UM-ORDER ng isang bote ng tequila si David para sa sarili samantalang rum and coke cocktail naman ang pinili nito para sa kanya.
Habang umiinom ay pinagmasdan ni Abigail ang mga tao sa paligid. May mga naglalaro ng billiards sa isang parte. May nagsasayawan. Meron ding mga nagkukuwentuhan lang pero lahat ay may ngiti sa mga labi. Nang ibalik niya ang tingin kay David ay napagtanto niyang silang dalawa lang yata ang hindi nakangiti sa bar na iyon habang nagkakasiyahan ang lahat. Kung bakit bumaba rin ang mood nito kagaya niya ay hindi niya alam. Nagkwento na lang siya para mabawasan ang katahimikan sa pagitan nila.
"Siguro kung kami pa rin at nasa ganitong edad na kami, nakapag-tour na rin siguro kami kagaya nito. Ang bata pa kasi namin no'ng naging kami eh. Wala pa kaming mga budget para magliwaliw. Ang simple-simple lang ng mga dates namin no'n. Pero kahit gano'n, masaya pa rin naman. Alam kasi naming mahal na mahal namin ang isa't-isa. We even talked about getting married someday." Napabuga si Abigail ng hangin pagtawa niya. "Silly, right? Knowing na heto kami ngayon at malayong-malayo na sa isa't-isa." Inisang lagok ni Abigail ang kanyang inumin kapagkuwan. Baka sakaling malunok niya pati ang mga nagbabadya niyang luha.
Tinawag ni Abigail ang waiter pagkatapos at um-order ulit ng isa pa. Habang si David ay ni-refill na lang ang shot glass nito.
"Naranasan mo na ba ang masaktan nang ganito?" Tanong ni Abigail kay David pagdating ng pangalawa niyang basong alak.
"I thought you would never ask about me." May pait sa boses na anito na ikinapagtaka niya. Magtatanong pa sana si Abigail kung ano'ng ipinagkakaganoon ni David pero nagsalita na itong muli.
"I never got the chance to really love someone and be loved." Anito atsaka inisang lagok ang laman ng shot glass na kaka-refill lang. At hayun at nire-refill ulit iyon.
May problema rin kaya itong pinagdaraanan?
"Nakailang relasyon ka na ba? Baka naman kasi playboy ka." Tanong ulit ni Abigail habang matiim na pinagmamasdan ang mga kilos nito.
"Tatlo, and no." Uminom ulit ito atsaka akmang magre-refill ulit pero pinigilan na ito ni Abigail.
"Teka nga. Ba't ba nagmamadali kang uminom diyan? Akala ko ba hindi tayo maglalasing? Tequila `yang iniinom mo, Dambo. Baka akala mo."
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Do you really care?" Tunog naghihinakit na tanong nito. Parang binuhusan nang malamig na tubig si Abigail dahil sa tanong nitong iyon higit lalo na sa pait na nakikita niya sa mga mata nito ngayon.
"May problema ba tayo? Galit ka ba sa'kin? Ang pagkakaalam ko, ako `tong nawala sa mood dahil sa tawag na natanggap ko. Pero ba't ikaw yata ang mas nawala sa mood sa'ting dalawa?"
Umiling ito atsaka nagpakawala ng isang buntong-hininga. "Wala. Don't mind me. Go on. Continue what you were telling me earlier about your ex."
"Iyan ba ang dahilan kaya nawala ka sa mood?"
"Abby, ituloy mo na `yung kwento mo."
"David, binalaan kita no'ng lumapit ka sa'kin. Sabi ko, nasa sa'yo kung kaya mong makakita ng babaeng basta-basta na lang humahagulhol ng iyak at kung kaya mong makarinig ng mga hinanakit ko dahil sa ex ko. Sabi mo, okay lang. That you'd be there for me. In-encourage mo pa nga akong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko, 'di ba? 'Di ba nga sabi mo, kung ma-miss ko siya dahil sa pagsusulputan ng mga alaala naming dalawa, namnamin ko lang `yung pakiramdam. Hanggang sa maka-recover na ako. Kaya bakit ngayon parang ipinapamukha mo sa'kin na nauumay ka na kakapakinig sa'kin?" Naghihinanakit na rin ditong buwelta niya. Kagaya rin ba ito ni Francis na hindi mapanindigan ang mga pangako sa kanya?
"I'm sorry, okay?" Inihilamos nito ang mga kamay sa mukha na parang napu-frustrate. "Hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman ko. Malakas ang loob ko no'ng sabihin ko iyon sa'yo siguro dahil hindi pa naman malalim ang atraksiyong nararamdaman ko para sa'yo. But having spent some more time with you, nagsisimula na yata akong maging makasarili. Gusto ko nang tanggalin sa memorya mo ang lalaking iyon kung pwede lang, para hindi ko na marinig ang pait sa boses mo sa tuwing nagkukwento ka tungkol sa kanya. Para hindi ko na makita ang lungkot sa mga mata mo. And…I want you to talk about us instead." Yumuko ito atsaka tumawa ng hilaw. "Selfish, right?" Anito nang mag-angat ulit ng tingin sa kanya. "I'm sorry for disappointing you." Tila nahihiyang anito pagkaraan.
"David, alam mong hindi pa ako nakaka-recover sa ex ko. Kaya nga ako pumayag na magpunta sa islang `to, 'di ba? Pwede ko namang madaliin ang proseso eh. Pwede kong ibaling nang tuluyan ang atensiyon ko sa'yo. Dahil tama ka naman, I'm attracted to you as well. Pero matutuwa ka ba kung gagawin ko iyon, knowing na baka hindi ko pa talaga tuluyang nakalimutan ang ex ko? Na baka maging rebound ka lang talaga? Kasi ako, ayo'ko nang ganoon. Ayo'kong makasakit ng ibang tao kung pwede namang iwasan. You've been so good to me. Ayo'kong suklian ng sakit ang kabutihan mo sa'kin."
Step Number Seven: Kung sakaling nagkaroon ka nga ng "distraction", be sure to remind him that you haven't completely healed yet. That you are still broken. And be sure to remind yourself as well that you shouldn't break him in the process of your moving-on.
'Okay, segue na `to sa pagmo-move-on ko sa ex ko. Pero ano'ng magagawa ko? I've been hurt damn too much. I shouldn't just go around breaking somebody else's heart, right? Nasaan naman ang konsensiya ko no'n, 'di ba?'
"I know. I understand. Can you still forgive me?" Pagsusumamo nito.
Lumambot agad ang puso ni Abigail dito. Para kasi itong baby nang mga sandaling iyon. Tuloy ay napatayo si Abigail para tabihan ito. Pagkatapos ay kinintalan niya ito ng halik sa pisngi na ikinabigla nito.
"Hey… W-what was that for…?" Gulat na tanong nito.
"For being a baby." Nginitian niya ito nang matamis. Natawa naman ito sa sinabi niya. "So, pwede mo na bang ipagpatuloy `yung kwento mo kanina tungkol sa lovelife mo?" Pang-uusisa ulit ni Abigail dito kapagkuwan.
"We're not here to talk about me. We're here to talk about you and your ex. I'm ready to listen once more. Kaya sige na, ikuwento mo na lahat nang maaalala mo para maubos na `yang kwento n'yo." Balik na sa pagiging makulit si David at ikinatuwa talaga iyon ni Abigail. Ayaw niyang nakikita itong tila malungkot o may dinaramdam. Gusto niya lagi lang itong ganoon, masaya at makulit.
"Nah." Lukot ang ilong na tugon ni Abigail. "Nagsawa ako bigla. May bukas pa naman eh. Bukas na lang ulit natin pag-usapan si ex. Let's talk about you and your past for tonight. Bigla akong na-curious sa sinabi mo kanina eh."
Hinarap siya nito at sinalubong ang kanyang tingin. "How about we play some game?"
Na-curious si Abigail. "Ano'ng game…?"
"Let's ask each other one question. And then we get to decide if we would answer it or do a dare."
"Truth or dare?"
"Hmm…" Ikiniling ni David sa isang gilid ang mukha nito sa anyong nag-iisip. "Sort of. Iyon nga lang, sa game na `to, malalaman na natin ahead ang tanong saka tayo magde-decide kung gusto nating sagutin o gawin na lang ang dare."
"Pa'no naman `yung dare? Pwede bang malaman na lang din natin ahead?"
"Well, simple lang naman ang dare na ipagagawa ko sa'yo eh. Isang bagay lang na pa-ulit-ulit mong gagawin sa tuwing hindi mo sasagutin ang tanong." Paliwanag ni David saka pinakatitigan siya nang matiim.
Hindi sinasadyang napalunok si Abigail. "A-ano naman iyon…?" Halos pabulong na niyang tanong. Parang bigla kasi siyang na-tense sa tiim nang pakakatitig nito sa kanya.
"You just have to kiss me…on the lips."
Naumid nang ilang sandali ang dila ni Abigail dahil sa kapilyuhang naisip nito.
"Taking advantage ka naman yata!" Reklamo niya maya-maya nang mahimasmasan na siya. Tumawa ito nang malakas.
"You always have a choice, my dear. Buti ka nga alam mo na ahead ang dare ko sa'yo eh." Tatawa-tawa pa ring anito. "Feeling chicken now?" Panunukso nito nang hindi pa rin siya pumapayag. "Kung ayaw mo nang naisip ko, eh 'di uwi na lang tayo. Tutal tapos ka nang magkwento tungkol sa ex mo, 'di ba? Tara, matulog na lang tayo at—"
"Game!" Pikit-matang bulalas ni Abigail.
Samantala, ang lawak-lawak naman nang pagkakangiti ni David ngayon sa kanya. "Okay! At dahil gentleman ako, you can ask me first."
Inirapan niya ito. "Gentleman daw." She murmured which made him laugh again. "Okay, so ano'ng nangyari do'n sa tatlong exes mo? Ba't sabi mo kanina hindi ka pa talaga na-in-love?"
"Isang tanong lang, 'di ba?" Nakataas ang kilay na anito.
"Hay naku! Sagutin mo na lang kasi with an explanation. Ang aga pa para gustuhin mong gumawa ng dare. Kaya dali na, bilis! Sagot na." Na-curious talaga si Abigail sa istorya ng buhay nito dahil sa sinabi nito kanina.
Parang hindi kasi siya makapaniwala na hindi pa ito nai-in-love. Sa pagka-hunk nitong iyon? Tiyak na ilang babae na ang ginustong makuha ang atensiyon nito. Lalo na kung nakilala ng mga ito nang lubusan ang pagkatao nito. David was a great guy. Anyone could really fall for him.
'Kasali ka, Abigail?' Pagpaparinig sa kanya ng bahaging iyon ng isip niya na hindi na muna niya pinagtuunan ng pansin. It was too soon to even think about it. Isn't it?
Nagkibit-balikat ito. "Mabababaw lang naman kasi `yung mga naging past relationships ko. Lahat hindi nagtagal. Naging kami lang because we were mutually attracted to each other. Pero no'ng naging kami na, I really don't know why, pero parang hindi na sila nag-abalang kilalanin pa ako nang lubusan. Paglipas ng ilang buwan, nakipaghiwalay na ako sa kanila. Ayaw pa nila sa una pero parang hindi naman talaga dahil sa nanghihinayang sila na mawala ako sa buhay nila. Parang nanghihinayang lang sila na mawalan ng trophy boyfriend. Not that I consider myself mighty, okay? Pero parang gano'n kasi `yung trato nila sa'kin. Ipinapakilala sa friends nila, isinasamang mamasyal sa malls, parang for the sake of publicity lang."
Hindi maiwasang mapangiwi ni Abigail. Parang gusto niyang kutusan ang mga babaeng iyon. Bulag at tanga ba ang mga ito? Bakit hindi nakita ng mga ito kung ano'ng kawalan si David sa buhay ng mga ito?
"Ang chaka naman ng exes mo. Oh sorry!" Tinakpan ni Abigail ang bibig saka humingi ng paumanhin. "I don't mean to badmouth them naman. Pero nakakaimbyerna lang din talaga eh."
Ngumiti ito ng pagak. "They're all in the past anyway." Anito saka nag-refill ng shot glass bago siya muling binalingan. "So… Ako naman ang magtatanong." Naggalawan ang bagang na anito habang titig na titig sa kanya.
Kinabahan tuloy si Abigail. Napainom siyang bigla sa kanyang rum coke. "Basta ba wala lang malalaswang tanong, okay?"
Tumawa si David. "Baliw. Tingin mo naman sa'kin, magtatanong ako nang gano'n?"
"Mabuti nang makasiguro." Inirapan niya ito.
"Okay. Sakaling makita mo dito ngayon ang ex mo, ano sa tingin mo ang gagawin mo?"
Napakurap-kurap si Abigail. "Seryoso ka ba sa tanong mong iyan?"
"Yup! Bakit?"
"Akala ko kasi magtatanong ka ng mga bagay for your own advantage. Hindi ko lang inasahang tungkol sa ex ko ang itatanong mo."
Nagkibit-balikat ito. "Darating din ako sa gano'ng klaseng mga tanong maya-maya. Kaya 'wag kang atat, Aping. For now, gusto kong malaman ang magiging reaction mo kung sakali, given that situation."
Napainom ulit si Abigail sa kanyang rum coke. Pagkatapos ay iniikot-ikot niya iyon sa kanyang kamay habang inililibot ang mga mata sa paligid. Maya-maya ay napako ang tingin niya sa dalawang magkaparehang nagsasayaw sa dance floor. Matangkad din kasi ang lalaki kagaya ng kanyang ex at maliit din ang babaeng kasama nito na may pagka-chubby kagaya ng bagong girlfriend ni Francis.
Parang biglang pumait ang kanyang panlasa samantalang kanina ay nasasarapan naman siya sa iniinom niyang rum coke. Ibinalik niya ang tingin sa kanilang mesa pagkaraan atsaka yumuko sa hawak niyang baso.
"I honestly don't know." Halos pabulong lang niyang sabi. Maya-maya ay humugot siya nang malalim na hininga atsaka nag-angat muli ng mukha kay David. "Sa ngayon, may bitterness pa rin talaga akong nararamdaman kahit ini-imagine ko pa lang na sila `yung isang magkaparehang nagsasayaw diyan. Ewan ko na lang kung totoo talagang sila ang nandiyan. But I would like to think that I'm matured enough not to cause a scene. Siguro iiwas na lang ako?" Hindi sigurado sa sagot na aniya sabay salubong sa mga mata ni David.
Tipid naman itong ngumiti sa kanya at marahang pinisil ang kanyang baba. "Good girl. Don't worry, sakali mang makita mo sila bigla at kasama mo naman ako, hindi naman kita pababayaan." There was too much sincerity in his eyes when he said those words that it instantly made her feel good again. Masarap na ulit ang rum coke ngayon sa panlasa ni Abigail.
"Thank you." Sinsero rin niyang tugon dito.
"Anything for you, Aping." Matamis siya nitong nginitian. "Okay, your turn again."
"Hmm… Sakaling mabigyan ka ng pagkakataong makipagbalikan sa isa sa mga exes mo, kanino at bakit?"
"Seriously?" Parang hindi rin makapaniwala sa kanyang tanong nito.
"Uhuh. Malay ko ba kung may what if's ka rin diyan sa puso mo, 'di ba? Mabuti nang malaman ko na ngayon pa lang. But of course, you're free to choose kung sasagutin mo `yun o hindi and just do a dare."
"Honestly, hindi na sumagi sa isipan kong makipagbalikan pa sa kahit isa sa kanila. Pero siguro may gusto lang akong itanong."
"Ano naman iyon?"
"Teka, 'di ba dapat isang tanong lang?"
Natawa si Abigail. "Oo nga. Kaya lang, wala ka naman palang gustong balikan sa kanila, so hindi mo na nasagot `yung tanong na bakit."
"Ikaw, ha?" Kiniliti siya nito sa tagiliran. "Iniisahan mo yata ako sa game na `to."
Abigail showed him her sweetest smile. Napatitig naman ito sa kanya saka napapikit nang mariin.
"Oh my. You're even deliberately doing it!"
Napabunghalit na talaga nang tawa si Abigail. "Sagutin mo na lang kasi, dali…" Pamimilit pa niya rito maya-maya.
"Gusto ko lang silang tanungin kung bakit hindi nila ako nagawang mahalin. Kung sa'n ako nagkulang. Kung ano pa `yung pwede ko sanang gawin para sana nagkaroon man lang ng halaga iyong past namin. Kagaya ng sa inyo ng ex mo."
Wala sa loob na napatingin sa sahig si Abigail. "Trust me, you wouldn't want to feel this pain that I'm feeling because of the past."
"But I do, Abby."
Napaangat muli ng tingin dito si Abigail. May pagtatanong sa kanyang mga mata.
"They all say that love is worth it. And I feel like I'm a fool, because I never got the chance to experience it. Kaya naiinggit ako sa'yo. Sa inyo ng ex mo. For what you've shared together. Isn't it good to know that once in your life, you know that someone really loved you for real? And you also felt it in your heart that you gave him your all?"
Animo wala sa loob na napatango-tango si Abigail. "Sabagay. May punto ka diyan." Humugot na naman siya nang malalim na hininga. "Thinking about it now that you've mentioned it, tama ka nga. I feel contented knowing that we've really loved each other before. Hindi nga lang talaga nag-work ang lahat para sa'min, to be able to stay together. But at least we really tried…" Parang nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Abigail pagkatapos ng reyalisasyong iyon. Then she looked at David. This man is really an angel in her life.
"Thank you Dambo, ha?"
Nagtaka ito. "For what…?"
Ngumiti siya nang bahagya. "For helping me realize some things. Kasi kung ako lang, malamang na mag-dwell lang talaga ako sa hurt, sa pain. Hindi ko maiisip ang good things na ibinunga ng nakaraang iyon."
Step Number Eight: Don't just dwell on the pain that you're feeling. Think of all the good things that came out of your past relationship. Have some moment to really realize how it helped you become a better person.