ABIGAIL and David were really having a good time. Nagpapalipas na lang sila ng kabusugan sa barbeque house na pinuntahan nang mapansin ni Abigail ang pagtunog ng kanyang cellphone. Si Francis pala iyon.
Nag-chat ito sa kanya para magtanong kung nasaan siya na ipinagtaka pa niya pero hindi na lang niya gaanong pinansin. Matapos mabilis na sagutin ang chat nito ay itinuon ulit niya ang buong atensiyon kay David na panay pa rin ang pagjo-joke ng kung anu-ano.
"Na-miss ko `to." Ani David sa kanya maya-maya. May ngiti sa mga labi nito.
"Ako rin naman." Pag-amin ni Abigail.
Pagkaraan ay pinakatitigan siya nito na naging dahilan nang paglilipad ng mga imaginary butterflies sa kanyang sikmura.
"Tell me honestly, I won't be able to see you kung hindi nagkataong nasa iisang restaurant tayo kanina, 'di ba?"
Natigilan si Abigail sa tanong nitong iyon. Napahugot siya nang malalim na hininga. "You're right." Tipid niyang sagot kapagkuwan.
Mapait naman itong ngumiti saka yumuko. "Ang swerte ko pala talaga. The destiny's on my side."
"Ayo'ko lang kasing masaktan ka, Dambo. You're such a good man. You deserve to be loved by someone who can give her heart to you completely."
"At hindi ikaw iyon? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" May bahid ng pait sa mga matang tanong nito.
"Hindi naman sa—"
"Abby?"
Gulat na napalingon si Abigail sa tumawag sa kanyang pangalan. At hindi nga siya nagkamali. Si Francis ang tumawag sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Francis?" Nagtatakang tanong ni Abigail. Hindi kasi talaga niya inasahang makita ito roon. Okay, she told him where she was earlier when he asked her through chat. Pero malay ba niyang pupuntahan siya nito roon? Atsaka, hindi ba't magkasama ito at ang girlfriend nito kanina? Ano't nandito ito ngayon sa kinaroroonan nila?
"Can we talk?"
Tumayo si Abigail para lapitan ito. "Ngayon na talaga?"
"Pare, masyado na yatang gabi para sa usapang iyan. Isa pa, magkasama kami ni Abigail. Baka naman pwedeng sa susunod na lang—"
"Stay out of this, will you?!"
Nagulat si Abigail sa itinurang iyon ni Francis. Hindi naman kasi ganoon ang pagkakakilala niya rito. He's not the type to shout at someone.
"Francis, nakainom ka ba?" Tanong niya nang may naamoy siyang alak mula rito. Hinawakan na rin niya nang mariin ang braso ni David para kalmahin ito.
"Oo pero hindi naman ako lasing, okay? Alam mo namang hindi ako naglalasing na tao. I just really had to drink a few cans of beer. Maliwanag na maliwanag pa rin naman ang isip ko. And I really need to talk to you."
"Makikipag-usap ka sa kanya nang nakainom ka? Do you really think na hahayaan kitang—"
Nilingon ni Abigail si David nang may pagsusumamo sa kanyang mga mata. "I'll be fine, David… Hayaan mo na lang kaming makapag-usap. I also really need this. And you of all people know that, right?"
May hinanakit sa mga mata ni David bago sila nito iniwan doon. Gusto itong habulin ni Abigail para sabihing magiging okay din ang lahat. That she just really need to talk to Francis, nang sa ganoon ay magkaroon na sila nang maayos na closure na ipinagkait nila sa isa't-isa noon. Na matapos lang niyang harapin ang kanyang nakaraan kasama si Francis ay malaya na niyang maibibigay nang buong-buo ang kanyang puso rito. But David already left. Sobra yata talaga itong nasaktan sa pag-aakalang mas pinili niya ang ex niya kesa rito kaya sa isang iglap ay wala na ito sa kanyang paningin.
Final Step: Harapin si ex habang may chance dahil hindi lahat ay nabibigyan nang ganitong pagkakataon.
'I'm one lucky girl because after eight years, I'm still able to find closure from my past. Akala ko ay sa chat na lang kami makakapag-usap o hindi kaya ay sa telepono. Then came this opportunity to talk to him face-to-face. No, I'm not just lucky. I'm super blessed.'
"Ano ba'ng gusto mong pag-usapan natin at talagang hindi na makapaghihintay?" Pagbubukas ni Abigail ng usapan nila ni Francis nang pareho na silang nakaupo. Nandoon sila sa mesang inukopa nina David kanina. Um-order si Abigail ng softdrinks para rito.
"Nag-away kasi kami ni Liza kanina."
"And what does that have to do with me?"
"She thinks that I'm still in-love with you."
Natigilan si Abigail sa sinabi nito. Ilang sandali rin muna ang lumipas bago siya nakapagsalitang muli. "Ano nama'ng sinabi mo sa kanya?"
"Hindi ako nakasagot agad kaya nagalit siya nang sobra. Sabi niya, kaya raw hindi ako makasagot agad ay dahil hindi pa ako nakasisiguro kung talaga ngang wala na akong nararamdaman para sa'yo."
Hindi napaghandaan ni Abigail ang ganoong bagay. Tuloy ay nahihirapan siyang maghanap ng tamang sasabihin. "I… I don't know what to say."
"Don't worry, I understand. Ako man ay nagulat din kanina. Hindi ko rin inasahan na gano'n ang magiging reaksiyon ko when I finally saw you again…in person."
"But you do love Liza, right?"
"Oo naman!" Mabilis nitong sagot na ikinagaan ng loob ni Abigail. "Maybe I was just…caught off guard? Eight years din naman kasi ang lumipas bago tayo nagkitang muli in person. And you…didn't seem real at first. Parang ang surreal sa pakiramdam na makita ka ulit. Na marinig `yung boses mo. Then memories started flooding in. Kaya para akong nawala sa sarili ko saglit. But I really love Liza. Naisip ko lang, siguro mas mabuting magkausap na rin tayo once and for all. Hindi naman kasi talaga tayo nagkaroon nang maayos na closure noon, 'di ba? Maybe this is our chance."
Napangiti na si Abigail dito. "Thank you for giving us this chance to finally close that chapter in our lives. Hindi mo lang alam, but I also really needed this." Ikinuwento ni Abigail ang pinagdaanan niya nitong mga nakaraang linggo simula nang malaman niyang nagka-girlfriend na ito. Inilabas na rin niya rito ang lahat ng sama ng loob niya rito noon. Ganoon din naman ang ginawa nito. Hanggang sa maya-maya ay nagtatawanan na lang silang dalawa.
"This really feels great." Ani Abigail maya-maya.
"I know, right?" Magaan na ang rehistro ng mukhang tugon ni Francis sa kanya. "We should've done this way before. Pinalipas pa talaga natin ang walong taon." Napapailing na dagdag pa nito.
Now, Abigail can finally say that she's completely moved-on from her ex. Wala ng sakit, Wala ng pait. She can now honestly pray for Francis and his new girlfriend's happiness together. And at last, she can finally face David with confidence that she won't make him just her rebound.
PARANG wala sa sarili si David nang pumasok siya sa isa sa branches ng kanyang fitness center kung saan sila unang nagkita ni Abigail. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan niya ang ginawang pagpili ni Abigail sa ex nito kesa sa kanya. He thought that there was already something going on between the two of them. Kaya talagang nasaktan siya sa ginawa nito.
He understands that she needed closure from her ex, pero kailangan ba talagang sa gabing iyon? Na nakainom ang ex nito? Ganoon ba talaga nito pinagkakatiwalaan ang ex nitong iyon? At wala ba talaga siyang karapatang mag-alala para rito? Na pangalagaan ito at siguruhin ang kaligtasan nito?
He felt so useless that night. And he feels the same until now. Mabuti pa ngang hindi na lang siya pumasok sa trabaho. Wala rin namang kwenta ang presensiya niya roon ngayon dahil lumulutang ang isipan niya.
"Excuse me? Can you help me, please?"
Pumikit-pikit si David nang ilang beses pagkarinig sa boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Boses iyon ni Abigail! O nananaginip lang ba siya?
"If you're not busy Sir, magpapatulong sana ako." Ulit ng babaeng nagsalita mula sa kanyang likuran. Nilingon na ito ni David at kulang na lang ay lumundag mula sa kanyang rib cage ang kanyang puso pagkakita sa mala-anghel na mukha ni Abigail. At talagang ngumiti pa ito sa kanya. May plano yata talaga ang babaeng ito na sirain ang bait niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" He tried to act calm. Kahit ang totoo ay gustong-gusto na niya itong yakapin at suotan ng handcuff nang sa ganoon ay hindi na ito makawala pa sa kanya.
"Mag-i-exercise. Ano pa nga ba? Gym `to, 'di ba?" Pilyang sagot nito. Natutukso tuloy siyang selyuhan nang mapagparusang halik ang mga labi nito.
"Look Aping, I'm not in the mood to play games with you. Okay?"
"O, akala ko ba tutulungan mo'kong makapag-move-on sa ex ko? Ano na'ng nangyari sa promise mong iyon?"
Naihilamos ni David ang mga kamay sa kanyang mukha. "Ang sabi ko, tutulungan kitang makapag-move-on. Hindi ang makipagbalikan ka sa ex mo!"
Tumaas ang dalawang kilay nito pero nandoon pa rin ang pilyang pagkakangiti. "Sino nama'ng may-sabing nakipagbalikan ako sa ex ko?"
"You just chose him over me that night, remember? Nagka-amnesia ka ba? Kasi ako, alalang-alala ko pa rin `yung mukha mong kulang na lang eh maluha para pagbigyan kitang magkaroon ng moment kasama ang ex mong iyon. Yes, I promised to help you move-on from him, sa abot nang makakaya ako, Aping. Pero ngayon, I should tell you honestly that I can't bear to face you again, kung sasabihin mo sa'king nagkabalikan kayong dalawa. Because that would really crush my heart into pieces—"
"Bakit naman?"
"Because I love you!" Hindi na napigilang paghiyaw ni David. Inuubos na kasi talaga ni Abigail ang katinuan niya. Ang ikinaiinis niya ay nagagawa pa talaga nitong ngumiti nang ganoon ka-tamis. Hindi man lang ba ito naaawa sa kanya?
"Seriously? Pagtatawanan mo lang talaga a—" Hindi na naituloy pa ni David ang sasabihin dahil sa hindi niya malamang dahilan ay nakalapat na ngayon ang malambot na mga labi ni Abigail sa kanyang mga labing kay tagal na ring nanabik dito.
Maya-maya ay kusa na ring pumikit ang kanyang mga mata. Then he enveloped her in his arms. Kung hinalikan lang siya nito para makasiguro kung ang ex pa rin ba talaga nito ang mahal nito, then he'd make sure to kiss her right and make her realize that it's him whom she should choose.
He's not letting her go. Not when he's already addicted to her kisses and the softness of her body when she's in his arms. Not this time when he realized how he can't live without her in his life. Not—
"I love you too."
Natigilan si David sa isiniwalat ni Abigail matapos nitong biglang lumayo sa kanya at putulin ang matamis nilang halik. Did she just say that she loves him?
"Hoy, Dambuhala. Sabi ko, mahal din kita."
Kumurap-kurap si David at pagkatapos ay itinuro niya ang sarili. "Me? Mahal mo'ko? Hindi `yung ex mo?"
NATATAWANG tumango-tango si Abigail. Ang cute-cute kasi ng itsura ni David ngayon. Para itong bata na hindi makapaniwala sa regalong natanggap. Ito na talaga ang baby damulag ng buhay niya.
"Oo, ikaw." Itinutok ni Abigail ang hintuturo sa tapat ng dibdib nito. "Sa Siargao pa lang naman, ramdam ko nang may espesyal ka ng bahagi dito sa puso ko. Hindi ko lang agad maamin sa'yo kasi gusto kong makasiguro. I didn't want you to be my rebound. Masyado kang espesyal para maging rebound lang. Kaya ginusto ko munang harapin `yung past ko, para maibigay ko nang buo ang puso ko sa'yo. Because you deserve nothing but the best, Dambo. I want you to feel the love that you were dreaming of. `Yung buo. `Yung tunay. `Yung malalim. At higit sa lahat, `yung galing sa'kin." Ngumiti si Abigail nang pagkatamis-tamis pagkabitaw sa huling mga salitang iyon. At hindi naman siya nabigong mapangiti si David.
Niyakap siya nito nang pagkahigpit-higpit kapagkuwan. Maya-maya ay naramdaman na lang niya ang pag-angat ng kanyang mga paa mula sa sahig. Iyon pala ay iniangat siya nito at ipinaikot-ikot. Nagpalakpakan tuloy ang mga taong nandoon sa gym na nanunuod na pala sa kanila.
"I want you to just love me the way you can, Aping. Hindi `yung pagmamahal na hinanap ko noon sa iba. Because I know that I will surely love the way you love me. Kahit ano'ng paraan pa iyan. Thank you for finally moving-on from your past and letting me in your present…"
"No… Thank you for being my present and helping me deal with my past." Pagtatama ni Abigail dito.
They smiled at each other with their eyes beaming with love and joy. Then they sealed it with a kiss once more.
Love may come unexpectedly. It can come when you think you're still not ready. It may disguise itself as just a distraction. But in the end, it's your heart that will tell you that it's already love after all and not just a shallow affection.
***The End***