"I REALLY had f-fun tonight, Dambo. Thank you…" Namumungay na ang mga matang ani Abigail kay David nang inihatid na siya nito sa hotel room niya. Hindi siya basta inaantok lang. Pati dila niya ay hindi na rin diretso at mabagal nang magsalita.
"Ako rin naman. Sobra akong nag-enjoy. Kahit pagsama-samahin ko pa ang lahat ng naging dates ko with my three exes, lamang pa rin ang saya ko sa date nating `to."
"Teka… Date na ba natin `to?" Nagkaroon ng gitla ang kanyang noo. Pinilit din niyang palakihin ang mga matang namumungay.
"Hindi pa ba?" Animo naa-amuse namang balik-tanong ni David sa kanya.
"You didn't ask me for a date yet!" Malakas ang boses na hiyaw at ikinumpas ang mga kamay na pag-a-alburoto ni Abigail.
Mabilis namang tinakpan ni David ang kanyang bibig. "Sshhh… Magigising mo ang mga tao sa kapasawayan mong iyan eh."
"Ikaw kasi… H-hindi pa `to date, okay? You should f-formally ask me out first, para masabi mong date `to."
Bahagyang tumawa si David na ikinasingkit ng mga mata ni Abigail. "Pinagtatawanan mo ba ako, ha…?" Parang gusto nang bumigay ng mga mata ni Abigail pero pinipilit niya talagang imulat ang mga iyon para tingnan nang maigi ang bawat ekspresyon sa mukha ni David.
"Ang cute mo kasing malasing. Halika na nga sa kwarto mo." Ito na nga ang nagbukas niyon atsaka inalalayan siyang pumasok hanggang sa maideposito siya nito sa kama.
"Hindi pa tayo tapos sa truth or dare natin kanina, 'di ba…?"
"Aping, lasing ka na. Sige na, magpahinga ka na." Anito matapos ayusin ang pagkaka-kumot sa kanya.
"Sandali!" Inabot ni Abigail ang isang braso ni David nang aktong aalis na ito. "May tanong pa `ko sa'yo eh..."
"Teka, turn ko pa dapat, 'di ba?" Nangingiting balik-tanong nito sa kanya.
"Paki ko pa ba sa turn-turn na iyan! Basta sagutin mo'ng tanong ko!" Pumikit muna si Abigail saglit dahil umikot ang paningin niya. Ang late naman yatang umepekto ng alak na iyon sa kanya? Late pero isahang dagok naman. Simula nang magsayaw sila, naramdaman na niya ang pagkahilo. Lalo na ngayon. Tama nga ang sinabi ni David na mararamdaman niya lang ang pagkalasing kapag kikilos na siya.
"Hindi ba dapat…sa ganitong mga pagkakataon kayong mga lalaki magkaro'n ng lakas ng loob na mangahas…?"
"I'm not that kind of man, Abby."
Nang tingnang mabuti ni Abigail ang mukha ni David ay napagtanto niyang seryoso ito. Napahagikgik siya. "So… Wala kang b-balak na gawan ako ng k-kapangahasan…?"
"Not even a bit." Pinitik nito nang mahina ang ilong niya pagkasabi niyon. "Lasing na lasing ka na nga talaga kasi kung anu-ano na'ng pinagsasabi mo diyan. Sige na, sleep well sweetheart." Hinagkan siya nito sa noo kapagkuwan. Pero bago pa man ito makalayo sa kanya ay sinapo ni Abigail ang mukha nito at siya na ang nagkusang halikan ang mga labi ni David.
Abigail is drunk, okay. But she still knows how his lips feel against hers. Hindi yata applicable sa kanya ang sinasabi ng iba na kapag nalasing ay makakalimutan ang ginawa. Because she's certain that she won't forget about this even up to tomorrow. She's fully aware of what she's doing. Ang nawala lang naman sa kanya ay ang inhibition.
"Abby…stop." Itinigil ni David ang halik. And Abigail was frustrated because of it.
"Bakit ba ang m-maginoo mo…kung kelan gusto ko nang huwag kang magpakamaginoo?" Reklamo pa niya. Natawa ito sa kanya.
"Dahil ako na lang ang nasa tamang huwisyo sa'ting dalawa? At gusto kong pasalamatan mo'ko bukas, for being a good boy."
"K-kahit gusto kitang murahin ngayon…for being a good boy?"
Napahalakhak na si David. "Yes, sweetie." Tugon nito maya-maya.
Napaungol si Abigail sa biglang pagsigid ng kirot sa kanyang ulo. "Shit namang rum coke iyon, o... Hindi na nga masakit ang puso ko ngayon, pero ulo ko naman ang pumalit." Aniyang tumihaya na nang pagkakahiga. Parang ang bigat-bigat kasi ng pakiramdam ng ulo niya.
"Come here." Imbes na iwan na siya roon ay umayos ng pwesto si David sa kama atsaka iniunan ang ulo niya sa hita nito. Pagkaraan ay hinilot nito ang kanyang sentido. "Matulog ka na habang hinihilot kita. Sweet dreams, sweetheart."
"Hmm… Sarap…" Nagawa pang sumagot ni Abigail habang ninanamnam ang masarap na paghilot nito sa kanyang ulo. Hindi na niya namalayan kung kailan siya nakatulog.
KUMILOS si Abigail para mas ilapit sa kanyang katawan ang matigas na unang yakap-yakap niya. Pero dahil hindi niya iyon maigalaw ay siya na lang ang umusog palapit dito. Nang matigilan siya.
Matigas na unan? Meron bang ganoon?
Dinama niya ang "unan" sa kanyang mga palad. Hindi talaga iyon malambot. At sobrang lapad pa… Nang paglandasin niya ang isang kamay sa "unang" iyon ay napamulagat ang kanyang mga mata sa isang reyalisasyon. Hindi iyon unan!
Ang nasa harap ng nakamulagat niyang mga mata ngayon ay isang malapad na dibdib. Itinulak niya ito saka siya napakurap-kurap ng mga mata. Si David?
Samantala, dahan-dahan naman itong nagmulat ng tingin. "Hmm… Good morning, pretty." Anito habang kinukusot-kusot ang mga mata.
"Ano'ng ginagawa mo rito sa kwarto ko?! Teka…" Inilibot ni Abigail ang kanyang tingin sa paligid. Naalala kasi niya ang sinabi nito kagabi na kung malalasing siya ay sa kwarto nito siya dadalhin pauwi imbes na sa kanya. Pero nasa kwarto niya naman sila. Kaya bakit niya ito kasama roon? Ibinalik ni Abigail ang mapanuring tingin sa katabi. Tila naa-amuse naman ito sa kanya.
"Don't tell me, nakalimutan mo na ang mga ginawa natin kagabi?" Panunukso pa talaga nito sa kanya.
Pinilit ni Abigail alalahanin ang mga nangyari kagabi bago siya nakatulog. Ang hirap nga lang mag-concentrate dahil ramdam niya sa likod ng ulo niya ang matipuno nitong braso. Iyon pala ang ginawa niyang unan. Ganoon ba ang posisyon nila nang natulog sila? Magkayakap at nakaunan siya sa braso nito. That was so…intimate.
Hindi naman na virgin si Abigail dahil nakuha na ni Francis ang kanyang virginity, pero natotorete pa rin talaga siya sa kaalamang magkatabi silang natulog ni David sa iisang kama at magkayakap pa!
Sumakit ang ulo ni Abigail sa kinasuungan niyang sitwasyon. Ano'ng klaseng kalokohan ba ang mga pinaggagawa niya kagabi?
Hindi nagtagal ay isa-isa namang nagsibalikan sa alaala niya ang mga nangyari. Nag-inuman sila nito sa bar. Naglaro ng halos kapareho sa truth and dare game. Hinalikan niya ito! Napakurap-kurap na naman si Abigail sa reyalisasyong iyon. Sunod niyang naalala ang pakikipagsayaw nito sa ibang babae bilang dare. At kasunod naman niyon ang pagsasayaw nilang dalawa ng slow-dance kahit upbeat ang music sa bar. Pag-uwi ay inihatid siya nito sa kwarto at nang paalis na dapat ito ay bigla niya itong hinalikan. Na naman?
Mulagat ang mga mata ni Abigail sa mga naalala. Ano'ng klaseng espiritu ba ang sumapi sa kanya kagabi at hinalikan niya ito ng dalawang beses? Teka… Dalawang beses nga lang ba talaga? O baka naman may hindi pa siya naaalala? Sa naisip ay hindi siya mapakali. Napakagat-labi siya atsaka tiningnang muli ang katabi nang nanlalaki niyang mga mata. Ngingisi-ngisi naman ito habang nakamasid sa kanya na tila tuwang-tuwa sa mga reaksiyong lumalabas sa kanyang mukha.
Kumirot ulit ang ulo ni Abigail at kasabay niyon ay naalala niyang sumakit din ang ulo niya kagabi kaya hinilot iyon ni David hanggang sa nakatulog na siya. So…wala naman palang nangyari sa kanila. Napahugot siya nang malalim na hininga sa tuwa sa kaalamang hindi naman pala full-blown ang kagagahan niya kagabi. At least hanggang halik lang sila at magkatabi sa pagtulog. Hindi naman pala niya ibinigay ang sarili rito. Nang bumalik sa alaala niya ang sinabi nito.
["Dahil ako na lang ang nasa tamang huwisyo sa'ting dalawa? At gusto kong pasalamatan mo'ko bukas, for being a good boy."]
["K-kahit gusto kitang murahin ngayon…for being a good boy?"]
["Yes, sweetie."]
Napapikit nang mariin si Abigail dahil sa naramdamang hiya. At muntikan na pala talaga niyang ibigay ang sarili rito. Dangan lamang at nagpakamaginoo ito kaya buo pa rin ang kanyang dignidad nang mga sandaling ito.
"Naaalala mo na ba lahat?" Mapanuksong tanong ni David sa kanya maya-maya.
Kagat-labing tumango si Abigail. "T-thank you…"
Lumapad ang pagkakangiti nito. "For what?"
Napairap siya rito. "Talagang gusto mo pang ipamukha sa'kin eh, `no?" Nakabusangot na ani Abigail. Natawa naman si David. For a while, Abigail's heart skipped a beat. Ang gwapo kasi nitong tingnan nang tumawa ito. Lalo't may sinag ng araw na tumagos sa gilid ng mukha nito habang nakatagilid ito nang pagkakahiga paharap sa kanya. There were stubbles starting to appear on his jawline. At kahit hindi pa ito naliligo, he still managed to look so fresh.
"Ano na, Aping? Hindi ka na nakapagsalita diyan. Sobrang gwapo ba?" Panunukso pa nito. Kumikislap ang mga mata nito nang mga sandaling iyon na tila ba ang saya-saya nito. Tuloy ay napalunok si Abigail. Parang habang tumatagal na nakakasama niya ito ay mas gumugwapo ito sa paningin niya, kahit hindi ang ganoong itsura ang tipo niya. Nagtagumpay na ba itong makuha ang atensiyon niya?
Sa naisip ay napagtanto ni Abigail na unang umaga nga pala iyon na gumising siyang hindi si Francis ang nasa isip niya. At ngayong naalala naman niya si Francis ay tila wala na siyang sakit na nararamdaman sa puso niya. Naghilom na ba nang tuluyan ang puso niya mula sa mga mapait na alaala ng nakaraan? If yes, is it because of this man beside her looking at her intently as if she's the most beautiful woman in the world?
Napangiti nang matamis si Abigail maya-maya atsaka sinapo niya ang pisngi ni David. "Thank you for being a gentleman last night. Kahit pa tinukso kita. I want you to know that I really appreciate it."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni David pagkasabi niya niyon. Kapagkuwan ay ginagap nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito at hinagkan iyon. "Anything for you, sweetheart."
"Sweetheart?" Nakataas ang isang kilay na aniya.
"Ayaw mo? Ano ba'ng gusto mong tawagan natin? Mas gusto mo bang Aping ang tawag ko sa'yo? Parati naman iyan eh. Pero dapat meron din tayong endearment bukod sa pet name natin sa isa't-isa."
Natawa na si Abigail sa pinagsasabi nito. "Ang dami mo nang sinabi. Hoy, wala pa namang "tayo", `no? Kaya huwag mo munang poproblemahin iyang mga endearment-endearment na iyan. Bumangon na nga tayo't nang makapamasyal na. Sayang ang araw." Bumangon na nga si Abigail pero hinatak naman siyang muli ni David kaya napatukod tuloy ang mga kamay niya sa matigas at malapad nitong dibdib. Nanlalaki ang mga matang nakatunghay lang siya rito dahil sa pagkagulat. Samantala, puno naman ng kapilyuhan ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Behaved ako kagabi kasi nakainom ka. Ngayon, hindi na." Anito saka mabilis na sinakop ang kanyang mga labing bahagyang nakaawang dahil sa pagkagulat. Kusa namang pumikit ang mga mata ni Abigail nang maramdaman ang mga labi nito sa kanya. She instantly responded to his kisses as if it's the most normal thing to do.
Iniyakap ni David ang mga braso sa kanyang baywang. Umakyat naman ang mga kamay ni Abigail mula sa dibdib nito papunta sa malapad nitong balikat.
"Hmm… I think this will be a very good morning." Sabi pa ni David nang maghiwalay ang kanilang mga labi para maghabol ng hininga.
Napangiti naman nang matamis si Abigail. She could only agree to what he said. Anyway, there's no use in denying that she's really attracted to him. Sa tingin nga niya ay dahan-dahan nang nahuhulog ang loob niya rito at hindi na lang basta attraction ang nararamdaman niya kay David. Hindi naman iyon kataka-taka dahil naging napakabuti nito sa kanya.
But, Abigail knows that she still needs to keep things slow between them. Gusto niyang masigurong kung nahuhulog man ang loob niya rito ay hindi ito basta-basta magiging rebound lang. She needs to assess her feelings for Francis as well. At gagawin niya talaga iyon kapag nakauwi na sila mula sa kanilang Siargao escapade. For now…i-e-enjoy na muna niya ang mga sandaling kapiling ito.
Bumalik na si David sa kwarto nito para maligo. Ganoon din ang ginawa ni Abigail. Pagkatapos nilang mag-agahan sa hotel ay napagkasunduan nilang bumalik sa Cloud Nine. Pinagbigyan niya si David sa request nitong mag-surfing. Hindi nila iyon nagawa kahapon dahil mas feel niyang mag-emote. Ngayon, mas feel na niyang i-enjoy ang bakasyon grande nilang iyon.
Katatapos lang makipag-usap ni Abigail sa surf instructor niya nang mapanganga siya paglingon
niya kay David. Paano ay hinubad lang naman nito ang suot nitong tank-shirt na kanina pa niya pinagpapantasyahan. Sumisilip kasi ang gilid ng matipuno at malapad nitong dibdib sa tank-shirt nitong iyon. Tuloy ay gumagana ang imahinasyon niyang matagal na niyang hindi nagagamit. At ngayong hinubad na nito iyon ay talaga namang na-satisfy nito ang kanyang pagpapantasya kanina. Ayun nga at napanganga pa siya.
Indeed, his chest was so wide…and it looked solid hard. Natutukso tuloy si Abigail na haplusin iyon. Alam naman na niya ang pakiramdam niyon sa kanyang mga palad dahil sa nangyari sa pagitan nila kaninang umaga, pero iba syempre kung wala na itong saplot na suot. At ang tiyan nito…
Naalala niya noong ipinaikot nito ang kanyang mga kamay sa tiyan nito habang nagmo-motor sila. Tama pala talaga ang sapantaha niya noong wala itong bilbil sa tiyan. Abs ang nandoon, hindi fats. At parang gustong paraanan ng mga daliri ni Abigail ang bawat linyang naroon na umuukit sa pa-pandesal nito.
And his arms… They looked so strong, na para bang kayang-kaya siya nitong kargahin anumang oras. He really looked devastatingly hot. Indeed, this guy is the complete definition of a hunk!
Nagulat na lang si Abigail nang nasa harapan na pala niya ito, hinawakan ang kanyang baba at isinara ang nakanganga niyang bibig.
"I know I look fine. Hindi mo na kailangan pang ngumanga diyan." Biro nito.
Nag-init ang mga pisngi ni Abigail sa pagkapahiya dahil nahuli siya nitong pinagpapantasyahan ito. Pero walang balak si Abigail na basta na lang magpa-alaska rito. Hinubad na rin niya ang suot na black see-through lace cover-up swimwear. Tanging ang suot na black two-piece na lang ang natira. At parang gustong pumalakpak ng mga tenga ni Abigail nang makita ang tila pagluwa ng mga mata ni David habang nakatingin ito sa kanya.
Lumapit siya rito at sinapo ang pisngi nito sabay bulong sa may tenga, "Your eyes are about to fall, sweetheart. Make sure to catch them, okay?" She said in a very sexy voice then she ramped towards the sea with her surfboard.
'Ako ang nagwagi!' Naliligayahang hiyaw ni Abigail sa loob-loob niya habang may napakalapad na ngiti sa kanyang mga labi.