"AT DAHIL masyado na tayong seryoso, iibahin ko na ang linya nang pagtatanong ko." Ani David kapagkuwan.
Tinawag ni Abigail ang waiter at nagpadagdag ng isa pang baso ng rum coke. Naubos na kasi niya ang pangalawang baso niya. At bumalik na naman ang kabang naramdaman niya kanina nang dahil kay David.
"Game! What's your next question, mister?" Malakas ang loob na hinarap niya si David pagkaraan.
"How did you feel when I kissed you?"
Sa isang iglap ay ramdam ni Abigail na biglang nagsi-akyatan sa kanyang mukha ang lahat ng dugo sa kanyang katawan. Napalunok muna siya bago niya nakuhang magsalita. "D-do you r-really have to ask that…?"
"You're free not to answer it. Either way, ikaliligaya ko ang magiging decision mo."
"Pervert!" Bulalas niya. Samantala, pinagtawanan lang siya ng walang-hiyang dambuhalang si David.
Napakagat-labi si Abigail nang bumaba sa mga labi nito ang kanyang tingin. Naalala na naman niya ang halik na kanilang pinagsaluhan kanina. Sasagutin ba niya ang tanong nito o hahalikan niya ulit ito?
'Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?' Napu-frustrate na saloobin ni Abigail.
"I didn't expect that it would feel good." Yukong-yukong sagot ni Abigail maya-maya saka siya muling nag-angat ng tingin dito. "Okay, ako naman ang magtatanong."
"Teka! Ang daya naman yata." Protesta agad nito. "Ikaw, ang dami mong pa-follow-up question kanina o pagpapa-explain sa'kin. Tapos ikaw, ganyan lang ang isasagot mo sa'kin? Hindi naman yata ako makakapayag sa ganyan, Aping. Ang unfair mo, ha?"
"Ano pa ba kasi'ng ipa-follow-up question mo sa gano'ng tanong, ha? Iyong akin kanina, natural lang naman na may karugtong pa `yung tanong kasi malawak `yung sakop ng tanong ko. Eh `yung sa'yo?"
"Ipaliwanag mo kung ano'ng ibig sabihin no'ng good na sinabi mo. Good in what way? And how good? I-describe mo kaya?"
"Pervert ka talaga, `no?" Angil niya rito.
He smiled at her sheepishly. Nairapan tuloy niya ito.
"Fine." Nagbuga si Abigail ng hangin. "Hindi ko in-expect na magugustuhan ko `yung pakiramdam when we kissed, given the fact that I'm still heartbroken. I mean, I'm supposed to still be hurting over my ex, right? Kaya hindi dapat ako nag-i-enjoy na makipaghalikan sa iba. And yet…" Napatingin ulit si Abigail sa mga labi nitong nakangisi na ngayon. "Obvious naman sigurong naging mainit `yung pagtugon ko sa halik mo kanina, 'di ba?"
Tumango-tango ito. Pero hindi na nahiya pa si Abigail. Ano naman ngayon kung inamin niyang na-enjoy niya ang halik nito? Hindi naman siguro iyon kabawasan sa pagkababae niya. Isa pa, David was not that kind of guy. He would not judge her just because of that.
"Okay na, Dambo? Masaya ka na sa sagot ko?"
Tumawa ito. "Pwede na rin. Kahit hindi mo pa rin d-in-escribe how good it was."
Hinampas niya ito sa braso. "Itsura mo! Asa ka pang sasabihin ko, `no!" Nagtawanan silang dalawa kapagkuwan. "Okay, ako naman ang magtatanong." Tiningnan ni Abigail diretso sa mga mata si David kapagkuwan.
"Hindi ka ba nagsisisi sa kapangahasan mong iyon? I mean, that could've surely ruined your reputation from me. Pwedeng dumistansiya ako sa'yo dahil sa ginawa mong iyon."
"Nope." Mabilis nitong sagot. "At hindi ko rin naman hahayaang lumayo ka sa'kin. If you did, then I'd do my best to earn your trust again. That's just that."
"Gano'n?" Nakataas ang isang kilay na aniya. Tumango naman si David bilang tugon. "Ibig sabihin, pwedeng gawin mo ulit iyon?"
His eyes suddenly became playful. "Do you want me to?" He asked seductively.
"Hoy!" Dinuro ito ni Abigail at pinanlakihan ng mga mata. "Tinatanong lang kita kasi para makapaghanda ako at mukhang pervert pala talaga `tong nakasama ko sa Siargao." Ipinaypay ni Abigail ang mga kamay sa kanyang mukha kapagkuwan dahil sa init na kanyang naramdaman. Parang pinagpawisan siyang bigla. Epekto ba iyon ng tatlong basong rum coke na ininom niya?
Samantala, hayun at pinagtatawanan lang siya ng dambuhalang si David. Enjoy na enjoy pa yata ito sa nangyayari.
"Pinag-iisipan ko na nga ang susunod kong tanong sa'yo eh. `Yung gugustuhin mong gawin na lang ang dare kesa sa sumagot." Mapanuksong anito kapagkuwan.
Tinapunan ito ni Abigail nang nakamamatay na tingin bago niya tuluyang inubos ang pangatlong baso ng rum coke atsaka nagpadagdag ulit.
"Hinay-hinay lang, ha? Baka hindi mo pa lang nararamdaman ang pagkahilo kasi hindi ka pa tumatayo. Pero baka hindi ka na makalakad nang maayos niyan. Pang-apat na baso mo na iyan, ineng." Inagaw ni David ang hawak niyang baso atsaka muling ibinaba iyon sa mesa.
"Alam mo, hindi rin talaga kita ma-gets eh. May pagka-pervert ka pero ikaw lang yata ang alam kong pervert na ayaw malasing ang subject of interest niya."
Ngumiti ito ng pilyo. "I don't want my subject of interest get drunk when I'm about to get intimate with her, that's why."
Nag-init na naman ang mga pisngi ni Abigail sa pinagsasabi nito.
"O siya, sige na! Sino na ba'ng magtatanong?" Pag-iiba na niya ng usapan. Umiinit na kasi ang pakiramdam niya. Parang tama nga ito. Parang may tama na nga yata talaga siya. Patay!
"My turn." Itinaas nito ang isang kamay saka hinawakan ang kanyang baba para iharap ang mukha niya rito. "'Pag hinalikan ba kita ulit, iiwasan mo'ko? Or do you think you'd kiss me back the way you did earlier?"
'I think I'd be even more passionate the next time.' Nagulat si Abigail sa sagot na iyon na nagmula sa kanyang isipan. Seriously?
Naipilig niya ang kanyang ulo dahil sa hindi niya inaasahang sagot na iyon.
'Oh, for Christ's sake, Abigail! Umayos ka nga! Nasaan na ang clear differentiation of your feelings sa step number five mo?' Saway pa niya sa sarili kapagkuwan.
"Does that mean na iiwasan mo na talaga ako?" Ipinagkamali yata ni David ang ibig sabihin nang pag-iling niyang iyon.
'Kapag sinabi kong iiwasan ko siya pero hindi naman iyon ang gagawin ko sakaling halikan nga niya ako ulit, eh 'di ang laki kong katatawanan no'n?' Pagkausap ni Abigail sa sarili habang matiim siyang nakatingin kay David na naghihintay sa kanyang sagot. 'Kapag sinabi ko naman na I'd kiss him back like how I did earlier, eh 'di para ko na rin sinabi sa kanyang inaasam kong halikan niya ako ulit?'
Naipikit niya nang mariin ang kanyang mga mata. Ano na, Abigail? Pagmulat niya ay napako sa mga labi ni David ang kanyang mga mata. Parang bigla iyong naka-zoom-in ngayon sa pananaw niya. Then she suddenly had the urge to kiss him. Without giving her brain a chance to think anymore, she tip-toed a bit, para magpang-abot ang kanilang mga mukha. Kahit kasi pareho silang nakaupo ay talagang mataas pa rin ito sa kanya.
Samantala, kitang-kita naman ni Abigail ang dahan-dahang paglaki ng mga mata ni David habang papalapit siya sa mukha nito. Siguro ay hindi nito inasahang gagawin niya iyon.
'Now it's your turn to get caught off guard, mister.' Sa isip pa ni Abigail bago niya ipinikit ang mga mata at tuluyang inangkin ang mga labi ni David na bahagyang nakaawang sa pagkabigla sa iniakto niya.
It was supposed to be just a short kiss. Just a peck on his lips. Kaya lang ay nang nag-landing na ang mga labi ni Abigail sa mga labi nito ay parang ayaw pa niya agad iyong pakawalan. She wanted to feel his lips a bit more. At pinagbigyan niya nga ang sarili.
She claimed his lower lip and softly bit it in between her teeth. Nakakagigil kasi ang malambot nitong mga labi. Parang marshmallow. At mas ginanahan pa siyang palalimin ang pinagsasaluhan nilang halik nang sapuin ni David ang gilid ng kanyang leeg. His hand felt so warm on her skin that she wanted to moan. Pero boses yata nito ang narinig niyang animo napaungol. It's when their tongues met.
'Oo nga, boses nga iyon ni Dambo.' Abigail felt joyful knowing that she was able to arouse him that way. Pero teka, arouse? 'Ano'ng klaseng kapangahasan `tong pinaggagawa mo, Abigail?!' Saway niya sa sarili. Itutulak na dapat niya si David pero naunahan siya nito.
Sa pagkabigla ni Abigail ay marahan siyang inilayo ni David sa katawan nito. Hawak pa rin ang kanyang mga balikat, humugot ito nang malalim na hininga atsaka sinalubong ang kanyang tingin. "Kung ako lang ang papipiliin, I wouldn't want to stop that mind-blowing kiss that we shared just now. Pero kagaya nang sinabi ko sa'yo kanina, I want my subject of interest to be fully aware if I'm getting intimate with her. Ayo'ko nang nakainom lang kaya malakas ang loob na halikan ako o makipaghalikan sa'kin. Do you understand?"
"Ang daming sinasabi, samantalang kanina eh gustong-gusto naman niyang gawin ko `yung dare." Pabulong na paghihimutok ni Abigail saka uminom sa baso ng rum coke.
Natawa si David sa tabi niya. Tinapunan naman niya ito nang nanlilisik na tingin, over the rim of her glass while she was still drinking.
"Hindi ko naman po kasi sinabing hindi ko gusto, 'di ba? Ayo'ko lang mapunta tayo sa kung saan kaya itinigil ko na bago pa tayo masyadong madala."
"Bla bla bla. My turn." She rolled her eyes then faced him once more.
"Okay, game!" Umayos naman ito nang pagkakaupo at sinalubong ang tingin niya.
"This one's a bit tricky though. Babawi lang ako sa pagpapahirap mo sa'kin kanina."
Lumabi ito. "Okay. Sige, tatanggapin ko iyan."
"Tingin mo may makikipagsayaw sa'yong babae diyan sa dance floor? If yes, then go ahead and prove it to me. If not, then you should do my dare."
Pinasingkit nito ang mga mata. "Why do I have this feeling that the dare that you want me to do is to dance with someone?"
Napahalakhak si Abigail. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan dahil sa pananakit niyon dahil sa sobra niyang pagtawa. "Sakto!" Bulalas pa niya nang mahimasmasan siya maya-maya.
"Are you sure you'd want me to dance with somebody else?"
"Bakit hindi? Nagkakatuwaan tayo dito, 'di ba? So ano, sasagutin mo ba o gagawin mo na nang diretso ang dare?"
"Whatever I decide on, gano'n pa rin naman. You're so clever that I'm still gonna end up asking for someone to dance with me." Napapailing-iling na anito saka muling uminom.
Tatawa-tawa pa ring tumango si Abigail. Pero nang tumayo si David at nilapitan ang unang babaeng nakasalubong nito ay tila tumigil sa pagtibok ang puso niya. They talked for a little while and then they headed straight to the dance floor. Nagsasayaw na ang mga ito!
At ang malanding babae, ang lagkit-lagkit nang pagkakatingin kay David! May pa-hawak-hawak pa ito sa dibdib ni David habang sumasayaw!
'Ang landi—i!' Nanggigigil na hiyaw ni Abigail sa loob-loob niya.
'Ginusto mo `to Abigail, hindi ba?' Pagpapamukha naman sa kanya ng bahaging iyon ng isipan niya kapagkuwan. Nainis tuloy si Abigail sa sarili. Ano ba kasi'ng nakain niya at iyon pa ang ipinagawa niya kay David? At ang walang-hiyang dambuhala, ni hindi man lang nagpabebe. Ayun at ang bilis kumilos para kumuha ng babaeng makakasayaw nito!
Naikuyom ni Abigail ang isa niyang kamao habang ang isa ay hawak ang baso ng rum coke. Inisang lagok niya iyon kapagkuwan, hindi pa rin iniaalis ang tingin sa dalawang nasa entablado. Hindi naman nagtagal ay bumalik na rin si David sa mesa nila.
"Masaya ka na? Nagawa ko na ang dare." Anito pagkaupo atsaka ni-refill ang shot glass at agad ininom iyon.
"Parang ikaw naman ang masaya sa dare na iyon eh." Hindi mapigilang paghihimutok ni Abigail.
"Ha?" Animo nagtatakang binalingan siya nito.
Biglang tumayo si Abigail atsaka hinatak ang kamay ni David.
"Uuwi na ba tayo, Aping?" Naguguluhang anito sa kanya pagkatayo nito.
Binigyan niya ito nang matalim na tingin. "Gusto ko ring sumayaw." Ani Abigail saka wala nang sabi-sabing hinatak ito pabalik sa dance floor. This time, si Abigail naman ang humahawak sa dibdib nito habang nagsasayaw sila. Sa una ay nagulat pa si David sa iniakto niya. Pero maya-maya ay nag-enjoy na rin ito sa pakikipagsayaw sa kanya. Nawala na rin ang paghihimutok ng loob ni Abigail. Ang natira na lang ay ang saya sa kanyang pakiramdam.
She's not thinking about Francis anymore. Ini-enjoy na lang niya ang gabi. Oo, nagagawa na niyang i-enjoy ang gabi at ang kanyang sarili. Siguro nga ay talagang nakatulong din ang hindi niya pagpigil sa sariling iiyak ang lahat ng luha na gusto niyang iiyak. Ang pagbibigay niya ng pagkakataon sa sariling malayang alalahanin ang nakaraan nila at mapag-usapan ang mga alaalang iyon. Hindi kagaya noon na pinilit niya ang sariling iwaksi si Francis sa kanyang isipan para hindi na siya malungkot pa. And now she feels a little bit better. Thanks to this man who helped her go through with her pain.
Natalisod si Abigail pero hindi naman siya bumagsak sa sahig dahil naging mabilis ang mga braso ni David sa pagpulupot sa kanyang bewang.
"Epekto na `yan ng apat na baso mong rum coke. Maybe it's time for us to go back to the hotel?" Pasigaw nitong sabi sa kanyang tenga para magkarinigan sila.
Ipinaikot ni Abigail ang kanyang mga braso sa leeg nito atsaka idinikit ang kanyang bibig sa tenga nito. "Ayo'ko pang umuwi."
"But, you're already tipsy. Baka nga lasing ka na."
"But, I still want to dance." Ungot niya.
"Tayo lang ang nagso-slow dance dito ngayon, Aping. Kung hindi mo pa alam." Naa-amuse na anito sa kanya.
Inilibot ni Abigail ang tingin sa paligid. Oo nga, sila lang ang nagso-slow dance. Eh maano ba?
"Ayaw mo'kong kasayaw? Gusto mo ulit `yung babaeng kasayaw mo kanina?" Nakalabing aniya rito.
"Next time, don't make me do silly things kung hindi mo naman pala kayang sikmurain. Hindi pa man tayo pero nagseselos ka na."
"Sabi nino?" Naghahamon niyang tugon dito. Pinipilit i-angat muli ang kanyang natitirang pride.
"Sabi niyang nanghahaba mong nguso." Idinikit nito ang hintuturo sa kanyang mga labi pagkasabi niyon.
Walang habas na niyakap ni Abigail si David. "You're right." Pag-amin niya. Siguro ay epekto na rin iyon ng alcohol kaya hindi na siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya. "I got jealous when you danced with somebody else. I really don't know why. Siguro ayo'ko lang maagawan ulit ng iba?" Lumayo siya nang bahagya kay David para salubungin ang mga mata nito.
"Whatever the reason is, masaya na akong malamang hindi mo'ko hahayaang mapunta sa iba. That's more than enough for me. For now…" Ito naman ang humatak sa kanya para muli silang magyakap. Kontento namang nagpakulong si Abigail sa matitipuno nitong mga braso. Pagkatapos ay muli silang nagsayaw ng slow dance na parang mga baliw. Habang ang lahat ay upbeat ang pagsasayaw dahil sa upbeat ding music.
Wala ng pakialam si Abigail sa maaaring isipin ng ibang tao sa kanila sa ginagawa nilang iyon. Basta't komportable siyang nakayakap kay David ngayon. And they both just continued dancing sweetly with each other.
Step Number Nine: Huwag hayaang mapunta ang atensiyon ng "distraction" mo sa iba kung hindi mo naman pala kayang sikmurain sa pakiramdam iyon.
'This is another segue from my goal of moving-on from my ex, but what can I do? Eh sa iyon ang nararamdaman ko. Kung gumawa na lang kaya ako ng bagong goal? Oh, Abby. You.are.such.a.mess.'