor na si Tamara de Lempicka kaya ganoon ang kanilang ipinangalan sa akin.
Tumayo ako mula sa aking upuan. "Sa tingin ko po, ang ipinahihiwatig ni Juan Luna sa obrang iyan ay ang paghihirap ng maraming Pilipinong bilanggo noong panahon ng Kastila. Base sa kulay ng Spoliarium, makikita na naroon ang kasamaan at makasalanang tagpo ng buhay."
"Magaling. Iba talaga ang mga Amorsolo pagdating sa larangan ng sining. Pero mayroon akong napansin sa 'yo."
Napakunot ang aking noo. "Ano po iyon?"
Muli siyang ngumiti. "Sa lahat ng kamag-anak mo na naging estudiyante ko, ikaw ang pinakamaganda."
Namula ang aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. Kinilig din ang aking mga kaklaseng babae samantalang kinantiyawan naman ng aking mga kaklaseng lalaki ang aming guro. Maalam daw pala itong bumanat kahit papaano.
Nang natapos na ang aming klase sa kaniya, pumunta siya sa aking puwesto. Inilapag niya ang isang papel sa aking lamesa at umalis na wala man lamang sinabing kahit anong salita.
Binuklat ko ang papel. Punta ka sa condo ko mamayang gabi. Yayain mo rin sina Enteng at Joey para malaman mo ang daan. Gusto pa kitang makilala. –Sir Martin.
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Mayroong parte sa aking pagkatao na gusto kong pumunta ngunit naroon pa rin ang mga katanungan. Bakit kailangan pa akong pumunta sa tirahan niya para makilala siya? Puwede namang dito na lamang sa eskuwelahan. At bakit kailangan ko pang magpasama kina Enteng at Joey? Maaari niya namang sabihin na lamang sa akin kung paano pumunta ro'n.
Ngunit, paano mabibigyan ng kasagutan ang mga tanong na 'yon kung wala akong gagawin? Bahala na.
Lumipas ang ilang oras. Hindi ako masiyadong nakapakinig sa aking mga propesor dahil iniisip ko pa rin si Sir Martin. Mabuti't wala kaming ginawang aktibidad ngayong araw kung hindi, siguradong mababa ang makukuha kong marka dahil wala akong alam sa kanilang pinag-aralan.
Hindi ko alam ngunit nakita ko na lamang ang aking sarili na nilalapitan si Enteng matapos ang klase. Eksperto siya sa pagkuha ng litrato. Kakikitaan siya ng determinasyon dahil makikita sa mga larawan niya kung gaano kahirap kuhanan ang mga ito.
Napatingin siya sa akin. "Tamara, mayroon ka bang problema?"
"Magpapasama sana ako sa inyo ni Joey papunta sa condo ni Sir Martin," naiilang kong sambit.
"Ganoon ba? Sige, tatawagin ko siya," tugon nito habang dali-daling umalis. Napaisip ako kung bakit hindi man lang siya nagtanong kung bakit ako pupunta sa tahanan ng aming guro. Tila handa na siya sa pangyayaring 'to.
Makalipas ang ilang sandali, dumating na ang dalawa kong kaklase.
"Tara na, Tamara. Heto naman kasing si Joey, ang bilis lumakad. Hinabol ko pa sa labas!" hinihingal na sabi ni Enteng.
Ngumiti lang sa akin si Joey nang nakita niya ako. Bihasa naman siya sa pag-uukit dahil mula siya sa Paete, Laguna.
Habang nasa biyahe kaming tatlo ay hindi ko maiwasang kabahan. Biglang may pumasok sa aking isipan na parang ayaw ko nang tumuloy.
Pagkababa namin ay pumasok na kaming tatlo sa mataas na gusali. Tumungo silang dalawa sa elevator kaya sumunod na rin ako. Mukhang alam na alam na nila ang lugar na ito. Marahil, ilang beses na rin silang nakapunta rito. Ganoon siguro talaga si Sir Martin. Kinikilala ang kaniyang mga estudiyante.
Pinindot ni Joey ang pindutan papunta sa ikalabing-isang palapag.
Mayroong tumawag sa pangalan ko nang nakapasok na kami sa condo. Si Sir Martin. Manipis ang suot nitong damit na nagpapabakat sa kaniyang magandang katawan. Hindi ko maiwasang mapalunok.
Nilapitan ako ni Sir. "Okay ka lang?"
Tumango ako bilang kasagutan. Pinaupo niya muna kaming tatlo dahil mayroon lamang daw siyang kukuhanin. Nakita ko sa paligid ang iba't ibang obra. Ngunit kapansin-pansin na karamihan dito ay gawa ni Juan Luna. Una Mestiza, España y Filipinas, Tampuhan at marami pang iba. Tunay nga ang sinabi niya kanina na alagad siya nito.
Napukaw ang aking atensiyon sa isang obra.
Nakapinta ang isang hubad na babae habang nakakadena ang kamay nito sa kama. Kitang-kita ko ang paghihirap sa mukha nito. Tila hindi ito gawa lamang ng imahinasyon. Parang totoo talagang nangyari.
Pagkabalik ni Sir Martin ay hawak niya ang isang bote ng alak at isang puting canvas.
Umupo si Sir Martin sa aking tabi. Iniabot ang isang baso. "Tumagay ka."
"H-Hindi po ako umiinom. Uuwi na po ako sa San Juan. Baka mahirapan ako sa pagsakay."
Nag-iba ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Galit na galit ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang halimaw na nakatago sa loob ng maamong mukha ng aking guro.
Pilit niyang ipinainom sa akin ang nasa baso. Dahil sa aking pag-iwas ay natapunan ng malagintong kulay na alak ang canvas. Sinampal niya ako.
"Napakatanga mo!"
Gulat na gulat ako. Hindi ko alam na ganito pala ang tunay niyang ugali.
Hinalikan niya ako sa labi at hinubad nang sapilitan ang aking damit. Kinukuhanan kami ng litrato ni Enteng. Nakangiti lamang ito nang malaki.
Nagmamakaaawa ako sa kaniya ngunit tila wala siyang naririnig. Ipinakuha niya kay Joey ang kadena.
Ikinaladkad niya ako sa kama at ikinadena ang aking mga kamay at paa. Tila naglalaway ang tatlo sa aking hubad na katawan.
"Iyan ang tunay na obra maestra," saad ni Sir Martin.
Lumuha ako. "T-Tama na po."
Tumawa lamang silang tatlo. Nilagyan ako ng piring ni Enteng. Narinig kong muli ang tunog ng kaniyang kamera.
"Simulan n'yo na, Sir. Amorsolo 'yan. Ginto," sabi ni Joey.
Napasinghap ako nang naramdaman ko ang mga halik sa aking katawan. Pilit niyang ipinasok ang matigas na bagay sa aking ibaba. Sobrang sakit. Hindi ako makalaban.
Pinagpasa-pasahan nila akong tatlo. Para akong nasa impiyerno na binababoy ng mga demonyo. Sana ay tumigil na ang pag-ikot ng mundo.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong wala nang gumagalaw sa aking katawan.
Inialis na ang piring sa aking mga mata. Nakita ko si Sir na nakaupo habang hawak ang isang brotsa. Nakapatong sa kaniyang hita ang canvas. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
"Sir, simulan mo na ang bago mong obra."