Chereads / The Tenses Of Love / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

NANG maging komportable na sa pagsu-surf si Abigail ay hindi na siya masyadong binantayan ng instructor. Si David na lang ang nakatutok sa kanya.

Ang saya-saya ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. She felt so free as she surfed with the waves. Free from the pain that she felt when she knew about her ex finally getting into a new relationship. Free from all the troubles of life. And she felt secured and protected. Pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya dahil binabantayan siya ni David.

"This is life!" Hiyaw pa niya nang makaahon na sila. Itinigil na nila ang pagsu-surf dahil mas lumalaki na ang mga alon.

"Did you enjoy the experience?" May malapad ding ngiti sa mga labing tanong ni David sa kanya habang naglalakad sila papunta sa pag-iiwanan nila nang nirentahang surfboards.

"Sobra!"

"Glad that you did." Kinuha nito ang surfboard sa kanya at ito na ang nagsauli niyon. Kapagkuwan ay inabot nito ang kamay niya at magkahawak-kamay silang naglakad palabas ng Cloud Nine. Samantala, pangiti-ngiti naman si Abigail habang pasulyap-sulyap siya sa magkahugpong nilang mga kamay. Di-hamak na mas malaki ang kamay nito sa kanya, but it still felt so right. Ganoon siguro talaga kapag umiibig. Everything seemed so right.

'Teka, umiibig?' Natigil sa paglalakad si Abigail. Nagtataka tuloy na lumingon si David sa kanya. Sinalubong naman niya ang nagtatanong nitong mga mata.

'Am I already in-love with this man?' Sa isip niya habang nakatingin sa mga mata ni David.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong nito.

'Ang bilis naman yata? Parang kailan lang naghihinanakit pa ako nang dahil kay Francis. Pagkatapos ngayon, in-love na ako kay David? Pwede bang mangyari ang gano'n?'

"Hey… What's the matter?" Hinawakan siya nito sa balikat. May pag-aalala sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. At parang hinaplos ng mga matang iyon ang puso ni Abigail.

'Oh my, I think I really am already in-love with him.' Pag-amin niya maya-maya.

Step Number Ten: Kainin ang step number five. Dahil hindi ko nagawang pigilan ang sarili kong pagsabayin ang pagmo-move-on sa muling pagtibok ng lukaret kong puso. Maybe love is indeed complicated. Or it's the human's heart that is way too complicated?

'Ah, ewan! Basta ititigil ko na `tong goal-goal na `to. From moving-on to falling-in-love real quick eh! Kaloka!'

Binigyan na lang ito ni Abigail nang nag-aalangang ngiti. "W-wala. May naisip lang ako. Tara na. Nagutom ako kaka-surf." Nauna nang maglakad si Abigail dito.

She made a mental note that she badly needs closure with Francis. Pag-uwi nila, kailangan niyang pag-isipang mabuti kung paano niya makukuha ang closure na iyon. She doesn't want to jump into a relationship with David not knowing if she was able to really move-on from her ex. Gusto niya, kung maging sila man ni David ay maliwanag na sa kanilang dalawa na talagang wala na si Francis sa buhay at sa puso niya.

She wants to earn David's trust. Importanteng-importante iyon sa isang relasyon. At hindi niya makukuha ang pagtitiwala nito kung hindi maging maliwanag dito na nakapag-move-on na talaga siya kay Francis. Alam na alam pa naman nito ang lahat nang pagdadramang ginawa niya nang dahil sa kanyang ex. Hindi malayong pagdudahan nito ang lalim ng nararamdaman niya rito pagdating ng panahon. Kaya habang maaga pa, habang wala pang "sila", kailangan na talagang ayusin ni Abigail ang iilang bahagi ng nakaraan niya. Kailangan na niya iyong isara…nang tuluyan.

PANGATLO at huling araw na nang pamamasyal nina David at Abigail sa Siargao nang araw na iyon dahil bukas na ang flight nila pauwi. Kaya naman talagang nilubos-lubos nila ang pamamasyal. Siniguro nilang mapuntahan ang ilang sikat na tourist spots ng Siargao katulad na lamang ng Magpupungko Rock Pools.

Kaya ganoon ang tawag doon ay dahil kapag low-tide ay nagkakaroon ng animo pool na gawa sa mga bato sa ilalim ng dagat kung saan pupwedeng mag-"pungko" sa bisaya o squat at mag-relax. Napakaganda ng mga kuha nilang pictures doon dahil sa transparent at blue-green na kulay ng tubig-dagat.

Sunod naman nilang pinuntahan ang Sugba Lagoon na napapalibutan ng napakagagandang bundok. Halos kapareho iyon ng scenery ng Palawan. Nag-rafting naman sila roon at nakailang dive din si David dahil may diving spot doon.

Pagkatapos sa Sugba Lagoon ay sa Tayangban Cave naman sila pumunta. Doon pinaka-nag-enjoy si Abigail. Natuwa kasi siya sa pagkapit-kapit nila sa mga bato ng cave na para silang si spiderman para lang makalabas sila sa kabilang lagusan. High-tide na noon kaya hindi nila nakikita ang mga batong kailangan nilang apakan. Minsan nga ay kinakailangan talaga nilang lumangoy saglit para maabot ang susunod na batong aapakan nila. It was so thrilling. Hindi adventurous na tipo ng tao si Abigail pero masasabi niyang talagang na-enjoy niya ang experience na iyon.

Or maybe because David was with her? And she knows that he won't let her trip or get harmed. Lagi itong nakaalalay sa kanya na para siyang prinsesa. Tuloy ay panay tuksuhan ang mga kasamahan nila sa tour na iyon sa kanilang dalawa. Kesyo ang tamis-tamis daw nilang tingnan na kulang na lang eh langgamin sila. She would only give them a shy smile as a response. Samantalang si David ay tatawa-tawa lang at tila proud na proud pa.

Marami pang tourist spots ang Siargao na hindi na nila napuntahan pa. Naubusan na kasi sila ng oras. Siguro kung nag-tour agad sila sa unang araw pa lang nila roon ay napuntahan siguro nila lahat. Kaya lang ay nag-drama pa kasi si Abigail ng unang dalawang araw nila roon kaya hanggang sa Cloud Nine at bars lang sila. Pero kahit ganoon, she still felt contented and very much satisfied.

Hindi na umaantak ang puso niya sa sakit. Hindi na siya nalulungkot kapag sumasagi sa isipan niya si Francis. Para bang ginamot na ng Siargao ang anumang sugat na nilikha ng pagkakaroon ng bagong lovelife ng kanyang ex ang puso niya. Or was it David who helped her heal?

'Ah! It must be David plus Siargao.' Hindi namalayan ni Abigail na may ngiti palang namutawi sa kanyang mga labi nang mga sandaling iyon.

"Care to share what made you smile that sweetly?" Pagkuha ni David ng atensiyon niya. Kasalukuyan silang nasa isang bar para sa huling gabi nila roon. Bukas ng tanghali ang flight nila pauwi.

"Masaya lang ako. I had so much fun today. No, actually I had so much fun here in Siargao. And that's thanks to you." May ngiti pa rin sa labing pahayag ni Abigail kay David saka inilibot niya ang paningin sa paligid kung saan kagaya nilang dalawa ay kita rin sa mga mata ng mga taong naroon na masayang-masaya ang mga ito. Hindi kagaya noong unang beses silang nag-bar na para silang alien ni David dahil tanging silang dalawa lamang ang itsurang malungkot at wala sa mood habang ang lahat ay game na game sa sayahan.

"I'm glad that you feel that way. So…handa ka na bang umuwi bukas at harapin ulit ang buhay?"

Nang balingang muli ni Abigail si David ay nakita niya sa mga mata nito ang tila pag-aalinlangan. Maya-maya ay yumuko ito at itinuon ang tingin sa baso ng alak habang iniikot-ikot iyon sa kamay nito.

Sumeryoso si Abigail. "I have no choice but to face the reality. Hindi naman pwedeng habang-buhay ko na lang takbuhan ang katotohanan, 'di ba? I'm just too grateful that I was able to at least let my heart rest here. This beautiful island helped me to breathe. It helped me feel the pain and at the same time to momentarily forget about it. Ang weird, `no?" Tumawa siya nang mahina. "But yeah, that's what happened to me here. At hindi lang ako sa islang `to nagpapasalamat. I also sincerely want to thank you." Sinalubong ni David ang mga mata ni Abigail nang mga sandaling iyon. And at that moment, when he looked doubtful of himself, she wanted to tell him that she's starting to feel something for him to ease his worries away. But Abigail knows better. She couldn't just make him hold on to something that's not certain. Hindi siya ganoon ka-unfair na tao.

"I really appreciate all the help that you graced upon me, David. You're such a nice person with a good heart. Hindi ko mararamdaman ang ganitong kapayapaan sa puso ko kung hindi dahil sa tulong mo. Thank you…"

Kahit tipid ang pagkakangiti ni David ay nandoon pa rin naman ang sinseridad sa mga mata nito. "What you just said sound like a goodbye to me. But, I'm still happy." Saglit itong tumigil at matiim lang siyang tiningnan. "I'm happy to know that I was able to help you in ways that I can. Tandaan mo lang na nasa paligid-ligid lang ako. If you need anything, don't hesitate to call me. Okay? It'll be my pleasure to be of help."

Tumayo si Abigail at lumipat sa katabing upuan ni David pagkatapos ay niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi naman nagtagal ay ipinulupot din nito ang mga kamay sa kanyang katawan para tugunin ang kanyang yakap.

Abigail wanted to whisper to his ears to wait for her to fully heal. She wanted to tell him that he's special to her. Na masiguro lang niyang naka-recover na talaga siya kay Francis ay babalikan niya ito at ibibigay na niya nang buo ang kanyang puso rito. Pero naduwag siya. The last time that she let her selfishness get in the way, she hurt the first man that she truly loved. At ayaw na niyang maulit iyon ngayon. She had learned her lesson the hard way. And she doesn't want to do the same mistake to this guy who has been nothing but good to her.

This time, paiiralin na ni Abigail ang kanyang maturity. A moment of frustration can't compare to a moment of joy once they will be able to stand the test of time. Kaya hindi niya ito bibigyan ng walang-kasiguruhang pangako. Instead, she will face everything head-on. Para pagdating ng panahon na makaharap niya ulit si David ay masiguro na niyang ito na lang talaga ang nasa puso niya. Wala ng bahid ng nakaraan. Wala ng bahid ni Francis. Ito at ito na lang.

PAGBALIK ni Abigail mula Siargao ay balik reyalidad na rin siya at kasama na roon ang itinambak sa kanyang trabaho ng mga ka-opisina.

"Abby, pwede bang ikaw na lang ang makipag-meet-up sa bago nating kliyente? Bigla kasi akong nagka-emergency sa isang on-going nating client eh. Mag-o-overlap ang schedule ng meeting ko sa kanilang dalawa. Anyway, hindi ka naman mahihirapan kasi ngayon pa lang niya ibibigay `yung details ng mga ini-expect nila from us. Atsaka, kakilala ko `to. Mabait naman si Ma'am. So, kayang-kaya mo na iyon. Tutal eh fresh na fresh ka from your en grandeng bakasyon! Ang ganda nang pagkaka-tan mo, gurl!" Nakapilantik ang daliring ani Ricah sa kanya. Ricardo ang tunay nitong pangalan, pero dahil bakla ay naging Ricah.

"Why do I have this feeling na ginagantihan n'yo `ko sa biglaan kong vacation leave, ha?" May pagdududang balik ni Abigail sa katrabahong kaibigan habang inaayos ang mga folders na itinambak sa kanya ng iba pa nilang kasamahan.

"Naku, hindi ah! Sino'ng may sabi niyan? Ba't naman kami maiinggit sa'yo kung ang gaganda ng mga pictures na in-upload mo sa bakasyon grande mong iyon? Ano namang pakialam namin sa nakapanglalaway mong kasamang fafa do'n? Ha, aber? Paki ba namin kung masyadong perfect ang mala-lovers shots n'yong dalawa?"

Napapailing na natawa na lang si Abigail sa pagiging sarkastiko ni Ricah.

"Pero kung hindi mo pa ititigil `yang pagngiti mo diyan na para bang kinikiliti ka no'ng kasama mong yummy na fafa sa Siargao, talagang sasabunutan na kitang bruha ka!" Pagbabanta ni Ricah sa kanya nang nakatikwas ang isang kilay.

"Pwede ba, Ricah? Tigilan mo nga ako sa kakatukso mo diyan. Wala kang makukuhang info sa'kin kahit pa buong-araw mo'kong tuksuhin. Maging masaya ka na lang sa mga pasalubong na ipinamigay ko sa inyo, okay?" Natatawang saway ni Abigail dito.

"Ano pa nga ba? Napaka-secretive mo talagang bruha ka. Palibhasa takot maagawan ng yummyng fafa." Nagmamaktol pang litanya nito habang pabalik sa inookupang cubicle.

Samantala, hindi naman maiwasan ni Abigail na lumipad ang isipan sa yummyng fafa na tinutukoy ni Ricah na walang iba kundi si David.

'Kumusta na kaya ang Dambuhalang iyon?' Sa isip ni Abigail. Pangalawang araw na ngayon mula nang makauwi sila mula sa Siargao. Dalawang araw pa lang ang lumipas pero nangangati na siyang kumustahin ito. Pinapaalalahanan lang ni Abigail ang sarili na kailangan muna niyang isara ang chapter ni Francis sa buhay niya bago niya muling haharapin si David. Maya-maya ay nagpakawala siya ng isang malalim na hininga atsaka muling hinarap ang nakatambak na trabaho.

Bago pa man mag-alas cinco ng hapon ay naghanda na si Abigail para sa meeting na ipinasa ni Ricah sa kanya. Sa The Griddle ang venue ng meeting nila. Gusto raw kasing subukan ng kliyente nila ang nasabing bagong bukas na restaurant na burgers and sandwiches ang specialties.

Ipinagkibit-balikat lamang iyon ni Abigail. Kahit na-weirdan siya na gustong sumubok ng kliyente nilang iyon sa isang bagong restaurant kasama ang hindi naman nito kakilalang tao, nagustuhan na rin niya ang suggestion nitong iyon dahil likas siyang mahilig sa burgers.

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Abigail nang pumasok sa naturang restaurant ang isang pamilyar na babae. Lumingon-lingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Pakiramdam ni Abigail ay tumigil sa pagtibok ang puso niya nang mga sandaling iyon. Para siyang pinangapusan ng hininga. Lalo na nang mapadako sa kanya ang tingin ng babae.

Tila natigilan din ito nang makita siya. Ilang sandali rin muna ang lumipas saka ito dahan-dahang lumapit sa mesang inokupa niya. Doon naman nagsimulang magrigodon ang puso ni Abigail.

'Oh no, this can't be… Huwag naman muna ngayon Lord, please.' Hindi kumukurap na panalangin ni Abigail sa loob-loob niya. Pero hindi siya pinagbigyan ng Panginoon dahil tumigil sa mismong harapan niya ang babae.