Chereads / The Tenses Of Love / Chapter 9 - Chapter Nine

Chapter 9 - Chapter Nine

"I NOTICED your ID sling. You must be Ricah's substitute for this meeting, right?" Bungad ng babaeng lumapit kay Abigail.

Agad namang tumayo si Abigail paglapit nito. "Yes. I'm Abigail." Iniangat niya ang isang kamay dito na agad naman nitong tinanggap.

"I'm Liza." Anitong nakikipag-handshake sa kanya.

"Please have a seat." Iminuwestra ni Abigail ang upuang nasa kanyang harapan. Pagkaupo ni Liza roon ay saka lamang din siya umupo ulit. Nailang siya nang ilang sandali siyang tinitigan ng babae saka ito ngumiti nang tila naa-amuse ito.

"I'm sorry, but I just really have to say this. You're Francis' ex, right?"

Napalunok si Abigail. Ilang sandali rin muna ang lumipas saka niya nagawang tumango bilang tugon sa tanong nitong iyon. "Yes, you're right. And you're his girlfriend, if I'm not mistaken?" Pinilit niyang magpaskil ng isang ngiti sa kanyang mga labi kahit pa ang awkward-awkward ng pakiramdam niya nang mga sandaling iyon.

"Yes. Ako nga."

"I hope this doesn't make you any less comfortable. Kasi kung hindi ka komportable, pwede naman nating i-reset ang meeting para si Ricah na talaga ang makaharap—"

"We don't need to do that." Agap nito sa kanya. "Past is past, right? Isa pa, I believe in Francis' feelings for me. I trust him. I don't need to doubt his sincerity even if you resurface back in his life." Matatag nitong sabi. Nakangiti si Liza pero ramdam na ramdam ni Abigail ang pagbabanta sa mga binitiwan nitong salita. Hindi tuloy niya alam kung naging obvious ba rito ang sandaling pagtalim nang pagkakatingin niya rito.

"That's great to hear. So, let's get down to business?" Kalmado pa ring ani Abigail kahit pa parang nagbabaga ang damdamin niya nang mga sandaling iyon.

"Sure!"

Fruitshake lang ang in-order ni Abigail dahil bigla siyang nawalan ng ganang tikman ang specialty ng restaurant. Ang ipinagtaka niya ay nang iyon lang din ang in-order ni Liza. Akala niya kaya nito piniling pumunta sa restaurant na iyon ay dahil gusto nitong subukan ang specialties doon. Pero ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Baka kagaya niya ay nawalan lang din ito ng gana nang malamang ex pala ng boyfriend nito ang makakaharap nito.

Naging abala na sila sa pag-uusap tungkol sa trabahong ipinapagawa ng department ng ospital na pinagtatrabahuan nito sa kanilang agency. Nang maging maliwanag na ang lahat ng detalye ay akmang tatayo na si Abigail para umalis pero pinigilan siya nito.

"When I saw you earlier, I thought pagsisisihan kong sa agency n'yo ako lumapit for this project. But you've been very professional and I really liked talking to you. So, why don't we enjoy this restaurant's food first? Bago tayo umalis."

Nagdalawang-isip si Abigail. Parang may nakikita kasi siyang kakaibang pagkislap sa mga mata nito. Bigla siyang kinabahan. "Hmm… I'd really love to. Kaya lang eh may imi-meet pa kasi akong—"

"Abby?"

Dahan-dahang napalingon si Abigail sa pinagmulan ng boses na iyon na hanggang ngayon ay kilalang-kilala pa rin niya.

'Francis…' Parang itinulos si Abigail sa kanyang kinatatayuan nang makita si Francis na nakatayo sa kanyang harapan. Kung maglaro nga naman ang tadhana. Minsan talagang todo-todo. Hindi na nga siya mapalagay kaninang ang girlfriend pa lang nito ang nakaharap niya. Talagang isinabay pa ng tadhana ang paghaharap nila pati ni Francis.

"Hey, it's really you." Lumapad ang ngiti sa mga labing ani Francis kapagkuwan.

"H-hi…" Ani Abigail habang iwini-wave ang isang kamay dito. Saka na niya na-realize na para siyang tanga sa iginawi niyang iyon. Agad niyang ibinaba ang kamay pagkaraan.

"I told her to stay. Para sabay na tayong kumaing tatlo. But I think she feels awkward." Napunta kay Liza ang atensiyon nilang dalawa ni Francis dahil sa sinabi nito.

Kung kanina ay nasa "flight" mode si Abigail, ngayon ay ang "fight" mode naman niya ang umiral. Sinusubukan yata talaga siya ng babaeng ito.

"Hindi naman sa ganoon." Inayos ni Abigail ang kanyang postura pagkasabi niyon. "Ikaw nga na ngayon lang dumating sa buhay ni Francis eh hindi naman na-o-awkward, 'di ba? Ako pa kaya na kabilang na lang sa nakaraan niya? It's been what?" Binalingan ni Abigail si Francis kapagkuwan.

"Seven, eight years? Since we've parted ways."

"It's been eight years, Abby…" Tugon ni Francis sa kanya sa seryosong mukha.

"Right. Oh by the way, congrats nga pala. After eight long years, sa wakas ay nagka-girlfriend ka na ulit." Ani Abigail saka siya nagpaskil nang napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi bago binalingang muli si Liza na ngayon ay tila nagpupuyos na sa galit ang mga mata. Kahit ganoon ay may nakapaskil ding napakatamis na ngiti sa mga labi nito. Oh well, patas lang sila kung ganoon. Pareho silang palaban. Ang kaibahan nga lang eh masyadong mapanubok ang babaeng ito.

Samantala, tila oblivious naman si Francis sa lihim nilang pagtatagisan ng tingin ni Liza. Mukhang hindi pa rin ito makapaniwala na nagkaharap silang muling dalawa in person after so many years.

"Thanks! Why don't you join us?" Pag-anyaya pa ni Francis sa kanya pagkaraan.

"As I've told Liza, may imi-meet pa kasi ako—"

"Hindi ka basta umiiwas lang, right?" Nakataas ang isang kilay na sansala ni Liza sa kanya.

Napatiim-bagang na si Abigail sa pagpipigil ng kanyang damdamin.

'Kanina ka pang babae ka, ha? Kung hindi lang ako magmumukhang hindi pa nakakapag-move-on, kanina pa kita sinupalpal na bruhilda ka! Hindi tugma ang pa-sweet mong mukha sa ugali mong bruha ka!' Nagpupuyos na saloobin ni Abigail. Ganoon pa man, pinilit pa rin niyang ngumiti. Magsasalita na sana siya para muling magpaliwanag nang may biglang humawak sa kanyang bewang.

"Aping…"

Sumikdo ang puso ni Abigail nang marinig ang boses na iyon at ang kanyang pet name na iisang tao lang ang tumatawag. Paglingon niya sa pinanggalingan ng boses ay parang lumukso ang puso niya mula sa kinalalagyan niyon.

"Dambo…"

"I decided to come over. Para hindi ka na mahirapang bumiyahe sa meeting place sana natin. Is it okay with you?" Nakatutok sa kanyang mga matang anito. Parang silang dalawa lang ang nandoon nang mga sandaling iyon.

Oh how she missed looking at those playful eyes! Binabawi na ni Abigail ang pagtatampo niya sa Panginoon. Hindi bale nang bigla Nitong iniharap sa kanya nang walang ka-warning-warning sina Liza at Francis basta't nasa harapan niya ngayon si David. Only now did she realize how much she missed him and how much she wanted to see him again.

Tikhim ni Francis ang nagpabalik ng atensiyon nila. Oh right! Abigail almost forgot, nandoon nga pala ang ex niya at ang bruhildang girlfriend nito.

"I'm sorry." Agad na paghingi ni Abigail ng paumanhin sa mga ito. "Si David nga pala. David, this is Liza, my client. And this is Francis, her boyfriend." Pagpapakilala niya sa mga ito.

"Is he your boyfriend?" Parang nasisiyahang tanong ni Liza pagkatapos nilang magkamay na tatlo. Hindi niya inasahan ang tanong nitong iyon kaya wala sa sariling napabaling ang tingin ni Abigail kay David.

"Hindi pa. I'm still trying my very best in pursuing her." Sagot ni David na tila hindi man lang nakakaramdam ng tensiyon. He looked relaxed, as if he's ready to face every question that will be thrown at him.

"Oh… Nasa getting-to-know stage pa pala kayo. That's fun! Why don't you join us?" Pag-anyaya na naman ni Liza sa kanila.

"I know it's rude to say no to an invitation. But as you've said, nasa getting-to-know stage pa lang kaming dalawa ni Abby. So, I hope you understand if I want to spend quality time with her. Anyway, sa kabilang table lang naman kami."

Nakahinga nang maluwag si Abigail sa sinabi ni David. Hindi naman sa nasasaktan pa siya habang kaharap sina Liza at Francis. Talagang awkward lang sa pakiramdam niya lalo na't ramdam niyang tila pinag-iinitan siya ni Liza.

"Hmm… That's so sweet of you. Sige na nga, pagbibigyan na namin kayo." Ani Liza.

"Thank you for understanding." Tugon ni David dito.

"Sure! No biggie! Ganyan din naman kami ni Francis no'ng kasisimula pa lang namin. Right, hon?" Baling ni Liza kay Francis na ngayon lang napansin ni Abigail na titig na titig pala sa kanilang dalawa ni David.

"Right…" Parang wala sa sariling sagot nito sa girlfriend. "But I hope to see you around again, Abby." Anitong sa kanya na nakatuon ang tingin. Na-awkward na naman tuloy si Abigail.

"Sure! Oo naman. I mean, bakit hindi? We're friends anyway. Right?"

Tipid siyang nginitian ni Francis. "Right. Pero ni hindi tayo nagkabungguan sa loob ng walong taon. Pakiramdam ko tuloy talagang iniiwasan mo ako."

"Of course not!" Mabilis na pag-deny ni Abigail. Pinapalabas ba nitong hindi pa siya nakaka-get-over dito?

'The nerve!' Abigail's ego talking.

'O bakit, talaga namang iniyakan mo pa siya ulit, 'di ba? Hindi ba't kaya ka nga napuntang bigla sa Siargao eh dahil sa ex mong iyan?' Pagpapamukha naman sa kanya ng bahaging iyon ng isipan ni Abigail.

"Kung gano'n, then let's set a date. Usap naman tayo for old time's sake. Liza wouldn't mind, alam naman niya ang history nating dalawa eh."

"I'm sorry to interrupt Pare, but I hope you just let this day pass. Respeto na lang sa girlfriend mo at sa'kin na manliligaw ni Abby."

Tila na-offend si Francis sa sinabing iyon ni David. Tumigas kasi ang ekspresyon ng mukha nito. Pero hindi naman na ito umimik pa na ipinagpasalamat na lang din ni Abigail.

Tumikhim si Abigail. "It was great talking with you, Liza. I'd be sure to relay every detail to Ricah. Don't worry about a thing." Aniya saka binalingan naman si Francis. "And it's nice to see you again Francis, after a very long time. Sige, alis na kami." Pagkatapos magpaalam ni David sa mga ito ay hinatak na ito ni Abigail palabas ng restaurant.

"Ang sabi ko sa kanila ay sa kabilang table lang tayo pupwesto—"

"At tingin mo talaga makakayanan ko pang manatili ro'n after that heated conversation?" Pinanlikahan ni Abigail ng mga mata si David pagkatapos ay hinatak ulit hanggang sa umabot sila sa parking lot. "Nasa'n ang sasakyan mo?" Nakapamaywang na aniya kapagkuwan. Pero napaatras naman siya nang dahan-dahang lumapit si David sa kanya. Titig na titig kasi ito sa mga mata niya habang humahakbang ito papalapit.

"H-hoy, a-ano'ng gagawin mo?" Nanlalaki ang mga matang singhal ni Abigail kay David nang akmang yayakapin siya nito at bahagya pa talaga itong yumuko sa kanya.

"Bubuksan ang sasakyan." Ngiting-ngiti namang anito saka narinig ni Abigail ang pag-beep ng sasakyan at ang pagbukas ng pintuan niyon. Nasa likuran na pala niya mismo ang sasakyan nito.

"Galing mong manghula kung nasa'n ang sasakyan ko ah. Get in, Ms. Beautiful." Sabi pa nito atsaka iniharang ang isang kamay para hindi siya mauntog sa sasakyan.

Inirapan pa muna ito ni Abigail bago siya tuluyang sumakay sa dala nitong itim na BMW. Pagkasakay ay saka lang niya pinakawalan ang kanina pa pala niya pinipigilang hininga.

'WhoO! Isa ka talagang Dambuhalang temptation!' Hiyaw pa ni Abigail sa loob-loob niya. Umayos siya nang pagkakaupo nang makasakay na rin si David.

"Where do you wanna eat, Aping?" Tanong nito sa kanya pagkatapos paandarin ang makina ng sasakyan.

"Bago iyan, ba't ka nga pala nando'n kanina?" Nagtatakang tanong ni Abigail dito. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Sa katunayan ay knight in shining armor pa nga ang tingin niya rito kanina dahil sa biglaan nitong pagsulpot kung kailan kailangan niya ng tulong. But she was really curious.

"My friend owns that newly-opened restaurant. Hindi ako nakapunta sa opening dahil nasa Siargao ako with a brokenhearted yet very beautiful lady, kaya ayun. Ngayon na lang ako pumunta to personally congratulate him."

"Gano'n ba? Papa'no yan? Eh 'di iniwan mo na agad `yung kaibigan mo? Kung bumalik na lang kaya tayo?" Nakokonsensiyang ani Abigail kapagkuwan.

Samantala, nginitian lang naman siya ni David na tila ba naa-amuse ito sa kanya. "Hey, everything's fine. Okay?" Ginagap nito ang isa niyang kamay na naghatid ng ilang watts ng kuryente sa kanyang pakiramdam.

Oh how she missed that kind of feeling when he's holding her hand… Isa yata iyon sa hindi niya pagsasawaan kapag naging sila na.

'Teka lang Abby, ha? Nag-iba yata ang ihip ng hangin?' Pagpapaalala na naman sa kanya ng isang bahagi ng kanyang isipan.

"Aping?" Bumalik ang atensiyon ni Abigail dito nang pisilin ni David ang kamay niyang hawak pa rin nito at nang tawagin na naman siya sa pet name nito sa kanya. It sounded so sweet to her ears. Iyon na yata ang equivalent ng lahat ng endearments para sa kanya.

'Oh my! You're so lovesick, Abigail!' Natatawa na lang si Abigail sa kanyang sarili. She really needs to close Francis' chapter in her life as soon as possible. Dahil siya man ay hindi na makapaghintay na harapin ang ngayon kasama ang Dambuhalang mamang ito na may hawak hindi lang ng kanyang kamay kundi pati na rin yata ng kanyang puso.

"Hmm?…" Animo nananaginip na tugon niya rito pagkaraan.

Bahagya itong tumawa. "You're acting like you're daydreaming. Kikiligin na sana ako kaso naalala kong nakita mo rin pala kanina lang ang ex mong iniyakan mo ng ilang linggo eight years after your breakup kaya umurong `yung kilig ko."

Natawa na rin si Abigail sa pinagsasabi nito pero hindi na lang muna siya nagkomento tungkol doon. She wants everything to be perfect between them. At hindi pa ngayon ang tamang panahon para aminin niya ang nararamdaman dito.

'Let's wait for that perfect moment, Dambo…' Sa loob-loob pa niya habang tinitingnan ito nang makahulugan.

"Bring me where you want to bring me assuming that it's our first date." Sabi niya pagkaraan ng ilang sandaling pakikipagtitigan dito.

Nagliwanag ang mukha ni David pagkarinig sa sinabi niya. "First date?" Parang batang binigyan ng candy na sabi pa nito.

"Assuming…" Abigail repeated just to tease him. Pero tila hindi naman ito naapektuhan. He was still beaming with joy. Parang natutukso tuloy si Abigail na sabihin ditong, oo, first date na nila iyon!

"Get ready, sweetheart!" Siyang-siyang anito saka pinaandar ang sasakyan. Tatawa-tawa naman si Abigail sa kakulitan nito.

Maya-maya ay tumigil sila sa isang tila exclusive na barbeque house. Exclusive dahil nasa loob iyon ng isang semi-exclusive subdivision. Para bang mga parokyano lang talaga ng naturang barbeque house ang pumupunta roon dahil hindi iyon ganoon ka-commercialized.

"I know it's not a fancy restaurant." Ani David pagkatapos siya nitong pagbuksan ng pintuan ng sasakyan para makababa. "But I wanted you to get to know another side of me, kaya dito kita dinala. This is one of the things that I wasn't able to do with my exes. Naramdaman ko kasing hindi sila open sa ganitong idea of a date. But this is me." Kibit-balikat pa nitong sabi. "I'm just a simple and ordinary man. Masaya na ako sa simpleng barbeque. And I really like it here kasi hindi crowded kagaya ng ibang barbeque house. So, I really hope that you'd still like me kahit hindi kita dinala sa isang mamahaling restaurant on our first date." Animo nahihiyang paliwanag nito sa kanya.

Mas lalo pa yatang nahulog ang loob ni Abigail dito dahil sa ginawa nito. His being authentic and true to himself is just so damn adorable!

Nginitian niya ito nang pagka-tamis-tamis kapagkuwan. "I love barbeques!" She blurted out which made him beam with joy once more.

"Really?"

"Uhuh…" Tumatango-tangong tugon ni Abigail. "Tara? Nagutom ako sa amoy ng barbeque eh!" Wika pa niya saka nagpatiuna na siyang maglakad papasok. Natigilan lang siya nang maramdaman ang paghawak nito sa kanyang kamay. Nilingon niya ito.

"Iba ka talaga." Ani David na may kasamang pagpisil sa kanyang kamay.

Napangiti si Abigail sa kilig na naramdaman. "Ikaw din naman. And I thank you for not hesitating to open up another side of yourself to me. I really appreciate it."

"Be ready for more to come, Aping. Sinasabi ko sa'yo, hinding-hindi na talaga kita pakakawalan pa. And by that, pwede na ba natin `tong sundan ng second date bukas?"

"`Oy, `oy, `oy! 'Di ba nga, sabi ko sa'yo kanina, assuming that it's our first date? Assuming lang, `no? Hindi pa talaga ito iyon. Friendly date pa lang `to. Tara na nga sa loob. Ginugutom mo naman ako eh." Si Abigail na mismo ang naghatak dito papasok dahil baka kung saan-saan na naman mapunta ang usapan nila. Mamaya niyan, hindi na talaga niya mapigilan ang sariling umamin dito.

But deep inside, she's really happy. This man really makes her happy. Ni hindi na niya maalalang nawindang nga pala siya kanina nang dahil kina Francis at Liza. Okupado na ngayon ni David ang kanyang puso't isipan. And she's just so excited to let him know how he makes her feel.