BINILISAN ni Abigail ang paglalakad para makalayo kay David kahit man lang sandali. Sobrang nahihiya kasi siya sa iniakto niya rito. How could she kiss someone whom she just knew for a few days? And not just that. She kissed him as if he's her boyfriend for so long! Pagkatapos niyang umiyak-iyak sa harapan nito dahil sa kanyang ex? Ano na lang ang mukhang ihaharap niya rito?
Nagpapadyak na ingos niya sa sarili habang naglalakad patungo sa inarkilahan nilang motorsiklo.
"Sandali nga."
Natigil sa paglalakad si Abigail dahil sa biglaang paghablot ni David sa braso niya na dahilan nang pag-ikot ng katawan niya paharap dito. Nanigas ang buong katawan niya sa pagkakalapit na naman nilang iyon. Ang hirap naman kasing hindi maapektuhan kung ganitong ramdam na ramdam niya ang init na umaalingasaw mula sa katawan nito. His body that was so damn hot!
Brokenhearted lang si Abigail pero babae pa rin naman siya at may damdamin. Babae pa rin siyang may kakayahang maglaway sa napakagandang katawan ng isang lalaki na siya mismong nasa harapan niya ngayon.
Naalala pa niya ang pagkakayakap niya rito kanina habang naghahalikan sila. At sa naalala ay napadako tuloy ang tingin niya sa mga labi nitong bahagya pa ring namumula. Marahil sa kamanyakan niya kanina nang tugunin niya ang mga halik nito. Napalunok tuloy si Abigail.
'KuuU! Nakakapanuyo ka ng laway, Goliath!' Hiyaw ni Abigail sa isip niya habang wala man lang siyang kakurap-kurap na nakatanghod sa higanteng lalaking mahigpit na nakahawak sa kanyang bewang at braso.
"Huwag mong sabihing sinusubukan mo'kong iwasan dahil sa nangyari kanina?"
Hindi sumagot si Abigail. Pero ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.
"Abigail, don't even try. Okay? Hindi ka makakawala sa'kin." Pananakot pa nito. As if naman talagang matatakot siya rito. Aba, ang sarap kaya ng halik nito!
'Abigail!' Bulyaw niya sa sarili.
Pa'no niya naiisip ang mga ganoong bagay? Akala ba niya ay nagpipighati pa ang kanyang damdamin dahil sa ex niyang may mahal ng iba? Ano ba itong ginagawa ni David sa kanya? Ano itong mga ipinaparamdam nito sa kanya?
"Abigail, it's no surprise that I'm attracted to you, right?" Tanong nito. Nang hindi pa rin siya sumagot ay nagpatuloy na lang ito sa pagsasalita. "Okay, I know that I don't have the right to just kiss you anytime I want to, kagaya nang ginawa ko kanina. Pero nasurpresa ka pa ba talagang ginawa ko iyon? I was so vocal in telling you that I like you. That I'm going to pursue you. That I'll be here for you until you fully recover from him. At the same time, sinabi ko rin sa'yong ipaparamdam ko kung anuman ang nararamdaman ko para sa'yo. And earlier, I just…really couldn't stop myself from kissing you. Are you that mad?"
Bahagyang kumawala si Abigail sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kanyang bewang na para bang talagang hindi siya nito hahayaang makalayo.
"Hindi naman `yung iniakto mo ang kinukuwestiyon ko. It's how I responded to it that's making me uneasy." Yukong-yuko ritong pag-amin niya.
He held her chin and raised it up a bit. "Tell me about it." Masuyo nitong sabi habang matiim na nakatingin sa kanyang mga mata.
Napakurap-kurap si Abigail habang nakatingin sa mga mata nito. Maganda pala ang mga mata ni David. Medyo light brown ang kulay niyon.
Ngumisi si David maya-maya na ikinapagtaka ni Abigail.
"Abby, hindi man ako kasing-guwapo ng mga artista, but I know that I'm good-looking. Okay? You don't have to stare at me like that. You're making my heart flutter." Tukso nito sa kanya.
Tinakpan ni Abigail ng mga kamay ang kanyang mukha sa sobrang pagkapahiya. Double dead na talaga ang kahihiyan niya sa higanteng ito sa loob pa lang ng araw na iyon. Paano pa kaya bukas at sa susunod na araw na magkasama sila sa islang ito? Was it even the right decision for her to come with him here?
"C'mon… Spill it out, baby." Natatawang pag-encourage nito sa kanya kapagkuwan.
Pinuno na muna ni Abigail ng hangin ang kanyang baga bago ito muling hinarap. "Hindi ko lang lubos maisip kung saan nanggaling `yung kapangahasan ko, to kiss you back…and passionately for that matter."
"Kailangan mo pa ba talagang istressin ang sarili mo tungkol diyan?" Namamanghang tanong nito sa kanya. "I mean, obviously we're attracted to each other."
"`Uy, ang lakas din talaga ng apog mo, `no?" Nawalang bigla ang hiya ni Abigail. Hindi naman yata siya makakapayag na pangunahan siya nito.
"So, you don't find me attractive?" He asked in his seductive voice. Nakataas pa ang isang kilay nito na tila naghahamon.
Napalunok si Abigail. "Hindi." Taas-noo niyang sagot dito pagkaraan. At hiniling niyang sana ay hindi siya kainin ng lupa sa kasinungalingan niyang iyon. Kailangan lang talaga niyang turuan ng leksiyon ang isang ito na masyado nang namimihasa.
Tumikhim ito atsaka biglang naghikab at nag-inat-inat ng mga braso na sa una ay ikinapagtaka ni Abigail. Pero nang mapatingin siya sa nagpi-flex nitong mga muscles sa braso at dibdib at nang mahuli siya nito sa ginawa niyang iyon, pinaningkitan niya ito ng mga mata. Puno kasi ng kapilyuhan ang pagkakatingin nito ngayon sa kanya.
"O, sige na. You have a fine body. Happy now?" Pasuplada niyang sabi na hindi naman nito inalintana.
"Fine lang?" Nagpapa-cute pa talaga nitong sabi kapagkuwan.
"Okay, fine! Ikaw na ang hot! Okay na? Pwede ba, umalis na tayo. Gusto ko nang kumain ng hapunan." Nagpatiuna na naman siyang maglakad dito hanggang sa makarating siya sa inarkila nilang motorsiklo.
Kinuha muna nito ang susi mula sa bulsa ng suot nitong board shorts atsaka sumakay. Sumunod naman si Abigail.
"Kumapit ka." Utos nito.
"Nakakapit na ako."
"I don't feel your hands, Abigail."
"Eh kasi sa likuran ng motorsiklo ako nakahawak." Pabalang niyang sagot. Ang dami-dami kasi nitong sinasabi. Hindi na lang magmaneho. Pero kulang na lang ay mahulog sa motorsiklo si Abigail dahil sa pagkagulat nang bigla siya nitong lingunin at abutin ang dalawa niyang kamay. Pagkatapos ay ipinaikot nito ang mga iyon sa tiyan nitong ang tigas-tigas. Wala bang hindi matigas sa katawan nito?
Nang mapagtantong may double-meaning ang tanong niyang iyon ay tila umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ni Abigail.
'Shit! Ang polluted na ng utak mo, Abigail!' Bulyaw niya sa sarili sa loob-loob niya.
"There you go, lady. Kumapit ka nang maayos sa akin. Bago pa ako mawala sa paningin mo." Kinindatan pa talaga siya nito pagkasabi niyon.
'Ang hinayupak, ang lakas ng sex appeal! Bwiseeet!'
Mas napakapit pa nga si Abigail dito nang paandarin na nito ang motorsiklo. Paano ay sinasadya yata nitong bilisan ang pagmamaneho para mawalan siya ng choice kundi sundin ito.
Step Number Five: A distraction isn't so bad at all. You just really need to have a clear differentiation of your feelings. Iba ang pagmamahal sa kinagigiliwan lang. At hindi pwedeng pagsabayin ang pagmo-move-on sa paghahanap ng bagong pag-ibig. Or else, the tables might just turn back at you.
Pagdating nila sa Siargao Bleu Resort And Spa kung saan sila tumutuloy ay nagbihis lang sila saglit ng damit atsaka naghapunan. Unang beses iyon na nagkaroon ng ganang kumain si Abigail magmula nang malaman niya ang tungkol sa pagkakaroon ng bagong girlfriend ng kanyang ex. Siguro nga tama ang desisyon niyang magbakasyon muna at magliwaliw.
Maya-maya ay napatingin siya kay David na magana ring kumakain. Sarap na sarap ito sa tinolang native chiken, kilawin, at inihaw na pusit na ulam nila. Nagkakamay pa nga ito habang kumakain. At hinihigop nito diretso sa maliit nitong bowl ang tinola.
Natutuwa si Abigail dito. Ang simple pa rin kasi nitong kumilos at magsalita kahit pa isa itong negosyante. Kung hindi pa nga nito iyon inamin sa kanya ay hindi talaga niya maiisip na negosyante ito. Down to earth kasi ito. Matulungin pa talaga. May malambot na puso.
'Ano pa, Abigail?' Tukso sa kanya ng bahaging iyon ng kanyang isip. Naipilig tuloy niya ang ulo para gisingin ang sarili mula sa pananaginip ng gising. Pagkaraan ay dinampot ni Abigail ang cellphone niyang nasa ibabaw ng mesa. May tumatawag kasi. Ang kanyang ina.
Pagkatapos niyang tanggapin ang tawag na iyon ay napahugot siya nang malalim na hininga. Akala niya ay makaka-eskapo na siya sa alaala ni Francis nang araw na iyon sa tulong ni David. Pero heto't nawala na naman siya sa mood nang dahil dito.
"O, lalim no'n ah. May problema ba? Mama mo `yung tumawag, 'di ba?" Pag-uusisa ni David matapos nitong uminom ng tubig at dumighay. Kahit papaano ay napangiti ulit si Abigail.
"Oo. Tinanong ako kung alam ko raw bang may girlfriend na si Francis. Nakita raw kasi ng isang kapatid ko ang post niya, `yung picture nilang dalawa no'ng bago niyang girlfriend."
Sandali itong nanahimik at pinakatitigan lang siya. "Gusto mo na bang magpahinga?" Tanong nito maya-maya. Tila nag-aalala sa kanya. "Nakakain naman na tayo. Pwede ka nang magpahinga sa kwarto mo kung gusto mo. Tutal maaga naman tayong mamamasyal bukas. Matulog na lang tayo nang maaga—"
"Ayo'ko nga." Sansala niya sa sinasabi nito. Napakunot-noo naman ito. "Dambo, nandito tayo sa Siargao, o. Aba! Hindi piso `yung ticket papunta rito, `no? Tapos itutulog ko lang?"
"Okay. So, ano'ng gusto mong gawin ngayon?"
"Punta tayo ng bar." Malakas ang loob na pahayag niya.
"Maglalasing ka na naman?" Samantala, hindi pa man ay tila pinagagalitan na siya nito.
"Para iinom lang naman ng ilang bote, maglalasing na?"
"Para sa mga hindi sanay sa alak, paglalasing na ang tawag do'n."
"Ang judgemental mo rin eh, `no?"
"Ayo'ko lang na sinisira mo `yang atay mo para sa ex mo. Alayan mo naman ako ng malusog na katawan, Aping. Para magsama naman tayo nang matagal kapag nagkatuluyan na tayong dalawa."
"Akala ko ba paminsan-minsang pagdiga lang ang gagawin mo? Ba't nakailang birada ka na yata sa'kin sa araw na `to?" Pagsupalpal niya rito. But deep inside, alam ni Abigail na kinikilig siya sa mga hirit ni David sa kanya.
"Aba, hindi piso `yung ticket papunta rito, `no? Aaksayahin ko pa ba ang pagkakataon?" Panggagaya nito sa sinabi niya rito kanina. Hindi tuloy napigilan ni Abigail ang matawa. Kapagkuwa'y nakiusap ulit siya rito.
"Sige na, please… Ibigay mo na lang sa'kin `tong gabing `to, pwede?"
Nag-isip si David nang ilang sandali. "Fine, but in one condition." Anito maya-maya. Pero na-excite na si Abigail dahil napapayag niya ito. Siguro naman ay hindi gaanong mahirap ang hihinging kondisyon ni David.
Ayaw lang naman kasi talaga niyang muling mapag-isa sa kwarto niya. Tiyak kasi na mapapaiyak na naman siya sa pag-alala kay Francis. Aba, hindi rin kaya biro ang umiyak nang umiyak. Namumugto ang mga mata niya. Nahihirapan pa siyang huminga. Kaya mas mabuting nakainom siya pag-uwi para hindi siya magtagal kaka-iyak dahil tiyak na hahatakin na agad siya ng antok.
"'Pag ikaw nalasing, do'n kita i-uuwi sa kwarto ko imbes na sa'yo." Seryoso ang mukhang sabi nito sa mababang boses. Nanlaki ang mga mata ni Abigail. "So, you better be responsible of yourself. Okay?"
"Hoy! I'm not an easy lay, `no! Baka akala mo." Bwelta niya nang mahimasmasan na.
"Then prove it."
"Oo na sabi! Hindi naman talaga ako maglalasing eh. Ilang shots lang. Promise kaya ko pang maglakad pag-uwi natin."
Nagkibit-balikat ito. "Okay. Sabi mo iyan."
Pagkatapos nilang magbayad ng bill sa restaurant ay umalis na sila. Ayaw ni Abigail na sa mismong bar ng hotel uminom kaya napagkasunduan nilang maglakad-lakad na lang sa labas. Tutal ay busog sila. Marami naman kasing bars sa Siargao. Halos sa lahat ng labasan ng mga inns at hotels ay talagang may iilang bars na magkakatabi. Ilang metro lang ang layo ng mga ito sa isa't-isa.
Napalingon si Abigail kay David nang hawakan siya nito sa braso para ilipat sa may safe side ng kalsada habang naglalakad sila. Mapait siyang ngumiti.
"Alam mo, ganyan din si Francis sa'kin noon. Palagi niya akong nilalagay sa may safe side ng kalsada kapag naglalakad kami." Kwento niya rito. Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy lang siya.
"He always took care of me. No'ng magkasakit ako dahil sa ilang araw na pag-o-overtime sa call center, siya ang pumilit sa'king magpa-check-up sa ospital. Matigas kasi ang ulo ko. Ayo'kong gumastos kaya ayo'kong magpa-check-up. Hindi siya pumayag. He even paid for the bill just so I could be treated. Pero dahil matigas talaga ang ulo ko, napilit ko siyang huwag na akong ipa-admit. Kaya habang hinihintay namin `yung lab test results ko, nakasandal lang ako sa balikat niya kasi nilalagnat ako dahil sa ubo." She paused for a while. Parang may bumikig na naman kasi sa kanyang lalamunan dahil sa mga alaala.
"Dito na lang tayo." Ani David nang nasa harap na sila ng isang bar. Nauuna itong maglakad sa kanya pero dahil hawak pa rin nito ang braso niya ay para siya nitong kinakaladkad.
'Ano'ng nangyari do'n? Ba't parang nawala yata sa mood?' Nagtatakang napatingin na lang si Abigail sa malapad nitong likod.
Step Number Six: Huwag pigilan ang sariling alalahanin ang memories n'yo ni ex. Hanggang sa marating mo ang point na hindi ka na nalulungkot kapag naaalala ang mga iyon. Hanggang sa dumating ang point na mapapangiti ka na lang.
'Eight years na ang lumipas Abby. Sobrang delayed na nang pagdating ng point na iyon sa buhay mo. Baka kasi nagkamali ka lang talaga nang pag-process niyan noon. That's why you really have to do it right this time. Stick with your goal!'